Professional Documents
Culture Documents
a. Panahon ng Amerikano
Ang maikling kuwentong Tagalog ay naisulat noong mga unang sampung taon ng mga
Amerikano.Mga unang anyo nito ay ang dagli at pasingaw.
b. Panahon ng Kastila
Nagpanibagong sigla sa panitikan dahil maraming akda ang naisulat at nabasa bunga
ng pagkakaroon ng palimbagan ng Unibersidad ng Santo Tomas.
Doctrina Cristiana (1953) – kauna-unahang aklat na nalimbag sa panulat nila Padre
Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva.
Mga halimbawa ng maikling kwento sa panahon ng mga kastila
Noche Buena ni Jose Rizal
Si Rosa at si Rogelio ni Lope K. Santos
Bunga ng kasalanan ni Cirio Panganiban – nagkamit ng unang gantimpala noong
1920. Ito angunang kwentong tumapat sa mahigpit na pangangailangan ng banghay.
Si Cirio H. Panganiban ay isang manananggol at naging malaking bahagi sa
kasaysayan ng panitikang Pilipino. Isa siyang makata, kwentista, mandudula,
mambabalarila at guro pa ng wika.
Naalis ang matandang paraan ng pagsulat o alibata
Sa panahong ito, hindi gaanong naging palasak ang maikling kwento.
Kakana – sumulpot pagdating ng Espanyol, naglalaman ng mga alamat at engkanto,
panlibang sa mga bata
Kuwento ay tungkol sa buhay ng mga santo at santa -layunin nila ay mapalaganap ang
Kristiyanismo.
Parabula- naglalaman ng mga talinghaga at nagtuturo ng aral.
Taong 1920, ang mga kathang Tagalog ay nagkaroon ng banghay at ang karamihan nito
ay nalathala sa mga babasahin sa Maynila. Dito unang namayani sina Deogracias A.
Rosario, Amado V. Hernandez, Jose Esperanza Cruz, Rafael Olaya, Teofilo Sayco atbp.
Kapansin-pansin ang pagkagiliw ng mga manunulat sa matamis, mabulaklak at
maindayog na pananalita. Karaniwang paksa‟y pag-ibig na inaaglahi, hinahadlangan o
pinapagdurusa, hindi makatotohanan ang mga sitwasyon at pangyayari at waring
nangungunyapit pa rin sa tradisyon ng romantisismo hanggang sa pagdating ng 1930.
Kinilala ang “Bunga ng Kasalanan” ni Cirio H. Panganiban.
Unang namayani sina Deogracias A. Rosario, Amado V. Hernandez, Jose Esperanza
Cruz at iba pa.
1930 – ang paraan ng pagsulat ay iisa: ang estilo ay di gaanong binigyang pansin
Deogracias A. Rosario - pinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Maynila, “Ama
ng Maikling Kuwentong Tagalog” – nagbago ng landas sa pagsulat – maikli’t hindi
maligoy ang pangungusap at makatotohanan ang diyagolo.
e. Panahon ng Hapon
f. Panahon ng Kalayaan
Isang malaking hakbang ang mga nangyari sa bansa noong 1945-1971 sa pagsulong ng
maikling kuwento.
Samut-saring suliranin ang kinaharap ng mamamayan. Bumaba ang halaga ng piso,
bumagsak ang ekonomiya.
Nakilala sina Jose Maria Sison ng Kabataang Makabayan at mga kolumnistang Max
Soliven, Luis Beltran, Teodoro Locsin, at Napoleon Rama
Ang Gantimpalang. Carlos Palanca, isang timpalak pantikan ay nagdulot ng bagong
hamon sa mga manunulat sa Ingles at Pilipino. Nagsimula ang patimpalak sa maikling
katha noong 1950
h. Panahon ng Kontemporaryo
a. Daloy ng kaalaman
Kaligirang Pangkasaysayan
Nagmula sa mga kwentong bayan sa bawat rehiyon. Kadalasang tungkol sa mga tao, pook,
lugar o punongkahoy at mga bagay-bagay sa paligid may buhay man o wala. - Noon pa ma’y
mahusay na ang ating mga ninuno sa pagkukwento dahil karamihan sa ating mga kwentong
bayan ay pasalita at hindi pasulat.
Pananalita - ito ang buhay at diwa ng mga tauhan at ng mga pangyayari sa kwento.
Tema - ito ang paksa o kaisipang hangad maibahagi ng manunulat sa mga
mambabasa.
