You are on page 1of 16

KASAYSAYAN NG ATING

WIKANG PAMABANSA
1935 - Sa Saligang Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang
pambansa “ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa
sa mga umiiral na katutubong wika.” (Seksyon 3, Artikulo XIV)
1936 (Oktubre 27)- Itinagubulin ng Pangulong Manuel L. Quezon sa
kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang surian ng
Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang
katutuno sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay
ng isang pag-aaral ng mga wikang makapagpaunlad at
makakapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang
umiiral.
1936 (Nobyembre 13)- Pinagtibay ng Batasang Pamabansa ang Batas
Kommonwelt Blg. 184.
 1937 (Enero 12)- Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon
ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang Pambansa
alinsunod sa tadhana ng Seksyon 1, Batas Kommonwelt Blg.
184, sa pagkakasusog ng Batas Kommonwelt Blg. 333
 1937 (Hunyo 18)- Pinagtibay ang Batas ng Kommonwelt
Blg.333 na nagsusog sa ilang seksyon ng Batas Kommonwelt
Blg. 184.
 1937 (Nobyembre 9)- Nagpatibay ng isang resolusyon na
ipinahahayag na ang tagalog siyang halos lubos na
nakakatugon sa hinihingi ng Batas Kommonwelt Nlg. 184,
kaya't itinigubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay
pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa.
1937 (Disyembre 30)- Bilang pag-alinsunod sa tadhana ng Batas bg
Kommonwelt Blg. 184, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap
Blg 134, ay ipinahayag ng Pangulong Quezon ang wikang pambansa ng
Pilipinas na batay sa tagalog.
 Tagalog ang ginawang saligan Wikang Pambansa sa dahilang ito'y
nahahawig sa maraming wikain sa bansa. Sa madaling salita hindi
magiging mahirap ang Tagalog sa mga Tagalog dahil kahawig ito ng
lahat ng wika ng Pilipino.
1940 (Abril 1)- Sa Pamamagitan ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 263 ay binigyang-pahintulot ang
pagpapalimbag ng isang Diksiyonaryo at isang gramatika sa
Wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaralang-bayan at
pribado sa buong bansa. Inatasan din ang Kalihim ng
Pagtuturong Pambayan na maglagda, kalakip, ang pagpapatibay
ng Pangulo ng Pilipinas, ng mga kinakailangang tuntunin at
patakaran sa pagpapaunlad ng kautusang ito.
1940 (Abril 12)- Pinalabas ng Kalihim Jorge Bocobo ng
Pagtuturong Pambayan ang isang Kautusang Pangkagawaran:
ito'y sinundan ng isang sirkular (Blg 26, serye 1940) ng
Patnugot ng Edukasyon Celedonio Salvador.
 1940 (Hunyo 7)- Pinagtibay ang Batas ng Kommonwelt Blg. 570 na
nagtatadhana, bukod sa iba pa, na ang Pambansang Wika ay magiging
isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940.
 1954 (Marso 26)- Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang
Proklama Blg. 186 na nagsusog sa Proklama Blg.12, serye ng 1954, na
sa pamamagitan nito't inililipat ang panahon ng pagdiriwang Linggo ng
Wikang Pambansa taon-taon. Nakapaloob ang pagdiriwang ng kaarwan
ni Quezon (Agosto 19)
 1959 (Agosto 13)- Pinalalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng
Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg 7, na
nagsasaad na kailan ma'y tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang
FILIPINO ay siyang gagamitin.
1967 (Oktubre 24)- Naglagda ang Pangulong Marcos ng isang
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nagtatadhanang ang lahat ng
gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahaalaan ay papangalanan sa
Pilipino.
1968 (Marso 27)- Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganp Rafael M. Salas
ang Memorandum Blg.172 na nagbibigay-diin sa pagpapairal ng
Kautusang Tagapagpagap. Inatasan ang mga Letterhead ng mga
Kagawaran, tanggapan at sangay ng pamahaalaan ay nararapat na
nasusulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles, Iniatas din
na ang pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ay sa Pilipino din
gagawin.
1968 (Agosto 5)- Pinalabas ang Memorandum Sikular Blg. 199 na
nilagdaan ni Kalihim Tagapapaganap Rafael M. Salas na nanawagan
sa mga pinuno at empleyado ng pamhalaan na dumalo sa mga seminar sa
Pilipino na idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng purok
pangwika.
 1968 (Agosto 6)- Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 ay
nilagdaan ng Pangulo na nag-aantas sa lahat ng kagawaran, kawanihan,
tanggapan at iba pang sangay ng pamhalaan na gamitin ang wikang
Pilipino hangga't maari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan
nito sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.
 1969 (Agosto 7) - Ang Memorandum Blg.277 na bumabago sa
Memorandum Sirkular Blg. 199 na nanawagan sa mga pinuno at
empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa idaraos na
Wikang Pamnbansa sa lahat ng purok pangwika hanggang sa masaklaw
ng kilusang pangkapuluan sa pagpapalaganap ng Wikang Pambansa.
1970 (Agosto 17) -Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Alejandro
Melchor ang Memorandum Sirkular Blg. 384 na nagtatalaga ng mga may
kakayahang tauhan upang mamahala ng lahat ng komunikasyon sa
Pilipino sa lahat ng departamento, kawanihan at iba pang sangay ng
pamahalaan.
1971 (Marso 4)- Pinalabas ng Kalihim Tagapagpagaap Alejandro
Melchor ang Memorandum Sirkular Blg.443 na hinihiling sa lahat ng
tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa alaala ng ika-
183 anibersaryo ng kapanganakan ni Franciso Baltazar.
1971 (Marso 16)- Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang
kautusang Tagapagpaganap Blg.304 na nagpapanauli sa Surian ng
Wikang Pambansa at nililiwanag ang kanyang mga kapangyarihan at
tungkulin.
1972 (Disyembre) - Nag-atas ang Pangulong Marcos ng Surian ng
Wikang Pambansa na ang Saligang Batas isalin sa mga wikang sinasalita
ng may limampung libong (50,000) mamayan alinsunod sa probisyon ng
Saligang Batas ( Artikulo XV, Seksyon 3).
1973 Sa Saligang-Batas, Artikulo XV, Seksyon 3, ganito ang sinasabi:
“Ang Saligang-Batas na ito ay dapat ipahayag sa Ingles at Pilipino ang
dapat na mga wikang opisyal, at isalin sa bawat dayalektong sinasalita ng
mahigit sa limampung libong taong-bayan, at sa Kastila at Arabik. Sakaling
may hidwaan, ang tekstong Ingles ang mananaig.”
“Ang Pambansang Asemblea ay dapat gumamit ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na adapsyon ng panlahat na Wikang Pambansa na
makikilalang Filipino.”
 1974 (Hunyo 19)- Nilagdaan ni Kalihim Juan L. Manuel ng Edukasyon
at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 na nagtatadhana ng
mga pagpapatupad na patakarang edukasyong bilingguwal sa mga
paaralan na magsisimula sa taong-aralan 1974-1975. Ang kautusang ito
ay alinsunod sa mga tadhana ng Saligang-Batas ng 1972.
 1978 (Hulyo 21)- Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan
L. Manuel ang Kautusang Pangmininstri Blg. 22 na naguutos na isama
ang Pilipino sa lahat ng kurikulum.
 1986 (Agosto 12)- Nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang
proklamasyon Blg.19 na kinikilala sa Wikang Pambansa na gumagawa
ng napakahalagang papel sa himagsikang pinasiklab ng Kapangyarihang
Bayan na nagbunsod sa bagong pamhalaan.
 1987 (Pebrero 2) - Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas, Sa
Artikulo XIV, Seksyon 6-9, nasasaad ang sumusunod:
Sek. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino, Samantalang
nililinlang, ito ay dapat payabungin at pagyayamin pa salig na umiiral na
wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Sek. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggat walang ibang
itinatadhana ang batas, Ingles.
Sek 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at
dapat isalin sa mga pangunahing wikang pangrelihiyon, Arabik at Kastila.
Sek 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang
Pambansa na binubuo ng mga kinakatawan ng iba't ibang mga rehiyon at
mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga
pananaliksik sa Filipino at iba pang wika.
 KOMISYON SA WIKANG FILIPINO 1991
• Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas
bilang wika ng komunikasyonng mga etnikong grupo. Katulad ng iba
pang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa
pamamagitan ng mga panghihiram na wika sa Pilipinas at mga di-
katutubong wika sa Pilipinas at ebolusyon ng iba't-ibang barayti ng wika.
1987 Pinalbas ng Kalihim Lourdes Quisumbing na ang Kautusan Bilang
52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat
ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa
patakarang edukasyong bilingguwal.
1988 (Agosto 25)- Nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino ang
Kautusang Blg. 335 na nagtatagubilin na lahat ng departamento,
kawanihan, tanggapan, ahensya at kaparaan ng pamahalaan na gumawa
ng mga kinakailangang hakbang para sa paggamit ng Wikang Filipino sa
mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondesya.
 1989 (Setyembre 9)- Pinalabas ng Kalihim Lourdes Quisumbing abg
Kautusan Pangkagawaran Blg.84 na nag-aatas na lahat ng opisyal ng
DECS na isakatuparan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.335.
 1990 (Marso 19)- Pinalabas ng Kalihim Isisdro Carino na ang
Kautusang Pangkagawaran Blg.21 na nagtatagubilin na gamiting ang
Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas at
sa bayan natin.
 1996 Pinalabas ng CHED ang Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana ng
siyam (9) na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang
edukasyon.
1997 (Hulyo)- Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang
Proklama Blg.1041 na nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay
magiging buwan ng Wikang Pilipino.
2001- Tungo sa mabilis na estandardisasyon at intelektuwalisasyon ng
Wikang Filipino, ipinalanbas ng Komisyon sa Wikang Filipino ang 2001
Revisyon ng Ortografiyang Flipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino.
2006- Sa okasyon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Filipino,
ipinagbigay alam ng Komisyon sa Wikang Filipino ang pagsusupinde sa
2001 Revisyon ng Ortografiyang Flipino at Patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino at samantalang nagsasagawa ng mga pananaliksik,pag-
aaral, konsultasyon at hanggat walang nababalangkas na mga bagong
tuntunin sa pagbabaybay, magsisilbing tuntunin ang Patnubay sa Ispeling
ng wikang Filipino ng taong 1987
 2009 Ipinalabas ng Komisyon ng Wikang Filipino sa pamamagitan ng
kanilang sangay ng Lingguwistika ang Gabay sa Ortograpiyang
Filipino. Tuluyan nang isinantabi ang 2001 Revisyong Alfabeto at 1987
Alphabeto, bagamat ano mang tuntunin sa 1987 at 2001 na hindi binago
sa 2009 Gabay ay mananatiling ipapatupad.

You might also like