You are on page 1of 5

KAP LESSON 2: KASAYSAYAN NG PAG UNLAD NG WIKANG PAMBANSA SA

`PILIPINAS

Ang ating bansa ay isa sa mga bansang may pinakamaraming diyalekto. Sa mahigit na
pitong libong pulo mayroon tayo, higit sa apat na raang iba’t ibang diyalekto o wikain
ang ginagamit.

Kung tutuusin, hindi sana tumagal nang mahigit tatlong daan at tatlumpo ang ating
pagkakaalipin kung noon pa mang unang tao ng pananakop ay may isa nang
malawak na wikang nauunawaan at ginagamit ng nakakaraming Pilipino.

Ang pag-unlad ng ating wikang pambansa ay nasasasalamin sa mga batas, proklama


at kautusan na ipinalabas ng iba’t ibang tanggapang pampamahalaan na may
malaking kaugnayan sa ating wikang pambansa.

Ang Wikang Pambansa sa Saligang Batas

 1935 - Seksyon 3, Artikulo XIV


Sa saligang batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa: Ang
Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
 1973 - Seksyon 3, Artikulo XV
Ang salitang-batas na ito ay dapat ipahayag sa Ingles at Pilipino. Ang dapat na mga
Wikang Opisyal at isalin sa bawat diyalektong sinasalita ng mahigit sa limampung
libong taong-bayan at sa Kastila at Arabik. Sakaling may hideaan, ang tekstong ingles
ang mananaig.
 1972 (Seksyon 3, Artikulo XV)
Nag-atas ang Pangulong Ferdinand E. Marcos sa surian ng Wikang Pambansa na ang
Saligang batas ay isalin sa mga wikang sinasalita ng may limampung libong (50,000)
mamamayan alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas.

1987- Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas sa Artikulo XIV, Seksyon 6 at 8


nasasaad ang sumusunod:

SEKSYON 6:
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito at dapat
payabungin at pagyamanin pa sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Seksyon 8:
Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabik at Kastila

Ang Kalikasan ng Wikang Pambansa

Nobyembre 9, 1937 - Tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184


Ang surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na roo'y
ipinahahayag na ang Tagalog ay siyang halos lubos na nakatutugon sa mga lunilungi
ng Batas ng Komonwelt BIg. 184, kayat itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas na
iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa.

Disyembre 30, 1937


Ipinahayag ng Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas na batay sa
Tagalog. Tagalog ang ginawang saligan ng Wikang Pambansa sa dahilang ito'y
nahahawig sa maraming wikain sa bansa.

Ayon din sa Surian ng Wikang Pambansa, mayaman daw ang Tagalog sapagkat sa
pamamagitan ng paglalapi at pagtatambal ay dumarami ang mga salita niyon.

Agosto 13, 1959 - Kautusang Pangkawaran Blg. 7


Nagsasaad na kailan ma't tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang PILIPINO ay
siyang gagamitin.

1996- Ano ba ang pormal na deskripsyon ng FILIPINO bilang wikang pambansa?


Sa Resolusyon 96-1 ng Komisyon sa Wikang Filipino ay ganito ang batayang
deskripsyon ng FILIPINO: Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong
Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang
wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng
mga panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon
ng iba't ibang barayti ng wika para sa iba't ibang saligang sosyal, at para sa mga
paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.

ANG SUNAN NG WIKANG PAMBANSA- KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

Nobyembre 13, 1936-Batas Komonwelt Blg. 18


Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng
isang Surian ng Wikang Pambansa at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin
niyon.

Marso 16, 1971-Tagapagpaganap Blg. 304


Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang kautusang Tagapagpaganap Blg.
304 na nagpapanauli sa Surian ng Wikang Pambansa at nililiwanag ang kanyang mga
kapangyarihan at tungkulin.

1996- Artikulo XIV, Sek. 9


Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo
ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa,
mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika
para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.

Ang Wikang Opisyal

 Hunyo 7, 1940 - Batas Komonwelt Blg. 570


Ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula
Hulyo 4, 1940.
 Agosto 6, 1968 - Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187
Nilagdaan ng Pangulo na nag-aantas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan
at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga’t maaari sa
Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na komunikasyon
at transaksyon sa pamahalaan.
 1987 -Seksyon 7, Artikulo XIV
Ang mga wikang opisyal ng Pilipins ay Filipino at hanggat walang ibang tinatadhana
ang batas, Ingles.

Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo noon.
 Agosto 25, 1988 - Kautusang tagapagaganap Blg. 335
Nilagdaan ng Pangulong Corazon C. Aquino na nagtatagubilin sa lahat ng
departamento, kawanihan, tanggapan, ahensya, at kaparaanan ng pamahalaan na
gumawa ng mga kinakailangang hakbang para sa paggamit ng wikang Filipino sa mga
opisyal na transakyon, komunikasyon at korespondenya.
 Setyembre 9, 1989 - Kautusang Pangkagawaran Blg. 84
Pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Edukasyon, Kultura at Palakasan na
nag-aatas sa lahat ng opisyal ng DECS na isakatuparan ang Kautusang
tagapagpaganap Blg. 335 na nag uutos na gamitin ang FIlipino sa lahat ng
komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.

