You are on page 1of 23

Modyul 1 - Pagpapahalaga sa Wikang Filipino

Aralin 1: Kasaysayan ng Wika, Kahulugan ng Wika/Balarila , Mga

Katangian ng Wika
Aralin 2: Mga Teorya ng Wika
Aralin 3: Mga Tungkulin ng Wika Ayon sa Iba’t ibang
Tagapagtaguyod nito
Mga Mungkahing Babasahin

Ang modyul na ito ay tungkol sa Pagpapahalaga sa Wikang Filipino na

nahahati sa tatlong aralin: (a) Kahulugan ng Wika, mauunawaan ang wastong
kahulugan at ang katangian nito. (b) Mga Teorya ng Wika, naipapaliwanag ang
iba’t ibang teorya sa pinagmulan ng wika. (c) Mga tungkulin ng wika ayon sa
iba’t ibang tagapagtaguyod nito, mababasa sa araling ito ang gamit at layunin
ng wika.

Sa modyul na ito, inaasahan ang mag-aaral na maipamalas ang mga

sumusunod:

1. natatalakay nang pahapyaw ang kahulugan, mga katangian, mga teorya at

mga tungkulin ng wika;
2. naipapaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontektwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
3. naipapaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang
pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang
kaunlaran;

TALAS

Pangalan: _________________________________________ Baitang & Kurso:

_______________
Guro: ______________________________________________ Marka:
__________________
Panuto: Bigyan ng sariling pakahulugan ang wika ayon sa bawat letra sa
salitang Wika sa ibaba. (10PTS)
W - ________________________________
I - __________________________________

K - _________________________________

A -__________________________________
ARALIN 1 Kasaysayan ng Wikang Pambansa, Kahulugan ng
Wika/Balarila , Mga Katangian ng Wika

Tutok
Unawain at basahin ang pagpapalalim ng araling ito.

Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Nang dumating ang mga Amerikano, biglang naunsyami ang

mithiin ng mga Pilipino ng itakda ng pamahalaan na ang Ingles ang gawing
opisyal na wikang panturo sa mga paaralan. Ipinagbawal ang paggamit ng
bernakular sa paaralan at sa tanggapan. Ito ang dahilan kung bakit simula
noong pananakop ng mga Amerikano hanggang bago sumiklab ang
pangalawang digmaang pandaigdig, hindi umunlad ang ating wika.
Ang ating mga lider na makabayan tulad nina Lope K. Santos,
Cecilio Lopez, Teodoro Kalaw at iba pa ay nagtatag ng kilusan na kung
saan sila ay naging masigasig sa pagkakaroon ng wikang pambansa.
Nagharap ng panukula si Manuel Gallego na gawing wikang pambansa at
wikang opisyal ang Tagalog subalit patuloy pa ring namayani ang Ingles.
Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo
sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Ito ay
utang natin sa naging Pangulong Manuel Luis M.
Quezon, ang tinaguriang "Ama ng Wikang
Pambansa."
Noong 1934, isang Kombensyong
Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang Komonwelt upang
maisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At upang ipakilala ang
kahalagahan ng wika, isang probisyon tungkol sa Wika ang isinama sa ating
Saligang Batas. Ito’y napapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng
Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935.
"Ang Pambansang Kapulungan ay magsasagawa ng mga
hakbangin tungo sa paglinang at paggamit ng
pambansang wikang batay sa isa sa umiiral na
katutubong mga wika. Samantalang hindi pa
itinatadhana ng batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na
mga wikang opisyal."
Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa, binuo ng mga
kinatawang nagmula sa mahahalagang mga rehiyon sa Pilipinas bilang
mga kasapi. Pagkatapos ng puspusang pag-aaral ng iba’t ibang wika sa
Pilipinas, ipinasya ng Surian na Tagalog ang siyang dapat pagbatayan ng
Wikang Pambansa pagkat ito’y nagtataglay ng nalinang nang panitikan at
wikang sinasalita ng nakahihigit ng dami ng mga Pilipino. Kaya, noong
Disyembre 30, 1937, inihayag ni Pangulong Quezon na ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Tagalog.

