You are on page 1of 17

FILIPINO 11

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Introduksyon sa Mga Konseptong Pangwika: Barayti ng Wika


NILALAMAN
(Mapanuring Sanaysay tungkol sa aspektong kultura o lingguwistiko)
PAMANTAYANG
Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultura, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino
PANGNILALAMAN
PAMANTAYAN SA
Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultura o lingguwistiko ng napiling komunidad
PAGGANAP
1. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radio, talumpati, at mga panayam.
2. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.
KASANAYANG 3. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanoon na sitwasyong pang komunikasyon sa telebisyon (Halimbawa: Tonight with
PAMPAGKATUTO Arnold Clavio, State of the Nation, Mareng Winnie, Word of the Lourd. (http://lourddeveyra.blogspot.com)
4. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan.
5. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika.
1. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa pamamagitan ng pakikinig at panonood ng iba’t ibang sitwasyong pangkomunikasyon.
DETALYADONG
2. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika sa pagsasagawa ng “Gallery Walk”.
KASANAYANG
3. Nakasusulat ng mapanuring sanaysay gamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, blog at iba pa) tungkol sa mga
PAMPAGKATUTO
konseptong pangwika sa pamamagitan ng gawaing “E-post mo yan!”.
PAMAMAHAGI NG ORAS 60 minuto/ apat na araw

BALANGKAS:
1. INTRODUKSYON: Pagbabahagi sa mga inaasahang kasanayang pampagkatuto.
2. PAGGANYAK: Word of the Lord. Panonood ng bidyu kaugnay sa mga konseptong pangwika
3. INSTRUKSYON: Gallery Walk. Pagtatalakay sa iba’t ibang mga Barayti ng Wika.
4. PAGSASANAY: KPK Tsart. Pagsusulat ng sariling kaalaman, pananaw at karanasan sa mga Barayti ng Wika.
5. PAGPAPAYAMAN: Pagbuo ng burador sa isasagawang mapanuring sanaysay
6. EBALWASYON: Pagsulat ng isang mapanuring sanaysay gamit ang pakikipanayam tungkol sa aspektong kultura o lingguwistiko ng napiling komunidad

MGA KAGAMITAN: Ispiker, laptop, ppt, batayang-aklat, paper strips


SANGGUNIAN: Alma M. Dayag at Mary Grace G. del Rosario (2016)
Komunikasyon at Pananaliksik Sa Wika at Kulturang Pilipino.
Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
A PANIMULA

1. Panimulang Gawain
- Panalangin
- Pagbati sa Klase
- Pagtsek ng liban
- Pagpapaayos ng upuan
2. Ilalahad sa mga mag-aaral ang mga kasanayang pampagkatuto, layunin at pamantayang pagganap sa araling ito.

B. PAGGANYAK

1. Word of the Lourd. Magpapakita ng bidyung may kaugnayan sa mga sitwasyong pangwika.
- Ano-ano ang mga ipinakitang pangyayari o kaganapan sa bidyu?
- Narinig o naranasan mo na rin baa ang mga nakita sa bidyu? (Magbahagi sa klase)
- Ano kaya ang mahalagang mensahe na ipinaparating sa bidyu tungkol sa wika?

C. INSTRUKSYON

1. Pagtatalakay sa mga katagang “Homogenous at Heterogenous” na wika at barayti ng wika.


2. Papangkatin ang klase sa anim batay sa mga sumusunod:
a. Dayalek c. Sosyolek e. Register
b. Idyolek d. Etnolek f. Pidgin at Creole
3. Sa bawat pangkat ay magkakaroon ng small group discussion tungkol sa nakaatas na barayti.
4. Pipili ng tig-tatatlong representante ang bawat pangkat na siyang magbabahagi ng nakaatas na barayti sa ibang pangkat sa pamamagitan ng “GALLERY WALK”.

A C E

B D F

5. Pagkatapos ng itinakdang oras, kapag nakabalik na ang mga miyembro sa orihinal nilang pangkat ay ibabahagi nila ang kanilang mga natutuhan.
6. Sa isang malayang talakayan, magpapakita ang guro ng iba’t ibang bidyu na magpapakita ng iba’t ibang barayti ng wika. Tutukuyin ng mga mag-aaral kung anong barayti ito.
D. PAGSASANAY
Panuto: Magtatala ng tig- lilimang kaisipan kaugnay sa mga barayti ng wika ayon sa hinihingi ng tsart.

