You are on page 1of 91

FILIPI

NO
May 30 minuto
30 lamang para
sagutin ang mga
katanungan
Magsimula na!
Para sa aytem 55, basahin ang artikulo.

“Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang


tungo sa pagkakaroon ng isang wikang
pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika. Hangga’t hindi itinatakda ng
batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang
mananatiling opisyal na wika.”

(Artikulo XIV, Seksyon III ng Saligang Batas 1935)

3
55. Sa kasaysayan at pag-unlad ng wikang Pambansa, ano
ang naging inisyal na bunga ng kasunod na probisyong
ito ng 1935 konstitusyon?
A. Hinirang ang Tagalog bilang batayan ng wikang Pambansa.
B. Itinuro ang Tagalog sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
C. Nagpalimbag ng diksyunaryo at gramatika ng wikang
Pambansa.
D. Binuo ang Surian ng Wikang Pambansa at itinakda ang
tungkulin nito.

4
ANG WIKANG PAMBANSA

1934:Dahil nga sa mga pagkakahiwa-hiwalay


ng ating bansa sa iba’t ibang pulo at sa dami
ng wikang umiiral dito, naging isang paksang
mainitang pinagtalunan, pinag-isipan, at
tinalakay ng Kumbensiyong konstitusyunal
noong 1934 ang pagpili sa wikang ito.

5
ANG WIKANG PAMBANSA

1935:Ang pagsusog na ito ni Pangulong


Quezon ay nagbigay-daan sa probisyong
pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV,
Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 na
nagsasabing:

6
ANG WIKANG PAMBANSA

“Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang


tungo sa pagkakaroon ng isang wikang
pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika. Hangga’t hindi itinatakda ng
batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang
mananatiling opisyal na wika.”

(Artikulo XIV, Seksyon III ng Saligang Batas 1935)

7
ANG WIKANG PAMBANSA

1937: Noong Disyembre 30, 1937 ay


iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Queson
ang wikang Tagalog upang maging batayan ng
Wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng
Surian sa bias ng kautusang Tagapagpaganap
Blg. 134. Magkakabisa ang kautusang ito
pagkaraan ng dalawang taon.

8
ANG WIKANG PAMBANSA

1940: Dalawang taon matapos


mapagtibay ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134,
nagsimulang ituro ang wikang
pambansa na batay sa Tagalog sa
mga paaralang pambubliko at
pribado.
9
ANG WIKANG PAMBANSA
1946: Nang ipagkaloob ng mga
Amerikano ang ating kalayaan, sa
Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas
noong Hulyo 4, 1946 Ay
ipinahayag ding ang wikang
opisyal sa bansa ay Tagalog at
Ingles sa bisa ng Batas
Komonwelt Bilang 570.
10
ANG WIKANG PAMBANSA
1959: Noong Agosto 13, 1959,pinalitan sa
tawag sa wikang pambansa. Mula sa Tagalog
ito ay naging Pilipino sa bisa Blg. 7 na
ipinalabas ni Jose E. Romero, ang kalihim ng
edukasyon noon. Sa panahong ito’y higit na
binigyang halaga at lumalaganap ang
paggamit ng wikang Pilipino. Ito ang wikang
ginamit ng mga tanggapan, gusali, at
dukomentong pampamahalaan tulad ng
pasaporte at iba pa,
11
gayundin sa iba’t ibang antas ng
paaralan at sa mas media tulad ng
diyaryo, tebisyon, radio, magasin at
komiks. Sa kabila nito ay marami
parin ang sumasalungat sa
pagkakapili sa Tagalog bilang
batayan ng wikang Pambansa.
12
ANG WIKANG PAMBANSA

1972: Muling nagkaroon ng mainitang


pagtatalo at kombensiyong
konstitusyunal noong 1972 kaugnay
ang usaping pangwika. Sa huli, ito ang
mga naging probisyong pangwika sa
Saligang Batas ng 1973 artikulo XIV,
Seksiyon 3, Blg. 2.

13
ANG WIKANG PAMBANSA

1987: Sa Saligang Batas ng 1987 ay


pinagtibay ng komisyong Konstitusyunal
na binuo ni dating Pangulong Cory
Aquino ang implementasyong sa
paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad
sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 probesyon
tungkol sa wika na nagsasabing:
14
ANG WIKANG PAMBANSA

Ang wikang pambansa ng


Pilipinas ay
FILIPINO.Samantalang
nililinang,ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na mga wika sa
Pilipinas at sa iba pang mga
wika.” 15
Para sa aytem 56-57, basahin ang sanaysay.
“Bakit Tagalog ang Nahirang na Batayan ng Wikang
Pambansa ng Pilipinas?”
Ang Tagalog ang wikang rekomendado agad kahit ng Komiteng
Pangwika ng Kumbensiyong Konstitusyunal. Tiyak ding ibinatay ito sa
mungkahi ng mga ekspertong na nakahihigit ang Tagalog sa ibang
wikang katutubo sa bansa.
Ang totoo, naging mahigpit ang debate hinggil sa wikang
Pambansa. Nagkaisa ang mga delegado na dapat itong wikang katutubo
ngunit sinalungat ng mga delegado mula sa mga rehiyon ang dagliang
paghirang sa Tagalog. Sa botohan, natalo ang mga maka-Tagalog kaya
ang pangwakas na tadhanang pangwika sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng
1935 Konstitusyon ay gagawa ng hakbang ang Kongreso upang
magkaroon ng isang wikang Pambansa.
Pinagtibay ng National Assembly noong Nobyembre 1936 ang
Batas Komonwelt Blg. 184 na lumikha sa Surian ng Wikang Pambansa at
ito ang pumili sa Tagalog na maging batayan ng wikang Pambansa kaya
ng iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon noong 30 Disyembre
1937. 16
(Mula sa Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa ng Komisyon sa Wikang Filipino)
Batay sa binasang sipi, alin sa sumusunod na
56. pahayag ang tumutukoy sa mga dahilan kung bakit
hinirang ang Tagalog na batayan sa wikang
Pambansa?
I. Rekomendasyon ito ng komiteng pangwika.
II. Iminungkahi ito ng mga eksperto.
III. Pinili ito ng Surian ng Wikang Pambansa.
IV. Gusto ito ng mamamayan.

A. I, II, at III B. I, II, at IV


C. I, III, at V D. II, III, at IV 17
Ano ang maaring nangyari kung noon pa lamang
57. Konstitusyon ng 1935 ay naisama na ang konsiderasyon ng
iba pang mga wika sa pilipinas sa pagtatanghal ng wikang
Pambansa?
A. Maaaring sa puntong iyon pa lamang ay maging intelektwalisado na ang
wikang Filipino.
B. Maaaring mas maunlad at mas laganap pa ang wikang Filipino sa
kasalukuyan.
C. Maaaring sa kasalukuyan ay bihasa tayo sa tatlong wika kabilang ang
Filipino, Ingles, at Espanyol.
D. May posibilidad na hindi tayo nasakop ng mga dayuhan dahil may isang
wikang nagbubuklod na sa atin.

