Professional Documents
Culture Documents
Dadalhin ng kanyang mga kabig ang bihag sa guhong bodega sa tabi ng ilog, tulad ng
karaniwan nilang ginagawa. Kung gaano karami, di na mabilang. Ang mga guhong pader at
akasya lamang marahil ang nakakaalam. Ang mga tagong balon, hukay at, kung mayroon pa,
musang lamang ang makapagsasabi. Ang kapre pugot lamang ang makasasagot. Pagkat tanging
ang kuta ang nakaaalam ng kanyang mga lihim. Kahit sinuman liban sa kanyang mga tauhan,
wala siyang ibang pinapapasok sa kuta, sa kanyang bakuran. Kahit mismong mga aso niya.
Masyadong matalas ang pang-amoy ng mga aso. Siguradong huhukayin nila kung may amoy na
mabaho.
Maaaring magtagal ang ritwal kung babae ang bihag. Talaga namang mahilig sa ritwal
ang mga babae Sa pagpapaganda, sa pakikipagtalik. At sa pagharap sa kamatayan. Gusto muna
nila ng karinyo. Nakakainis ang mga lalaki, lalo na kung sila'y umiiyak. Natural ang umiyak para
sa babae. Ang mga lalaking umiiyak para sa kanilang buhay ay hindi dapat buhayin.
Paluluhurin ang bihag, o kaya'y paupuin sa bato. Kung as na ang lahat, alisan siya ng
piring. May hahawak sa kanyang balikat, parang pinararamdaman na hindi siya masasaktan.
Magsisindi ng sigarilyo ang lalaki sa harap niya, at hindi papatayin ang posporo. Makikita ng
bihag ang mga nakangising mukha na nakapaligid sa kanya. Pag naubos ang palito, ganoon din
ang buhay niya, Isang 18-pulgadang bayoneta ang tinutukoy-kyung tyur, tawag nila padausdos
sa malambot na bahagi ng kanyang balikat. Walang tatamaang buto ang bayoneta. Dadaan ito
sa lalamunan, kaya't hindi makasisigaw ang bihag, diretso sa puso. Halos hindi masasaktan ang
bihag pagkat mabilis ang dating ng kamatayan.
Sa mga kuwentong Pilipino sa Ingles, magandang gawing halimbawa ang The Cries of Children
On An April Afternoon In The Year 1957 (isinain dito ang isang bahagi):
Lilipas pa ang dalawang taon, ngunit hindi siya aalis dito, at magkakaroon siya ng kaugnayan sa
isang walang anak na bato na ang isang halina nito ay ang malambing na puntong Bisaya pag
nagsasalita. Babalik siya mula sa isang nakapapagal na kaso sa korte sa Vigan upang mapansin
niya ang sulat nitong nakapagkit sa salamin ng kanyang tokador..
Sa kuwentong ito, kabataan pa lamang ang pangunahing karakter. Gayunman, ipinamalas na ng
awtor ang magiging buhay nito at kung ano ang mangyayari sa magiging pamilya nito sa
malayong hinaharap.
Paglilipat-Tagpo
Transition kung tawagin sa Ingles. Madalas din, tinatawag itong transisyon.
Gaya ng nabanggit na, binubuo ng iba't ibang tagpo ang katawan ng kuwento. At ginagamit dito
ginagamit ang paglilipat-tagpo o transisyon bilang pamamaraan upang maipakita ang
pagbabago ng kalagayan, panahon, pook o pangyayari sa loob ng kuwento Kadalasan, ang mga
transisyon sa isang kuwento ay napapansin sa pagkakaroon ng medyo maluwang na agwat ng
dalawang tagpo.
Kung minsan din, magsisimula ang susunod na tagpo sa malalaking letra (capital letters),
maaaring may palugit na espasyo (indentation) at maaari ring wala, batay na rin sa estilo ng
pagsulat o sa estilo ng magasing pagpapahalaga sa akda.
Sa Tatlong Kuwento Ng Buhay ni Juan Candelabra ni Lualhati Bautista, ganito ang pagkakagamit
ng paglilipat-tagpo bilang tanda ng pagbabago ng kalagayan:
Bahagya na niyang nailagan ang tagang inunday sa kanya ni Mang Felix. Matalim ang murang
lumabas sa bibig nito, malagim ang uli ng nagimbal na ina niya, mabilis ang pagkakagulong
namayani sa palibot, at nangibabaw sa isip niya na iisa't matingkad na utos ng sarili: Takbo,
Julian, papatayin ka! Takbo!
