You are on page 1of 1

Makipagtalastasan sa mga taong kasama sa bahay.

Obserbahan ang mga


salitang ginagamit nila sa pakikipag-usap at itala ang mga ito. Ipaliwanag
kung paano ito ginamit.

1. Interaksyonal
Gamit ng wika na nagbibigay-daan upang makipag-ugnayan sa mga taong
kakilala. Sa pamamagitan nito ay nagagawang makabuo ng relasyon ang
mga tao. Halimbawa nito ay ang pagsasabi ng “Mahal kita”.
2. Regulatori
Gamit ng wika na nagiging daan upang maipahayag sa kapwa ang nais
gawin. Halimbawa: “Umalis ka diyan!”
3. Instrumental
Gamit ng wika na nagiging instrumento upang maipahayag ang pangangailan.
Halimbawa: “Kailangan ko ng pera para sa aking proyekto.”
4. Personal
Gamit ng wika na nagiging instrumento upang maipahayag ang sariling
opinyon o nararamdaman. Halimbawa: “Ako ay mabuting tao.”
5. Imahinasyon
Gamit ng wika na nagiging daan upang maipahayag ang malikhaing isip.
Halimbawa: pagkanta
6. Heuristiko
Gamit ng wika na nagiging daan upang makakuha ng kaalaman tungkol sa
kapaligirian. Halimbawa: “Ano ang epekto ng madalas na paggamit ng
cellphones”

You might also like