Ang sumusunod ay iba’t ibang kautusang ipinairal ng ating

pamahalaan tungkol sa pagkasulong ng ating wika:

BILINGGWALISMO
Nobyembre 7, 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt
Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang
gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na
magiging batayan ng wikang pambansa.
Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa
Tagalog.
Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na
nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa
Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa
mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.
Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana
na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal
na wika ng bansa.
Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon
Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula
sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa
Agosto 13-19 tuwing taon.
Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan
ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg
7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay
Pilipino ang gagamitin.
Oktubre 24, 1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang
nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng
pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.
Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang
isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran,
tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.
Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang
resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa
antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o
pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75.
Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng
Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa
pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at
pamantasan.

Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang

rebolusyonaryo ng Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia
Muñoz Palma. Pinagtibay ng Komisyon ang Konstitusyon at dito’y
nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika:
Bilinggwalismo ang tumutukoy sa ipinapakitang kakayahan sa
pakikipag-usap sa pamamagitan ng dalawang wika.
Sanggunian:
(https://www.coursehero.com.file/16021963/Wikang-
Filipino/) , Aklat- Kotekstwalisadong komunikasyon sa Filipino
– Dr. Mario H. Maranahan
Artikulo XIV ng Konstitusyon 1987 - Wika
Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig
sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga
tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang
ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang midyum
na opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang
pang-edukasyon.
Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang
mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang
itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrelihiyon ay
pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na
pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at
opsyonal ang Kastila ng Arabic.
Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at
Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at
Kastila.
Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang
Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at
mga disiplina na magsasagawa, mag- uugnay at magtataguyod ng mga
pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili.
Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay
ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng
paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral
ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum
ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura.

Kahulugan ng Wika
Ano nga ba wika? Iba’t ibang ang pagpapakahulugan dito.
Ayon kay Dr. Roderick Hemphill ang wika ay isang masistemang kabuuan
ng mga sagisag na sinasalita o binibigaks ng pinagkaisahan o kinaugalian ng
isang tao at sa pamamagitan nito’y nagkakaugnay, nagkakaunawaan at
nagkakaisa ang mga kaanib.
Ayon naman kay Henry Gleason, isang dalubwika ang wika ay
masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang
arbitrary. Ang tunog ay hinuhugisan o binigyan ng mga makabuluhang simbolo
na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagbuo ng mga
kaisipan.
Ayon kay Webster isang leksikografer na Amerikano, ang wika ay
kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na
komunidad.
Ayon kay Edgar Sturtevant, isang kontemporaryong linggwistika, ang wika ay
isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog, para sa
komunikasyon ng tao.
Ayon kay Veneranda S. Lachica ang wika ay tumutukoy sa anumang
paraan ng pakikipagtalastasan at pagpapahayag ng kaisipan at damdamin sa
pamamagitan ng sarili upang maunawaan ng kapwa. Ito ay binubuo ng mga
salita, parirala at pangungusap na nagtataglay ng kahulugan.

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga

simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng
kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at
damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat.

Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga

kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang
lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa
pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga
kaanib ng isang pulutong ng mga tao.