"Papatayin kita Papatayin kita, ahas!"
Wala nang pagkakataon para sabihin niya kay Mang Felix na, patawarin n'yo po ako. Hindi ko
lang po napigilan ang sarili ko!
NAGTAGO nang mahigpit si Julian pagkatapos ng pangyayaring 'yon. Kahit na mabalitaan niya
na hindi na naman daw siya hinahanting ni Mang Felix.
Hindi rin siya matahimik sa katiyakan na galit na galit ngayon sa kanya ang tatay niya
Pero hindi rin siya matahimik sa kaalaman na nag-aalala ang nanay niya kung nasaan na siya
ngayon.
Gaya ng napapansin, ginamitan ng awtor ng malalaking letra ang kanyang pagsisimula sa
sumunod na eksena bilang tanda ng pagpapalit ng tagpo. Gayong may palugit na espasyo
(indensiyon), hindi gumamit ang awtor ng maluwang na agwat sa pagitan ng dalawang tagpo.
Ginagamit din ang paglilipat-tagpo bilang tanda ng pagbabago ng panahon sa kuwento. Sa
puntong ito, gumagamit ang kuwentista ng mga salita o pariralang gaya ng: Kinabukasan.
Kinagabihan pang iba. Kinaumagahan, Pagkaraan ng ilang oras. Matagal na iyon. At marami
pang iba.
Bilang halimbawa, ganito ang ginamit na paglilipat-tagpo sa isang bahagi ng kuwentong
Kinagisnang Balon ni Andres Cristobal Cruz:
Kung anu-anong balita ang kumalat sa Tibag. Kung umiigib si Narsing para sa kanilang
bahay ay hindi na siya pinapansin ni binabati tulad ng dati. Ganoon din ang kanyang ama.
Waring nahihiyang magtanung-tanong ang mga tao, ngunit hindi nahihiyang sa kani-kanilang
sarili'y magpalitan sila ng tsismis at mali-maling palagay.
ISANG LINGGO pagkatapos ng pagkakasagutan nilang mag-ama, ang Tandang Owenyo
ay nadisgrasya sa balon. Nadupilas ito at mabuti na lang daw at sa labas ng balon nahulog. Kung
hindi raw, patay. Ang dibdib ng matanda ang pumalo sa mga nakatayong balde at ito'y
napilayan. Nabalinghat naman ang isa nitong siko. Sabi ng marami ay nahilo ang matanda;
anang iba'y nawala sa isip nito ang ginagawa.
Ginagamit din ang paglilipat-tagpo bilang tanda ng pagpapalit ng punto-de-bista sa mga tauhan
ng kwento. Ito ang ginamit, halimbawa, sa kuwentong Padre Del Pueblo ni Rogelio Sicat:
Kailan kayo babalik?" tanong ng lalaki.
Kumunot ang noo ni Kapitan Peles, "A, bahala na," sabi niya habang nakataas ang kamay na
may hawak na sigarilyo.
“Samakalawa siguro. Babalik na lang ako." Ipinagbilin niya kung saan makakakuha ng pagkain.
"Huwag kayong pakatatagal, ho?
Kay tamis ng ho ng babae. At kay ganda at kay kislap ng mata. Ni Terry. Ang korteng pusong
mukha ay nakakahawig ni Upeng noong bata pa. Si Upeng nga ang nakakamukha!
"Hindi makakaila sa mga loko riyan na umalis si Kapitan, sabi ng babae sa katawan pagkaalis ni
Kapitan Peles. "Baka umulit na naman ang mga iyon!"
"Hindi gago ito," sagot ng lalaki na itinuro ng hinlalaki ang dibdib.
"Siguro nama'y hindi magagalit kung pumulak ako ng isang pisig sa kawayanan.
"Aanhin mo ang - pisig?" tanong ng babae.
"Sabi nga ni Kapitan, sasalibaran sila ng lintik!"
"Natatakot ako," sabi ng babae.