KAALAMAN PANANAW KARANASAN

E. PAGPAPAYAMAN
Bumuo ng isang burador na magpapakita ng iyong kaalaman batay sa nalamang konseptong pangwika: Barayti ng Wika. Ang bubuuing balangkas ay kailangang magpakita ng kaangkupan sa
Nilalaman at pagsusuri upang maging gabay sa daloy ng isusulat na mapanuring sanaysay.

Gabay sa pagsulat ng mapanuring sanaysay/ Rubriks:

MARKA PAMANTAYAN
Nakagawa ng isang malinaw na sanaysay na may kaisahan. Batay ito sa isinisagawang panayam. Masusing
4 tinalakay ng sanaysay ang aspektong kultural at lungguwistiko ng napiling komunidad. Nagbigay rin ng mga
halimbawang nakapagpatunay at nagbigay-linaw sa inilahad
Nakagawa ng isang malinaw na sanaysay batay sa isinagawang panayam. Tinalakay ng sanaysay ang
3 aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad. Nagbigay rin ng halimbawang nakapagpatunay sa
inilahad.
Nakagawa ng isang sanaysay batay sa isinasagawang panayam. Hindi gaanong nakatalakay ng sanaysay ang
2 aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad. Nagbigay ng mga halimbawa ngunit hinfi
nakapagpatunay sa inilahad
Nakagawa ng isang sanaysay ngunit hindi ibinabatay sa isinasagawang panayam. Hindi gaanong natalakay ang
1
aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad.

F. EBALWASYON

Bilang isang manunulat sa isang kilalang pahayagan, sumulat ng isang sanaysay upang mahasa o madebelop ang kakayahan sa mapanuring pagsulat sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga
piling opisyal ng barangay sa aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad. Ilalathala ang nagawang sanaysay sa isang pahayagan, school paper, at sa mga blog.

*Gagabayan ng guro ang buong proseso ng pagsulat ng sanaysay tungkol sa mga barayti ng wika hanggang sa maisagawa ng mga mag-aaral ang isang mapanuring sanaysay sa pamamagitan ng
pakikipanayam sa mga piling opisyal ng barangay at magpapakita ng mahahalagang kaisipan ng wika ayon sa aspektong kultural o lingguwistiko batay sa napiling komunidad. Ibabahagi ito sa
pamamagitan ng E-post mo yan! Na Gawain.
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Introduksyon sa Mga Konseptong Pangwika: Unang Wika, Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, at Multilinguwalismo


NILALAMAN
(Mapanuring Sanaysay tungkol sa aspektong kultura o lingguwistiko)
PAMANTAYANG
Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultura, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino
PANGNILALAMAN
PAMANTAYAN SA
Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultura o lingguwistiko ng napiling komunidad
PAGGANAP
1. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radio, talumpati, at mga panayam.
2. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.
KASANAYANG 3. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanoon na sitwasyong pang komunikasyon sa telebisyon (Halimbawa: Tonight with
PAMPAGKATUTO Arnold Clavio, State of the Nation, Mareng Winnie, Word of the Lourd. (http://lourddeveyra.blogspot.com)
4. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan.
5. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika.
1. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa pamamagitan ng pakikinig at panonood ng iba’t ibang sitwasyong pangkomunikasyon.
DETALYADONG
2. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
PAMAMAHAGI NG ORAS 180 minuto

BALANGKAS:
1. INTRODUKSYON: Pagbabahagi sa mga inaasahang kasanayang pampagkatuto.
2. PAGGANYAK: Video Clip . Panonood ng isang Video Clip kaugnay sa mga iba’t ibang uri wika
3. PAGLALAHAD: Pagtatalakay
4. PAGSASANAY: Pagsagot sa mga tanong kaugnay sa iba’t ibang uri ng wika
5. PAGPAPAYAMAN: Pagpapaliwanag sa iba’t ibang uri ng wika at pagbibigay ng sariling halimbawa nito
6. EBALWASYON: Wika ni Pangulong Aquino III. Pagbibigay ng sariling pangunawa kaugnay sa pahayag ng Pangulo.

