You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

SORSOGON STATE COLLEGE


Departamento ng Edukasyon
Lungsod Sorsogon

2nd Sem. T.P. 2020-2021

Oliver H Estareja Jr
BSED-FILIPINO 2A

CIRIO H. PANGANIBAN

-Si Cirio H. Panganiban ay isang manananggol at naging malaking bahagi sa


kasaysayan ng panitikang Pilipino. Isa siyang makata, kwentista, mandudula,
mambabalarila at guro pa ng wika. Sa kanyang pagiging kuwentista ay naiambag
niya sa panitikan ang kanyang kuwentong Bunga ng Kasalanan na nalathala sa
Taliba noong 1920. Ito ang naging palatandaan na nauunawaan na ng mga
manunulat na Pilipino ang tunay na kaanyuan ng isang maikling kuwento. Ito rin
ang naging dahilan upang tanghalin si Panganiban na kuwentista ng taong 1920
dahil sa boto ng mga mambabasa ng magasing Liwayway.

-Sa larangan ng dula ay napabantog ang kanyang iisahing yugtong dula na may
pamagat na Veronidia noong 1927 kung saan ginamit niya ang sagisag sa panulat na
Crispin Pinagpala. Tinanghal ang dulang ito sa Dulaang Zorilla sa pamamahala ng
Samahang Ilaw at Panitik. Sinasabi ng mga kritiko na ang Veronidia ay nagpasigla at
nagbigay-halaga sa dulang Tagalog.

-Bilang makata kung saan siya higit na kinilala at naipamana niya ang katipunan ng
mga tulang kanyang nasulat sa isang aklat na binigyan ng pamagat na Salamisim na
pinagsikapang ipalathala ni Teodoro Gener nang si Cirio H. Panganiban ay patay na.
Naging alagad siya ni Balagtas sa pagsulat ng tula. Tradisyunal ang istilo nlya sa
pagbuo ng tula subalit ng malaunan ay nagbago na rin ng istilo. Unang nakita ang
pagbabagong anyo sa kanyang tula sa kanyang mga tulang Manika, Sa Habang Buhay
at Three O'Clock in the Morning.

LIWAYWAY

-Nagsimulang makiisa si Ramon Roces sa negosyo ng paglalathala ng kaniyang


amang si Alejandro Roces noong 1922. nilunsad ni Ramon Roces ang mga magasin
na nasa katutubong wika. Bilang panimula, inilimbag niya ang Tagalog na Liwayway
noong 18 Nobyembre 1922. Sa katotohanan, isang muling-pagbuhay sa naunang
Photo News ang Liwayway.

-Isa ring babasahin ang naunang Photo News na naglalaman ng mga larawan, balita,
salaysayin, sanaysay, prosa, at tula, at nasusulat sa tatlong wika. Nagkaroon ng mga
seksiyon para sa Tagalog, Ingles, at Kastila ang magasing Photo News. Pinanugutan
ito mismo ni Ramon Roces, kasama ang nobelistang si Severino Reyes. Bagaman
tumatangkilik sa maituturing na tatlong pangunahing wika ng panahon, naging
isang bigong proyekto ang Photo News. Itinuring ng mga mambabasa na sayang
lamang ang pagbili ng magasin sapagkat mayroong nakakaunawa ng isa o dalawa
lamang sa tatlong wikang gamit sa mga pahina ng babasahin.

-Matapos na bumalik sa Maynila si Ramon Roces, mula sa Mindanao, muli niyang


binuhay ang nabigong Photo News sa pamamagitan ng purong Tagalog lamang na
Liwayway. Pinili niya ang pamagat ng magasin sapagkat may kaugnayan ito sa
“bagong pagsisimula” at “pagsikat ng araw.

CLODUALDO DEL MUNDO

- Nakilala ang pangalang Clodualdo del Mundo maitatag angsamahang PANITIKAN,


isang kalipunan ng kabataangmanunulat na naghimagsik sa mga akda ng matatanda
at naggiit na sila ay “mga sakdalista at aristokrata sa sangbayananng mga
mananagalog: sakdalista sapagkat tumututol sa hidwang pamamalakad at tulog na
sining ng ilang ‘nasakapangyarihan’; at aristokrata sapagkat hindi
natatakotmapawalay at maging persona non grata sa nakararami, kung ito’y
kailangan sa ikatatangi, ikadadakila, at ikatataas ng uri ng Panitikang Tagalog.”

-Katuwang ni Alejandro G. Abadilla si DelMundo nang tipunin nila ang kapwa


kabataang manunulatupang umugit ng modernong landas sa pagkatha. Humangosila
ng mga diwain sa paglikha sa bagong panitikan ngKanluran. At bilang radikal na
pagtalikod nila sa itinuturingnilang luma nang mga kuwento at tula, nagtanghal ang
PANITIKAN ng isang rally sa Plaza Moriones sa Tondo at doo’y sinunog ang mga
akda ng matatandang manunulat, upang di-umano mabuksan Ang landas sa pag iral
ng bago.

ALEJANDRO G. ABADILLA

-Si Alejandro G. Abadilla ang kinikilalang “Ama ng Modernistang Pagtula sa Tagalog.”


Bukod sa pagiging makata, isa rin siyá ng nobelista at kritikong pampanitikan. Sa
kaniyang mga akda, hinamon at sinalungat ni Abadilla ang dkahong paggamit ng
tugma at sukat sa tula at ang labis na romantisismo sa panitikang Tagalog.

-Isa siyá sa mga tagapagtatag ng Kapisanang Panitikan, at editor-tagapaglathala ng


magasin nitó ng Panitikan upang isulong ang pagpapaunlad ng panitikang Tagalog.
Itinuturing ang tula niyang ”Ako ang Daigdig” na hudyat ng pagsilang ng
Modernistang pagtula sa Tagalog bukod sa lumikha ito ng malaking kontrobersiya
sa nilalaman at sa anyong may malayang taludturan.
-Ang kaniyang mga aklat ng tula ay Ako ang Daigdig at Iba Pang Tula (1955), Piniling
mga Tula ni AGA (1965), at Tanagabadilla (1964, 1965); ang kaniyang mga nobela
ay Singganda ng Buhay (1947) at Pagkamulat ni Magdalena (1958). Siyá ang editor
ng mga antolohiyang Parnasong Tagalog, ang unang pagtitipon sa isang aklat ng mga
pangunahing tula ng mga makatang Tagalog mula 1800 hanggang 1940s, Mga
Kuwentong Ginto (1936)

PEDRITO REYES

-Si Pedrito Reyes ay isinilang sa Santa Cruz, Maynila noong 13 Mayo 1896. Anak siya
ng dakilang manunulat at sarsuelistang si Severino Reyes. Mapagpatawa si Reyes
subalit may malalim na istilo sa pagsulat. Kinilala siya ng kanyang mga kasamahang
manunulat bilang isa sa mga pangunahing manunulat na mahusay sa pagpapatawa.
Siya ang may-akda ng klasikong Kulafu naging popular na komiks sa Liwayway
noong dekada 30.

-Naging editor siya ng Liwayway, Liwayway-Extra at Hiwaga. Naging tagasalin siya


ng mga akdang internasyonal. Sa kanyang nobelang Fort Santiago, 1946. Naisiwalat
niya ang bangis ng digmaan. Tulad nina Teodoro Agoncillo at Alejandro Abadilla, si
Reyes ay bumuo rin ng mga antolohiyang sasalamin sa unang hati ng dekada 20.
Pinamatnugutan niya ang katipunang 50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang
Kuwentista Unang Aklat.

You might also like