You are on page 1of 16

FILIPINO 102 - REVIEWER

* Disyembre 30 - Anong buwan at araw ipinatupad ang kautusang tagapagpaganap Blg. 134 ng
Pangulong Ouezon ,ang wikang Pambansa ay ibabatay sa tagalog.

*Nobyembre 1936 - kailan inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng
surian ng wikang pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa
na magiging batayan ng wikang pambansa.

*Agosto 7, 1973 - Kailan nilikha ng pambansang lupon ng edukasyon ang resolusyong nagsasaad na
gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang
pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974 - 1975.

*P. Fidel Ramos or Pangulong Fidel Ramos - Sinong pangulo ang nagtalaga ng tauang pagdiriwang ng
Buwan ng wikang pambansa simula Agosto 1 hanggang 31.

*1934 - Anong taon naisakatuparan isang kombensyong konstitusyonal ang binuo ng pamahalaang
komonwelt upang maisakatuparan ang pangarap ni Quezon.

*Batas Republika 7104 - Anong batas ang idinakda sa pagkakatatag ng komisyon sa wikang filipino
(KWF) ,bilang pagsunod sa itinatadhana ng saligang batas ng 1987,seksiyon 9.

*Agosto 25, 1988 - Kailan ipinatupad ang kautusang tagapagpaganap blg. 335 na ipinalabas at nilagdaan
ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng komisyong Pangwika na siyang
magpapatuloy ng pag- aaral ng Filipino.

*Hunyo 7, 1940 - Kailan pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg.570 na nagtadhana na simula sa Hunyo 4,
1946. Anv wikang pambansa ay isa sa mga opisyal ng wika ng bansa.

*Agosto 12, 1959 - Tinawag na pilipino ang wikang pambansa ng lagdaan ni kalihim Jose Romero ng
kagawaran ng edukasyon ang kautusang blg.7. Ayon sa kautusang ito kaylaman at tutukuyin ang
pambansang wika ay pilipino ang gagamitin kailan ito naganap.

* Jose Romero - Sinong kalihim ang lumagda ng kautusang naglalayong tawaging pilipino ang itatawag
sa wikang pambansa.

*Tagalog - Anong wika ang naging batayan sa pag buo ng wikang pambansa.

*Agosto 12, 1959 - Anong taon nilagdaan ang kautusang naglalayong tawaging pilipino ang wikang
pambansa.

*Linangan ng mga Wika sa Pilipinas - Ano ang "LWP"


* An act Establishing a Multi-Lingual Education and Literacy Program And for other Purpose - Ano ang
nakapaloob sa House Bill No. 3719.

* Hunyo 19, 1974 - Kailan nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at kultura ang
kautusang pangkagawaran blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at
pamantasan.

* 1968 - Anong taon ipinalabas ni kalihim Tagapagpaganap ,Rafael salas ,ang isang kautusan na anv lahat
ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran ,tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa pilipino.

* Abril 1, 1940 - Kailan ipinalabas ang kautusang tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang
balarila at isang diksyunaryo sa wikang pambansa.

*Komisyon sa Wikang Filipino - Ano ang "KWF"

* Hulyo 14, 2009 - Kailan inilabas ang DepEd Order no.74 na may pamagat na " Institutionalizing Mother
Tongue - Based Multilingual Education (MLE) ." ang pagkilala sa Mother Tongue - Based Multilingual
Education bilang " Fundamental Educational Policy and Program " ng kagawaran sa buong panahon ng
edukasyong pormal kasama ang pre- school at ang Alternative Learning System (ALS).

*Henry Gleason - Sinong kilalang manunulat ang nagbigay depinisiyong ang wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitaryo upang magamit ng mga
taong kabilang sa iisang kultura.

Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (Fili 102)

*WIKA - Salita, Ginagamit

- Ginagamit sa pakikipag komunikasyon sa kapwa.

*Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa
iisang kultura.

*Disyembre 30, 1937 - ipinoroklama ang wikang Tagalog bilang batayan ng Wikang
Pambansa. Ito ay ayon sa Saligang Batas ng 1935 kung saan ang Kongreso ay gagawa ng
hakbang sa pagpapaunlad at pagpapayaman ng wikang pambansa batay sa mga umiiral
na katutubong wika. Subalit ang proklamasyon ay magkakabisa lamang dalawang taon
matapos ang pagpapatibay nito.