Mga Katangian ng Wika

Batay sa pagpapakahulugan ng mga dalubhasa sa wika, masasabing ang wika
ay may sumusunod na katangian:
A. Ang Wika ay masistemang balangkas
Isinasaayos ang mga tunog sa sistematikong paraan upang bumuo ng
makabuluhang yunit katulad ng salita, parirala, pangungusap at diskors.
Lahat ng wika ay nakaayon sa sistematikong ayos sa isang tiyak na
balangkas.
B. Ang wika ay sinasalitang tunog
Ang wika ay sinasalita na galing sa magkakasunud-sunod na tunog na
nabubuo sa pamamagitan ng interaksyon ng iba’t ibang aparato sa
pagsasalita tulad ng bibig, dila, ngipin, ngalangala, velum at gilagid. Ang
mga bahaging ito ng ating katawan na ginagamit natin sa pagpapahayag
ay tinatawag na speech organs. Kailangan itong mabigkas nang mabuti
upang maging makabuluhan ang nabuong mga tunog at makilala ng
tagapakinig ang pagkakaiba ng mga tunog.
C. Ang wika ay arbitraryong simbolo ng mga tunog
Ang salitang arbitraryo ay nangangahulugang walang tiyak na batayan.
Ayon kay Jesus F. Ramos, ang mga simbolong ito’y arbitaryong sapagkat
walang rasyunal na magagamit upang ipaliwanag ang koneksyon ng mga
ito sa kahulugan.
D. Ang wika ay komunikasyon
Ang wika ay kasangkapan ng komunikasyon dalawa o higit pang taong
nag-uusap. Sa pamamagitan ng wika, naipapahayag ang damdamin,
kaisipan, pangarap, imahinasyon, layunin at pangangailanagn ng tao.
Pagsasalita ang itinuturing na pangunahing representasyon ng wika
samantala ang pagsulat naman ay pangalawang representasyon ng wika.
Ang pagsulat ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita.
E. Ang wika ay pantao
Isang ekslusibong pag-aari ng tao ang wika. Tao ang lumilikha, tao rin ang
gumagamit. Dala-dala niya ito bilang instrument sa pakikipagtalastasan.
Kapangyarihang taglay niya kung paano, saan, kailan at kanino niya ito
gagamitin. Ang pagkakaroon ng wika ay isang katangiang ikinaiiba ng tao
sa iba pang kinapal ng Diyos. Mayroon siyang wikang kasangkapan sa
kanyang lipunang pinamamayanihan ng katuwiran.

F. Ang wika ay kaugnay ng kultura

Matalik na magkaugnay ang wika at kultura. Taglay ng wika ang kultura
ng lipunang pinag-ugatan ng wikang iyon. Ang isang kultura’y
naipapahayag nang matapat at likas sa wikang kakambal na naturang
kultura. Ang sining, panitikan, karunungan, kaugalian, kinagawian at
paniniwala ng mga mamamayan ang bumubuo ng kultura. Ang pangkat
ng mga taong may angking kultura ay lumilinang ng isang wikang
naangkop sa kanilang mga pangangailangan sa buhay. Sa wikang
kanilang nalinang masasalamin ang kanilang adhikain, pangarap,
saloobin, damdamin, kaalaman, pilosopiya, paniniwala, moralidad at
karanasan. Kung gayon, ang wika at kultura ng mga mamamayan ay
magkakaugnay at hindi maaring paghiwalayin.
G. Ang wika ay ginagamit
Upang magkaroon ng saysay ang isang wika, kailangang ito’y gamitin
bilang kasangkapan sa komunikasyon. Kapag ang wika’y hindi na
ginagamit, ito’y unti-unting mawawala.
H. Ang wika ay natatangi
Bawat wika ay may kaibahan sa ibang wika. Walang dalawang wika na
magkatulad. Bawat wika ay may sariling set ng mga yunit panggramatika
at sariling sistema ng ponolohiya (palatunugan), at morpolohiya
(palabuuan) at sintaks (palaugnayan).
I. Ang wika ay malikhain
May kakayahan ang anumang wika na makabuo ng walang katapusang
dami ng pangungusap. Ang isang taong maalam sa isang wika ay
nakapagsasalita at nakabubuo ng iba’t ibang pahayag, nakauunawa ng
anumang marinig o nabasang pahayag. Habang patuloy itong ginagamit
ng mga tao, patuloy na makabubuo sila ng bagong pahayag.
J. Ang wika ay dinamiko
Ang wika ay buhay ay patuloy sa pagbabago dahil patuloy na nagbabago
ang pamumuhay ng tao at iniaangkop ang wika sa mabilis na takbo ng
buhay dulot ng agham, at teknolohoya. Bilang wikang dinamiko, bukas
ang pintuan nito sa pagbabago upang makaangkop sa mga
pangangailangang pangkomunikasyon ng sambayang gumagamit nito.
Ang mga salita ay patuloy na dumarami, naragdagan at umuunlad.

