You are on page 1of 4

ARALIN 4 MGA BATAYANG LEGAL AT OPISYAL NA PAGGAMIT NG FILIPINO

BILANG WIKA NG EDUKASYON

Sa araling ito (Aralin 4) nakatuon ang pagtalakay sa Mga batayang legal at opisyal na paggamit
ng Filipino bilang wika ng edukasyon. Babalikan sa bahaging ito ang mga pangunahing batas sa
bansa na nagtatadhana sa kalagayan ng Wikang Filipino sa akademikong kalagayan.

Pangkalahatang Layunin

Sa katapusan ng aralin na ito, inaasahan na:

1. Nakapagtutukoy sa mga kartilya ng kurikulum ng kursong Filipino.


2. Nakapag-iisa-isa sa mga dulog at estratehiya sa pagtuturo ng Filipino batay sa
kurikulum.
3. Nakapaglalahad ng isang forum kaugnay sa mga sanligang batas pang-wika.

Pangkalahatang Kaalaman

Ayon sa siping bersyon ng Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Sek. 3: "AngKongreso ay


gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibayng isang wikang pambansa na
batay sa isa mga umiiral na katutubong wika.Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang
Ingles at Kastila ang patuloyng gagamiting mga wikang opisyal." Ibig sabihin, wala pa noong
ahensiya ngpamahalaan na mangangasiwa o magpapalaganap ng mga patakaran hinggil
sapambansang wika. At wala pa ring napipili noong 1935 kung aling katutubong wikaang
magiging batayan ng pambansang wika. Ang siniping probisyon naman saSaligang Batas ng 1935
ay ipinaglaban ng mga delegado sa KumbensiyongKonstitusyonal na hindi Tagalog na sina
Felipe R. Jose sa Mountain Province,Wenceslao Q. Vinzons sa Camarines Norte, Tomas Confesor
sa Iloilo,Hermenegildo Villanueva sa Negros Oriental, at Norberto Romualdez sa Leyte.
Ayon naman kay dating Pang. Manuel L. Quezon sa kanyang talumpati sa Unang Pambansang
Asamblea noong 27 Oktubre 1936, “Hindi na dapat ipaliwanag pa, na ang mga mamamayang
may isang nasyonalidad at isang estado ay dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan
ng lahat.” Ayon sa kanya,nararapat lamang na magkaroon ng isang wikang sinasalita at
nalalaman ng lahatupang magkaroon ng pagkakaunawaan at pagkakaintindihan sa isang
partikularna lugar.Dahil naman sa Batas Komonwelt Blg. 184, naitatag ang Surian ng
WikangPambansa noong Nobyembre 13, 1936 na binuo ng Saligang Batas ngPambansang
Asamblea upang mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatanpara sa layuning magpaunlad at
magpatibay ng isang pambansang wikang bataysa isa sa mga umiiral na wika. Sa pagpili ng
isang wikang pambansa, ibinatay itosa pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at panitikan na
pawang tinatanggap atginagamit ng malaking bilang ng mga Filipino. Sa madaling salita, Pinili
angTagalog bilang batayan ng bagong wikang pambansa sa ilalim ng pamumuno niJaime C. de
Veyra na taga-Samar-Leyte na kinabibilangan ng mga kasaping sinaSantiago A. Fonacier
(Ilokano), Filemon Sotto (Sebwano), Casimiro F. Perfecto(Bikol), Felix S. Salas Rodriguez (Panay),
Hadji Butu (Moro), at Cecilio Lopez (Tagalog). Tampok sa pagpili ng Tagalog ang pagkilala rito
na ginagamit ito ngnakararaming bilang ng mga mamamayan, bukod pa ang mga
kategorikongpananaw ng mga lokal na pahayagan, publikasyon, at manunulat.Noong Disyembre
13, 1937, sinang-ayunan naman batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na pagtibayin ang
Tagalog “bilang batayan ng wikangpambansa ng Filipinas.” Samantalang noong Disyembre 30,
1937, pinili at ipirinoklama ng Pangulong Quezon ang Tagalog bilang batayan ng bagong
pambansang wika. Ayon sa kanyang mensahe, “Walang pinakamahalaga sa sinumang tao kundi
ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa pagkakaisa ngbansa, at bilang bayan, hindi tayo
magkakaroon ng higit na kamalayan kung walang sinasalitang wikang panlahat.” Dahil sa
pagkakaroon ng wikang pambansa, nagkaroon ng pagkakaisa ang mga tao bilang iisang
bansa.May dalawangmahahalagang tungkuling naisagawa angSurian ng WikangPambansa. Una
ay ang pagbubuo at pagpapalathala ng Tagalog-EnglishVocabulary at pagbubuo ng Balarila ng
Wikang Pambansa.Dahil sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570, napagtibay ng Pambansang
Asamblea noong Hunyo 7, 1940 na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipinobilang isa sa mga
opisyal na wika ng Pilipinas pagsapit ng Hulyo 4, 1946. at noong1942 ay inihayag ng Komisyong
Tagapagpaganap ng Filipinas [PhilippineExecutive Commission] ang Ordinansa Militar Blg. 13
na nagtatakda na ang kapwaNihonggo at Tagalog ang magiging mga opisyal na wika sa buong
kapuluan. Itoay noong panahong sakop pa ng mga Hapon ang bansang Pilipinas. At noong
Agosto 13, 1959, nagpalabas ng kautusan ang kalihim ng Tanggapan ng Edukasyon, na tawaging
“Pilipino” ang “Wikang Pambansa” na pinasimulan ni Jose Romero, isang Bisaya na naging
Kalihim ng Edukasyon. Dahilnaman sa Konstitusyon ng 1973 o Saligang Batas 1973, itinakda na
ang Wikang Pambansa ay tatawaging “Filipino” na sinang–ayunan ng 1987 Konstitusyon na
nagsasaad na “Ang Pambansang Wika ay Filipino.” At taong 1940, ipinag-utos ang pagtuturo ng
Wikang Pambansa sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sabuong bansa. Dito
napagtibay ang kautusang gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo. Napagtibay naman ng
Executive Order No. 263 o KautusangTagapagpalaganap Blg. 263 na nag–aatas ng paggamit at
pagtuturo ng WikangPambansa sa mga paaralan simula Hunyo 19, 1940. Dahil naman sa
Resolusyon Blg. 70 noong 1970, pinagtibay ng KilusangPambansang Lupon sa Edukasyon ang
pagpapagamit ng wikang pambansa(Filipino) bilang wikang panturo sa lahat ng paaralan sa
elementarya. Ditonagsimulang magamit ang wikang pambansa bilang midyum ng pagtuturo sa
lahatng paaralang pang-elementarya.