Filipino bilang Wika at Larangan


* 1940,- ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa ikaapat na taon sa lahat ng
pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

*Sinundan ito ng pagkakaroon ng bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570 noong Hunyo 4, 1946
na pinagtibay ng Pambansang Asambleya noong Hunyo 7, 1940 kung saan ang wikang
opisyal ng bansa ay tatawaging Wikang Pambansang Pilipino.

* 1959, ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 ay ibinaba ni Kalihim


Jose B. Romero, Kalihim ng Edukasyon, kung saan ito ay nagsasaad na ang Wikang
Pambansa ay tatawaging Pilipino upang mailagan ang mahabang katawagang “Wikang
Pambansang Pilipino” o Wikang batay sa Tagalog.”

*1987, alinsunod sa Konstitusyon, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay


tatawaging Filipino. Ito ay hindi batay sa pinaghalo-halong sangkap ng katutubong wika na
umiiral sa bansa bagkus ito ay nucleus ng Pilipino at Tagalog.
Isinasaad ng Artikulo XIV Konstitusyong 1987, ang legal na batayan ng konsepto ng Filipino
bilang wikang Pambansa at ang magkarugtong na gampanin nito bilang wika ng opisyal na
komunikasyon, at bilang wikang panturo sa Pilipinas.

*Seksyon 6. Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang ito ay


dapat na payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral ng mga wika sa Pilipinas. Alinsunod
sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod and
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.

*Seksyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang


opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Inggles. Ang
mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na
pantulong ng mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Espanol
at Arabic.

*Seksyon 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang


Pambansa ng binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon
at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng
mga pananaliksik sa Filipino at sa iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.Para sa karadagang kaalaman buksan ang
link sa ibaba ukol sa “Kwento ng Wikang
Pambansa.”

Filipino Bilang Wika ng Bayan at/ng Pananaliksik


*Minsan ay binanggit ni Manuel L. Quezon sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang
mgakatagang, “Hindi ko nais ang Kastila o Ingles ang maging wika ng pamahalaan.
Kailangangmagkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wika na nakabatay sa isa sa
mga katutubong wika.”

*Sa Artikulo XIV Konstitusyong 1987 ay nagsasaad ng ganito: Seksiyon 8. Ang


Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Inggles, at dapat na isinalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.Sinabi naman sa artikulo ni Vitangcol III
(2019) sa kanyang artikulong, “Ano ang Saysay ng Wikang Filipino,” na kahit ang dating
Pangulong Aquino ay nagsabi na, “imbes na mga galos at pilat ang makuha dahil sa
pagtatagisang-tinig, sana ay umusbong ang pagkakaunawaan at pusong makabayan. May
tungkulin ang bawat isa na palaganapin ang isang kulturang may malalim na
pagkakaintindihan sa isa’t isa gamit ang isang wikang pinagbubuklod at pinagtitibay ng
buong bansa.” Dagdag pa niya, “Wika ang dapat pagbubuuin tayo, hindi tayo dapat
paghihiwalayin.” Malinaw sa pahayag na ito, na ang wikang Filipino ay sandatang
nagbubuklod sa lahat ng Pilipino saan mang dako ng mundo sila naroroon.Sa paglulunsad
ng K to 12 Basic Education Curriculum isinaalang-alang ang pangangailangan ng lipunan,
global at lokal na pamayanan maging ang kalikasan at ang pangangailangan ng mamayan.
Batay sa Gabay Pangkurikulum, isasama ang Filipino bilang disiplina sa wika kung saan
nilalayon nito ang pagtuturo ng Filipino upang malinang ang kakayahang komunikatibo,
replektibo/mapanuring pag-iisip, at pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang
pagkakailanlan, kultural na literasi at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis
na pagbabagong nagaganap sa daigdig.

Filipino Bilang Larangan at Filipino sa Iba’t ibang Larangan

*Tinalakay ni Gonzales (n.d.) sa kanyang Modyul na may titulong “Ang Pagpapayabong at


Intelektwakisasyon ng Wikang Filipino: Mula sa Paninging Teoretikal, Historikal, at
Sosyolohikal” ang modelo ng paglinang ng wika ayon kina Haugen (1972) at Ferguzon
(1971).