TALAKAY

Pangalan: ________________________________________ Baitang:

______________________
Guro: _____________________________________________ Marka:
______________________

I. Panuto: Tukuyin ang katangian o kalikasan ng wika sa mga sumusunod na

impormasyon sa ibaba. Titik lamang ang isulat.
A. Ang wika ay may dalawang masistemang balangkas
B. Ang wika ay arbitraryo
C. Ang wika ay sinasalitang tunog
D. Ang wika ay pantao.
E. Ang wika ay komunikasyon
F. Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura ng mga taong gumagamit
nito.
G. Ang wika ay malikhain
H. Ang wika ay patuloy na nagbabago
I. Ang wika ay natatangi
_____ 1. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaalaman at nagkakaugnayan sa
pamumuhay,
saloobin, tradisyon, mithiin, paniniwala, ang mga tao.
_____ 2. Nakabubuo ng mga pangungusap ang tao na maaaring noon lamang
niya
nagagamit.
_____ 3. Ginagamit ng tao ang wika upang ipahayag ang kanilang
pangangailangan ,
damdamin at ang kanilang iniisip.
____ 4. Ang wika ay may tiyak na dami ng mga tunog na pinagsama-sama sa
isang
sistematikong paraan upang makabuo ng mga makahulugang yunit
tulad ng mga
salita.
_____ 5. Patuloy na lumalawak ang talasalitaan ng wika kaya kailangang
mabago rin ang
alpabeto at ang sistema ng palabaybayan
_____ 6. Ang wika ay may mga tunog at sistema ng pagbubuo ng mga salita at
sistema
ng pag-uugnay ng mga pangungusap.
_____ 7. Sa pag-aaral ng wika, nauunang inaalam ang mga tunog at ang
kombinasyon ng
mga tunog.
_____ 8. Isinasaayos ang mga tunog sa paraang pinagkasunduan ng pangkat ng
mga
taong gumagamit nito.
_____ 9. Ang mga tunog ng isang wika ay nabubuo sa tulong ng iba’t-ibang
sangkap ng
pagsasalita tulad ng labi, dila, babagtingang tinig, ngalangala, at iba pa.
_____ 10. Ang bawat wika ay may antas ponolohiya, morpolohiya, at antas ng
sintaksis.

B. Panuto: Bigyang pagpapakahulugan at talakayin ang mga sumusunod.

1. Ang Wikang Filipino bilang opisyal na wika (5PTS)
__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________

2. Ang maituturing na pinakadakilang ambag ni Pangulong Manuel Luis M.

Quezon sa pagkakaroon natin ng wikang pambansa(5PTS)
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Ang tungkulin ng Surian ng Wikang Pambansa sa patuloy na paglinang ng

wikang pambansa (5PTS)

4. Patunayan mo na ang alinmang wika sa mundo ay dinamiko. Magbigay ng
mga halimbawa.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
___________________________________________________

5. Paano mo maipapakita ang pagmamahal mo sa wikang iyong ginagamit?

_______________________________
.
6. Patunayan mo na ang alinmang wika sa mundo lalo na ang wikang Filipino
ay MALIKHAIN. Magbigay ng mga PATUNAY at mga tiyak na mga
halimbawa (hindi bababa sa dalawampung halimbawa)

______________________________________________________________________________

Pakilagay ng iyong mga halimbawa sa nakalaang TALAHANAYAN.

Halimbawang Salita Kahulugan

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.

ARALIN 2 Mga Teorya ng Wika

Tutok
Unawain at basahin ang pagpapalalim ng araling ito.