18
58. “Baka hindi ako makarating sa kaarawan mo.” Ano ang
layunin ng nagsasalita sa kanyang pahayag?

A. Humihingi siya ng paumanhin sa kaibigan.


B. Sigurado siya na dadalo sa kaarawan ng kaibigan.
C. Hindi siya sigurado na dadalo sa kaarawan ng kaibigan.
D. Nag-aalala siya na hindi makadadalo sa kaarawan ng
kaibigan.

19
59. Pagpasok ng guro sa silid-aralan agad siyang nagtanong,
“Nag-aral ba kayo ng inyong aralin?” Ano ang mahihinuha sa
pahayag ng guro?

A. Magbibigay siya ng maikling pagsubok dito.


B. Magtatalakayan sila ng klase kaugnay ng aralin.
C. Magtatanong siya hinggil sa aralin sa araw na iyon.
D. Tinitiyak lamang niya na nag-aral ng aralin ang mga bata.

20
60. Habang ikaw ay nagtatalumpati sa harap ng madla,
nakalimutan mo ang susunod mong sasabihin. Upang ipakita
na ikaw ay may kakayahang estratehiko, ano ang marapat
mong gawin?
A. Ilihis ng kaunti ang paksa.
B. Hihinto muna sandal at mag-iisip.
C. Tatapusin agad ang pagtatalumpati.
D. Mabilis na aangkupan ng salita kaugnay pa rin sa paksa.

21
61. Inaatasan kayo ng inyong guro na magsagawa ng isang
pananaliksik. Ano ang unang hakbang na inyong gagawin sa
pagbuo nito?

A. Mangalap ng datos
B. Magsagawa ng obserbasyon
C. Pumuli ng mahusay na paksa
D. Unawain nang masusi ang paksa

22
Sa ginagawang pananaliksik ng inyong pangkat, sinabi ng
inyong guro na suriin ang inyong paksang napili upang
62.
matiyak na maisasakatuparan ito bilang isang ganap na
pananaliksik na may ambag sa lipunan. Paano ninyo ito
sususriin?
A. Susuriin ang paksa kung ito ay kawili-wili.
B. Susuriin ang paksa kung ito ay napapanahon.
C. Susuriin ang paksa kung ito ay may solusyon sa suliranin.
D. Susuriin ang paksa kung kayang tapusin sa tiyak na panahon.

23
Bilang mananaliksik, isa sa mga paraan ng pangangalap ng
63. datos ay sa pamamagitan ng pagpunta sa silid-aklatan. Ano
ang mga paraan upang makapangalap ng datos sa silid-
aklatan sa tulong ng makabagong teknolohiya?
A. Pagsasagawa ng anotasyon
B. Pagsasagawa ng note card
C. Pagsasagawa ng note taking
D. Pagsasagawa ng web surfing

24
Sa pananaliksik na pagtukoy sa iba’t ibang imahen ng
64.
kababaihan sa mga piling adbertisment sa TV at ang
implikasyon nito sa kalagayan ng kababaihan sa
kasalukuyan, ano ang pangunahing layunin ng pananaliksik?
A. Maisa-isa ang mga imahen ng mga kababaihan sa mga adbertisment.
B. Mailahad ang mga ginagawa ng mga kababaihan sa mga adbertisment
C. Mailarawan ang mga imahen ng mga kababaihan sa mga adbertisment.
D. Masuri ang mga imahen ng mga kababaihan na ipinakikita sa mga
adbertisment.

25
65. Ano ang angkop na metodo ng pangangalap ng datos sa
pananaliksik sa bilang 64?

A. Sarbey
B. Interbyu
C. Panonood
D. Pagbabasa ng dokumento

26
66. Marami kang nakuhang tala mula sa mga dalubhasa, nais
mo na sipiin ang mga ito at malagyan ng tamang pagkilala sa
nagsabi. Ano ang mainam na gawin ukol dito?

A. Magsagawa ng tala ng presi.


B. Magsagawa ng tala na pabuod.
C. Magsagawa ng tala na pahawig.
D. Magsagawa ng tala na tuwirang sipi.

27
67. Bakit sinasabing may suliranin sa tamang paggamit ng
wikang Pambansa ang mga pelikulang Pilipino na
ipinapalabas at napapanood sa kasalukuyang panahon?

A. Kadalasang gumagamit ng mga impormal o balbal na mga salita upang


makahikayat ng mga manonood.
B. Mapapansin ang paggamit ng Taglish o code-switching ng wikang
Filipino o Ingles ng mga pelikulang Pilipino.
C. Ingles ang pangunahing wikang ginagamit upang makahikayat ng mga
dayuhang manonood at maisali sa mga film festival sa labas ng bansa.
D. Makikita ang madalas na paggamit ng pormal na wikang Filipino upang
higit na maunawaan ng mga Pilipino ang mga programang kanilang
pinapanood.
28
Ano ang maaring dahilan kung bakit sinasabing malaki ang
68. naitulong ng telebisyon sa pagpapaunlad ng wikang Filipino
at maituturing itong pinakamakapangyarihang uri ng medya
sa kasalukuyan?
A. Mas pinapaniniwalaan ng mga manonood na Pilipino ang mga
impormasyon sa telebisyon kaysa sa ibang usi ng mass media.
B. Higit na epektibong gamitin sa pagkatuto ng wika ang mga programa sa
telebisyon kaysa pormal pagtuturo nito sa paaralan.
C. Ang telebisyon ang siyang nagmumulat sa lahat ng mga kabataang
Pilipino upang sila ay matuto ng ating pambansang wika.
D. Ang mga programa sa telebisyon ang pangunahing dahilan kung bakit
maraming Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nakagagamit at
nakapagsasalita ng wikang ito.
29
69. Ano ang posibleng maging epekto ng pagbabago o
pagpapaikli ng baybay ng mga salita o parirala sa wikang
Filipino upang mabilis at madali itong mabuo sa pagte-text?

A. Napagaganda at nagiging malikhain ang mga salita.


B. Mabilis na naipaaabot ang mensahe at madaling maisulat.
C. Kawalan ng kawastuhan at kaayusan sa paggamit ng wika.
D. Mahirap na unawain ang mga salita at nagkakaroon ng ibang
kahulugan.