*Ayon naman kay Constantino (2015) sa aklat ni San Juan et al. (2019) ang kahalagahanng
intelektwalisasyon ay ang paggamit ng Filipino sa iba’t ibang larangan tungo sa
pagpapaunlad hindi lamang ng wikang Filipino kundi ng kaisipang Filipino. Ang wika ay
mabilis na uunladkung ito ay ginagamit hindi lang sa tahanan, sa lansangan o sa pang-
araw araw na buhay kundi bilang isang larangan sa edukasyon at pananaliksik

*Ayon kay Flores (2015) sa aklat ni San Juan (2019), may dalawang antas ang
pagpaplanong pangwika. Ito ay ang antas makro sa pagpaplanong pangwika kung saan
nakatuon sa mandatoring asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang antas maykro sa
pagpaplanong pangwika na nauukol sa aktwal na implementasyon ng gayong patakaran
sa bawat lugar.

*Ang Wikang Pambansa ay ang wikang pagkakakilanlan ng mamamayan ng isang bansa.


Ang Pilipinas bilang isang multilinggwal na bansa ay nararapat na may wikang
magsisilbing bigkis na magbubuklod sa isang lahi. Ang Filipino bilang Wikang Pambansa
ay maraming pinagdaanan upang maabot ang katawagang ito.

Kasaysayan ng Wikang Pambansa

*Ang kasaysayan nang pagkakaroon ng Wikang Pambansa sa Pilipinas ay dumaan sa ilang


mga pagbabago - ang Pilipino na nagmula sa Tagalog na pagkaraa’y naging Filipino.
*Kasalukuyang gumagamit ng 87 na iba’t ibang wika.
*Kabilang sa mga pangunahing wika ay Tagalog, Cebuano, Ilocano, Pampanga, Bicol,
Pangasinan, Hiligaynon, Waray at Maranao.

*Nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa, hinangad nilang mapalaganap ang
Kristiyanismo, kaya’t minabuti ng mga prayle na mag-aral ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas
sa halip na ituro ang kanilang wika sa mga katutubo.
*Sa ganitong paraan, nakapag-ambag sa wika ang mga mananakop ng Kastila dahil sa
pagkakasulat nila ng aklat gramatika ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas.

*Nang dumating ang mga Amerikano, biglang naunsyami ang mithiin ng mga Pilipino ng
itakda ng pamahalaan na ang wikang Ingles ang gawing opisyal na wikang panturo sa
mga paaralan. Ipinagbawal ang paggamit ng bernakular sa paaralan at sa tanggapan nito.
Ito ang dahilan kung bakit simula noong pananakop ng mga Amerikano hanggang bago
sumiklab ang pangalawang digmaang pandaigdigan , hindi umunlad ang ating wika.

*Ang ating mga lider na makabayan tulad nina Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Teodoro
Kalaw at iba pa ay nagtatag ng kilusan nakung saan sila ay naging masigasig sa
pagkakaroon ng Wikang Pambansa. Nagharap ng panukula si Manuel Gillego na gawing
Wikang Pambansa at Wikang Opisyal ang Tagalog subalit patuloy pa ring namayani ang
wikang Ingles.

*Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng


isang wikang pambansa. Ito ay utang natin sa naging Pangulong Manuel L. Quezon, ang
tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa."
*Noong 1934, isang Kombensyong Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang Komonwelt
upang maisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At upang ipaalala ang kahalagahan ng
wika, isang probisyon tungkol sa Wika ang isinama sa ating Saligang Batas. Ito’y
napapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935.
*Ang Pambansang Kapulungan ay magsasagawa ng mga hakbangin tungo sa paglinang at
paggamit ng pambansang wikang batay sa isa sa umiiral na katutubong mga wika.
Samantalang hindi pa itintadhana ng batas ang Ingles at Kastila ay patuloy na mga Wikang
Opisyal.”

*Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa, binuo ng mga kinatawang nagmula sa


mahahalagang mga rehiyon sa Pilipinas bilang mga kasapi. Pagkatapos ng puspusang pag-
aaral ng iba’t ibang wika sa Pilipinas, ipinasya ng Surian na Tagalog ang siyang dapat
pagbatayan ng Wikang Pambansa pagkat ito’y nagtataglay ng nalinang nang panitikan at
wikang sinasalita ng nakahihigit ng dami ng mga Pilipino. Kaya, noong Disyembre 30,
1937, inihayag ni Pangulong Quezon na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Tagalog.
*Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na
lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga
katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng Wikang Pambansa.
*Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng
Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.
*Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag
ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang
Wikang Pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19,
1940.

*Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa


Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
*Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa
taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit
ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.

*Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose
Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito,
kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.
*Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na
ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.

*Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan
na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay
maisulat sa Pilipino.
*Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad
na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa
lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75.
*Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at
Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong
bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan.
*Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang rebolusyonaryo ng
Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Muñoz Palma. Pinagtibay ng
Komisyon ang Konstitusyon at dito’y nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika:

*Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay


dapat payabungin at pagyamanin pa ang salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba
pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na
maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan
upang ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang midyum na opisyal
na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

*Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga Wikang Opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga Wikang
Panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na
pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at
Arabic.
*Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa
mga pangunahing Wikang Panrehiyon, Arabic at Kastila.

*Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na


binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa,
mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para
sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili.

*1987 –Atas Tagapagganap Blg 117. Nilagdaan ng Pangulong Corazon Aquino ang
paglikha ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas LWP bilang pamalit sa dating SWP at
makatugon sa panibagong iniatas na gawain nitong patuloy na pagsasaliksik at
pagpapaunlad ng wikang pambansa.
*Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni
Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na
siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng
Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura.

*1991 -Batas Republika 7104 .Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), bilang
pagsunod sa itinatadhana ng Saligang Batas ng 1987, Seksiyon 9. Ito rin ay pamalit sa
dating SWP at LWP.Ang pagtatalaga ngtauang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansa, Agosto 1-31. Nilagdaan ito ni Pangulong Fidel Ramos Isinainstitusyon ang
gamit ng Inang Wika sa Elementarya O Multiligual Language Education (MLE). Nauna rito,
may inilahad nang bersyon ang ikalabing-apat na kongreso ng mababang Kapulungan na
House Bill No. 3719- An act Establishing a Multi-Lingual Education and Literacy Program
and for other Purpose sa pamamagitan ni hon. Magtanggol T. Gunigundo.
*Ayon sa ipinalabas na Resolusyon Blg. 1-92 (Mayo 13, 1992) na sinusugan ng Resolusyon
Blg. 1-96 (Agosto, 1996) ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang depinisyon ng Filipino ay..
“ang katutubong wika na ginagamit s buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng
mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa
proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga paghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga
di- katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang salitang barayti ng wika para sa iba’t
ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang salitang sosyal, at para sa mga
paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.”

*Sa panayam na ibinigay ni Komisyoner Ricardo Ma. Duran Nolasco (ng KWF, 2007) sa
Mariano Marcos State University, aniya ang kasalukuyang Filipino ay dating wika ng
katagalugan na naging Wikang Pambansa bunga ng kombinasyon ng mga pangyayari
historikal, ekonomikal, at sosyopolitikal, kayat naging pambansang lingua franca ng
magkakaibang etnolingguwistikong grupo sa bansa.

*Nagpapatibay sa alpabeto at patnubay sa ispeling ng wikang Filipino, kasabay ng


tuwirang pagtukoy ng Konstitusyon ng 1987 sa Wikang Pambansa.

* Ang pagbaybay ay patitik at bibigkasin ayon sa tawa-Ingles maliban sa n (enye) na


tawag-kastila (ey, bi, di, i, ef, eych, ay, key, el, em en, enye, endyi, o, pi, kyu, ar, es, ti ,yu,
vi, dobol, yu, eks, way, zi. A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ñ, NG, O, P, Q, R, S, T, U, V,
W, X, Y, Z,.
*May 28 letra pa rin sa 2001 alpabeto, walang idinagdag, walang ibinawas at gumaganap
bilang pagpapatuloy ng 1987 patnubay Ang binago ay mga tuntunin saa paggamit ng
walong dagdag letra na pinagmulan ng maraming kalituhan simula nang pormal na
ipinasok sa alpabeto ng 1976.

*Pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng 2001 Rebisyon sa Alpabeto at


Patnubay sa ispeling ng wikang Filipino.
*Kailangan ang MLE. Matagal na itong sinabi ni Najib Saleeby noong 1924 nang
suportahan niya ang ulat ng Monroe Commission, na bigo ang paggamit ng
monolingguwal na edukasyon sa Ingles. Higit na mabilis na matututo ang batàng Filipino
kung wika nila ang gagamitin sa pag-aaral. Ito rin ang batayan ng 1935 Kumbensiyong
Konstitusyonal sa pagpilì ng isang wika batay sa isang katutubong wika bilang wikang
pambansa sa halip na Ingles.

