You are on page 1of 3

 PAGYAMANIN

Pagsusuri sa pananaw ng bawat pangulo sa wikang pambansa

Pananaw ng pangulo Pagsusuri

1.“... Maaari nating hiramin sa  Maari tayong humiram ng wika


loob ng isang panahon ang wika ngunit mas maganda kung mayroon
ng ibang bansa, ngunit hindi tayo tayong sariling wika.
tunay na makapag-aangkin ng
isang pambansang wika maliban
sa pamamagitan ng pagpapatibay,
pagpapaunlad, at paggamit ng
isang wika na sariling atin.”

-Pangulong Manuel Luis Quezon

2. “Tayo’y mayroon nang 


kalayaang pampolitika. Ngayon
nama’y kailangan nating
magkaroon ng kalayaang
pangkabuhayan. Dapat na rin
tayong lumaya sa pag-iisip. At hindi
tayo makalalaya sa pag-iisp
hangga’t hindi tayo magkakaroon
ng wikang pambansang angkop sa
ating sikolohika bilang isang lahi.
Isakatuparan natin ang
itinadhana ng ating Saligang- batas
tungkol sa pagkakaroon
natin ng wikang pambansang
Pilipino, sa lalong madaling
panahon.”

-Pangulong Manuel A. Roxas

3.“...Kailangang gumawa ng
mahigpit na mga pagsisikap
upang mapadali ang
pagpapalaganap ng ating wika.
Bilang isa Republika, dapat tayong
magkaroon, hindi lamang ng isang
bansa at isang watawat kundi
gayundin ng isang wika.”

-Pangulong Elpidio Quirino

4.“Huwag ikahiya ang ating wika


sapagkat iyan ang diwa ng ating
bansa.”

-Pangulong Ramon Magsaysay

5. “...Ang wikang Pilipino ay


siyang tagapagpahayag ng ating
pagkabansa at kaisahang
panloob.”

-Pangulong Elpidio Quirino

 TAYAHIN

Pangalan ng Awtor: Dr. Jose Rizal

Maikling pagpapakilala sa Awtor:

 Si José Rizal na may buong pangalan na José Protasio Rizal Mercado y


Alonso Realonda ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba.
Namatay siya noong Disyembre 30, 1896 sa Maynila siya ay isang
patriotiko, doktor, at taong naging inspirasyon sa kilusang nasyonalista
ng Pilipinas. Kinikilala siyang pambansang bayani ng bansang
Pilipinas.

Pananaw ng awtor sa wikang pambansa:

"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at


malansang isda."

Pagsusuri mo sa pananaw ng awtor:

 Batay sa aking pagsusuri ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating


pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan
sa wika sa buhay ng isang tao. Isang inspirasyonal na kataga at
kapupulutan ng aral tungkol sa pagpapahalaga ng wika. Kahit
maraming wikang banyaga ang alam na sabihin ni Rizal, hindi niya
tinalikuran ang kanyang bansa at pinalagahan ang wikang Tagalog na
isa sa mga parating ginagamit ng mga Pilipino noon. At Isang paraan
ito upang maipakita ang pagmamahal sa sariling bansa at sa sariling
pagkamamamayan ni Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa
buhay ng isang tao. Dahil kung ang sarili mong wika hindi mo kayang
mahalin hindi ka marunong magpahalaga ng pinagmulan mo at wala
kang pakialam sa bansa mong pinagmulan.

You might also like