Sa halimbawang ito, mapansin na hindi gumamit ang awtor ng malalaking letra sa paglilipat-
tagpo. Bagkus, gumamit lamang siya ng maluwang na agwat o espasyo bilang pagitan. Makikita
rin na ang unang tagpo ay naroon kay Kapitan Peles ang punto-de-bista ngunit sa kasunod na
tagpo ay nasa punto-de-bista o paningin na ng babae, si Terry.
Ang mga kuwentong gumagamit ang awtor ng mga pasimuna (lead in) sa mga paglilipat-tagpo
ng susulating kuwento bilang tanda ng pagpapalit ng pook o ng punto-de-bista o ng pangyayari.
Ang pasimuna ay maaaring salita o parirala mula sa unang tagpo na mag-uugnay sa susunod na
tagpo. Bilang halimbawa nito, masisipi ang isang bahaging may paglilipat-tagpo ng kuwentong
Magdamag ni Toribio S. de Castro:
"N-napo... bakit mo naisip na gawin ito?"
Dinurog lamang siya ng mga halik ni Napo. Kunwari, tumutol si Kristin.
"Ayoko nga!"
Bahagya siyang pumiglas. Nguni tang mga bisig ni Napo, gaya ng dati, ay matipuno. Matatag.
Maalab!
Hindi na siya nakatutol. Sumasal ang tahip ng kanyang dibdib at nadarang siya sa mainit na ag-
aapuhap ng mga palad nito sa kanyang katawan. Tumugon na siya sa bawat naisin ni Napo.
At mula sa bukas na air conditioner, bumuga ang malamig ha hangin na humalik sa maputi at
makinis na nakalantad nang katawan ni Kristine.
KASING LAMIG din halos iyon ng hanging naramdaman ni Aling Tasya sa pagkakayukayok sa
silya sa kanilang balkon. Naalimpungatan siya. Biglang tindig. Nang luminaw ang pag iisip,
humanap ng balabal.
Ang mga salitang lamig at hangin ang nagsilbing pasimuna ng unang tagpo tungo sa ikalawa.
Mapapansin din namula sa paningin ni Kristine sa unang tagpo, sa sumunod na tagpo ay
lumipat na ang punto de-bista kay Aling Tasya.
Gaya ng nabanggit na ang mga pangyayari sa katawan ng kuwento ang magbibigay ng igting
upang mapanatili ang pananabik ng mambabasa. Sa bawat tagpo, may matatagpuang balakid
ang pangunahing karakter upang mahanap ang solusyon sa kanyang suliranin.
Hanggang sa darating sa puntong waring hindi na malulutas ng bida ang kanyang suliranin.
Dito, tila wala nang pag-asa pa ang bida na matatagpuan ang solusyong hinahanap.
Sa puntong ito, kinakailangang dumating na ang krisis sa sukdulan (climax).
Ibig sabihin nito, kailangang wakasan na ang kuwento.
WAKAS NG KUWENTO
Sa isang maikling kuwentong mahusay ang pagkakaakda, magaganap ang pinakamatinding krisis
sa pagtatapos nito. Sa ibang manununulat, tinatawag itong black moment sa kuwento. Itim na
sandali sa kuwento, puwede sigurong tawaging ganito ito pansamantala.
Ang black moment ay ang bahagi ng kuwento na ang pangunahing tauhan ay tila wala nang
pag-asa pa upang magtagumpay na mahanap ang solusyon sa kanyang suliranin. Tila tiyak na
ang kanyang kabiguan.
Ngunit sa punto na ring ito matutuklasan ang solusyon sa suliranin nakapaloob sa kuwento. Sa
pamamagitan ng kakaibang katangian ng pangunahing karakter, gaya ng nabanggit na sa
banghay, gagawing tagumpay ang tila tiyak nang kabiguan niya. Sa puntong ito, kailangang
naganap na ang sukdulan (climax) ng kuwento.
Mula sa bahaging ito, kailangang magwakas na ang kuwento.
Sa Landas Sa Bahaghari ni Benjamin P. Pascual, ganito ang paglalarawan ng awtor sa black
moment ng kuwento:
"Salud, buti pa, tila atin si Lita sa Sya Na." Ito ang pangalan ng isa sa mga kapatid ni Ah Pe.”
Nabigla siya.
"Bakit?"
"Dapat siya alal na. Siya anim taon na. Puwele na siya alal."