MGA TEORYA TUNGKOL SA PINAGMULAN NG WIKA

Maraming pala-palagay tungkol sa pinagmulan ng wika. Ngunit
tinatanggap ng lahat ng mga dalubwika na wala pang liwanag at katiyakan ang
kani-kanilang mga teoriya hinggil dito.
Halimbawa:
Teoryang Ding-dong – Ito ay hakang ang bawat bagay sa mundo ay may
kasama o kaugnayan na tunog, tulad ng sa kampanang “Ding-dong”. Ang tunog
na ito’y siyang kahulugan ng nasabing bagay.
Malaong iginalang ang teoryang ito, ngunit ito’y balighong paniniwala
sapagkat maraming bagay na walang tunog at maraming tunog na walang
katumbas na bagay.
Teoriyang Bow-wow – Ayon sa palagay na ito, ginagad ng tao ang mga
tunog na likha ng kalikasan. Halimbawa’y sa hayop. Ang tahol ng aso ay “bow-
wow”. Pinag-aalinlangan din ang teoryang ito dahil sa pagkakaiba-iba ng dinig
ng iba’t ibang tao sa isang likas na tunog, Halimbawa’y ang taktalaok ng manok
sa Tagalog ay “cock-adoodle-doo” sa Ingles.
Teoriyang Pooh-pooh – Nagsasaad ito ng tao’y lumilikha ng mga likas
na tunog at pakahulugan sa mga tunog na ito, pagkat siya ang lumikha.
Sinasabing ito’y magsisimula sa silakbo ng damdamin o sa pagbulalas ng
pagtataka, takot, galak, sakit at iba pa. Ito’y kalimitang katambal ng teoriyang
“sing-song” na nagpapalagay na ang wika’y buhat sa di mawatasang pang-awit
ng mga kauna-unahang tao.
Teoriyang Yum-yum – Ito ay nagsasaad na ang tao ay tutugon sa
pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksyon.
Ang bahagi ng pagtugong ito ay ginagawa sa pamamagitan ng bibig – ayon sa
pagkakapusisyon ng dila sa guwang ng bibig. Ang mga ito’y pagbabawas ng mga
orihinal na pakumpas ng tao na ginagamitan ng iba’t ibang bahagi ng katawan.
Teoryang Yo-he-ho- ito ay unang nahinuha ni Noire, isang iskolar noong
ikalabinsiyam na dantaon. Naniniwala siya na ang wika ay nagmula sa mga
ingay na nalilikha ng mga taong magkatuwang sa kanilang pagtratrabaho gaya
ng pagbuwal ng kahoy o pag-angat kaya ng malaking bato.
Teoryang Musikal- Ipinalalagay ni Otto Jeperson, isang linggiwistikang
Danish na ang mga naunang wika o yaong pinakamatandang wika ay lubhang
napakalalawig at napakahahaba. Wala sa mga palagay na nabanggit ang
paniniwalaan nang walang pasubali. Gayunman lahat ay kawili-wili sapagkat
may nabubuong palagay na mapagbabatayan sa pinagmulan ng wika (David
Berlo).
1. Ang wika ay binubuo mga makahulugang simbolo (talasalitaan) at ng
makatuturang paraan ng pasasama nito (palaugnayan);
2. Ang simbolo ng wika ay napiling gamitin nang hindi sinasadya. Ito’y
hindi palagian.
3. Ang tao ay bumuo ng kanyan-kanyang lengguwahe sa ilalim ng
panuntunan ng pagpapakahulugan, pagtugon at kapakinabangang
sumsaklaw sa lahat ng pagkakatuto;
4. Ang wika ay unti-unting nalikha ng tao upang maipahayag ang
kahulugan sa kanyang sarili at sa iba. Sa pagtanggap at paggamit na
katulad ng kahulugan ng ibang tao, nararagdagan ang kanyang
kakayahang makatugon sa kanyang kapwa at sa kapaligiran.

