You are on page 1of 5

Portfolio of Learning

sa Pag-Unlad ng
Wikang Pambansa
ng Pilipinas

Ipinasa ni: JOY V. LUZANO


BSE 2F
Ang pag-unlad ng wikang pambansa ng Pilipinas ay
tinalakay ni binibining Myla Cortezano. Nakapaloob dito ang
aking mga natutunan tungkol sa paksang ito. Ang pag-unlad ng
ating wikang pambansa ay nasasalamin sa mga batas,
kautusan, proklama at kautusan na ipinalabas ng iba't ibang
tanggapang pampamahalaan na may malaking kaugnayan sa
ating wikang pambansa.

1935
- nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa, "Ang
kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika.
1936
- pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt
Blg. 184 na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa at
itinatakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon.
1940
- pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570, na
nagtatadhana , bukod sa iba pa, na ang Pambansang Wika ay
magiging isa na sa mga Wikang Opisyal ng Pilipinas simula
Hulyo 4, 1940.
1954
- nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama
Blg. 186. 12 serye ng 1954. Sa pamamagitan nito'y inilipat ang
panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-
taon simula ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto.
1959
- pinalabas ng Kalihim na si Jose E, Romero ng Kagawaran
ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, na
nagsasaad na kailan ma't tutukuyin ang Wikang Pambansa,
ang salitang Pilipino ang siyang gagamitin.
1967
- nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang
tagapagpaganap Blg. 96.
1968
- ang kautusang tagapaganap Blg. 187 ay nilagdaan ng
Pangulo na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan,
tanggapan at iba pang sangay ng pamhalaan na gamitin ang
Wikang Filipino hanggat maari sa Linggo ng Wikang Pambansa
at pagkaraan nito.
1971
- nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang
kautusang Tagapaganap Blg. 304 na nagpapanauli sa Surian ng
Wikang Pambansa at nililiwanag ang kanyang mga
kapangyarihan at tungkulin.
1972
- nag-atas ang Pangulong Ferdinand Marcos sa surian ng
Wikang Pambansa na ang Saligang Batas ay isalin sa mga
wikang sinasalita ng may limampung libong mamamayan,
alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas(Artikulo XV,
Seksyon 3).
1974
- nilagdaan ni kalihim Juan L. Manuel ng Edukasyon at
Kulture ang kautusang Pangkawaran Blg. 25 na nagtatadhana
ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang
edukasyong bilinggwal sa mga paaralan na nagsisimula sa
taong0aralan 1974-1975.
1978
- nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L.
Manueal ang Kautusang Pagministri Blg. 22 na nag-uutos na
isama ang Filipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasang
antas.
1987
- sa Artikulo XIV, seksyon 9 ng Konstitusyong 1987 ay
isinasaad na ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at
hanggat walang ibang itinatadhana ang batas Ingles.
1988
- nilagdaan ng Pangulong Corazon C. Aquino ang
kautusang Tagapaganap Blg. 335 na nagtatagubilin sa lahat ng
departamento, kawanihan, tanggapan, ahensya at kaparaanan
ng pamahalaan na gumagawa ng mga kinakailangang hakbang
para sa paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na
transaksyon, komunikasyon at korespondensya.
1989
- pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisimbing ng
Edukasyon, Kultura at Palakasan ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 84 na nag-aatas sa lahat ng opisyal ng
DECS na isakatuparan ang kautusang Tagapaganap Blg. 335 na
nag-uutos na gamitin ang Filipino sa lahat ng komuniksyon at
transaksyon.
1989
- pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisimbing ng
Edukasyon, Kultura at Palakasan ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 84 na nag-aatas sa lahat ng opisyal ng
DECS na isakatuparan ang kautusang Tagapaganap Blg. 335 na
nag-uutos na gamitin ang Filipino sa lahat ng komuniksyon at
transaksyon.
1996
- pinalabas ng Commission on Higher Education ang CHED
Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana ng siyam na yunit na
pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at
nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa
Filipino 1.

1997
- nilagdaan at pinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang
Proklama Blg. 1041 na nagtatakda na ang buwan ng Agosto
taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Fiipino at
nagtatagubilin sa iba't ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan
at sa mga paaralan na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa
taunang pagdiriwang.

2001
- ipinalabas ng KWF ang 2002 Revisyon ng Ortograpiyabg
Filipino at PAtnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.

2006
- ipinagbigay-alam ng Komisyon sa wikang Filipino ang
pagsususpinde sa 2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filiipino at
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino at samantalang
nagsasagawa ng mga pananaliksik, pag-aaral, konsultasyon at
hanggat walang nagbabalangkas na mga bagong tuntunin s
pagbabaybay, magsisilbing tuntunin ang Patnubay sa Ispeling
ng Wikang Filipino ng taong 1987.

Sa huling bahagi naman narito ang pagkakaiba ng Tagalog,


Flipino, at Pilipino. Ang Tagalog ay dayalekto o wika na
ginagamit ng mga taong nasa Luzon o ng iba pang mga Pilipino
sa Pilipinas. Ang Pilipino naman ay ang tawag sa mga
mamamayang nakatira sa Pilipinas. At ang Filipino ay ang
tawag sa opisyal na wika ng Pilipinas.

You might also like