Professional Documents
Culture Documents
Bilang mga opisyal na wika, may tiyak at magkahiwalay na gamit ang Filipino at Ingles.
Gagamitin ang Filipino bilang opisyal na wika sa pag-akda ng mga batas at mga dokumento
ng pamahalaan. Ito rin ang wikang gagamitin sa mga talakay at diskurso sa loob ng bansa,
halimbawa, sa mga talumpati ng pangulo, mga deliberasyon sa kongreso at senado, pagtuturo
sa mga paaralan, mga paglilitis sa korte, at iba pa. Mahalaga ang paggamit ng Filipino sa mga
talumpati ng pangulo at sa mga talakay at diskurso upang maunawaan ng mga mamamayan
ang mahahalagang usapin ng bansa. Bukod sa pagiging pambansang wika at isa sa mga
opisyal na wika ng Pilipinas, gumaganap din ang Filipino bilang lingua franca o tulay ng
komunikasyon sa bansa. Kapag may dalawang taong mag-uusap na may magkaiba o
magkahiwalay na kultura at sosyolingguwistikong grupo, halimbawa, ang isa ay
Kapampangan at ang isa naman ay Bikolano, gagamitin nila ang Filipino para
magkaunawaan.
Samantala, gagamitin naman ang Ingles bilang isa pang opisyal na wika ng Pilipinas sa
pakikipag-usap sa mga banyagang nasa Pilipinas at sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang
bansa sa daigdig. Ingles ang itinuturing na lingua franca ng daigdig. lto ang ginagamit ng mga
tao mula sa ibait ibang bansa para mag-usap at magkaunawaan.
SANGGUNIAN:
https://www.elcomblus.com/opisyal-na-wika/
Matapos na maisagawa ng Surian ang atas ng batas, noong Disyembre 30, 1937
ay ipinahayag ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na
nagrerekomenda na Tagalog ang gawing saligan ng Wikang Pambansa na nagsasaad ng
ganito:
Sapagkat batay sa mga pag-aaral na ito ay napatunayan ng mga
Kagawad ng Surian na sa mga wika sa Pilipinas ang Tagalog ang siyang
tumutugon sa halos lahat ng hinihingi ng Batas Komonwelt 184; sapagkat
ang kongklusyong ito ay kumakatawan hindi lamang sa paniniwala ng mga
Kagawad ng Surian kundi pati na rin sa mga opinyon ng mga iskolar at
makabayang Pilipino na magkakaiba ang mga pinanggalingan, edukasyon
at mga hilig na buong pagkakaisang umaayon sa pagpili sa Tagalog bilang
saligang wikang pambansa dahil sa nakita ito na ginagamit at tinanggap
ng pinakamaraming mga Pilipino, bukod sa tahasang pahayag ng lokal na
mga pahayagan, mga publikasyon at indibidwal na mga manunulat…….
Dahil dito’y ipinapasya…… na piliin….. ng Surian ng Wikang Pambansa….
ang wikang Tagalog bilang batayan para sa paglinang at pagpapatibay ng
wikang pambansa ng Pilipinas.
Ayon kina Bernales et. al, Tagalog ang naging saligan ng Wikang
Pambansa sa dahilang ito’y nahahawig sa maraming wikain sa bansa. Sa
madaling salita ay hindi magiging mahirap ang Tagalog sa mga di-Tagalog
dahil kahawig ito ng lahat ng wika ng Pilipino sa ganitong ayos:
59.6% sa Kapampangan,
48.2% sa Cebuano,
46.6% sa Hiligaynon,
39.5% sa Bikol,
31.3% sa Ilokano at iba pa.
• Kautusang Pangministri Blg. 22 (Hulyo 21, 1978) – isinasaad na kailangang ituro ang
6 na yunit ng Pilipino sa lahat ng kurso sa antas ng tersyarya maliban sa kurikulum ng
edukasyon na ang 12 yunit ng Pilipino ay pananatilihin.
• Proklamasyon Blg. 1041 (Hulyo 15, 1997) – sa bisa ng lagda ni Pangulong Ramos
inilipat ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Sa halip na linggo, ginawanng isang
buong buwan ng Agosto ang pagdiriwang ng Wikang Pambansa.
SANGGUNIAN:
Bernales, Rolando A. et.al, (2011) Akademikong Filipino tungo sa Epektibong Komunikasyon,
Mutya Publishing House, Inc.