30
Para sa aytem bilang 70-72, basahin ang
sumusunod.
Sinasabi ng inyong guro na kailangan na makakuha ng mga teorya,
ideya, impormasyon at pananaw na kaugnay ng inyong paksa. Ito ang
magsisilbing batayan ng inyong gagawing pag-aaral. Ito ay maaring
kuhanin sa mga aklat, website, journal, tesis, at disertasyon. Ito ang
tinatawag na mga kaugnay na literature at pag-aaral. 31
Paano malalaman ng isang mananaliksik na ang kanyang
70. napiling paksa ay mayaman sa konsepto at kaalaman upang
magkaroon ng sapat at angkop na teorya na gagamitin sa
kanyang pananaliksik?
A. Kung maraming saliksik tungkol dito.
B. Kung maraming interesado tungkol dito.
C. Kung maraming impormasyong mababasa ukol dito.
D. Kung maraming makapagbibigay ng mga ideya tungkol dito.

32
Kung ang konsepto at kaalaman na iyong nakuha mula sa
71. mga aklat ay tumatawid sa ibang disiplina
nangangahulugang ito ay multidisiplinaryo. Anong tiyak na
disiplina ang HINDI maaaring tawirin kung ang iiyong
pananaliksik ay tungkol sa panitikan?
A. Kemistri
B. Linggwistika
C. Kulturang Popular
D. Panitikang Popular

33
Kung ang paksa ng pananaliksik ay may kinalaman sa
72. dahilan kung bakit maraming kabataan ang sumasali sa
fraternity, anong batas ang karamihan sa iyong magiging
tuon upang maisakatuparan ang nasabing pananaliksik?
A. Impormasyon tungkol sa batas
B. Impormasyon tungkol sa kapatiran
C. Impormasyon tungkol sa karapatan
D. Impormasyon tungkol sa mga gang

34
Para sa aytem bilang 73-75, suriin ang sumusunod na imahe.
MABUHAY PO ANG ATING From military bloodline here
KASUNDALUHAN NG PILIPINAS…. nakakatouch naman na muling
Maski ako na Makita ko lang po kayo dito magsasama ang magkakapamilya na
sa FB napaluha ako sa tuwa.. Un Makita sa pinaghiwalay ng gyera, magigiting na
kagalakan ang pamilyang sumalubong sundalong nakabalik ng buhay sa
walang katumbas na halaga ang Makita un kanilang pamilya ang bangungot ng gyera
mahal mong sasalubungin mong buhay na at alaala ng mga nasawing kasama,
papalapit sayo.. Maraming Salamat sa ating saludo kami sa sakripisyo ng mga
mga BAYANING buwis buhay na sa sundalo, pagpupugay sa ating mga
kunting salary na natanggap ay tagapagligtas at kabayanhihan para sa
maipagtatanggol ang mamamayan at bayan mga nagbuwis ng buhay para sa
ng Marawi laban sa makasariling sambayanan, hindi matatawaran ang
demonyong rebelde.. Mabuhay po kayo at inyong kabayanihan at para sa magigiting
maraming Salamat sa inyo mga bayani ng na kawal…
Pilipinas
Like Reply October 21 at 11:51 am Like(8) Reply October 21 at 11:08 am
1 reply
35
73. Mula sa mga komento na ipinahayag sa isang post sa social
media, anong impormasyon ang maaaring makuha mula rito
ng mga mambabasa?
A. Pagbibigay ng panalangin at pagsuporta ng mga mamamayan sa ating
mga sundalo upang mapagtagumpayan nila ang kanilang mga tungkulin,
B. Matinding pag-aalaala ng mga mamamayan sa kaligtasan ng ating mga
sundalo na nakikibaka sa digmaan.
C. Pagpupugay sa mga sundalong Pilipino matapos maibalik ang kaayusan
at kaligtasan sa Marawi sa pamamagitan ng pagsugpo sa mga terorista.
D. Patuloy ang pagsisikap ng Sandatahang Lakas ng bansa upang masugpo
ang mga terorista na patuloy na naghahasik ng kaguluhan sa lalawigan ng
Marawi.
36
74. Ano ang naging pangunahing tungkulin ng wika sa mga
nabasang pahayag?

A. Nagbibigay ng mahahalagang impormasyon na


kinakailangang malaman ng mga tao.
B. Nagbibigay ng kalinawan sa mga nakalilitong pangyayaring
nagaganap sa lipunan.
C. Nagbabahagi ng payo upang magbigay ng solusyon o
kasagutan sa mga napapanahong suliranin.
D. Nakapapapahayag ng mga opinion o damdamin sa isang
particular na isyu o pangyayari sa bansa.
37
75. Anong sitwasyon sa paggamit ng wikang Filipino ang
pangunahing masasalamin sa mga binasang pahayag?

A. Balbal at di pormal ang wikang ginamit sa paglalahad ng kanilang


opinion sa isang particular na isyu.
B. Hindi lubusang iniisip ng mga Pilipino ang wikang kanilang ginagamit sa
pagpapahayag ng kanilang mga damdamin.
C. Makikita ang impluwensya at lawak ng paggamit ng wikang Filipino sa
social media upang magpahayag ng mga saloobin at ideya.
D. Sa paraan ng paggamit ng wika masasalamin na hidi na pinapahalagahan
at binibigyang-pansin ang tamang paggamit ng wikang Filipino.

38
Para sa aytem bilang 76-78, basahin ang sumusunod:
Simbahan

Chona: (Choir ng Simbahan at kumakanta ng, “Tanging Yaman”, habang sumusulyap-sulyap


kina Loleng at Carina.)
Lola Loleng: (Nagro-rosaryo)
Carina: Lola, hindi po ba siya nalilito?
Lola Loleng: Sino apo?
Carina: Ang Diyos po.
Lola Loleng: Nalilito saan?
Carina: Pag sabay-sabay pong humihiling ang mga tao. Tapos, iba-iba pa po ang hinihiling
natin. Lahat po ba tayo naririnig niya?
Lola Loleng: Hindi siya malilito, dahil alam na niya kung ano ang gusto ng bawat tao. Tulad
mo, sigurado ako, pagkalabas natin ng simbahan, magpapabili ka ng lobo.
Carina: Ang galling n’yo naman po! Paano po n’yo nalaman?
Lola Loleng: Kasi mahal kita! Alam ko kung ano ang gusto mo. Ganyan din ang Diyos. Alam
niya ang gusto ng bawat tao, dahil mahal niya ito. Ibibigay niya ang kahit anong hiling natin sa
kaniya.
Carina: Kahit ano pong hilingin ko lola ibibigay niya?
Lola Loleng: Oo, pero kung alam niyang makakasama sayo ang hiling mo, bakit pa niya
ibibigay? Alam mo, kung minsan, dahil sa sobra tayong apurado, akala natin ay hindi na tayo
dinidinig ng Diyos. Pero ang totoo, naghihintay lamang siya ng tamang panahon. Naniniwala ka
na ba?
Carina: (yayakap sa lola)

39
76. Anong kulturang Pilipino, na may kaugnayan sa ating
relihiyon ang inilalahad ng diyalogong nabasa?
A. Ang paniniwala na ang Diyos ang pinakamakapangyarihan sa lahat.
B. Ang paghingi ng tulong sa Poong Maykapal sa pamamagitan ng
pagdarasal.
C. Ang lubos na pagpapahalaga ng mga Pilipino sa kanilang relihiyong
pinaniniwalaan.
D. Ang pag-asam na mapagbibigyan ng Panginoon ang lahat ng ating
kagustuhan sa buhay.