"Saan man siya mag-aaral?”
"Sa eskuwela Intsik." Sinabi ni Chua ang pangalan ng paaralang Intsik at saan iyon naroon sa
Maynila.
Naragdagan ang kanyang panlulumo. Ang habol na lamang niya ngayo'y huwag malayo sa kanya
ang bata.
"Mag-aral siya, o, dili ako magreklamo, piro bakit magatira si Lita kay Siya Na? Maaari man siya
magtira dito. Ako na ang maghatid sa kanya sa iskuwela araw-araw.”
“Buti siya tila sa Asya Na, pala madali siya toto. Kasama sa kanya alal anak sa Sya Na 'yan."
Tumingin st Chua sa kanyang mukha na kasasalaminan ng kanyang windang na dibdib, at nakita
roon ang kanyang pagkain. “Pwede naman ikaw dalaw sa Lita yan. Dalaw mo si Lita isa beses isa
linggo.”
"Ang dugo ng aking dugo, dadalawin ko --- na lamang? Magiging bisita na lamang ako ng aking
anak, na sa katagalan, Sa kalaunan ay maaaring ipagtanong niya kung sino? Ako kanvang ina?
Maaaring ang kalahati niya'y Intsik nguni't ang kalahati niya ay Pilipino, at ang kanyang pagka-
Pilipino at pagka Intsik ay kapwa anak ko. Ina uko ng kanyang bahaging Pilipino at bahaging
Intsik. Hindi!"
Hindi niya nasabi sa sandall ng sukdulang kaapihan, ang daluyong ng mga salitang ibinuga ng
kanyang isip. Hindi makaiintindi ng Waray si Chua, at hindi niya masasabi ang mga salitang iyon
sa Tagalog.
"Bukas, akin na bata si Lita sa Asya Na."
Sa kuwentong ito ni Pascual, si Salud, ang pangunahing tauhan, ay dating tinderang ginahasa at
pinakasalan ni Chua, isang illegal alie upang maging legal na paninirahan nito sa Pilipinas.
Nagkaroon sila ng anak, si Amelita. Ngayon, gusto nang ihiwalay ni Chua ang anak kay Salud.
Gusto nang itira ito kay Sya Na, kapatid ng Ah Pe, ang may-ari ng tindahang pinapasukang dati
ni Salud. Masakit para kay Salud na ihiwalay sa kanyang piling ang anak. Ayaw niyang mangyari
iyon. At iyon ang problema niya. Ano ang gagawin ni Salud upang hindi mahiwalay sa anak?
Sa puntong ito, dumating na sa sukdulan ang kuwento. Kailangang malutas na ang suliranin ni
Salud. Dapat na niyang harapin ang katotohanan.
Ganito ang paglutas ni Pascual sa suliranin ng pangunahing tauhang si Salud:
Noo'y araw ng Lunes, at natandaan niya ang minsa'y nasabi ng isang nakausap na kababayan na
tuwing Lunes at Miyerkules ay may tumutulak na bapor patungong Samar mula sa North
Harbor, na siyang nilunsaran niya at ng dalawang kababayan may sampung taon na ang
nakararaan. Nang hapong iyon, samantalang ang tandang Ah Peay nahihimbing sa tumba-
lumba matapos ipaghele ng kantahing Intsik sa radyo, kumuha siya ng tatlumpung piso sa kita
ng tindahan, sinabi sa kasamang utusan tindera na ipapasyal niya ang bata, at kasama si
Amelita, sumakay sila ng dyip. Mainit pa ang araw, bagama't papalamig na, nang dumating sila
sa North Harbor, at naupo sila sa likod ng isang giray na tindahan, nagtatago sa maaaring
makakitang kakilala, nananalanging sana'y gumabi na, gumabi na.
Sa bahaging ito, nalutas na ang suliranin ni Salud. Ipinasiya niyang itakas ang kanyang anak sa
Samar, na pinanggalingan niya. magsasampung taon na ang nakararaan. Magtatagumpay ba
siya?
Sa pagsagot sa katanungang ito, kasabay na rin ang pagtatapos ng kuwento. Ganito ang
pagwawakas ni Pascual sa kanyang kuwento.