MGA KAGAMITAN: laptop, ppt, batayang-aklat, paper strips


SANGGUNIAN: Alma M. Dayag at Mary Grace G. del Rosario (2016)
Komunikasyon at Pananaliksik Sa Wika at Kulturang Pilipino.
Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
A. INTRODUKSYON

1. Batiin at kumustahin ang mga mag-aaral


2. Basahin ng malakas ang mga detalyadong kasanayang pampagkatuto
3. Tanungin ang mga mag-aaral kung malinaw ang mga ito

B. PAGGANYAK

1. Ipresenta ang Video clip na inihanda tungkol sa Monolingguwal, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo.


2. Mga katanungan na inihanda pagkatapos panoorin ng mga mag-aaral ang video clip.
- Ano ang nais ipahayag ng Video na napanoon?
- May positibong maitutulong baa ng pagka-alam ng higit sa isang Linguwahe?
- Bakit nagkakaroon ng una, pangalawa at pangatlong wika ang isang tao

C. PAGLALAHAD

1. Katuloy ng pagganyak – hayaang ibahagi ng mga magaaral ang kanilang mga sagot gawain kanilang katabi. 
2. Tumawag ng ilang magaaral upang magbahagi sa buong klase ng kanilang sagot para sa bawat pahayag. 
3. Bilang pagpapalalim ng diskusyon, tanungin ang mga sumusunod: 
a. Nakakatulong ba sa iyo ang pagkakaroon ng maraming linguwahe? Oo o hindi? Ipaliwanag.
b. Bakit mahalaga sa bawat tao na payabungin ang wikang kinagisnan?
c. Kung sakasakaling mabibigyan ka ng pagkakataon na matuto ng ibang wika? ano ang mga ito? At ipaliwanag ang dahilan.
4. Pormal na pagpapakilala ng Monolingguwalismo , biligguwalismo, at Multilingguwalismo.
Monolingguwalismo : ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng isinagawang sa mga bansang England , Pransya, South Korea , Hapon at iba pa
kung saan iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. Maliban sa edukasyon , sa sistemang monolingguwalismo ay may iisang wika
ring umiiral bilang wika ng komersyo , wika ng negosyo , at wika ng pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na buhay. Mahirap umiral sa Pilipinas ang
Monolingguwalismo dahil multingguwal ang gamit ng bansa.
 Unang wika - Ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao . Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue , arterial na
wika , at kinakatawan din ng LI. Sa wikang ito pinakamataas o pinakamahusay na naipahahayag ng tao ang kanyang mga ideya , kaisipan , at damdamin.
 Pangalawang wika - Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon ng exposure sa wika halimbawa na lamang ay sa impluwensya ng magulang , kaibigan ,telebisyon ,
guro , kaklase at sa iba pang kanyang naririnig o nakikita ay maaring maka impluwensya sa kanya. Kadalasan ang mga magulang ay ma impluwensya ng ibang
diyalekto kagaya ng Ingles atbp.
 Ikatlong wika - Sa pag-daan ng panahon ay marami na ang nakasalamuha ng mga bata sa pangkasalukuyang panahon . Dito ay hindi maiiwasan na makarinig ng iba’t
ibang uri ng wika at diyalekto. Ang wikang gamit ay Filipino kung saan nagagamit niya ang wikang ito sa pakikiangkop niya sa lumalawak na mundong ating
ginagalawan. Ang wikang ito ang kanyang magiging ikatlong wika o L3. Sa Pilipinas , kung saan may mahigit 150 wika at wikaing ang ginagamit sa boung bansa at
pangkaraniwan ang pagkakaroon ng ikatlong wika.
Billinguwalismo :
 Ayon kay Leonard Bloomfield ( 1935) , isang amerikanong lingguwista ang Billingguwalismo , bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang
dalawang ito ay kanyang katutubong wika.ito ay maaaring matawag na Perpektong Billinguwal ay kinontra ng pagpapakahulugan ni John Macnamara. 1967, isa sa
Lingguwistang nagsabi na ang tao ay may sapat na kakyahan sa isa sa apatna makrong kasanayan.
 Uriel Weinreich 1935 , linguesta sa Polish-American, na nagsasabing ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitanay matatawag na billinguwalismo at ang
taong gagamit ng mga wikang ito ay billinguwal.