40
77. Kung susuriin ang paggamit ng wika at paraan ng pakikipag-
usap ni Carina sa kanyang lola, paano mailalarawan ang
relasyon sa pagitan nilang dalawa?
A. May pag-aalinlangan si Carina na makipag-usap kay Lola Loleng
sapagkat malaya ang kalooban nila sa bawat isa.
B. May hindi pagkakaunawaan ang maglola kung sususriin ang di pormal na
paraan ng kanilang pag-uusap.
C. Nagpapakita ng matinding awtoridad si Lola Loleng sa apo na si Carina
na mapapansin sa paraan ng kanyang pagsagot sa mga katanungan ng apo.
D. Malapit ang relasyon ni Lola Loleng kay Carina kung kaya’t malaya itong
nakapagtatanong sa kanyang Lola sa mga bagay na gumugulo sa kanyang
isipan.
41
78. Batay sa usapan o diyalogo, paano nagtapos ang usapan ng
dalawang tauhan?

A. Pagpapaalam ni Carina sa lola


B. Pagpapasalamat ni Carina sa lola
C. Pagpapahiwatig ng damdamin sa kausap
D. Pagtitiyak ng lola na naunawaan ng apo ang sinabi

42
Para sa aytem 79-82, pindutin ang larawan.

Click
me

43
FAILON NGAYON
(Isang traskripsyon mula sa bahagi ng programa ni Ted Failon sa DZMM)

Ted Failon: Kumusta ka na Cha-cha? Ilang araw ka ring hindi


sumipot sa ating programa, ah puro ka yata raket.
DJ Cha-cha: Hindi naman. Alam mo naming may
pangangailangan para mabuhay.
Ted Failon: O siya, bago mapunta ang usapang kung saan, ano
na ba ang balita sa ngayon? Nasaan na ba ang bagyong Jolina?
DJ Cha-cha: Uhmm sana nakaalis na ng bansa. (Mag-ra- rap) Wala
na ang bagyo kaya maaari ng maglaba. Makatutuyo na ng mga sinampay si
misis.
Ted Failon: Okay ang iyong pag-rap, ah. Pero tingnan muna natin ang tunay
na lagay ng panahon sa kasalukuyan. Ang bagyong Jolina ay
inaasahanag tatama sa probinsya ng Aurora. Ito ay ayon sa PAGASA. Kumikilos ito ng
80 kilometro kada oras. Inaasahang ito ay tatama sa kalupaan ng ika-6 ng gabi at ika-
9 ng gabi. Itinaas ang signal no.2 sa Isabela, Aurora, Quirino, Kalinga,
MountainProvince, Ifugao, Ilocos Sur, Benguet, Abra, La Union, at
Nueva Vizcaya.

NEXT 44
Ang signal no. 1 naman ay nasa Cagayan including Babuyan group
of islands, Apayao, Ilocos Norte, Nueva Ecija, Pangasinan, Northern Quezon
including Polillo island, Catanduanes and Camarines Norte. Nais magbigay ng
babala ang PAGASA sa mga residente na maaaring maging biktima ng pagguho
ng lupa at baha. Lalabas ang bagyong Jolina sa Sabado.
DJ Cha-cha: Sa sabado ay papalabas na ito.
Ted Failon: Magpapaalam muna tayo, DJ Cha-cha.

SFX

45
79. Anong uri ng impormasyon ang inilahad sa teleradyo na
FAILON NGAYON?

A. Paglikas ng mga tao sa mga matataas na lugar.


B. Babala o paghahanda sa parating na bagyo.
C. Pangalan ng bagyo at mga lugar na dadaanan nito.
D. Pag-iipon ng mga pagkain para sa darating na bagyo.

46
80. Ano ang mahalagang babala ang ibinagay ng PAGASA sa
mga tao?
A. Huwag lumabas ng bahay
B. Maging mapagmatiyag sa paligid
C. Mag-imbak ng mga tubig at pagkain
D. Mag-ingat sa baha at pagguho ng lupa.

47
81. Ano ang ibig sabihin ng tanong na “Nasaan na ba ang
bagyong Jolina?”
A. Naghihintay ang nagtatanong na anunsiyo ng walang pasok.
B. Nais ng nagtatanong na maging updated sa lagay ng
panahon.
C. Gusto ng nagtatanong na malaman kung maaari na siyang
mamasyal.
D. Mawawala na ang bagyong Jolina sa bansa makalipas ang
ilang araw.

48
82. Ang salitang lagay ay ginamit sa tekstong nabasa sa itaas.
Ano ang ibig sabihin o kahulugan nito ayon sa konteksto ng
pagbabalita?

A. Taya ng panahon
B. Kondisyon ng katawan
C. Epekto ng bagyo sa bansa
D. Sakit na nakukuha sa bagyo

49
Para sa aytem bilang
83-84
Pindutin ako

50
Isang balita mula sa Radyo:
“Pinapaalalahanan po ang mga naninirahang malapit sa
baybay-dagat na mag-ingat at maagang lumikas sa mataas
na lugar. Paparating po ang bagyong Uno na kasalukuyang
binabagtas ang hilagang bahagi ng Luzon. Nagtataglay po
ito ng malakas na hangin at pabugso-bugsong pag-ulan.