Sa isinaad ng artikulo XIV, Sek. 7 ng 1987 konstitusyon na …. “ukol sa mga layunin ng


komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang
itinatadhana ang batas, Ingles…” Nagsilbi itong opisyal na batayan ng sumusunod na kautusan
at memoranda na ipinalabas ng Kagawaran ng Edukasyon.

SEKSYON 7
Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.

Ang mga wikang panrehyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehyon at magsisilbi
na pantulong na mga wikang panturo roon.
Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.

▪ DECS Order 25, s. 1974 “Panuntunan sa Pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinguwal.”


Ang patakaran na naglalayong linangin ang magkatimbang na kasanayan sa Ingles at Pilipino, ay
para sa lahat ng mga paaralan, elementarya, sekondarya, at tersyarya.
▪ DECS Order No. 50, s. 1975 “Supplemental Implementing Guidelines for the policy on Billingual
Instruction at Tertiary institutions.” Sa DECS Order 25, binigyan ng opsyon ang mga institusyon
sa antas tersyarya na magdebelop ng kanilang sariling iskedyul ng pagimplementa sa programa.
▪ MEC Order No. 22, s. 1978 “Pilipino as Curricular Requirement in the Tertiary Level” Bilang pag-
alinsunod sa patakarang bilingguwal at sa iniaatas ng DECS Order 50, s. 1975, nagtakda ng tiyak
na programa ng pagtuturo ng Pilipino sa antas tersyarya.
▪ D ECS Order 52, s. 1987 Bilang pagtugon sa mga probisyong pangwika ng konstitusyon ng 1987,
nirebisa ang patakarang bilingguwal at ipinagkalat ang impormasyon tungkol dito sa
pamamagitan ng dalawang kautusan. o“Filipino and English shall be used as media instruction,
the use allocated to specific subjects in the curriculum as indicated in DECS Order No. 25, s
1974.” o“…Tertiary level institutions shall lead in the continuing intellectualization of Filipino.
The program ofintellectualization, however, shall also be pursued in both the elementary and
secondary levels…”
▪ CHED Memo Order 59, s. 1996 “New General Education Curriculum (GEC).”
▪ CHED Memo 04, s. 1997 Nang sumunod na taon, muling nagpalabas ang CHED ng bagong
memorandum, ang CM No. 04, s 1997, na pumapaksa sa mga patnubay sa Implementasyon ng
CMO 59, 1996.
▪ CHED Memo Order 11, s. 1998 Muli naming nagrebisa ng kurikulum ang mga HEI, particular an
Teacher Education Institutions ang ilabas ng CHED ang bagong kautusan tungkol sa minimum
na rekwayrment ng general education para sa magiging guro.