 May mga tanong sa ganitong pagpapakahulugan ni Weinrich dahil hindi nabanggit kung gaano ba dapat kadalas o kung gaano ba dapat kahusay ang isang tao sa
ikalawang wika upang maituring siyang billinguwal ( Cook at Singleton: 2014).
 Matatawag na Billinguwal kung halos sa dalawang wika ang gamit ng isang tao. Balanced bilingual ang tawag ditto.
 Sa pagkakaroon ng interaksyon ay nabubuo ang pagkatoto sa bagong wika.
Billingual sa wikang Panturo:
 Artikulo 15 sek. 2 at 3 ng saligang batas 1937 na nagpapatunay na ang dalawang wika ay maaring gamiting panturo at wikang opisyal kahit saan man, sa pamahalaan
man ito o sa paaralan.
 “ Ang batasang pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Filipino. Hangga’t hindi binabago
ang batas , ang Ingles at Filipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng pilipinas.” Artikulo 15 sek. 2 at 3 ng saligang batas ng 1937.
 Ayon kay Ponciano B. Pineda 2004, ang probisyon nito ng saligang batas ang naging basehan ng Surian ng wikang pambansa sa pagharap sa kalihim ng edukasyon at
kultura na ang kahilingan na ipatupad ang patakarang billinguwal instruction na pinagtibay ng board of national education bago pa umiral ang martial law.
 Ang patakarang iyon ay ayon sa executive order no. 202 na bubuo ng presidential commission to survey Philippine education. Tungkol sa dapat maging katayuan ng
Pilipino at ang ingles bilang wikang panturo sa paaralan.
 Niliagdaan ng SWP ay makasaysayang paglagda tungkol sa Billinguwal education sa bias ng resolusyon bilang 73-7 nagsasaad na ang medium of instruction ay ang
wikang Filipino at Ingles mula grade 1 hanggang makapasok sa kolehiyo.
 Noong Hunyo 19, 1974 ay naglabas ng isang panuntunan o guidelines ng pagpapatupad ng wikang pambansa sa bias ng department order no. 25, s, 1974.
- Makalinang ng mga mamamayang Pilipinong matatas sa pagpapahayag ng wikang Filipino at Inlges.
- Ang paghihiwalay sa dalawang wika bilang panturo sa iba’t ibang asignatura.
Multilinguwalismo :
 Ang Pilipinas ay Multilinguwal dahil mayroon tayong 150 na wika at bihira lang ang monolinguwal sa bansa.
 Karamihan sa mga nakatira sa labas ng katagalugan ay nakakapagsalita ng iba’t ibang lingguwahe, dahil ditto ay ipinatupad ang kt12 na naglalayong mapag-aralan ang
mother tongue na itinuturo sa grade 1 hanggang 3.
 Pamantayan sa pagpapatupad nito ay ang DO 16, s. 2012 na kilala rin bilang guidelines of the implementation of the mother tongue. 2013 at 2014.
 Napatunayan ni Ducher at tucker ( 1997) napatunayan nila ang bisa ng unang wika bilang wikang panturo sa mga unang taon ng pag-aaral dahil itoy bilang isang
matibay na pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika.
 Nagtalaga ang DepEd ng pangunahing lingua franca at apat na iba pang wikain sa bansa nagagamitin sa pagtuturo sa magkahiwalay na asignatura.
 May walong wika at mayroon ding pitong wika ang nagamit sa MLE kaya’t naging labinsiyam ang wikang ginagamit sa pagtuturo.
 Magandang hakbang ang pagkakaroon nito sa asignatura kung saan mayroon positibong dala sa lipunan dahil ang pilipinas ay Heograpiyang pinaghiwalay-hiwalay ng
mga pulo sapagkat mapapalakas nito ang mga mag-aaral sa pagkatuto ng kanilang unang wika.
 Ito ang tulay upang mapatibay ng ating wikang pambansa.
 Wika ni Pangulong Aquino III , “ We ahould become tri-lingual as country . learn English well and connect to the world . Learn Filipino well and connect to our
country . retain your dialect and connect to your heritage.

D. PAGSASANAY
Pag-usapan natin!
Panuto : sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang monolingguwalismo? Ang billinguwalismo?ang multilingguwalismo? Sa paanong paraan nagkakaiba ang mga ito?
2. Bakit kaya sinasabing mahirap maging monolingual ang isang bansang katulad ng Pilipinas? Anong katangian mayroon an gating bansa na hindi magiging
angkp para sa sistemang monolingguwal?  