51
83. Sa balitang narinig sa radio, ano sa palagay mo ang layunin
ng nag babalita?
A. Magbigay ng babala
B. Magbigay ng impormasyon
C. Magpaalala sa mga dapat gawin
D. Magbigay ng balita ukol sa kalagayan ng panahon

52
84. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na “maagang lumikas sa
mataas na lugar”?
A. Tataas ang tubig sa baybay-dagat
B. Nagbabadya ng malakas na pag-ulan
C. Nagbibigay ng pahiwatig ng pagbaha
D. Nagbabala sa pagtaas ng tubig-baha

53
Para sa
aytem Pindutin ang
bilang 85- image icon
87

54
PITONG DIONA KONTRA- DEPRESYON
Joel Costa Malabanan
1 Ang umibig ay sugal
Huwag magpatiwakal
Kung lumisan ang mahal
2 Kung nilamon ng selos
Ang puso mong may galos
Kamataya’y di haplos
3 Mamang pulis, hinahon
Hinay sa demolisyon
Bahay namin ay karton!
4 Kung sirena ka anak
Wala tayo sa dagat
Ngunit akin ng tanggap
5 Sunog nating tahanan
Muli nating sindihan
Ng alab ng suyoan
6 Test papers patung-patong
Di aprubado ang loan
Kay ma’m, okay lang iyon!
7 Di kita sasampalin
Anak, luha’y pahirin 55
Ngayong nanay ka na rin.
85. Batay sa tula, sa paanong naiibang paraan naipahayag ang
impormasyon upang labanan ang depresyon?

A. Ginamit na midyum ang mga liriko ng awit upang maipahayag ang


mensahe
B. Ang diyalogo ng isang pagtatanghal ang nagbigay-daan upang ihayag ang
kaisipan
C. Pasalitang sinambit ng may akda ang kanyang saloobing sa pamamagitan
ng sanaysay.
D. Sa anyo ng mga maiikling tula ibinabahagi ang panawagan para labanan
ang depresyon.

56
86. Kung aatasan kang magsagawa ng pasalitang pagtalakay
tungkol sa depresyon sa mga kabataan, aling midyum ang
pinaka-epektibong gamitin?
A. Pag-awit ng isang kundiman na may kaugnayan sa paksa.
B. Pagpapaskil ng blog sa social media tungkol sa depresyon.
C. Paghahanap sa youtube ng dokumentaryo tungkol sa
depresyon.
D. Paglikha at pagbigkas ng 5 minutong spoken word tungkol sa
paksa.

57
87. Mula sa mga nakatalang diona, alin ang tumutukoy sa
pagtanggap ng magulang sa tunay na kalagayan ng kanyang
anak?

A. 1 at 4
B. 4 at 5
C. 4 at 7
D. 5 at 7

58
Ang iyong pananaliksik ay nakatuon sa iba’t ibang paraan ng
88. pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak. Ang
metodo mong gagamitin sa pangangalap ng datos ay
pakikipanayam. Anong gamit ng wika ang gagamitin mo
upang maisakatuparan ang metodo ng iyong pananaliksik?
A. Impormatib, sapagkat ito ay nakatuon sa pagpapahayag ng impormasyon
na iyong kailangan.
B. Personal, sapagkat ito ay nakatuon sa pagpapahayag mo ng iyon opinion
ukol sa iyong paksa.
C. Heuristik, sapagkat ito ay nakatuon sa paghahanap ng impormasyon na
lubhang makakatulong sa iyong pananaliksik.
D. Regulatori, sapagkat ito ay nakatuon sa pakikiusap mo sa mga
respondante upang mapatibay ang iyong pananaliksik.
59
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

1. INSTRUMENTAL- ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa


mga
pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa
iba.Ang
paggawa ng liham pangangalakal, liham sa patnugot, at
pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na
nagsasaad ng gamit at halaga ng mga produkto ay mga
halimbawa ng tungkulin ito.
2. REGULATORYO- ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa
pagkontrol sa ugali at asal ng ibang tao. Pagbibigay ng
direksyon
gaya ng pagtuturo ng lokasyon ng isang particular na lugar.

60
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

3. INTERAKSIYONAL- ang tungkuling ito ay nakikita sa paraang


pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang
kapwa;pakikipagbiruan:pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa
particular na isyu; pagkukwento ng malungkot o masayang pangyayari
sa isang kaibigan o palagayang –loob; paggawa ng liham- kaibigan;at
iba pa.

4. PERSONAL- saklaw ng tungkuling ito ay ang pagpapahayag ng


sariling opinion o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.Kasama rin
dito ang pasulat at talaarawan at journal, at ang pagpapahayag ng
pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.

61
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

5. HEURISTIKO- ang tungkulin ito ay ginagamit sa pagkuha at


paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-
aaralan. Kasama rito ang pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot
sa mga tanong tungkol sa paksang pinag-aaralan; pakikinig sa
radio; panonood sa telebisyon; at pagpapalabas sa pahayagan,
magasin, blog at mga aklat kung saan nakakakuha tayo ng
impormasyon.

6. IMPORMATIBO- ito ay kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang


heuristiko ay pagkuha o paghanap ng impormasyon, ito naman ay
may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat
at pasalita. Ang ilang halimbawa nito ay pagbibigay-ulat,pagagawa
ng pamanahong papel, tesis, panayam, at pagtutro.

62
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

7. IMAHINATIBO- gamit sa wika ang pabuo ng isang sistema ng


haraya maging akdang pampanitikan, sistemang pampilosopiya o
huwarang pangarap isang dako ng pag-iisip na walang magawa sa
kabilang dako.

8. REPRENSENTASYUNAL- gamit ng wika sa pagpaparating ng


kaalaman tungkol sa daigdig, pag-uulat ng mga pangyayari,
paglalahad, pag-uugnay-ugnay, paghahatid mg mga mensahe at iba
pa.

63
89. Napansin mo na malimit na nag-iisa, walang kibo, at hindi
palakaibigan ang isa mong kaklase. Anong tungkulin ng wika
ang maaari mong ipagamit sa kanya upang mahasa ang
kaniyang pakikipagkapwa?
A. Kinakailangan niyang mahasa ang personal na gamit ng wika upang
makapaghayag siya ng sariling damdamin.
B. Kinakailangan niyang mapaunlad ang impormatibong gamit ng wika
upang matagumpay siyang makapagpahayag ng impormasyon.
C. Kinakailangan niyang mahasa sa interaksyunal na gamit ng wika upang
mapatatag niya nag kanyang relasyong panlipunan.
D. Kinakailangan niyang mapaunlad ang imahinatibong gamit ng wika
upang mapukaw niya ang imahinasyon ng kanyang kausap
64
Basahin ang sumusunod:
Sa porma at estilo pa lang ng pag-text certified jejemon talaga. Kuwento ni RB, sa mundo ng jejemon,
ang mas mahaba at komplikadong pag-text ay pasok sa paningin nila.
RB DOMINGGO: Para po sa tingin nila kakaiba po. Kasi po pag gumamit ka ng iba tulad po pag “g”
ginawang “q”. Mas maganda pong tingnan pagdating sa jejemon. Kasi po doon naming nararamdaman
na doon kami kagrupo, kasali.
Nagmula ang salitang jejemon sa ajejeje na ang ibig sabihin ay hehehe. Dahil na rin sa dami ng
cellphone users sa bansa mabilis na kinagat at pumatok ang jejemon sa mga kabataan.
PROF. MYKEL ANDRADA: Form of expression ito sa Lower class at form og expression din toi
sabihin natin ng isang sector ng kabataan na may nais ipahiwatig dito sa ating lipunan.
Kasabay din ng paglaganap ng jejemon sa mga social networking sites ay ang pagsikat din ng gay
lingo at iba’t ibang acronym at abbreviations. LOL, BRB, GTG, lahat ng iyan ay may kahulugana sa
mga bagets.
Di rin pahuhuli ang gay lingo at bekimon. Ang gay lingo raw ang paraan ng mga homosexual para
mailabas ang kanilang emosyon at natural na pagkamalikhain.
RHYAN MENDIOLA: Definitely it’s a code. Its like a veil, it works like a veil at ginagamit naming
ito kasi we want to achieve exclusivity, privacy.
Hindi lang sa lansangan laganap ang gay lingo kundi sa radio, tv at dyaryo. Pero sa mga do
nakakaintindi sa hardcore na swarspeak don’t you worry dahil may pinipiling lugar naman daw dapat
ang paggamit ng gay lingo.

