You are on page 1of 6

POLYTECHNIC INSTITUTE of TABACO

100 PANAL, TABACO CITY

MODYUL 1
LINGGO 1

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao,
Tumitigil na rin siya sa pag-iisip.

Kowd ng Kurso :
Titulo ng Kiurso : Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Titulo ng Unang Aralin : Konseptong Pangwika
Bilang ng Yunit : Tatlo (3)
Prerequisite :
Panahong Itatagal : 1st semester, 2020-2021
Tagapagturo : Jessamae Bunao Botabara
Konsultasyong Oras : Tatlong (3) oras
Consultation Venue :
Eskedyul :
Taon at Seksyon :

Konseptong Pangwika

Pambungad

Isa sa mga pinakadakilang biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay ang wika. ahil sa wika ay
nagkakaunawaan at nagkakalapit-lapit ang mga tao sa daigdig. Ito ang kasangkapan upang maipadama
ng tao sa kanyang kapwa ang ano mang kanyang naiisip, nadarama at nakikita tungkol sa kanyang
paligid. Nang dahil sa wika ay naitala at nailarawan ng mga unang tao ang kanilang mga karanasan
noong unang panahon. Sa pamamagitan ng Wika ay nasasalamin ng tao ang uri ng pamumuhay ng
ninunong pinagmulan ng mga mamamayan ng isang bansa.
Bawat bansa ay may sari-sariling wikang nag-iisa at bumibigkis sa damdamin ng kanyang mga
mamamayan.

Layunin
ik
W
a
1. Natutukoy ang mga kahulugan ng mga konseptong pangwika.
2. Nasusuri ang kabuluhan ng wika.

3. Nakapagbibigay ng halimbawa ng iba’t-ibang barayti ng wika.

Pambungad na Gawain
Handa ka na ba sa ating aralin??????

Panuto: Isulat sa loob ng parisukat ang kahulugan ng wika ayon sa iyong nalalaman.

Ano ang nilalaman? Pag-aralan natin ito!

Kahulugan ng Wika
Sa ating pakikipag-ugnayan sa iba, ginagamit natin ang wika bilang daluyan ng impormasyon.
Kailangang magkatulad ang wikang ginagamit ng dalawang magkausap upang hindi ito maghatid ng
sigalot sa pang-unawa. Nababakas sa wika ang kulturang kinabibilangan at kung paano ito
pinahahalagahan ng gumagamit. Maraming manunulat ang nagbigay ng iba’t ibang depinisyon tungkol
sa wika. Ilan sa mga ito sina:
 Henry Gleason – ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at at
isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
 Bernales et al. (2002) – ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o diberbal.
Wika: Kasangkapan ng Komunikasyon

Hindi magaganap ang komunikasyon kung walang magiging daan ito, may mananalita man, may
mensahe at may tatanggap. Ang wika ang daan o instrumento para maganap ang komunikasyon sa
tulong ng mga senyas kung minsan.
Ano ang wika? Ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa pamamagitan
ng mga salita upang magkaunawaan ang mga tao. (Panganiban 15)
Ang wika ay sistema ng mga sagisag na binubuo ng ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na titik
na iniuugnay natin sa mga kahulugang gusto nating ihatid sa ating kapwa tao.
Katangian ng wika

1. Ang wika ay masistemang balangkas – Pangunahing katangian ng isang tunay na agham ang
pagiging sistematik. Dahil may katangiang makaagham ang isang wika, naging batayan ito upang umiral
ang larangan ng Linggwistiks, malaliman ngayong tinatalakay ang isang wika mula sa ponolohiya,
morpolohiya, hanggang sa sintaks.

2. Ang wika ay sinasalitang tunog – Ponolohiya ang tawag sa pag-aaral ng tunog. Ponema ang
tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog. Hindi lahat ng tunog ay binibigkas at hindi rin naman lahat ng
tunog ay makabuluhan.

3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos – upang hindi magdulot ng kalituhan sa iyong kausap,
kailangang piliin ang tamang gamit ng mga salita.

4. Ang wika ay arbitraryo – pagkakaroon ng sariling istilo ng paggamit ng wika, maging


indibiduwal man o sa komunidad.

5. Ang wika ay patuloy na ginagamit – upang patuloy itong makilala at umunlad kailangan
siyang gamitin araw-araw.

6. Ang wika ay nakabatay sa kultura – ginagamit ang wika ayon sa lugar na kinabibilangan nito.

7. Ang wika ay nagbabago – dahil sa modernisasyon, patuloy na nag-iiba, nadadagdagan, o


maaaring mawala ang isang wika.

