Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa sa Pilipinas Kung tutuusin hindi sana tumagal ng mahigit tatlong taon at tatlumpu ang ating pagkakaalipin kung noon pa mang unang taon ng pananakop ay ay may isa nang malawak na wikang nauunawaan at ginagamit ng nkararaming Pilipino. Ang Wikang Pambansa sa Saligang Batas 1935 ... ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. (Sek. 3 Art. XIV) 1973 (Art. XV Sek. 3) 1. Ang Saligang Batas na ito ay dapat ipahayag sa Ingles at Pilipino, ang dapat na wikang opisyal, at isalin ang bawat diyalektong sinasalita ng mahigit sa limampung libong taong- bayan, at sa Kasyila at Arabik. Sakaling may hidwaan, ang tekstong Ingles ang mananaig. 1973 (Art. XV Sek. 3) 2. Ang Pambansang Asamblea ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na adapsyon ng panlahat na Wikang Pambansa na makikilalang Filipino. 1972 (Disyembre) Nag-atas si Pangulong Marcos ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) upang isalin ang Saligang Batas sa wikang sinasalita ng may limampung libong mamamayan. (Art. XV, Sek. 3 [1]) 1987 Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Art. XIV, Sek. 6 at 8 nakasaad ang sumusunod. 1987 Sek. 6 "Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang Wika." 1987 Sek. 8 "Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabik at Kastila." Ang Kalikasan ng Wikang Pambansa 1937 [Nobyembre 9] Itinalaga ng SWP ang Tagalog bilang saligan ng wikang pambansa at pinagtibay ito alinsunod sa Batas ng Komonwelt Blg. 184. (Pagkat ito ang siyang halos na nakakatugon sa mga hinihingi ng nasabing batas.) 1937 [Disyembre 30] Alinsunod sa Batas ng Komonwelt Blg. 184, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ay ipinahayag ni Pang. Quezon ang, Wikang Pambansa na batay sa Tagalog 1937 [Disyembre 30] Bakit kaya Tagalog ang naging saligan o batayan ng Wikang Pambansa? Naging batayan ang Tagalog dahil: Ito'y nahahawig sa maraming wikain sa bansa. Siyam hanggang sampung libong salitang katulad Magkakahawig sa bigkas, baybay at kahulugan. Naging batayan ang Tagalog dahil: Nagtataglay ito ng; -5,000 hiram na salita mula sa Kastila -1,500 sa Ingles -1,500 sa Intsik - 3,000 mula sa Malay Naging batayan ang Tagalog dahil: -Mayaman ang Tagalog sa salita dahil sa paglalapi at pagtatambal. -Madaling pag-aralan 1959 [Agosto 13] Pinalabas ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na kailan ma't tukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang PILIPINO ang gagamitin. 1996 [Depinisyon ng Wikang Filipino] Ang wikang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba't ibang barayti ng wika para sa iba't ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag 1936 [Nobyembre 13] Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng Surian ng Wikang Pambansa at nagtatakda ng kapangyarihan, layunin at tungkulin nito. 1971 [Marso 16] Nilagdaan ni Pang. Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 na nagpapanauli sa Surian ng Wikang Pambansa at nililinaw ang mga kapangyarihan at tungkulin nito. 1987 Isinasaad ng Art. XIV Sek 9 ng Konstitusyong 1987: 1987 Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga mga disipilina na magsasagawa, mag uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap ay pagpapanatili. 1987 Ang komisyong ito ay tinatawag ngayong: Komisyon sa Wikang Filipino O KWF Ang Wikang Opisyal 1940 [Hunyo 7] Batas Komonwelt Blg. 570 pinagtibay nito at itinadhana bukod sa iba pa, na ang Pambansang Wika ay magiging isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 04, 1940. 1968 [Agosto 6] Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 nilagdaan ng Pangulo na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga't maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan. 1987 Art. XIV Sek. 7 [Konstitusyong 1987] - Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. 