E. PAGPAPAYAMAN

1. Hatiin ang klase sa tatlong grupo.


- Monolingguwal
- Bilingguwal
- Multilingguwal
2. Magkakaroon ng talakayan bawat grupo base sa kanilang naka assign na wika.. Gagawa ang bawat grupo ng sariling halimbawa
3. Ipresenta sa harap ng klase ang kanilang ginagawang halimbawa gamit ang Monolingguwal, Bilingguwal at Multilingguwal na wika

F. EBALWASYON

Panuto : Ipaliwanag ang pahayag ni Pangulong Benigno Aquino III batay sa iyong naunawaan. 15 puntos.
Wika ni Pangulong Aquino III , “ We ahould become tri-lingual as country . learn English well and connect to the world . Learn Filipino well and connect to our country
. retain your dialect and connect to your heritage.”
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

NILALAMAN Gamit ng Wika sa Lipunan


PAMANTAYANG
Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultura, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino
PANGNILALAMAN
PAMANTAYAN SA
Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas
PAGGANAP
KASANAYANG 1 Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabras sa telebisyon at pelikula (F11PD1d87)
PAMPAGKATUTO 2 Naipaliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga pagbibigay halimbawa (F11PSId87)
DETALYADONG 1 Matukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabras sa telebisyon at pelikula
KASANAYANG 2 Maipaliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga pagbibigay halimbawa
PAMPAGKATUTO 3 Makapagbibigay ng sariling halimbawa ng iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan
PAMAMAHAGI NG ORAS 60 minuto

BALANGKAS:
1. INTRODUKSYON: Isang araw, isang salita (5 minuto)
2. PAGGANYAK: Pagbasa ng mga pahayag (10 minuto)
3. INSTRUKSYON: Pagpapakilala ng 6 na Gamit ng Wika (25 minuto)
4. PAGSASANAY: Panunuod ng mga piling palitan sa isang pelikula ( 10 minuto)
5. PAGPAPAYAMAN: Pagkilatis sa gamit ng Wika A) Social Media B) Balitang Pantelebisyon (sa labas ng klase)
6. EBALWASYON: Pagbibigay ng sariling halimbawa ng iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan (10 minuto)

MGA KAGAMITAN: laptop, ppt


SANGGUNIAN: Ang Wika at Lipunan (Tiningnan noong Ika 4 ng Enero, 2016)
http://www.scribd.com/doc/61281040/6WikaatLipunan# scribd
Ang Tungkulin ng Wika (Tiningnan noong Ika 4 ng Enero, 2016)
http://www.slideshare.net/pesiaplaza6291/angtungkulinngwika
Heneral Luna (Tiningnan noong Ika 4 ng Enero, 2016)
https://www.youtube.com/watch?v=5gN7XFLbxU
Alma M. Dayag at Mary Grace G. del Rosario (2016)
Komunikasyon at Pananaliksik Sa Wika at Kulturang Pilipino.
Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
A. PANIMULA

1. Batiin at kumustahin ang mga magaaral


2. Ipabasa sa mga magaaral ang mga detalyadong kasanayang pampagkatuto
3. Tanungin kung malinaw ba ito sa kanila
4. *Isang araw, isang salita
Tungo sa pagpapalawak ng bokabolaryo, ang bawat magaaral ay pipili ng isang salita mula sa Wikang Filipino na nais nilang ibahagi ang kahulugan sa kanilang mga
magaaral, ihanda na ang mga gagamitin para sa klase
5. Tawagin ang magaaral na naatasang magbahagi ng bagong salita para sa klase*

B. PAGGANYAK
1. Ipabasa ang mga sumusunod na pahayag sa mga magaaral.
a. “Uuuy pare! Longtimenosee. Maligayang kaarawan!”
b. “Bumangon ka na at mamalengke. Bumili ka ng buhay na manok para sa salusalo mamaya.”
c. Paano magparehistro bilang botante para sa mga 1st time voters?
Siguraduhing mayroon kang sapat na kwalipikasyon bago magparehistro (Pilipino, 18 taon gulang o higit pa, kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas ng isang taon o
higit pa bago ang araw ng eleksyon at naninirahan ng hindi bababa ng anim na buwan sa bayan o siyudad kung saan siya boboto sa araw ng halalan)

