You are on page 1of 28

LAYUNIN:

 Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa


mga napanood na sitwasyong
pangkomunikasyon sa telebisyon.

Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa


sariling kaalaman, pananaw at
mga karanasan.
PAUNANG PAGSUBOK
Basahin ang sumusunod na katanungan.
Isulat sa patlang bago ang bilang ang
tamang letra ng iyong sagot.
_______1.
C Alin sa
_______1. sumusunod
Alin na sitwasyon
sa sumusunod ang ang
na sitwasyon
nagpapakitanagpapakita
ng bilingguwalismo?
ng bilingguwalismo?
A. Isang batang ipinanganak sa Pilipinas ngunit lumaki sa
Amerika kaya Ingles ang sinasalitang wika.
B. Isang batang ipinanganak sa Pilipinas at lumaking ang
sinasalitang wika ay Filipino.
C. Isang batang may lahing Pilipino at Tsino at pareho niyang
nagagamit ang dalawang wika ng lahing pinagmulan.
D. Isang batang may lahing Pilipino at Hapon ngunit ang
sinasalitang wika ay Filipino lamang.
_______2.
B Ayon sa kaniya, ang bilingguwal ay isang
taong may sapat na kakayahan sa
isa sa apat na makrong kasanayang pangwikang
kinabibilangan ng pakikinig,
pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika
maliban sa kaniyang unang wika.

A. Emmer at Donaghy C. Uriel Weinreich


B. John Macnamara D. Ducher at Tucker
_______1. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang
nagpapakitaAno
_______3. ang konsepto ng multilingguwalismo?
B
ng bilingguwalismo?
A. Ang isang indibidwal ay may kakayahang makapagsalita at
makaunawa ng iisang wika lamang.
B. Ang isang indibidwal ay may kakayahang makapagsalita ng
dalawang wika.
C. Ang isang indibidwal ay may kakayahang makapagsalita at
makaunawa ng dalawa at higit pang wika.
D. Ang isang indibidwal ay may kakayahang makaunawa ng
isang wika.
A
_______4. Ito ay ang pag-angkop ng isang
nagsasalita ng uri ng wikang ginagamit niya
sa sitwasyon at sa kausap.

A. Rehistro C. Dayalek

B. Sosyolek D. Jargon
_______5.
B Ito ang tawag sa mga salita o wikang nabubuo
ng mga grupong propesyunal
o sosyal bunga ng okupasyon, trabaho, o kaya ay gawain
ng isang grupo.

A. Idyolek C. Sosyolek

B. Jargon D. Etnolek
BALIK-TANAW
Isulat ang salitang TAMA kung tama ang
isinasaad ng pahayag at MALI naman
kung mali ang pahayag. Isulat ang inyong
sagot sa nakalaang patlang bago ang
bilang.
______1.
TAMA Ang Filipino ay ang katutubong wika na
ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo.
______2.
TAMA Ang Pilipinas ay multilingguwal at
multikultural na bansa.
______3.
TAMA Filipino ang itinawag sa ating Wikang
Pambansa upang magkaroon ng kongkretong
sagisag ang modernisasyong pinagdaraan ng ating
Wikang Pambansa.
______4.
TAMA Pinag-aaralan na sa iba`t ibang bahagi ng
mundo ang Filipino bilang programa at asignatura.
______5. Sa kasalukuyan, ang wikang opisyal ng
Pilipinas
MALI ay Filipino at Tagalog.
Pagpapakilala ng
Aralin
Konsepto at Barayti ng
Wika
Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o
pakikipag-usap sa kapwa ay
isang katangiang unique o natatangi lamang sa
tao. Ayon kay Chomsky (1965), ang
pagkamalikhain ng wika ay makikita sa
kakayahan ng tao lamang at wala sa ibang
nilalang tulad ng mga hayop.
Bilingguwalismo
Ayon kay Leonard Bloomfield (1935), isang amerikanong
lingguwista, bilingguwalismo ang tawag sa paggamit o
pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang
ito ang kaniyang katutubong wika.
Ayon naman kay John Macnamara (1967), isa pa ring
lingguwista, ang bilingguwal ay isang taong may sapat na
kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwikang
kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat
sa isa pang wika maliban sa kaniyang unang wika.
Multilingguwalismo
 Ang multilingguwalismo ay tumutukoy sa kakayahan
ng isang indibidwal na makapagsalita at makaunawa ng
iba`t ibang wika.
 Ayon kay Cummins (1981), ipinakikita ng mga pananaliksik
na mas pleksibol at bukas sa pagbabago ang mga
multilingguwal, gayundin, may mas malalim na pag-unawa
at paggalang sa iba`t ibang kultura at paniniwala.
Mga
Gawain
Gawain 1: Paglinang ng
Talasalitaan
Magbigay ng halimbawang salita sa bawat barayti
at rehistro ng wika.
Gawain 1
1. Dayalek

Tagalog – “Hindi ko maintindihan”


Cebuano – “Dili ko sabot”

2. Sosyolek

Oh my God! It’s so mainit naman dito.