65
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na dagdagan ng huling
90.
bahagi ang tekstong binasa upang higit maunawaan ng nga
mambabasa ang paksang tinalakay, anong impormasyon ang
nais mong ibahagi?
A. Ang negatibong epekto ng paggamit ng jejemon at gay lingo sa mga
Pilipino.
B. Ang kontribusyon ng ganitong barayti ng wika sa pagpapaunlad ng ating
pambansang wika.
C. Pangalan ng mga tanyag at particular na personalidad na gumagamit ng
mga nasabing wika.
D. Mga paraan kung paano pa lalong mapapaunlad at mapapalawak ang
paggamit ng mga wikang ito.
66
Para sa aytem bilang 91-93, basahin ang sumusunod:
Sa paglulunsad ng Komonwelt, isa sa mga unang isinigawa ng administrasyong Quezon
ay ang pagpapatupad ng probisyon ukol sa pagkakaroon ng pambansang wika. Kaya naman
noong Nobyembre 13, 1936, ipinag-utos ni Pangulong Manuel L. Quezon na matatag ng isang
ahensya na siyang mangangasiwa sa pagpili ng wikang magsisilbing wikang Pambansa. Dahil
dito, sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 184 na kanyang nilagdaan, naitatag ang Surian ng
Wikang Pambansa. Hinirang ni Pangulong Quezon si Jaime C. de Veyra bilang pangulo ng
ahensyang ito.

Matapos ang sampung buwang pag-aaral ng nasabing institusyon, lumabas na ang


Tagalog ang siyang halos tumugon sa lahat ng pamantayang inilatag nila.

Batay sa naging pahayag noon ni Norberto Romualdez kay Pangulong Quezon,


Tagapangulo ng Komite sa Pambansang Wika ng Unang Pambansang Asamblea, ng
Memorandum Sobre la Lengua Nacional “Sa lahat ng katutubong wika sa Pilipinas, ang
Tagalog ang may pinakamaunlad na katangiang panloob: estruktura, mikanismo, at panitikan at
bukas sa pagpapayaman at pagdaragdag ng bokabularyo at pinakatanggap-tanggap sa
nakararaming mamamayaman.

Ayon kay Pamela Constantino (sinipi ni Vega, 2010), dalawang konsiderasyon ang
naging batayan sa pagpili ng Tagalog: sentimentalism o paghahanap ng pambansang identidad
ar instrumental o batay sa gamit sa wika sa lipunan. Noong Disyembre 30, 1937, ipronoklama
ni Quezon ang Tagalog bilang basehan ng pambansang wika ng Pilipinas.

67
91. Alin sa mga sumusunod ay HINDI katangiang binanggit ni
Romualdez hinggil sa rason ng pagpili sa Tagalog bilang
pambansang wika?

A. Sentementalismo
B. Maunlad ang panitikan
C. Tinatanggap ng maraming tao
D. Bukas sa pagpapayaman ng bokabularyo

68
92. Alin sa mga sumusunod ang higit na naging ambag ni
Pangulong Manuel L. Quezon sa pag-unlad ng ating wikang
Pambansa?
A. Pagproklama ni P. Quezon sa Tagalog bilang basehan ng pambansang
wika ng Pilipinas.
B. Paghirang ni P. Quezon kay Jaime de Veyra bilang pangulo ng Surian ng
wikang Pambansa.
C. Paglagda ni P. Quezon sa Batas Komonwelt Blg. 184 na siyang nagtatag
sa Surian ng Wikang Pambansa.
D. Pakikinig ni P. Quezon sa paliwanag ni Norberto Romualdez hinggil sa
katangian ng wikang Pambansa.

69
93. Sang-ayon ka ba sa naging pagpapasya ng Surian ng Wikang
Pambansa sa pagpili sa Tagalog bilang pambansang wika?
A. Oo, sapagkat pumasok naman ito sa pamantayan na inilatag
ng institusyon.
B. Oo, sapagkat ang mga taong bumubuo sa institusyong ito ay
pawing mga eksperto.
C. Hindi, sapagkat may ilang mga tao ang hindi marunong
magsalita nito.
D. Hindi, sapagkat sampung buwan lamang ang kanilang inilaan
sa pagpili.
70
94. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Representasyunal at
Heuristik na gamit ng wika sa lipunan?
A. Parehong ang pokus ay sa impormasyon o mensahe ngunit ang representasyunal
ay nakatuon sa pagbabahagi nito samantalang ang Heuristik ay paghahanap nito.
B. Parehong ang pokus ay sa enkowder ng mensahe ngunit ang representasyunal ay
naghahangad ng mabilisang tugon samantalang ang Heuristik naman sy kahit hindi
mabugyan ng tugon.
C. Kapwa nakatuon sa tagtanggap ng mensahe ngunit ang representasyunal ay
sinisigurong nakarating ang mensahe samantalang ang Heuristik naman ay pokus
lamang ang makapagpahayag makarating man o hindi.
D. Kapwa nakatuon sa mismong mensahe ngunit ang representasyunal ay tinitiyak
kung nakuha ng tagatanggap ang kahulugan ng mensahe samantalang ang Heuristik
naman ay kung may tugon ba ang tagatanggap sa mensahe.
71
95. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang HINDI naglalarawan sa
regulatoryong paggamit ng wika?
A. Ipinaliwanag ng guro ang panuto sa pagsagot sa pinal na pagsusulit ng
kanyang mga mag-aaral.
B. Ikinuwento ni Aling Martha ang di makakalimutang karanasan niya nang
magbaksyon sa probinsya kasama ang buong pamilya.
C. Nakita ni Victor na tila naliligaw ang isang matandang babae, magalang
niya itong tinanong at itinuro ang taman direksyon ng lugar na hinahanap.
D. Nabigyan si Katleya ng pagkakataon na maturuan ang kanyang mga
kamag-aral ng tamang paraan ng paggawa ng parol mula sa mga patapong
bote ng softdrinks.