Pumunta sa Lokal na COMELEC na malapit sa inyong lugar. Magdala ng 2 valid ID. Sagutan at ipasa ang application form (CEF1A) Pagdaanan ang proseso ng validation
o
ang pagkuha ng biometrics data (litrato, pirma, at finger prints. Itago ang ibibigay ng registration stub.
d. “Ang sa akin lang, hindi ako komportable na nagpopost ng litrato sa internet gamit ang aking social media accounts tulad ng facebook at Instagram.”
e. “Anu anong element ang matatagpuan sa planetang Mars? Sapat ba ito para suportahan ang buhay ng halaman?”
f. “Kamakailan, inilunsad ng pamahalaan ang P2P Bus System o Point to Point System na may ruta mula sa SM North Edsa Quezon City- Glorietta, Makati City sa
Kamaynilaan. Naglalayon itong maibsan ang matinding trapiko sa EDSA. Ang P2P bus system ay nagsasakay at nagbaba lamang sa isang napiling bus stop.”
2. Ibigay at pasagutan ang sumusunod na palaisipan tungkol sa mga nabasang pahayag. Ipasulat ang kanilang kuwaderno:
a. Saang lugar maaring marinig ang mga pahayag na inyong binasa?
b. Sinu sino ang maaaring nagsasalita at maaaring kinakausap sa mga pahayag na inyong binasa?
c. Sa anong sitwasyon maaaring maganap ang mga pahayag na inyong binasa?
3. Banggitin na ang talakayan ngayon ay tungkol sa iba’t ibang gamit ng wika sa Lipunan.

C. INSTRUKSYON

Rehistro ng Wika
Natalakay na ito sa nakaraang klase.
Pakikilahok ng mga mag aaral
Hikiyating makilahok ang bawat mag aaral. Kung sakaling nagkakahiyaan pa ang mga mag aaral, gamitin ang stratehiyang “ThinkPairShare” bago tumawag ng magbabahagi ng
sagot sa buong klase.

1. Katuloy ng pagganyak – hayaang ibahagi ng mga mag aaral ang kanilang mga sagot sa gawaing kanilang katabi.
2. Tumawag ng ilang mag aaral upang magbahagi sa buong klase ng kanilang sagot para sa bawat pahayag.
3. Bilang pagpapalalim ng diskusyon, tanungin ang mga sumusunod:
a. Anu ano ang inyong napansin tungkol sa Wika sa mga iba’t ibang pahayag? Tuwing kalian natin ginagamit ang wika? Sinu-sino ang gumagamit ng wika?
Mga puntong nais bigyang diin:
- Ang wika ay lagi nating ginagamit, sa lahat ng aspeto ng ating buhay.
- May iba’t ibang rehistro ang wika depende sa sitwasyon at gamit.
4. Balikan muli ang mga pahayag na ginamit sa pagganyak. Tanungin sa mga mag aaral kung ano sa tingin nila ang layunin ng tagapagsalita sa bawat pahayag? Ano ang nais
mangyari ng tagapagsalita?

Pahayag Mga possibleng sagot ng mga mag aaaral


Nangangamusta ang tagapagsalita. Nais bumati ng tagapagsalita sa
A
kanyang kaibigan.
Ang layunin ng tagapagsalita ay magutos sa kinakausap. Nais ng
B tagapagsalita na bumangon ang kausap para makibili ng manok para sa
salusalo mamaya
Ang pahayag ay nagbibigay ng instruksyon sa pagrehistro sa COMELEC.
C Ang pahayag ay nagsasabi kung ano ang dapat gawin upang maging
rehistradong botante sa COMELEC
Ang tagapagsalita ay nagpapahayag ng kanyang opinion sa paggamit ng
D social media. Nais ng nagsasalita na ilahad ang kanyang saloubin tungkol
sa pagpopost ng litrato sa facebook at Instagram
Gusto malaman ng nagtatanong kung anu anong element ang meron sa
E planetang Mars. Ang pahayag ay naglalayong makakalap ng
impormasyon tungkol sa Mars.
Sa tingin ko parang news sa TV, radio o dyaryo yung pahayag. Ang
F
pahayag ay nagbibigay ng update sa mga tao.
5. Pormal na ipakilala ang Gamit ng Wika.
a. Ayon kay Michael A.K. Halliday, isang linggwistang Briton, may 6 na gamit ang wika sa lipunan – instrumental, regulatoryo, interaskyonal, personal, hueristiko at
representatibo.