*14 Hulyo 2009, inilabas ang DepEd Order No. 74 na may pamagat na “Institutionalizing
Mother Tongue-Based Multilingual Education (MLE).” ang pagkilála sa Mother Tongue-
Based Multilingual Education bilang “Fundamental Educational Policy and Program” ng
Kagawaran sa buong panahon ng edukasyong pormal kasama ang pre-school at ang
Alternative Learning System (ALS).Iniaatas sa unang tatlong taon ang implementasyon ng
tinatawag na MLE Bridging Plan, isang plano para sa pagbuo at produksiyon ng mga
kagamitang panturo sa mga itinakdang wika ng paaralan, dibisyon, at rehiyon, lalo na sa
panimulang pagbabasá at panitikang pambatà, at ang paggamit ng unang wika ng mga
mag-aaral bilang pangunahing wikang panturo (MOI) mula pre-school hanggang Grade 3.

*Sa antas sekundarya, bumalik sa Patakarang Bilingguwal dahil Filipino at Ingles ang
magiging pangunahing wikang panturo. Patuloy na gagamitin ang unang wika bilang
auxiliary medium of instruction. Resulta sa eksperimento ng DepEd, ng SIL, at ni Dr
Nolasco ipinakita diumano ng eksperimento na higit na mabilis natuto ang mga batà
ginamit ang kanilang unang wika sa pagtuturo. Sa ilalim ng simulaing unang wika, at
upang ganap na maging epektibo ang MLE, kailangang gamitin ang 150 wika’t wikaing ito
sa mga paaralan ng bansa.

*Kailangang maghanda ng mga kasangkapang panturo sa 150 wika’t wikain. Kailangang


magdeploy ng mga guro sa buong bansa na may kahandaan ang bawat isa sa isa sa 150
wika’t wikain. Kailangan din pagkuwan na maghanda ng mga test sa 150 wika’t wikain.

MGA BATAYANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK

Ano ang pananaliksik?

*Ayon kay Clarke (2005), ang pananaliksik ay isang maingat, masistematiko at obhetibong
imbestigasyon na isinasagawa upang makakuha ng mga balidong katotohanan, makabuo
ng konklusyon at makalikha ng mga simulaing kaugnay ng inilahad na suliranin batay sa
iba’t ibang larangan o disiplina.

*Ayon naman kay Nuncio, et al. (2013), ang pananaliksik ay isang lohikal na proseso ng
paghahanap na obhetibong sagot sa mga katanungan ng mananaliksik na nakabatay sa
suliranin at metodo ng pag-aaral tungo sa produksiyon ng maraming kaalaman at
kasanayan upang makatugon sa pangangailangan ng tao at ng lipunan.

Layunin ng Pananaliksik

1. Upang makadiskubre ng bagong kaalamn hinggil sa mga batid nang penomena


2. Upang makakita ng sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral
na merodo at impormasyon.
3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng bagong instrumento o
produkto.
4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substance o elements.
5. Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang substances at elements.

6. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya, sa kalakalan, industriya, edukasyon,


pamahalaan at iba pang larangan.
7. Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.
8. Mapalawa o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman.
9. Upang mapaunlad ang sariling kaalaman.
10. Upang mabatid ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa isang partikular na
bagay.

Katangian ng Pananaliksik

1. Sistematik. May sinusunod na proseso o magkakasunod-sunod na mga hakbang tungo


sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon ng
pananaliksik.

2. Kontrolado. Lahat ng baryabol na sinusuri ay kailangang maging konstant. Hindi dapat


baguhin, anomang pagbabagong nagaganap sa asignatura o pinag-aaralan ay maiuugnay
sa eksperimental na baryabol na kailangang-kailangan sa mga eksperimental na
pananaliksik.

3. Empirikal. Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraan ginagamit sa


pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap.

Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik

1. Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang Filipino at mga katutubong


wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang malapit sa puso at isipan ng mga
mamamayan.
2. Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik ang pagpili ng paksang
naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino.
3. Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik.

Sa pamimili ng paksa, mahalagang isaalang-alang ang sumusunod na mga batayan (San


Juan, et al., 2019).

1. Pumili ng paksang may sapat na sangguniang pagbabatayan. Nararapat na ang paksang


napili ay may sapat na literaturang pagbabatayan ng sa ganun maging malawak ang
mapagkukunan ng impormasyon batay sa paksa. Kapag bago ang paksa, karaniwan na
limitado ang mga batayan at hindi magiging mabisa ang pagtalakay dito. Makatutulong
din na ang paksang napili ay hango sa mga paksang inilimbag na sa mga journal o iba pang
babasahin upang magkaroon ng sapat na basehan sa gagawing pagtalakay sa paksang
napili.