(Naku, ang init naman dito!)
Gawain 1
3. Creole

Chavacano: Donde tu hay anda?


“Anong ginagawa mo?”

4. Pidgin

Ako tinda damit maganda.


(Ang panindang damit ay maganda.)
Gawain 1
5. Idyolek

Naiibang tono sa pagbigkas ni Noli de Castro ng


mga katagang, “Magandang Gabi Bayan!”

6. Jargon

Edukasyon: Kurikulum
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ibigay ang konsepto ng bilingguwalismo at bakit
nagkaroon nito sa Pilipinas?
Sagot:
Ang bilinggwalismo ay ang paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o
wika. Nagkaroon ng bilingguwalismo sa Pilipinas sapagkat ang Filipino at
Ingles ay parehong ginagamit bilang opisyal na wikang panturo sa
Pilipinas. Bukod rito, dahil sinakop din ang Pilipinas ng mga Amerikano,
marami sa kanilang kultura ang nakuha natin, isa na rito ang kanilang
wika.
2. Bakit mas naaangkop na gamitin ang Filipino kaysa sa
mga rehiyunal o bernakular na wika ng bansa?

Sagot:
Mas naaangkop na gamitin ang Filipino kaysa sa mga rehiyunal
o bernakular na wika ng bansa sapagkat mas ginagamit ito ng
nakararami.
3. Sa iyong palagay, maituturing ba na multilingguwal
ang Pilipinas? Patunayan.
Sagot:
Ang Pilipinas ay maituturing na multilingual sa kadahilanang ito ay
nasakop ng iba’t ibang bansa na nagbigay ng malaking impluwensiya sa
ating wika at komunikasyon.
Isa pang dahilan ay pagiging watak-watak na kapuluan ang buong
bansa na naging sanhi upang magkaroon ng pag-iibang anyo o
“variation”, ito ay ang mga dialekto. Sa kabuuan may taglay na 175 na
wika at dialekto ang Pilipinas ngunit mayroong 8 major dialects
lamang: Bikol; Cebuano; Hiligaynon; Ilocano; Kapampangan;
Pangasinan; Tagalog; at Waray.
4. Kailan dapat ginagamit ang konseptong
bilingguwalismo at multilingguwalismo?
Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
Sagot:
Ginagamit ang konseptong bilingguwalismo at
multilingguwalismo sa mga pagkakataon na tayo ay
magkakaroon ng komunikasyon at pakikipag-uganayan sa
ibang lahi o sa mga tao na gumagamit ng ibang barayti ng
wika.
Gawain 2: Panonood
Panoorin ang video clip (mula sa isang episode ng
Bubble Gang) na may pamagat na
“Iba`t Ibang Lenggwahe.”

Link: https://youtu.be/jNkgRSzyC
4o
1. Ipaliwanag ang ugnayan ng wika, kultura at
pinagmulan ng isang tao batay sa iyong napanood ng
video clip.
Sagot:
Ang pinagmulan ng isang tao ay
maaaring matukoy batay sa wikang
kanyang sinasalita at sa kulturang
sumasalamin sa kanyang kilos at
gawi.
2. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong saloobin o
opinyon patungkol sa paggamit ng wikang Ingles bilang
midyum ng pagtuturo sa loob ng paaralan?
Sagot:
Para sa akin, angkop ang paggamit ng wikang Ingles bilang
midyum ng pagtuturo sa mga asignaturang nararapat para dito
gaya ng English, Science at Mathematics.
3. Kung ikaw ay may kamag-aral na mayroong ibang lahi
at nahihirapang unawain ang inyong aralin dahil ito ay sa
wikang Filipino, paano mo siya tutulungan upang
makasabay sa inyong aralin?

Sagot:
Maaari ko siyang matulungan sa pamamagitan ng
pagsasalin ng ilang salita sa wikang kanyang
nalalaman.

You might also like