Gamit ng wika upang mapanatili ang pakikipagkapwatao


Pasalita: Pormulasyong Panlipunan
INTERAKSYUNAL
(Hal. Magandang Umaga!
Maligayang Kaarawan! Nakikiramay kami sa inyong pamilya.)
Gamit ng wika para kumontrol o gumabay sa kilos at asal ng iba.
REGULATORYO Pasalita: Pagbibigay ng panuto, direksyon o paalala
Pasulat: resipe, mga batas
Gamit ng wika para may mangyari o may maganap na bagay bagay.
INSTRUMENTAL Pasalita: pag uutos
Pasulat: liham pangangalakal, mga liham na humihiling o umoorder
Gamit ng wika sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinion.
PERSONAL Pasalit: pagtatapat ng damdamin ng isang tao
Pasulat: editorial, liham sa patnugot
HUERISTIKO Gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman at pagunawa
Gamit ng wika sa pagpaparating ng kaalaman tungkol sa daigdig, pag uulat ng mga pangyayari,
REPRESENTATIBO
paglalahad, pagpapaliwanag ng mga pagkakaugnayugnay, paghahatid ng mga mensahe, atbp.

6. Ipaliwanag kung ano ang gamit ng wika sa bawat pahayag na ginamit sa pagganyak.

a. Unang Pahayag: “Uuuy pare! Longtimenosee. Maligayang kaarawan!”

Tamang sagot (Layunin): interaksiyonal, patungkol sa pagpapanatili o pagpapatatag ng relasyon sa kapwa


Paliwanag: Ito ay isang pagbati sa pagitan ng magkaibigan batay sa salitang “pare.” Ang wika ay ginagamit para mapanatili o mapatatag ang relasyon sa pagitan ng
tagapagsalita at kausap.

b. Ikalawang Pahayag: “Bumangon ka na at mamalengke. Bumili ka ng buhay na manok para sa salusalo mamaya.”

Tamang sagot (Layunin): instrumental, ginagamit ang wika para may mangyari o maganap ang bagay bagay
Paliwanag: Ang pahayag ay isang utos … “bumangon ka na.. bumili ka ng..” Ang wika ay ginamit para utusan ang kausap na bumili ng manok para sa salusalo
mamaya.
c. Ikatlong Pahayag: Paano magparehistro bilang botante para sa mga 1 st Time Voters? Siguraduhing mayroon kang sapat na kwalipikasyon bago magparehistro (Pilipino,
18 taon gulang o higit pa, kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas ng isang taon o higit pa bago ang araw ng eleksyon at naninirahan ng hindi bababa ng anim na buwan
sa bayan o siyudad kung saan siya boboto sa araw ng halalan)

Tamang sagot (Layunin): regulatoryo, kumonkontrol o gumagabay sa kilos at asal ng iba


Paliwanag: Ang pahayag ay sa pagitan ng pamahalaan at ng mga mamayan. Ang wika ay ginamit para alalayan ang mga pangyayari, sa pagkakataong ito, ang
pagpaparehistro sa COMELEC.

d. Ikaapat na Pahayag: “Ang sa akin lang, hindi ako komportable na nagpopost ng litrato sa internet gamit ang aking social media accounts tulad ng facebook at
Instagram.”

Tamang sagot (Layunin): personal, nagpapahayag ng sariling damdamin o Opinion


Paliwanag: Ang pahayag ay nagsasaad ng saluobin ng tagapagsalita. Ang wika ay Ginamit upang ipahayag ang katauhan ng isang tao.

e. Ikaanim na Pahayag: “Anu anong element ang matatagpuan sa planetang Mars? Sapat ba ito para suportahan ang buhay ng halaman?”

Tamang sagot (Layunin): heuristiko, naghahanap ng mga impormasyon o datos na magpapayaman ng kaalaman
Paliwanag: Ang pahayag ay isang tanong. Ito ay maaaring magsimula ng isang pananaliksik upang mapalago pa ang kaalaman tungkol sa planetang Mars.

f. Ikapitong Pahayag: “Kamakailan, inilunsad ng pamahalaan ang P2P Bus System o Point to Point System na may ruta mula sa SM North Edsa Quezon City- Glorietta,
Makati City sa Kamaynilaan. Naglalayon itong maibsan ang matinding trapiko sa EDSA. Ang P2P bus system ay nagsasakay at nagbaba lamang sa isang napiling bus
stop.”

Tamang sagot (Layunin): Representasyunal, nagpaparating ng mga kaalaman sa daigdig, paguulat ng mga pangyayari
Paliwanag: Ang pahayag ay isang patungkol sa bagong bus sytem na inilunsad sa Kamaynilaan. Ginamit ang wika upang magbigay ng impormasyon.