At lumatag ang gabi, at sumakay sila sa barko. Sa pagkakatalungko bata, Ang malalaki niyang
bisig ay nakayakap sa katawan ng bata, binibigyang-init ang kalamnan nitong nakabuyangyang
sa lamig ng gabi, at maya't maya'y ilalapit niya ang kanyang mukha sa anak at hahagkan ito sa
pisngi at sasabihin, sa isip lamang: "Walang maaaring maglayo sa iyo sa akin, anak.
Magbubungkal ako ng lupa dahil sa iyo, magpapaalila ako dahil sa iyo, ngunit ako ang tatawagin
mong ina" At humatinggabi, at nag-umaga, at siya'y nakatingin pa rin sa katimugang tinutungo
ng barko. Sapagka't hindi maglalaon, matatanaw niya sa dako roon ang anino ng malaking pulo,
nayuyungyungan ng pagkaganda gandang bahaghari, kaaya-aya sa dilim ng dapithapon at sa
nagsala-salabat na nagliliparang ibon, ay ituturo niya ang mga iyon kay Amelita at sasabihin
niya: "Doon tayo titira, anak. Ikaw at ako. Tayong dalawa lamang."
Sa kabilang dako, ang kuwentong Sugat Sa Dagat ni Cyrus P. Borja ay tungkol sa buhay ng mga
"mangangabog" at "busero", tawag sa mga maninisid sa muro-ami, isang uri ng mapaminsalang
pangingisda sa dagat. Nakasentro ang kuwento sa problema ni Adel, isang busero na
nagpasiyang magbitiw na sa trabaho pagkat nasabugan ng dinamita sa sa ilalim ng tubig ang
kanyang kapatid na si Leon. Gusto niyang iuwi ang bangkay ng kapatid nang mabalitaang
ipasusunog ng kompanya ito pagdaong nila. Gayunman, ayaw payagan ng maestro pescador, si
Mr. Cruz na umuwi si Adel, kasama ang kapatid. Ngunit magpupumilit si Adel. Magaganap ang
black moment sa kuwento sa huling paghaharap ni Adel at ni Mr. Cruz nang hingin ni Adele ang
kanyang natitirang suweldo:
Dinakot ni Mr. Cruz ang kanyang pera sa mesa. Parang makina sa bilis na bumilang iyon ng
dalawampu't isang pirasong dadaaning piso. Tinalian pa ni Mr. Cruz ang bungkos ng salapi ng
lastiko. Mula sa pagkakaupoay ibinato niya ang bungkos ng pera sa bahagyang nakatungong
mukha ng binata.
Sapul sa mukha ang nabiglang binata. Hindi kaagad siya nakahuma o ang sino pa man sa mga
nakasaksi sa mga pangyayari. Tumindig si Mr. Cruz at nandudurong nagsalita:
"Paggising ko bukas, ayaw ko nang makita ang pagmumukha mong putang-ina ka at ang inutil
na bangkay ng putang-ina mong kapatid rito,”
Ito ang pinakamatinding bahagi ng krisis sa kuwento. Kailangang sa puntong ito, magkakaroon
na ng solusyon ang problema. Ano ngayon ang gagawin ni Adel? Nasa karagatan sila. Paano niya
maiuuwi ang bangkay ng kanyang kapatid?
Sa loob ng barko ay may mga dram at dinamita. Kumuha si Adel ng dinamita, posporo at
sigarilyong alhambra sa isang lumang bag ng isang busero. Pagkatapos, itinago niya ito at saka
tinungo ang malamig na silid na imbakan ng yelo at asin na kinaroroonan ng bangkay ng
kapatid.
Binuhat ni Adel sa kanyang likod ang bangkay na ang lamig ay tumatagos sa kanyang kalamnan
at nagpapamanhid sa kanyang dibdib. Naghahalo ang kanyang pawis, luha at laway nang
marating nila ang bahagi ng barkong hindi naaabot ng liwanag mula sa parola ng
Pinagtampuhan.
Umusal si Adel ng maikling dalangin para sa kapatid. Humingi rin siya ng kapatawaran sa
anumang nagawa niyang pagkakamali o pagkukulang. Sa mahina at dahan-dahang pangungusap
ay ipinaliwanag niya sa bangkay na mas mabuti nang malibing sa malamig na dagat sa halip na
maabo sa impiyerno. Una ang paa, ang yayat na katawan ni Leon ay bahagya nang lumikha ng
ingay at sugat sa dagat.