1987 Art. XIV Sek. 7 [Konstitusyong 19871 Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga panturo noon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabik. 1988 [Agosto 25] Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 nilagdaan ni Pang. Corazon Aquino na nagtatagubilin sa lahat ng departamento, tanggapan, kawanihan, ahensya at kaparaanan ng pamahalaan na gumawa ng mga kinakailangang hakbang para sa paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondensya. 1989 [Setyembre 9] Kautusang Pangkagawaran Blg. 84 - pinalabas ni Kalihim Lourdes Quisumbing ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 84 na nag aatas sa lahat ng opisyal ng DECS na isakatuparan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335) Ang Wikang Pambansa sa Edukasyon 1940 [Abril 1] Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 - binigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng isang Diksyunaryo at isang Gramatika ng wikang Pambansa. Itinakda rin nito na simula Hunyo 19, 1940 ay pasisimulan ng ituro ang Wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaralang-bayan at pribado sa buong bansa. 1940 [Abril 12] Pinalabas ni Kalihim Jorge Bacobo ng Pagtuturong Pambayan ang isang Kautusang Pangkagawaran. ito'y sinundan ng isang sirkular [Blg. 26, Serye 1940] ng patnugot ng edukasyon Celedonio Salvador. Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sinimulan muna sa mataas na paaralan at paaralang normal. 1974 [Hunyo 19] Kautusang Pangkagawarn Blg. 25 nilagdaan ito ni Kalihim Juan L Manuel, nagtatadhana ng mga panuntunan sa [agpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal sa mga paaralan na magsisimula sa taong-panuruan '74 - '75. Alinsunod sa Saligang Batas 1972 1978 [Hulyo 21] Kautusang Pangministri Blg. 22 Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel Nag-uutos ito na isama ang Pilipino sa lahat ng kurukulum ng pandalubahasang antas. Magsisimula sa unang semestre ng taong-aralan 1979 1980. 1978 [Hulyo 21] Kautusang Pangministri Blg. 22 Lahat ng pangmataas na edukasyong institusyon ay magbubukas ng 6 na yunit ng Pilipino sa lahat ng palatuntunang aralin sa lahat ng kurso maliban sa mga kursong pagtuturo sa 12 yunit. 1978 [Hulyo 21] Kautusang Pangministri Blg. 22 Nabanggit din sa kautusang ito na ang Pilipino ang gagamiting wikang panturo sa ilan sa mga *pan.alubhasaang aralin sa pagpasok ng taong-aralan 1983 1984. 1978 [Hulyo 21] Kautusang Pangministri Blg. 22 Kalakip din dito ang pagkakaroon ng palatuntunan ng pagsasanay ng mga guro upang magkaroon sila ng mabisang kasanayan sa pagtuturo ng Pilipino sa pandalubahasaang antas sa pamamahala ng Ministri ng Edukasyon. 1987 Kautusan Blg 52 - pinalabas ito ni Kalihim Quisumbing, na nag uutos sa paggamit mg wikang Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nagtatakda sa patakarang edukasyong Bilinggwal. 1987-Tungkulin ng Edukasyong Bilinggwal Pahusayin ang pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika [Filipino at Ingles] upang matamo ang mataas na uri ng edukasyon gaya ng hinihingi ng Konstitusyong 1987. 1987-Tungkulin ng Edukasyong Bilinggwal •Patuloy na intelektwalisasyon ng wikang Filipino. •Pananatilihing wikang internasyunal para sa mga Pilipino ang Ingles at bilang di eksklusibong wika ng agham at teknolohiya. 1966 CHED Memorandum Blg. 59 nagtatadhana ng siyam [9] na yunit na pangangailangan ng Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino [Sining sa Pakikipagtalastasan], Filipino 2 [Pagbasa at Pagsulat sa Iba't Ibang Disiplina] at Filipino 3 [Retorika]. 1966 CHED Memorandum Blg. 59- kalaunan ay naamyendahan ang memorandum na ito upang itakda ang anim na yunit ng pangangailanagan sa Filipino para sa mga kursong hindi HuSoCom [Humanities, Soc. Sci. at Communication] at upang baguhin ang deskripsyon ng Filipino 1,2, at 3. SPBC F