Ayon sa Genesis 11: 1-9 Noon, ang buong daigdig ay iisa ang wika at salita. Ang mga tao’y naglakbay
papuntang Silangan at nakita nila ang isang kapatagan sa Sinai. Dito sila nanirahan. Nag-uusap-usap sila.
“Gumawa tayo ng tisa at lutuin nating mabuti”. Tisa ang ginamit nila sa halip na bato at alkitran sa halip na
bato. Pagkatapos, sinabi nila, “Gumawa tayo rito ng isang lungsod na may toreng abot sa langit. Sa gayon
magiging bantog at di mangangalat sa buong daigdig.

Ngunit bumaba ang Diyos upang tingnan ang lungsod at ang toreng ginawa ng mga tao. Sinabi ng
Panginoon, bilang isang grupo ng tao na iisa ang wika, nakapagsimula silang gumawa nito. Kung gayon,
anumang kanilang balangkasin ay magagawa na muli. “ Bumaba tayo at guluhin ang kanilang wika upang hindi
sila magkaintindihan. Kaya mula noon, pinangalat sila ng Panginoon sa buong daigdig at hindi na naipagpatuloy
ang pagtatayo ng lungsod. Ito ang dahilan kaya tinawag na Babel ang lugar na iyon pagkat doon ginulo ng
Panginoon sa iba’t ibang panig ng mundo.
Mula sa mga teoryang nabanggit sa itaas, hindi nasasabing ito’y totoo o
walang batayan, subalit nagiging mahalaga ang mga ito sa pagtalakay at pag-
alam sa pinagmulan ng mga wika. Sa ganitong paraan, nakabubuo na tayo ng
mga palagay. Ang kwentong matatagpuan naman sa Banal na Aklat tungkol sa
paglaganap ng iba’t ibang wika sa daigdig ay isa pang mapagkukunan nang kung
paano nagsimula ang wika.

TALAKAY

Pangalan: _________________________________________ Baitang: ____________________

Guro: ______________________________________________ Marka: ______________________

Panuto: Tugunan ang mga katanungan sa bawat bilang ayon sa iyong

sariling natutunan.
1. Base sa iyong sariling kaalaman, paano nabuo ang wika? Sa iyong palagay,
makatotohanan ba ang mga teorya sa pinagmulan ng wika? Ipaliwanag
ang iyong sagot. (10pts)

____________________________________________________________

2. Pumili ng limang teorya at iugnay mo ito sa pang-araw-araw na gamit mo

sa wika. Paano ang mga ito (napiling mga teorya)
nakakaapekto/nakakatulong sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan
ng tao sa kanyang kapwa tao?
Mga Mga Patunay na ang mga Teorya ay Nakakaapekto/Nakakatulong
Teorya sa Pakikipagtalastasan
1. ________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

__________________________________________________
2. ________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_______________________________________________
3. ________________________________________________________________________________

____________________________________________
4. ________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_______________________________________________
5. ________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
__________________________________________________

PAGPAPALAWAK
Pagsasalita/Pagsasadula
➢ Pumili ng pinakamabuting teorya na sa palagay mo ay ginagamit mo sa
alinmang sitwasyon (Mag-isip ng isang sitwasyong maaaring magaganap sa
tahanan, sa eskwelahan, sa simbahan, sa palengke o kaya’y sa paparating na
eleksyon). Isagawa ito sa pamamagitan ng VIDEO CLIP (Maaari kang
gumamit at magpatulong sa iyong pamilya at mga kaibigang malapit sa
inyong bahay sa pagsasagawa nito.

ARALIN 3 - Mga Tungkulin ng Wika Ayon sa Iba’t ibang Tagapagtaguyod

nito

Mga Mungkahing Babasahin

Tutok
Unawain at basahin ang pagpapalalim ng araling ito.
KAHALAGAHAN WIKA
SARILI
Nagagawang paunlarin ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng
pagtatamo ng mga butil ng kaalaman mula sa kanyang paligid.
Nagagawa rin niyang maipahayag ang kanyang mga naisin at hangarin sa
buhay na maaaringmay malaking epekto sa kanya tungo sa pampersonal na
kasiyahan.

