You are on page 1of 4

Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Filipino

Week 1: Wika sa Panayam at


Balita sa
Radyo at Telebisyon

Calleja, Alyza Nicole M.


ABM-111
BALIKAN
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Sagutan ang mga tanong
ayon sa inyong kaalaman. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang o kaya ay sa iyong
sagutang papel.
1. Magbigay ng kilalang tagapagbalita sa telebisyon at ang pangalan ng
kaniyang programa.
Hindi ako gaanong mahilig manood ng balita ngunit ang aking mga
kilalang tagapagbalita sa telebisyon ay sina Mike Enriquez, Mel
Tiangco, Vicky Morales, at Atom Araullo. Sila ay maaaring
mapanood sa programang 24 Oras.
2. Sino ang kilala mong personalidad na laging kinakapanayam? Ano ang
madalas niyang tinatalakay?
Maraming kilalang personalidad ang kanilang nakakapanayam ngunit
sa panahon ngayon, pinakamadalas nilang makapanayam ay ang
Tagapagsalita ng Pangulo upang ipagbigay alam sa ating mamamayan
ang mensahe ng pangulo, kasama na ang mga plano sa pagsugpo sa
pandemyang ating nararanasan at nilalabanan sa panahong ito.
3. Ano-ano ang mga balitang naririnig mo sa radio?
Sa kasalukuyan, ang pumuputok na balita ngayon ay ang pagdating at
pagtuturok ng bakuna laban sa CoVid-19 na ating nilalabanan ngayon.
Paulit-ulit na pinagtatalunan kung epektibo nga raw ba ang bakuna
kontra covid kaya naman matunog ang balitang ito sa madla. Marami
ang nangangamba ngunit mayroon din naming nagtitiwala sa epekto
ng bakuna sa kanilang katawan.
4. Anong paksa sa panayam ang pumupukaw sa iyong kawilihan? Bakit?
Bilang isang kabataan, ang mga paksa sa panayam na pumupukaw sa
aking kawilihan ay ang mga paksang magbibigay sa akin ng dagdag
kaalaman upang mamulat ang aking mata sa mga bagay na hindi ko pa
nalalaman. Napupukaw ng ganitong paksa ang aking kawilihan dahil
ang pagkatuto ay tuloy-tuloy at hindi tumitigil kaya ito ang nais kong
masaksihan sa isang panayam.

Isagawa
Panuto: Isulat ang iyong kahilingan o request sa bawat bilang gamit ang mga
angkop na wika batay sa nakaitalisadong salita.
1. Panayam
Ikaw ang kinakapanayam tungkol sa makabagong pamaraan ng pag-aaral,
ang online. Ano ang tugon mo tungkol dito?
Dahil sa sitwasyong kinahaharap natin ngayon, kailangan nating
pansamantalang abandunahin ang mga bagay na ating nakasanayan
noong normal pa ang lahat. At isa na doon ang paraan ng pagpasok sa
paaralan. Upang maituloy ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral,
nabuo ang makabagong pamamaraan ng pag-aaral, ang online class.
Ang paraang ito ay nagdulot ng maganda at hindi kaaya-ayang epekto
sa buhay ng mga estudyante. Dahil sa bagong sistema ng pag-aaral,
ang mga kabataan ay makaiiwas sa sakit na CoVid-19 dahil sa bahay
na lamang ang kanilang magiging paraan ng pagpasok sa eskwelahan.
Ngunit hindi lahat at kayang sabayan ang pagbabagong naganap sa
paraan ng pag-aaral dahil hindi lahat ay may kakayanan upang
makisabay sa bagong sistemang meron ang ating eskwelahan. Marami
ang nahihirapan dahil walang gumagabay sa kanilang tahanan upang
matapos ang kanilang mga gawain at mayroon namang hindi talaga
makasanayan ang ganitong paraan ng pagpasok. Ayon sa isang tala,
maraming estudyante ang nakararanas ng iba’t-ibang kondisyon
tungkol sa kanilang mental health dahil sa patong-patong na
problemang kanilang dinadala at mayroon namang hindi talaga
makasabay sa bagong paraan ng pag-aaral dahil hindi kaya ng
kanilang mga bulsa kaya’t marami ang hindi na lamang nagtuloy ng
kanilang pagpasok at kapag umayos na lamang daw ang lahat ay tsaka
sila mag-aaral na muli.
2. Balita sa radio o telebisyon
Magbibigay ka ng ulat tungkol sa sitwasyon ng pamumuhay mo sa
panahong mayroon enhance quarantine.
Karamihan, kung hindi lahat, ay lubos na nahirapan. Hindi makalabas
ng tahanan ng malaya at palaging may pangamba na makakakuha ng
sakit sa paglabas ang naging paulit-ulit na isyu noon sa aming
pamilya. Kung sitwasyon ng pamumuhay ko ang tatanungin, hindi
naman naging ganoon kahirap bukod sa hindi makalabas palagian
dahil hindi naman nawalan ng trabaho ang aking mga magulang at
kapatid. Ngunit kung ang tatanungin ay ang sitwasyon ng ibang tao sa
loob ng enhance quarantine, masasabi ko na marami ang nahirapan.
Marami ang nawalan ng trabaho dahil hindi kaya ng ating ekonomiya
ang maraming trabahador sa ganitong panahon, na naging dahilan
kung bakit marami ang nagutom. Lumala ang kahirapan na mayroon
ang ating bansa dahil sa sakit na ito. Nawa’y matapos na ang
pandemyang ating kinakaharap upang makabalik na tayo sa dating
paraan ng ating pamumuhay.

You might also like