Barayti ng Wika

1. Dayalek o Diyalekto – ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong
wikain sa ibang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki
man o maliit. Ito ay makikilala hindi lamang sa pagkakaroon ng set na mga distinct na bokabularyo kundi
maging sa punto o tono at sa estruktura ng pangungusap.
Hal. Maynila – Aba, Ang ganda! Bataan – Ka ganda ah!
Batangas - Aba, ang ganda eh! Rizal – Ka ganda, hane!
2. Sosyolek – barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal na barayti ng
wika dahil nakabatay ito sa pangkat panlipunan. Halimbawa nito ay ang mga wika ng estudyante, wika
ng matatanda, wika ng mga kababaihan, wika ng mga preso, wika ng mga bakla at ng iba pang pangkat.
Hal. Sinetch itey, na sumikat dahil sa kanyang opinion tungkol sa batas sa klasrum?
Pare, takbo! Nandiyan na ang mga parak.

Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyonal na rehistro. Ilan sa halimbawa ay hearing,
settlement, file, case atbp. Ginagamit ang mga salitang ito sa abogasya. Samantala, ang mga disiplinang
Accountancy, Medisina, Edukasyon, Enhinyero ay may kani-kaniyang rehistro ng wikang ginagamit.
Kahit pa sosyal ang pangunahing tungkulin ng wika, ang indibiduwal na katangian ng bawat tao
ay nakaiimpluwensya pa rin sa paggamit ng wika. Ito ang nagpapaiba sa indibiduwal sa iba pang
indibiduwal.
3. Idyolek- Ang kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika. Ito ang dayalek na personal sa isang ispiker.
Kilala ang mga personalidad na sina Kris Aquino, Ruffa Mae Quinto, Boy Abunda atbp. Dahil sa kwaliti ng
kanilang boses at katangiang pisikal na rin na nagtataglay ng baryasyon sa paggamit ng wika.
Kahalagahan ng Wika
Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong at pagpapalaganap ng kultura ng bawat
grupo. Nagkakahiraman ng kultura ang mga bansa sa tulong ng wika.

Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang ito ay malaya at may
soberanya. Hindi tunay na malaya ang isang bansa kung hindi nag-aangkin ng sariling wikang lilinang sa
pambansang paggalang at pagkilala sa sarili.

Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at kaalaman.


Bawat bansa ay may kani-kaniyang yaman ng mga karunungan at kaalaman.

Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay para magkausap at magkaunawaan ang iba’t ibang
grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit.

-Taylan, et al. 2017-

Ano ba ang aking natutunan?

GAWAIN
Sagutin ang sumusunodsa isang buong papel.
Gawain 1:
A. Tukuyin kung ang wika ay arbitaryo, may balangkas, likha ng tunog, nakabatay sa kultura o
pinipili.
1. Ito ang mga nalilikhang tunog ng ating aparato sa pagsasalita na nagmumula
sa hanging nanggagaling sa baga o ang pinanggalingang lakas o enerhiya, nagdaraan sa pumapalag na
bagay na lumilikha ng tunog o artikulador.
2. Bawat indibiduwal ay nagkakaroon ng ibang katangian na ikinaiiba niya sa
lahat, gayundin kung paano niya gamitin ang wika sa komunikasyon.
3. .Ang wika ay binubuo ng mga ponema, morpema, sintaksis at diskurso.
4. Nagkakaiba-iba ang mga wika sa daigdig sapagkat sa kulturang kinabibilangan
ng bawat isa. Walang magkatulad na wika sa buong daigdig.
5. Ang pagpili ay nagaganap sa ating subconscious o magkaminsan sa conscious
na pag-iisip, upang huwag magdulot ng kalituhan sa pagitan mo at ng iyong kausap.
B. Ilagay ang kung sang-ayon sa binasa at kung hindi sang-ayon.
2. Ang mga senyas na ginagamit
1. Lahat ng wika sa mundo ay ng mga hindi makapagsalita ay
3.Namamatay ang wika kapag
natatangi o espesyal ang matatawag na wika.
namatay ang taong gumagamit
katangian sa bawat isa. ____________________ nito.
____________________ __________________

4. May pasulat at pasalitang 5. Ginagamit ang wika upang


anyo ang wika. makuha natin ang ating gusto.
__________________
__________________

Gawain 2:
A. Tukuyin kung sa kahin kung anong barayti ng wika ang pinapahiwatig sa bawat bilang.
IDYOLEK
SOSYOLEK
DAYALEK

1. Tagalog ng mga taga Manila


2. Internet language - "Lmk, hm, lol”
3. "Excuse me po" ni Mike Enrique
4. Gay Linggo - "Hay naku ka gurl, nakakajines ka"
5. "Alam niyo ba na..." ni Kim Atienza

B. Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang.


6-10. Magbigay ng limang (5) halimbawa ng sosyolek.
11-15. Magbigay ng limang (5) halimbawa ng idyolek.
16-20. Magbigay ng limang (5) halimbawa ng dayalek.

Sanggunian:
www.coursehero.com, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (libro)

ENJOY HOME SCHOOLING!!!!!


Prepared by: JESSAMAE B. BOTABARA

You might also like