72
Kung ikaw ay isang senador sa bansa, alin sa sumusunod ang
96. maaari mong gawin upang magamit sa impormatibong
paraan ang wika na makatutulong sa mga mamamayang
Pilipino?
A. Pag-akda ng mga napapanahong batas upang mapaunlad ang pamumuhay
ng mga mamamayang Pilipino.
B. Pagpunta sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad upang magbigay ng
tulong pinansyal sa mga biktima.
C. Pagtayo ng foundation na siyang maglulunsad ng mga proyekto at
programa para sa pagtataguyod ng edukasyon ng mga kabataan.
D. Pagsulat sa mga malalaking kompanya sa bansa upang humingi ng tulong
para sa rehabilitasyon ng mga biktima ng ipinagbabawal na gamot.

73
Para sa aytem 97-99, pindutin ang larawan.

Click
me

74
Bahagi ng ulat ni Bombo Christian Yosoreson na
pinamagatang “Giyera sa Marami City, Tapos na”

I.Opisyal nang tapos ang giyera sa Marawi City matapos ang


limang buwang bakbakan sa pagitan ng military at ISIS-Maute
terror group. Ito ang inihayag ni Departmenr of National Defense
Secretary Delfin Lorenzana nitong tanghali sa gitna ng meeting ng
mga ASEAN Defense Ministers sa Clark, Pampanga.
II. Kaugnay nito, inihayag naman ni Armed Forces of the
Philippines (AFP) Chief Gen. Eduardo Año, aabot sa 42 katawan
ng mga terrorista ang kanilang narekober mula sa dalawang
gusali at mosque sa battle zone.
III. Magugunitang nitong nakaraang lingo ay inihayag ni
Pangulong Rodrigo Duterte na “liberated” o Malaya na mula sa Red
mga Maute terrorists ang Marawi City matapos mapatay ng hanay
Is the color of blood,
ng military ang mga lider nitong sina Isnilon Hapilon, Omar Maute
danger and courage.
at Dr. Mahmud Ahmad.

75
97. Sa anong bilang ng talata matatagpuan ang impormasyon
hinggil sa proklamasyon ng paglaya ng Marawi?

A. I
B. II
C. I at II
D. I at III

76
98. Sino sa mga sumusunod ang may higit na karapatan upang
iproklamang Malaya na ang Marawi sa kamay ng mga
terrorista?
A. Si Isnilon Hapilon, ang ilder ng teroristang Maute.
B. Si Pangulong Rodrigo Duterte, Pangulo ng Pilipinas.
C. Si Eduardo Año, Chief General ng Armed Forces of the
Philippines.
D. Si Delfin Lorenzo, ang Department of National Defense
Secretary.

77
99. Kaugnay ng Blg. 98, anong kraytirya ang ginamit na batayan
upang igawad sa kanya ang karapatan na magpahayag ng
paglaya ng marawi?
A. Kaalaman sa Politika
B. Karanasan sa digmaan
C. Katungkulan sa pamahalaan
D. Kahusayan sa panunungkulan

78
Para sa aytem bilang 100, basahin ang sumusunod.
Isa lang ang malupit na katotohanan dito sa Metro Manila, malakas na ulan at baha. Siyempre
kung may pagbaha may trapik. Ang dami nating plano bilang isang nasyon pro kahit ano man
yan, kagit gaano katas ang ambisyon, kahit gaano katatag ang mithiin, ulan at baha lang ang
katapat mo at kadalasan sa pagkakataon pang hinding-hindi mo inaasahan. May Malaki kang
concert, baha at ulan lang yan. May exam na doon nakasalalay ang kinabukasan mo at di ka
nakapag-review, ulan at baha lang yan. Ang sabi nga nila sa Metro Manila raw maihi lang ang
kambing baha na ang kalye. 79
Kung susuriin ang mga impormasyon na nakapaloob sa ulat
100.
na binasa, saan pa kayang platform maaaring ilahad ang
suliranin upang higit na mabigyang-pansin ng mga
mamamayan at pamahalaan?

A. Programa sa radyo
B. Artikulo sa magasin
C. Balita sa pahayagan
D. Post sa social media

80
Alin sa sumusunod na pahayag mula sa mga personalidad na
101.
kinapanayaman sa programang “Salamat, Dok” ang may
kredibilidad pagdating sa pagsasakatuparan ng tungkuling
represenatsyunal ng wika?
A. “Nakakagamot ng diabetes ang malunggay,” wika ng isang propesor sa
Metematika.
B. “Mas mabisang gamot sa diabetes ang nilagang ugat ng kalamansi,”
pahayag ng isang albularyo.
C. “Ang malimit na pag-inom ng tubig ay nakatutulong upang maiwasan
ang pagkakaroon ng diabetis.” ayon sa isang doctor sa papublikong ospital.
D. “Malaking tulong ang malimit kog pag-inom ng salabat upang maibsan
ang mga komplikasyong dulot ng diabetes,” sabi ng isang matandang may
diabetis. 81
Basahin ang sumusunod:

Cardo: Makmak maupo ka. Alam mo Makmak, tanggap ka naming sa


bahay na ito. Hindi ang nagagalit sa Lorem
iyo kung
ipsum ano man ang nabalitaan
ko doon at nalaman ko sa eskwelahan niyo. Alam mo kung saan ako
nagagalit? Dahil nagsinungaling ja sa amin. Nangako ako sa tatay mo
Makmak, na aalagaan kita at ako ang tatayo bilang pangalawang ama
mo.
Makmak: Alam ko po yun. Kaya nga po ang laki pasasalamat ko noong
tinanggap n’yo ako sa pamilya ninyo. Sorry po talaga Kuya Cardo. Hindi
na po mauulit. Lorem ipsum
Cardo: Bakit na hindi mo sinabi sa amin?congue Dahil natatakot ka na di ja
naming tatanggapin? Makmak, di kami ganun. Mahal ka naming at
itinuturing ka naming bilang using pamilya. Makmak, Kahit ano ka pa di
ka naming pababayaan.
Lorem ipsum
Mamahalin ka naming Makmak. Kung ano man
Lorem ipsum
ang totoong pagkatao mo walang masama dun. Hindi masama maging
bakla. Ang importante sa tao iyong marunong magmahal, marunong
rumespeto, at may takot sa Diyos at lahat ‘yun nakikita ko sa iyo, kaya,
wala akong kakikitang masa sa pagkatao mo.