KAPWA
Walang sinuman sa mundong ito ang nabubuhay para sa sarili lamang.
Kung kaya’t kailangan natin ang ating kapwa upang sa gayon ay lalo pa nating
mapaunlad ang ating kaalaman at kakayahan.
LIPUNAN
Nagkakaroon ng isang maayos na lipunan sa sandaling magkaroon ng
mabuting ugnayan ang mga tao sa isang tiyak na pamayanan. Nagagawang
pagbuklurin ang lahat ng mga taong nakatira sa isang lipunan sa pamamagitan
ng wikang gagamitin upang magkaunawaan, magkaintindihan, at
magkapalagayan dahil nakabatay ito sa kanilang sariling kultura.

TUNGKULIN NG WIKA AYON KAY MICHAEL HALLIDAY (1973)

INSTRUMENTAL
➢ Nagiging instrumento ang wika upang maisagawa at maisakatuparan ng
tao ang anumang nais nito. Kabilang dito ang pakikipag-usap (pagkuha
ng kasagutan sa mga tanong na nangangailangan ng kasagutan),
paghihikayat (pagpapakita ng patalastas sa isang produkto), paggawa ng
liham(maaaring liham pangangalakal o liham sa pagnugot), pagbibigay –
utos at iba pa.
➢ Maaari nating bigyan ito ng kowd na “May gusto ako”
Halimbawa:
NATSU: Nais ko sanang ipadama mo sa akin ang iyong tunay na
pagmamahal.
LUCY: Ganun ba ? Bakit nagdududa kaba sa katapatan ko sa iyo ?
REGULATORI
➢ Nagagawa ng wika na kontrolin ang ugali o asal ng tao. Maari itong
maganap sa sarili o sa ibang tao. Saklaw ng tungkuling ito ang pagbibigay
ng direksyon kug paano gawin ang isang bagay, pagbibigay ng wastong
panuto sa pagsusulit, pagbibigay ng direksyon sa taong hindi matagpuan
ang lugar na pupuntahan at iba pa.
➢ Maaari nating bigyan ng kowd na “Sundin mo ang sasabihin ko.”
Halimbawa:
DORA : Maari mo bang ituro sa akin kung saan ng PUP?
MAP : Oo naman, dumeretso ka lang sa daan na yan. Pag nakita mo na
yung Ministop, malapit ka na sa PUP.
REPRESENTASYONAL
➢ Nagagamit din ang wika upang makipagtalastasan, makapagbaagi ng mga
pangyayari, makapagpahayag ng detalye, gayundin mapakapagpadala at
makatanggap ng mensahe sa iba. Ang pagbabalitam pagbibigay-
paliwanag, pag-iinform gayon din ang pagsisinungaling ay kabahagi nito.
➢ Maaari natin itong bigyan ng kowd na “Alam mo ba?”
Halimbawa:
RENZ: Alam mo ba na ang salitang SIRIT ay mula sa pahayag na “share it”
?
JAYSON: Ha, Talaga?

INTERAKSYUNAL
➢ Nagagawa ng wika na mapanatili at mapatatag ang relasyon ng tao sa
kanyan kapwa. Ang tungkuling ito ng wikaay naipapakita sa
pamamagitan ng pakikipagpalagayan ng tao sa kanyang kapwa,
pakikipag-usap, pakikipagtalakayan, pakikipagtalo hinggil sa isang isyu,
pagsasalaysay ng mga masasaya at malulungkot na kwento, pakikipag-
text, pakikipag-chat at iba pa.
➢ Maaaring bigyan natin ng kowd na “Ikaw, ako, tayo, ay iisa”
Halimbawa:
NIKKA: Aba, ano kaya ang nakain nun at masyado ata siyang masaya?
EHLA: Secret! Pero for sure alam mo na iyon friend . Hihihihi !