Kahulugan ng nobela
Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na
pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang
pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang
makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang
mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang
matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
Layunin ng nobela
b. Panahon ng Kastila
d. Panahon ng Amerikano
e. Panahon ng Kalayaan
Sinasabing ang nobela ay napalalamanan ng kultura't lipunang Pilipino. Ito'y unang lumabas
nang paserye sa mga unang pahayagan tulad ng Ang Kapatid ng Bayan, Ang Kaliwanagan, at
Muling Pagsilang. Isa-isahin ang mga naging paksa ng nobela sa panahon ng kalayaan. Mula
sa unang dekada ng ikadalawampung taon, ang nobela o kathambuhay ay tinangkilik na ng
mambabasa lalo na nang dumami ang mga mamamayang natutong bumasa't sumulat dahil sa
pagbubukas ng mga paaralang publiko.
Kung ang paksa ang pag-uusapan, masasabing nagbalik sa Romantisismo ang karamihan
sa mga nobelang lumabas sa Liwayway sa panahong ito.
Karamihan ay nasa pamantayang komersiyal, lalo na iyong isinulat na ang pananaw ay
nakatuon sa pagkapili nito upang isapelikula.
Ang mga nobela nung panahong ito ay kadalasang tumatalakay sa:
Reporma
Pag-ibig
Ugaling Pilipino
Pamilya
Pangaraw-araw na pamumuhay
Naging balakid sa pagsulong ng nobela ang suliranin sa pagpapalimbag.
Bukod sa kamahalan ng pagpapalimbag, nakadaragdag pa sa kawalan ng insentibo ng mga
nobelista na sensura sa nilalaman mga inilathala
Mga nobela noong panahong ito:
“Ginto ang Kayumangging Lupa” ni Dominador Mirasol
“May Tibok ang Puso ng Lupa” ni Beinvinido Ramos
“Gapo” ni Lualhati Bautista “Dekada 70” ni Lualhati Bautista
“Hulagpos” ni Mano de Verdades Posadas
g. Panahong Kontemporaryo
Ang mga manunulat na sina Rogelio Sicat, Rogelio Ordones, Efren Abueg, Virgilio Almario,
Ruth Mabanglo, Ave Perez Jacob, Domingo Landicho, Clemente Bautista, at iba pa ay
naglantad ng mga totoong pangyayari upang mapayani ang realismo. Inilarawan sa
kanilang mga akda ang mga pangit at magandang nangyayari sa lipunan.
Buong tapang nilang inilantad ang mga kabulukan ng pulitika, ang pamahalaan, ang
paghihirap ng mga mamamayang biktima ng karahasan at kahirapan, ang pagtaas at
pagbaba ng krimen, prostitusyon at eksploytasyong ng mga kabataan. Nagpatuloy pa rin
ang Liwayway sa paglalathala ng mga akdang likha ng ating manunulat, lalo't higit pa iyong
mga nagsisimula pa lamang sa larangang ito ng pagsulat. Maging ang mga komiks magasin
ay nagkaroon ng mga pagbabago sa kanilang porma at nilalaman at umayon sa hinihingi ng
mga simulain ng Bagong Republika. Nagpatuloy ang pagpapayaman sa ating wika lalong
higit nang ipalabas ng Pangulong Aquino ang Executive Order No. 335 noong Setyembre
1988.
Uri ng Nobela
1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan
2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na
3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang
ikawiwili ng mga mambabasa
4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari
ang ikinawiwili ng mga mambabasa
5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao
6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing
tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan
7. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay
o sistema
b. Gawaing Transpormatibo
c. Gawaing Media Literal
d. PAgsasagawa ng Mithiin
Ang Sanaysay - Katuturan, Uri, Layunin at Katangian.
a. Silang mga Manggagawa
b. Daloy Kaalaman
Kahulugan ng Sanaysay
Ang sanaysay ay isang uri ng komposisyon na naglalaman ng mga kuro-kuro o opinyon ng may
akda. Ito ay nakatuon lamang sa iisang diwa at pananaw, mayroong tiyak na paksa at laging
nakasulat sa anyong prosa. Maaring ito ay isinulat upang magbigay ng
impormasyon, manghikayat, o para mailahad ang nais ipabatid at nararamdaman ng
manunulat.
c. Katuturan ng Sanaysay
d. Uri ng Sanaysay
e. Layunin ng Sanaysay