Ang wikang Pambansa sa Edukasyon

 Abril 1, 1940 - Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263


Pagpapalimbag ng isang Diskyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa, at
itinakdang mula sa Hunyo 19, 1940 ay pasisimulan nang ituro ang Wikang Pambansa
ng Pilipinas sa lahat ng paaralang-bayan at pribado sa buong bansa. Inatasan din ng
Kalihim ng Pagtuturong Pambayan na maglagda, kalakip ang pagpapatibay ng
Pangulo ng Pilipinas, ng mga kinakailangang tuntunin at patakaran sa pagpapaunald
ng kautusang ito.
 Abril 12, 1940 - (Blg. 26, serye 1940)
Pinalabas ni Kalihim Jorge Bocobo ng Pagtututrong Pambayan ang isang Kautusang
Pangkagawaran: ito’y sinundan ng isang sirkular ng Patnugot ng Edukasyon
Celedonio Salvador. Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sinimulan muna sa
mataas at paaralang normal.
 Hunyo 19, 1974 - Edukasyon at Kultura ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25
Nilagdaan ito ni Kalihim Juan L. Manuel na nagtatadhana ng mga panuntunan sa
pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal sa mga paaralan na
magsisimula sa taong-aralan 1974-1975. Ang kautusang ito ay alinsunod sa mga
tadhana ng Saligang-Batas ng 1972.
 Hulyo 21, 1978 - Kautusang Pangministri Blg. 22
Nilagdaan ng Minstro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel na nag-uutos na isama
ang Pilipino sa lahat ng kurikulom na pandalubhasang antas. Magsisimula sa unang
semestre ng taong-aralan 1979-1980, magbubukas ng anim(6) na yunit sa Pilipino sa
lahat ng kurso, maliban sa kursong pagtuturo sa labindalawang (12) yunit. Ang
Pilipino ay gagamiting wikang panturo sa pagpasok ng taong aralan 1983-1984.
Pagsasanay ng mga guro upang magkaroon sila ng mabisang kasanayan sa pagtuturo
ng Pilipino.
 1987 - Kautusang Bilang 52
Pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon Kultura
at Palakasan na nag uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng
antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang edukasyong
bilinggwal.

Tungkulin ng bilingguwan na pahusayin ang pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang


wika (Filipino at Ignles) upang matamo ang mataas na uri ng edukasyon gaya ng
hinhingi ng Konstitusyon 1987; palaganapin ang Filipino bilang wika ng literasi;
paglinang at pagpapayabong ng Filipino. lingguwisitkong sagisag ng pambansang
pagkakaisa at pagkakakilanlan; at patuloy na intelektuwalisyon ng wikang Filipino. Sa
isang banda, pananatlihing wikang internasyonal para sa Pilipino ang Ingles at bilang
di-eksklusibong wika ng agham at teknolohiya.

 1996 - Commission on HIgher Education CHED Memorandum Blg.


Nagtatadhana ng siyam (9) na yunit na pangangailangan sa Filipino sa
pangkalahatang edukasyon .nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa
FIlipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa iba’t
ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika)

Kalaunan ay makailang naamyendahan ang memorandum na ito upang itakda ang


anim na yunit na pangangailangan sa Filipino para sa mga kursong hindi Humanities,
Social Science at Cmmunication (HuSoCom) at upang baguhin ang deskripsyon ng
Filipino 1, 2, at 3.

Ang Ortograpiya

 1987
Sa rekomendasyon ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (ang dating Surian ng
Wikang Pambansa at tinatawag na KWF ngayon), nilagdaan ng Kalihim Lourdes R.
Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan amg Kautusang
Pangkagawaran Blg. 81 na nagtatakda ng bagong alpabeto at patnubay sa
pagbabaybay ng Wikang Filipino.
 2001
Tungo sa mabilis na estandardisasyon at intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino ang
2001 Revisyon ng Ortografiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.
 2006
Sa okasyon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Filipino, ipinagbigay alam ng
Komisyon sa Wikang Filipino ang pagsususpinde sa 2001 Revisyon ng Ortografiyang
Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino at samantalang nagsasagawa ng
mga pananaliksik, pag-aaral, konsultasyon at hanggat walang nababalangkas ng mga
bagong tuntunin sa pagbabaybay, masisilbing tuntunin ang Patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino ng taong 1987
 2009
Ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pamamagitan ng kanilang Sangay ng
Lingguwistika ang Gabay sa Ortograpiyang Filipino. Tuluyan nang isinasantabi ang
2001 Revisyong Alfabeto at 1987 Alpabeto, bagamat ano mang tuntunin sa 1987 at
2001 na hindi binago sa 2009 Gabay ay mananatiling ipatutupad.

Pagdiriwang ng Buwan ng Wika

 1946
Itinakda ni Pangulong Sergio Osmena sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 35 ang
pagdiriwang ng Linggo ng Wika tuwing ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril taon-
taon.

 1954
(Marso 26) Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na
nagsususog sa Proklama BIg. 12, serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat
ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-taon simula sa
ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto. Nakapaloob sa panahong saklaw ang pagdiriwang
ng kaarawan ni Quezon (Agosto 19).
 Hulyo 29, 1971
Memorandum Sirkular BIg. 488 na humuhiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan
na magdaos sa palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa, Agosto
13-19.
 Agosto 12, 1986
Nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Proklamasyon BIg. 19 na kumikilala sa
Wikang Pambansa na gumagawa ng napakahalagang papel sa himagsikang
pinasiklab ng Kapangyarihang Bayan na nagbunsod sa bagong pamahalaan.

Dahil dito, ipinahayag niya na taon-taon, ang panahong Agosto 13 hanggang 19,
araw ng pagsilang ng naging Pangulong Manuel L. Quezon, itinuturing na Ama ng
Wikang Pambansa, ay Linggo ng Wikang Pambansang Pilipino na dapat ipagdiwang
ng lahat ng mga mamamayan sa buong bansa, sa pangunguna ng mga nasa
pamahalaan at mga paaralan at gayundin ng mga lider ng iba’t ibang larangan ng
buhay.
 Hulyo 1997
Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na
nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang
Filipino at nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga
paaralan na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.

You might also like