PAMPERSONAL
➢ Nagagamit din ang wika upang magpahayag ng sariling kuro-kuro o pala-
palagay, sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang pagsulat ng
journal at talaarawan (diary).
➢ Maaari nating bigyan ng kowd na “Ako ito eh.”
Halimbawa:
GERALD: Sus,grabe naman ang mga pulitiko ngayon, hayagan na kung
bumili ng boto.
NATHAN: Wala tayong magagawa diyan ‘Tol kasi nakasanayan ng nila
yan eh!

HEURISTIKO
➢ Nakatutulong din ang wika upang makapagtamo ang tao ng iba’t ibang
kaalaman. Ilan sa mga ito ang pagkuha o paghahanap ng mga
impormasyon na may kinalaman sa paksang pinag-uusapan o kaya
nama’y pinag-aaralan. Kabilang din dito ang pakikipanayam sa mga taong
dalubhasa sa kanilang larangan upang masagot ang mga tanong na may
patungkol sa kanilang pinagkakadalubhasaan. Maisasama rin dito ang
pakikinig sa radyo, panonood ng telebisyon, pagbabasa ng pahayagan at
aklat.
➢ Maaari naman nating itong bigyan ng kowd na “Makinig ka’t may
sasabihin ako sa iyo”
Halimbawa: KENNETH: Alam mo ba na ang pinakamatagal na movie na tumagal
ng 85 hours ay ang “The Cure For Insomia”.
RONNIE: Wow! Ang galing!
IMAHINATIBO
➢ Nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
➢ Mga biro
Halimbawa:
CANNIBAL
NATHAN : Wala kayo sa lolo ko... CANNIBAL! sampu na nakaing tao!
Ganun katindi lolo ko!
EMMAN : Sampu lang? Lolo mo ata nagje-jeta eh?! Bagsak apetite! Yung
lolo ko bente eh.
GERALD : Ano ba mga lolo ninyoVEGETARIAN? Lolo ko dalawa lang
nakain eh.
NATHAN : Oh baket naman dalawa?! Eh sa lolo ko nga 10 eh, sa lolo ni
Emman 20.
GERALD: Eh yung dalawang kinaIn ng lolo ko eh yung mga lolo nInyo.
HAHAHAHAHAHA!
"Ang wika ay susi ng puso at diwa, tuluyan ng tao’t ugnayan ng bansa.“ -
Marisol Mapula -
“If you talk to a man in a language he understands, that goes to his head. If you
talk to him in his language, that goes to his heart.” ― Nelson Mandela

Mga Mungkahing Babasahin

Paalala: Saliksikin sa mga websites/internet ang mga mungkahing babasahin

ay isasaliksik ito sa internet, babasahin at unawain ang mga ito dahil
may inihandang gawain ang guro na may kaugnayan sa mga
babasahing ito.
➢ Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng
Edukasyon at Lagpas Pa
➢ “Speak in English Zone” ni J. C. Malabanan
➢ “12 Reasons to Save The National Language” at “Debunking PH
Language
➢ Myths” ni D.M. San Juan

TALAKAY

Pangalan: ________________________________________ Baitang:

______________________
Guro: _____________________________________________ Marka:
_______________________

Panuto: Ibigay ang sariling pagpapaliwanag sa katanungan sa bawat

bilang.
1. Alin sa mga tungkulin ng wika ang pinakaginagamit sa pakikipag-
ugnayan? Pangatwiranan.
2. Patunayan na ang wika ay mahalaga sa SARILI, sa KAPWA, at sa LIPUNAN.
Magbigay ng tig-iisang halimbawang sitwasyon.
Halimbawang Sitwasyon
1. Sa ____________________________________________________________________________________
SARILI ____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________
2. Sa ____________________________________________________________________________________
Kapwa ____________________________________________________________________________________

___________________
3.Sa ____________________________________________________________________________________
LIPUN ____________________________________________________________________________________
AN ____________________________________________________________________________________

_________

3. Base sa mga nasaliksik ninyong mungkahing babasahin, pumili lamang

ng isa, isaliksik ito ay bigyan ng sariling repleksyon ayon sa inyong
natutunan. (10pts)

____________

You might also like