82
102. Kung pagbabatayan ang nabasang usapan sa teleserye, anon
pamantayan ng isang dekalidad na programa ang nararapat
tangkilikin ng maraming manonood?

A. May aral na ibinabahagi sa mga manonood.


B. Kilala ang mga artista na nasiganap sa programa.
C. Simple at nauunawaan ang diyalogo ng mg tauhan.
D. Malikhain ang mga pahayag na ginamit ng mga tauhan.

83
Para sa aytem bilang 103-105
ANG TUNAY NA SAWSAWANG PINOY
ni Xiao Chua
Ayon sa yumaong food historian na si Doreen Fernandez, ang mga inasinan at
finerment na mga isda sa mga tapayan o banga ang lumilikha ng sabaw na ngiging
maalat na patis, hindi ito malansa, kundi mabango ang amoy nito. Ngunit, nuoc mam
rin ito sa Vietnam, nam pla sa Thailand, at petis sa Indonesia! Petis-Patis?
Sa aklat na Sucesos de las Islas Filipinas o Events in the Philippine Island,
pinansin ni Dr. Antonio de Morga noong 1609 ang pagkainn ng mga Indio ng mga
isadang sarap na sarap lamang sila kung nabubulok na ito at mabaho. Sabi niya siguro
noon “Yuck! So kadiri!
Kaya ilang siglo ang lilipas ipagtatanggol naman tayo si Jose Rizal, “Heto na
naman ang Espanyol, pinandidirihan ang mga pagkaing hindi nila alam o
Kinasanayan. Ang isdang binabanggit ni Morga, na hindi masarap kung hindi bulok at
mabaho ay ang bagoong, at alam ng mga nakakain at nakatikim na nito na hindi ito
At hindi dapat ito bulok.”
Kung nais ng sagot para sa sawsawang sa Pilipinas nagmula, pinaniniwalaang
bagoong ito. Gawa ito sa isda at lamang-dagat na inapak-apakan ng
Mga mangingisda at pinalo ng mga sagwan matapos noon ay kanilang aasinan upang
ma-ferment.

84
103. Anong talata ang nagpapatunay na ang pagkaing Filipino ay
makikita rin sa ibang bansa sa Asya?

A. Unang talata
B. Ikalawang talata
C. Ikatlong talata
D. Ikaapat na talata

85
104. Ang salitang “bagoong” ay patunay lamang ng anong
katangian ng wika?
A. Nagbabago, sapagkat ang termino ay bunga lamang ng
ebolusyon ng wika.
B. Malikhain, sapagkat ginagawa lamang ito ng mga Pilipino
ang terminong ito.
C. Arbritaryo, sapagkat ito ay napagkasunduang gamitin ng mga
tao sa lipunan
D. Nakabatay sa kultura, sapagkat ang termino ay kumakatawan
sa karanasan ng mga taong gumagamit nito.
86
105. Anong kongklusyon ukol sa wikang Filipino ang mabubuo
batay sa binasa?

A. May malaking ugnayan sa isa’t isa ang gawi sa pagkain at


wika.
B. Nagbabago ang wika dahil nagbabago ang kulturang
kinabibilangan nito.
C. Hinuhubog ng wika ang kultura ng isang lugar kaya’t hindi
ito lumalaganap.
D. Malaki ang impluwensya ng ibang bansa sa pagkakaroon
natin ng katawagan para sa mga sawsawan.
87
“Nakabibinging katahimikan ang nadama ko nang
pumasok ako sa silid na iyon. Di ko maipaliwanag ang
106.
lamig ng hanging dumampi sa aking kalamnan at sinidlan
ako ng takot”. Anong uri ng tekstong deskriptibo ang
pahayag?
A. Teknikal na paglalarawan
B. Masining na paglalarawan
C. Karaniwang paglalarawan
D. Pamilyar na paglalarawan

88
Unti-unti na nating nararamdaman ang nagbabagong klima dahil sa global
warming. Sa Bauang La Union, isang bayan ang nilalamon ng karagatan. Sa
General Nakar namansa Quezon, tumaas ang kaso ng Dengue at Malaria.
Naglipana kasi ang mga lamok na nabubuhayLorem ipsumsa mainit na klima. Ang Artex
Compound sa Malabon, hindi nainiwan ng baha pero ang mas nakakabahala
ay posibleng mangyari raw ito sa buong bansa. Kapag nagpatuloy ang
pagbabago ng klima, maaaring tumaas ang tubig dagat. At sa isang metro na
pagtaas nito, pwedeng lumubog at permanente ng bahain ang maraming lugar
sa Pilipinas. Palatandaan na ito ng tinatawag ng climate change.
Ang climate change ay ang pagbabago ang klima o panahon dahil sa pagtaas
ng mga greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. Nagdudulot ito ng baha
Lorem ipsum
at tagtuyot, nagkakaroon ng mas maraming bagyo at pagguho ng lupa.
Nagkakaroon din ng epekto sa araw-araw congue
na kabuhayan ng tao, pagbaba ng
produksyon sa agrikultura. Upang mabawasan ang epekto ng climate change,
gawing gabay ang 4R: REDURE(bawasan ang pagkonsumo); RE-
USE(gamitin ulit); RECYCLE(pakinabangan sa ibang anyo); at RESOURSE
Lorem ipsum Lorem ipsum
CONSERVATION(magtipid sa paggamit ng pinagkukunang yaman) Halaw sa
siniping bahagi ng dokumentaryong SIGNOS ng GMA News TV.

89
107. Bakit nararanasan natin ngayon ang mga nabanggit na
epekto ng climate change?

A. Sapagkat lubusan nating inaabuso ang ating kapaligiran.


B. Sapagkat kulang ang kaalaman natin hinggil sa climate
change.
C. Sapagkat ang bansa natin ay umuunlad sa larang ng
teknolohiya.
D. Sapagkat patuloy ang pagtaas ng greenhouse gases sa ating
bansa.

90
108. Ano ang mensaheng nais iparating ng tekstong binasa?

A. Ang Pilipinas ay dapat mag-ingat sa bagsik ng climate


change.
B. Ang klima ng daigdig ay nagbabago na dala ng epekto ng
climate change.
C. Magkaroon tayo ng kaalaman hinggil sa 4R upang maiwasan
ang global warming.
D. Nararapat na kumilos ang mga tao at pamahalaan upang
mabawasan ang epekto ng climate change.
91

You might also like