Professional Documents
Culture Documents
Bawat
bansa ay may sariling wikang tinangkilik at pinauunlad. Ang wika
ang pinakamabisang kasangkapan sa pakikipagtalastasan na
ginagamit ng tao sa pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa, sa
lipunan at sa lahat ng taong nasa kanyang paligid at kanyang
nakakasalamuha. Ito rin ay daan tungo sa pagkakaroon ng
mabisang interaksyon ng mga tao at nakapaloob dito ang
komunikasyon.
1. Henry A. Gleason
3. Chomsky (1957)
4. Halliday (1973)
“Ang wika ay tumutulong sa mga tao upang maisagawa ang mga bagay na gusto
niyang gawin.”
5. Constantino
6. Archibald A. Hill
8. Robins (1985)
12. Plato
Ang wika ay nabubuo ayon sa batas ng pangangailangan ng tao na may
mahiwagang kaugnayan sa kalikasan at ng mga kinatawan nito.
14. Whitehead
KASAYSAYAN NG
WIKA
Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
1935 pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang
pambansa na buhat sa katutubong wika.
Oktubre 27, 1936 Pagtagubilin ng Pangulong Manuel L. Quezon sa
Asamblea Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng
Wikang Pambansa (SWP) na gagawa ng isang pag-
aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas.
Nobyembre 13, 1936 Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas
Komonwelt Blg. 184 na lumikha ng isang Surian ng
Wikang Pambansa at itinakda ang mga
kapangyarihan at tungkulin nito.
Enero 12, 1937 Alinsunod sa tadhana ng Seksyon 1, Batas
Komonwelt Blg. 184, hinirang ng Pangulong Manuel
L. Quezon ang kagawad na bubuo ng Surian ng
Wikang Pambansa. Ang unang naging pangulo ng
SWP ay si Jayme C. De Veyra.
Nobyembre 9, 1937 Ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng
isang resolusyon na roo’y ipinahahayag na ang
Tagalog ang siyang halos lubos na nakatutugon sa
mga hinihingi ng Batas ng Pangulo ng Pilipinas na
iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang
pambansa.
Disyembre 30, 1937 Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.
134 ay ipinahayag ng Pangulong Quezon na ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog.
Abril 1, 1940 Pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at isang
gramatika ng Wikang Pambansa sa pamamagitan ng
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263
Abril 12, 1940 Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sinimulan
muna sa mataas na paaralan at mga paaralang normal.
Hulyo 19, 1940 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay pasisimulan
nang ituro sa lahat ng pampublikong at pribadong
paaralan sa buong bansa.
Marso 26, 1954 Paglagda sa Proklamasyon Blg. 12 ng Pangulong
Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng pagdiriwang
ng Linggo ng Wikang Pambansa simula Marso 29
hanggang Abril.
Setyembre 23, 1955 Inilipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa mula ika-13 hanggang ika-19 ng
Agosto
Agosto 13, 1959 Si Kalihim Jose E. Romero ay nagpalabas ng
Kautusan Pangkagawaran Blg.7 na nagsasaad na
kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, salitang
PILIPINO ang gagamitin.
Oktubre 24, 1967 Nilagdaan ng Pangulong Marcos ng isang Kautusang
Tagapangulo Blg. 96, na nagtatadhana na ang lahat
ng gusali at tanggapan ng pamahalaan ay nararapat
na isulat sa Pilipino
Hunyo 19, 1974 Pagpapatupad sa patakarang Edukasyong Bilinggwal
sa mga paaralan na magsisimula sa taong 1974-1975.
Nobyembre 14, 1975 Nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 50 na
nagpapatupad ng Edukasyong Bilinggwal sa kolehiyo
at pamantasan.
Pebrero 2, 1987 Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon 1987 ng
Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6 nagsasaad na
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas
at iba pang wika.”
Agosto 6, 1987 Ipinalabas ang Kautusan Blg. 81 na nagsasaad ng
reporma at alpabeto at sa mga tuntunin ortograpiyang
Filipino. Ang alpabeto ng Filipino ay binubuo ng 28
letra.
1997 Nilagdaan at ipinalabas ang Proklama Blg. 1041 ni
Pangulong Fidel V. Ramos ang pagdiriwang ng
Buwan ng Wikang Filipino.
2001 Inilabas ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF)
ang Revisyon sa Tuntunin ng Bagong Ortograpiyang
Filipino.
2014 Naglabas ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF)
ng Ortograpiyang Pambansa 2014 Edisyon
2015 Inilabas ng Komisyon ng Wikang Filipino ang
Manwal sa Masinop na Pagsulat Ikalawang Edisyon
na kinapapalooban ng mga patnubay sa masinop na
pagsulat at paggamit ng wika.