2. Pumili ng paksang limitado lamang at hindi malawak ang saklaw. Para maging mabisa
at makatotohanan ang gagawing pagtalakay, gawing ispisipiko lamang ang paksa. Kapag
limitado ang paksa, nagkakaroon ng tiyak na pokus ang gagawing pananaliksik. Ang isang
malawak na paksa ay pwedeng limitahan ng sa gayon ay hindi masyado malawak ang
gagawing pag-aaral.
Paglilimita ng Paksa

*Batay kay Bernales, et al., (2018), may mga batayan ng paglilimita ng paksa. Tulad ng (a)
panahon; (b) edad; (c) kasarian; (d) perspektibo; (e) lugar; (f) propesyon o grupong
kinabibilangan; (g) anyo o uri: (h) partikular na halimbawa o kaso; (i) kombinasyon ng ng
mga nabanggit na batayan.

*3. Mahalaga na ang napiling paksa ay makapag-aambag ng bagong kaalaman. Hindi na


mahalaga kung bago o luma ang paksa. Tungkulin ng mananaliksik na bigyan ng
makabagong dimensyon ang paksa upang ang ang ginawang pagsusuri, konklusyon at
rekomendasyon at batay sa bagong nakalap na datos. Sa ganitong paraan, hindi magiging
duplikasyon ang isinagawang pananaliksik.

Gagamit ng sistematikong at siyentipikong paraan upang mabigyan ng kasagutan ang mga


inilahad na suliranin sa pananaliksik. Tiyakin na ang mga suliraning inilahad sa
pananaliksik ay hindi lamang masasagot ng mga impormasyong makukuha sa internet o
sa mga aklat. Ito ay mga pangkalahatang impormasyon na hindi na nangangailangan ng
siyentipikong pamamaraan. Sa pananaliksik, masasagot ang mga inilahad na suliranin sa
pamamagitan ng sistematiko at siyentipikong pamamaraan.

Halimbawa: Ano anong pag-aaral ang isinagawa ng Unibersidad ng Pilipinas para


matulungan ang pamahalaan na labanan ang Covid-19? Ang ganitong katanungan ay hindi
na nangangailangan ng siyentipikong paraan ng pananaliksik sapagkat ang kasagutan ay
pangkalahatan at pwede ng makuha sa internet, pahayagan at iba pang uri ng babasahin.
Ngunit kung susubuking hanapan ng kasagutan ang tanong na, “Paano nakaapekto sa
kalusugan, emosyon at pananampalataya ang pinagdadaanang kasalukuyang pandemya,
Covid-19 virus sa mga kabataan na may edad na 15-21? Ang ganitong katanungan ay
nangangailangan ng masusi at masistematikong pagpapapahalaga sa mga makakalap na
datos.
Nararapat na ang mananaliksik ay may sapat na kaalaman sa paksa. Mahalaga na ang
mapipiling paksa ng pananaliksik ay naayon sa disiplina ng mag-aaral ng sa gayon ay may
sapat siyang kaalaman sa napili niyang paksa. Hindi magiging madali ang gagawing
pagtalakay kung salat sa kaalaman at malayo sa interes ng mananaliksik ang paksang pag-
aaralan.