Pagkatapos ng bahaging ito, kailangang maganap na ang sukdulan (climax):
Walang kakila-kilatis na tinungo ni Adel ang mga nakahanay na dram. Maliban sa kanya ay wala
nang maaaninaw na iba pang nilalang sa ibabaw ng barko. Inilabas niya ang dinamita sa liwanag
ng buwan at nagsindi ng nag-iisang palito ng pusporo, Nabuhay at nagliwanag ang maliit na
liyab sa loob ng palad ni Adel. Dinilaan noon ang dulo ng mga sigarilyo. Maingat na ibinaba ni
Adel ang hawak sa pagitan ng dalawang nakatindig na dram at madaling tumalon sa naghihintay
na dagat, patungo sa maliwanag na ilaw ng parola sa pulo ng Pinagtampuhan. Abot- tanaw na
niya ang dalampasigan nang biglang sumulpot ang bukang-liwayway sa gitna ng karagatan.
Sa kuwentong ito ni Borja, nagkasama-sama na ang sukdulan, ang resolusyon (kalutasan ng
suliranin), gayundin ang realisasyon o ng tinatawag na denouement sa Ingles.
lakas na hahagupit. Ang sinumang tamaan niyon ay tiyak mahihilahod, kung hindi man sasabog
ang tuhod. Nang bumalik si Kapitan Peles kinagabihan, naratnan niyang may lumalagaslas na
tubig sa may batalan. Naliligo ang babae. At ganito ang pagwawakas ni Sicat sa kanyang
kuwento: Hindi naituloy ni Kapitan Peles ang pagpanhik. May
dumadamba sa kanyang dibdib. May sumasalibad doong tintik. Naririnig niya na nagkakaingay
pa rin sa tindahan ang mga binatang nag domino. Nakatangan sa baitang, napapikit siya.
Humakbang sa-maingat ng isang hakbang. Tatawag sana siya ngunit para siyang nabulunan.
Nagbubuhos pa rin ang babae sa batalan. Biglang nagbago ang kanyang isip. Sino ba ang
makaaalam, sabi niya sa sarili. Sandali lang naman. Binawi niya ang hakbang. Nagpalinga-linga
siya. Pagkaraan, dahan-dahan, walang kalatis, walang ingit na kumilos ang kanyang mga paa.
Dahan-dahan, maingat na maingay. Dahan dahan, sabi niya sa sarili. Sinalibaran ng lintik, baka
nagbibihis na. Dahan-dahan, sabi niya nang papasok na sa stlong. Tutuloy siya sa ilalim ng
batalan. Dahan-dahan, sabi!
Kumakabog ang panananik sa dibdib ng padre del pueblo. Walang mag-aakala na ang padre del
pueblo ay gagawin din ang kabulastugang ginawa ng mga binata sa nayon. At lalong walang
mag aakala na siya ang mabibiktima ng balatik na iniumang sa silong ng kanyang sariling bahay.
Wakas na ideolohikal. Ideological ending sa Ingles. Ito iyong na nakaiintriga. Dito, hindi
inilalahad nang tuwiran ang magiging kalutasan ng suliraning nakapaloob sa kuwento, bagkus
ay hinahamon
wakas
ang kakayahan ng mambabasa upang mahuli ang ibig sabihin ng akda. Madalas na sa ganitong
uri nagwawakas ang itinuturing na mga kuwentong de-kalidad. Madalang na ginagamit ito sa
mga kuwentong pangkomersiyal.
Isang magandang halimbawa nito ang pagwawakas ng kuwentong Unang Binyag ni Ernie Yang.
Tinalakay sa kuwentong ito, sa paningin ng karakter na si Boy, ang mapanupil at hindi
makatarungang pamamalakad ng isang pabrika ng mga aksesoryang pang sasakyan. Dahil sa
kalagayang ito sa loob ng pabrika, itinatag ni Mang Andoy, na tinaguriang pinakatatay at lolo ng
mga trabahador, ang isang unyon. Ayaw kilalanin ng pabrika ang unyon kaya nagkaroon ng
welga. Nang magkaroon ng sagupaan sa picket line sa pagitan ng mga welgista at i mga
upahang guwardiya at armadong kalalakihan ay magkaroon ng