Pananaw sa Wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino,
ang legal na ahensyang naatasang mamahala sa patuloy na paglinang ng wikang Pambansa ay
nagsabi na: Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansa bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay
dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at
mga di katutubong wika sa ebolusyon ng iba’t ibang varayti ng wika para sa iba’t ibang
sitwasyon sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng
talakayan at iskolarling pagpapahayag.” (KWF Resolusyon Blg. 96-1, Agosto 26, 1996).

Ang Kurikulum sa Edukasyong Elementarya Upang maging makabuluhan ang pagtatalakay


ng mga aralin sa Filipino, nararapat na sundin ng mga guro ang tatlong prinsipyo na: A.
INTEGRATIBO; B. INTERAKTIBO; at C. KOLABORATIB.

Ang Filipino sa Antas Elementarya Ang asignaturang ito ay lumilinang sa mga kasanayan sa
pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag-iisip sa Filipino. Mga Inaasahang Bunga Mithiin:
Nagagamit ang Filipino sa mabisang pakikipagtalastasan (pasalita at pasulat); nagpapamalas ng
kahusayan sa pagsasaayos ng iba’t ibang impormasyon at mensaheng narinig at nabasa para sa
kapakinabangang pansarili at pangkapwa at sa patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa
mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.

Ang Kurikulum sa edukasyong Sekondarya Itinakda ng Batas Pambansa 232 na kilala rin sa
tawag na Education Act of 1982 ang sumusunod na layunin ng Edukasyong Sekondarya: 1.
Maipagpatuloy ang pangkalahatang edukasyon na sinimulan sa elementarya. 2. Maihanda ang
mga mag-aaral para sa kolehiyo. 3. Maihanda ang mgga mag-aaral sa daigdig ng pagtatrabaho.

Ang Kurikulum ng Edukasyon sa Antas Tersyarya Alinsunod sa Republic Act No. 7722 o
Higher Education Act of 1994, ang komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) ay
naatasang ipatupad ang sumusunod na katungkulan: A. Itaguyod ang mahusay o de kalidad na
edukasyon. B. Gumawa ng hakbang upang masiguro na ang gayong edukasyon ay matamo o
para sa lahat (accessible to all); mapaunlad ang responsible at epektibong pamamahala,
patingkarin ang karapatan ng mga guro sa pagsulong na propesyunal at mayaman ang
kasaysayan at kulturang minana.

Ang Kurikulum ng Edukasyon sa Antas Tersyarya Republic Act (RA) No. 7722 (Higher
Education Act of 1994) CHED Memo Blg. 59, S. 1996 • Binuo ang “New General Education
Curriculum” CHED Memo Blg. 4, S. 1997 • Implementasyon ng CHED Memo Blg. 59 •
Humanities, Social Sciences, communications – 9 na yunit sa Filipino at 9 na yunit sa Ingles •
Math, Science and Technology, Vocational – 6 yunit sa Filipino at 9 yunit sa Ingles • Literatura 1 –
ituturo sa Ingles at Filipino • Literatura 2 – depende sa Higher Education Institute

Ang Filipino sa Binagong Kurikulum n General Education (CHED Memo Blg. 30, S. 2004)
Filipino 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik Filipino 3: Masining na Pagpapahayag Literatura 1: Ang Panitikan ng Pilipinas
Literatura 2: World Literature

Gawain

1. Maliban sa mga naitalang kaugnay na batas at legal na batayan, manaliksik ng iba pang
kaugnay na kautusan na nakatuon sa Wikang Filipino bilang panturo at wika ng
akademya.
2. Manaliksik ng isang fora sa youtube o papel na binasa sa isang palihan at suriin ang
nilalaman nito at kaugnayan sa kalagayan ng wikang filipino bilang wikang panturo at
bilang wika ng/sa akademya.
3. Makipanayam (sa pamamagitan ng fb messenger o email) ng guro ng/sa Filipino sa isang
kolehiyo/pamantasan/ uniberisdad. Alamin mula sa kaniya ang mga gawaing
ipinatutupad ng kagawaran ng Filipino (kung mayrooon pa) at kung paano ito
ipinatutupad. Maaari rin naming alamin kung paano itinuturo sa kolehiyo ang Filipino.

You might also like