Pagpili ng Batis ng Impormasyon

1. Tiyakin na ang sanggunian ay isang akademiko. Mas mabigat na salalayan ang isang
akademikong sanggunian sapagkat naglalayon itong magbigay linaw sa iba’t ibang
miyembro ng akademikong komunidad tulad ng mga mag-aaral, guro at mga iskolar
hinggil sa paksa. Obhetibo ang pagtalakay sa paksa at dumaan sa masusing ebalwasyon
kaya ito ay mapagkakatiwalaan
2. Tukuyin ang uri ng sanggunian. Ang akademikong sanggunian ay pwedeng nakalimbag
o online. Halimbawa nito ay aklat, journal, artikulo. May iba’t ibang uri ng website na
pwedeng hanguan ng impormasyon. Kapag ang web page Uniform Resource Locators ay
nagtatapos sa .edu ito ay nabibilang sa institusyong pang-edukasyon o akademiko.
Halimbawa: academia.edu. Maituturing naman na ang hanguan ay isang organisayon
kung ito ay nagtatapos sa .org. Halimbawa: digital compas.org. Ang URL na nagtatapos sa
.com ay nabibilang sa komersiyo o bisnes. Halimbawa: gmail.com.
3. Alamin kung ang sanggunian ay primarya o sekundarya. Maituturing na primarya ang
sanggunian kung ito ay nagbibigay ng direktang katibayan tungkol sa paksa ng
pananaliksik at maituturing na orihinal na ebidensiya. Ang ilang mga halimbawa nito ay
panayam, awtobiyograpiya, talaarawan, bahagi ng akademikong sulatin, kinalabasan ng
isang eksperimento at mga legal at historikal na dokumento, survey, at police report.
Pagbasa at Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak at Rebyu
*Paraphrase - Ang paraphrase ay tumutukoy sa pagsasalin ng ideya ng orihinal na teksto
sa mabisa at malinaw na pananalita na hindi nababago ang tunay na kahulugan. Ang
paraphrasing ay nakatutulong upang mas mapabilis ang pagbibigay kahulugan sa
binasang teksto. Sa pagsulat ng paraphrase inilalagay ang pinagkunan ng orihinal na
teksto (APA Style, n.d.)
*Abstrak - Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng
akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal lektyur, at mga report.
Ito ay karaniwang makikita sa unahan ng pananaliksik na naglalahad ng buod ng akdang
akademiko o ulat. Kinapapalooban din ito ng mga layunin ng pag-aaral at ang suliranin ng
ginawang pananaliksik
Ayon kay Gervacio, (2020), may mga dapat tandaan sa pagsulat ng abstrak.
1.Lahat ng nakasulat sa abstrak ay dapat nakapaloob sa kabuuan ng papel.
2.Hindi isinusulat sa abstrak ang detalyadong pagpapaliwanag ng mga datos para
pahabain ito
3. Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak
4.Gumamit ng malinaw at direktang pangungusap. Iwasan ang pagiging maligoy sa
pagsulat ng abstrak.
5.Maging obhetibo. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan.
6.Gawing maikli subalit komprehensibo ang pagsulat ng abstrak kung saan mauunawaan
ng babasa ang pangkalatang nilalaman ng pananaliksik.
*Rebyu- Ayon kina San Juan, et al. (2019), ang rebyu ay isang uri ng pampanitikang
kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang akda batay sa nilalaman, istilo at anyo ng
pagkakasulat nito. Naglalaman din ito ng pagtataya o ebalwasyon ng akda batay sa
personal na pananaw ng mambabasa na nagbibigay ng rebyu. Gumagamit ang mga
nagsusulat ng panunuri sa rebyu upang magbigay linaw sa nilalaman ng akda ng sa gayon
ay madaling maunawaan ito ng mambabasa.

Filipino Sa Agham, Teknolohiya, Inhenyeriya,Matematika At Iba Pang Kaugnay Na


Larangan:INTELEKTWALISASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGANG SIYENTIPIKO-TEKNIKAL

*Malaking bilang ng mga mag-aaral ang nakararanas ng kahirapan sa pag-aaral sa


larangan ng agham at teknolohiya. Napakarami ng terminolohiya na ginagamit dito na
mahirap maunawaan kung hindi mabibigyan nang maayos na pagpapaliwanag. Dahil sa
limitadong bokabularyo ng wikang Filipino sa konseptong teknikal, maraming siyentipiko
ang nahihirapan na gamitin ito bilang wikang panturo. Subalit, ang kakulangan na ito ang
nagtulak sa ilan na magsagawa ng mga pag-aaral sa kani-kanilang larangan gamit ang
wikang Filipino.

*Sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang wika sa pagtuturo sa mga larangang


siyentipiko-teknikal, kailangang ang intelektwalisasyon ng wika. Nabanggit nina San Juan
et al., (2019) (ayon kay Gonzales, 2005), ang intelektwalisasyon ay ang “pagpaksa ng mga
ideya sa pinakamataas na lebel sa akademya”.

*Ito ay maaari lamang matamo sa pamamagitan ng paggamit dito hindi lamang bilang
wika sa pang-araw-araw o ordinaryong komunikasyon kung hindi maging sa matatalinong
diskurso sa paaralan.

*Malaki ang ginampanang papel ng pagsasalin sa adhikaing intelektwalisasyon ng wika.


Ayon pa rin kina San Juan et al., ang pagsasa-Filipino ng iba’t ibang akda mula sa iba’t
ibang wika ay isang paraan ng intelektwalisasyon ng wika. Hindi isang simpleng gawain
ang pagsasalin. Dapat na maging bukas at malawak ang pananaw ng isang tagasalin at
hindi nakakulong sa personal at limitadong konteksto lamang.

*Ang pagsasalin ay hindi simpleng paghahanap o pagtutumbas lamang. Hindi literal na


mga kahulugan lamang ng mga salita o pahayag ang dapat na maibigay ng isang saling-
teksto kundi dapat na maibahagi nito ang mas malalim na kahulugan ng mga salita batay
sa konteksto o maging sa kulturang pinagmulan ng original na teksto.

Mga Disiplina sa Larangan ng Agham


*Ang salitang siyensiya o science ay mula sa salitang Latin na scientia na
nangangahulugan ng karunungan. Ito ay higit na kilala ng mga Pilipino sa tawag na
agham. Ito ay tumutukoy sistematikong pag-aaral gamit ang sistematikong pamamaraan
upang subukin ang katotohanan sa likod ng mga haka-haka. Ang layunin nito ay
maparami at mapalawak ang datos upang maka pagbuo ng teorya.

*Biyolohiya - Nakatuon sa pag-aaral ng buhay at mga nabubuhay na organismo kabilang


ang kanilang estruktura, mga tungkulin, paglago, ebolusyon, distribusyon at taksonomiya.

*Kemistri - Nakatuon sa komposisyon ng mga substance,properties at mga reaksyon at


interaksyon sa enerhiya at sa sarili ng mga ito.

*Pisika - Nakatuon ito sa mga property at interaksyon ng panahon, espasyo, enerhiya at


matter.Mula ito sa Griyego na Phusike o kaalaman sa kalikasan.

*Earth Science/Heolohiya - Ito ay sumasaklaw sa pag-aaral ng mga planeta sa kalawakan,


ng mga bato kung saan gawa ito at ang mga proseso ng kanilang pagbabago, at iba pang
pisikal na elemento kaugnay ng pagbuo, estruktura at mga penomena nito.

*Astronomiya - Pag-aaral na kinapapalooban ng pagmamasid at pagpapaliwanag ng mga


kaganapang nangyayari sa labas ng daigdig at ng himpapawid nito. Pinag-aaralan nito ang
pinagmulan, pagbabago at mga katangiang pisikal at kemikal ng mga bagay na
napagmamasdan sa kalangitan (na nasa labas ng atmospera), pati ang mga kaugnay na
mga proseso at kababalaghan.

*Matematika - Ito ay siyensiya ukol sa sistematikong pag-aaral sa lohika, at ugnayan ng


mga numero, pigura, anyo, espasyo, kantidad, at estruktura na inihahayag sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ang mga matematika ay lumulutas ng katotohonan o
kamalian ng mga konhektura sa pamamagitan ng mga matematikal na pagpapatunay na
mga argumentong sapat upang mahikayat ang ibang mga matematiko sa balidad nito.

Mga Disiplina sa Larangan ng Teknolohiya


*Ang teknolohiya ay pinagsamang salitang Griyego na techne (sining, kakayahan, craft o
parang kung paano ginagawa ang bagay); at logos o salita, pahayag, o binigkas na
pahayag. Ang praktikal na aplikasyon ng mga impormasyon at teoryang pansiyensiya.
Umaasa ito sa mga teoryang pansiyensya. Ito ang paglikha at paggamit ng iba’t ibang
pamamaraan o kaugnayan ng buhay, kapaligiran, kalikasan at lipunan.

*Information Technology (IT) - Ito ay tumutukoy sa pag-aaral at gamit ng telnolohiya


kaugnay ng pagbibigay at paglilipat ng impormasyon, datos at pagpoproseso. Tumutukoy
rin ito sa pag-unawa, pagpaplano, pagdidisenyo, pagbuo, distribusyon, pagpoprograma,
suporta, solusyon, at operasyon ng mga software at kompyuter.

*Information Technology (IT) - Ito ay tumutukoy sa pag-aaral at gamit ng telnolohiya


kaugnay ng pagbibigay at paglilipat ng impormasyon, datos at pagpoproseso. Tumutukoy
rin ito sa pag-unawa, pagpaplano, pagdidisenyo, pagbuo, distribusyon, pagpoprograma,
suporta, solusyon, at operasyon ng mga software at kompyuter.

You might also like