D. PAGSASANAY

1. Ipapanuod ang mga sumusunod na video clips sa mga mag aaral.


2. Kilatisin at isipin kung anong gamit ng wika ang nasaksihan sa napanuod na video clip.
3. Isulat ang mga sagot sa papel/kuwaderno.
Mula sa pelikulang Heneral Luna, (2015)
Sa Direksyon ni Jerrold Tarog
https://www.youtube.com/watch?v=5gN7XFLbxU
3:37 – 3:54 (Instrumental)
Heneral Luna: “Senor Presidente, walang pupuntuhan ito. Habang nagtatalo tayo rito lalong lumalakas ang puwersa ng mga Amerikano. Lubusin na natin sila habang kakaunti
pa lamang sila kahit na namatay pa ang karamihan sa atin. Mapapalayas natin sila at mapapasakamay natin ang Intramuros”

10:20 – 10:41 (Representasyunal)


https://www.youtube.com/watch?v=5gN7XFLbxU
Aguinaldo: “Mga ginoo pinaputukan ng mga Amerikano an gating mga tauhan sa Sta. Mesa.”
Mabini: “Nilusob na rin nila ang San Juan, Paco at Pandacan at iba pang karating bayan. May kasunduan na rin sila ng mga Español sa luob ng Intramuros.”

1:25 – 1:40 (Interaksyunal)


https://www.youtube.com/watch?v=5gN7XFLbxU
Joven: “General, Joven Hernando po [sabay pagkamay sa kausap]
Heneral Luna: “Joven, anak ka ng komandante. Ipagpaumanhin mo at pinaghintay kita.”
Joven: “Walang anuman po. Kinararangal kong makapanayam kayo.”

51:57 – 52:10 (Personal)


https://www.youtube.com/watch?v=5gN7XFLbxU
Heneral Luna: “Kung magiging isang bansa man tayo kailangan natin ang isang radikal na pagbabago. Mga kapatid, mayroon tayong mas malaking kaaway kaysa mga
Amerikano
- ang ating mga sarili.”

5:57 – 6:10 (Heuristiko)


https://www.youtube.com/watch?v=5gN7XFLbxU
Negosyante: “Paano ang aming mga negosyo? Kapag nakkipaglaban kami, babagsak ang ekonomiya.”
Heneral Luna: “Paano namin mapapakain an gaming mga pamilya? “Negosyo o kalayaan? Bayan o sarili? Mamili ka!”

30:32 – 30:38 (Regulatoryo)


https://www.youtube.com/watch?v=5gN7XFLbxU
Sundalo: “Artikulo uno – ang hindi sumunod sa utos ng Punong Heneral ng Digmaan ay tatanggalan ng ranggo…”

E. PAGPAPAYAMAN
Papiliin ang mga mag-aaral sa mga sumusunod na pagpapayaman:

1. Gawain 1: Ang Wika at ang “FB” : Para sa lahat ng gumagamit ng facebook


a) Tignan at basahin ang mga post ng iyong mga kaibigan (newsfeed). Pansinin kung anong gamit ng wika ang iyong nakikita sa iba’t ibang post. Base sa iyong obserbasyon,
paano ginagamit ng iyong mga kaibigan ang social media? Magbigay ng mga halimbawa bilang suporta sa iyong sagot.
b) Tignan at basahin ang iyong mga post sa facebook (sarili mong timeline). Pansinin kung paano mo ginaganit ang wika. Base sa iyong obserbasyon, paano mo ginagamit
ang social media? Magbigay ng mga halimbawa bilang suporta sa iyong sagot.
c) Ipasa ang iyong Gawain sa susunod na pagkikita.
2. Gawain 2: Mga Palabas sa telebisyon
a) Manuodng isang buong news program sa telebisyon. Maaari kang pumili ng kahit anong estasyon o channel. Pagtuonan ng pansin ang iba’t ibang bahagi o segment.
Tukuyin kung anong gamit ng wika sa bawat segment. Ipasa ang iyong Gawain sa susunod na pagkikita.

MGA SEGMENT PAHAYAG NG REPORTER GAMIT NG WIKA


Balitang internasyonal
Balitang local
Balitang pampalakasan
Balitang pangnegosyo
Balitang pang aliw
b) Sagutin at pagnilayan: Base sa iyong nasaksihan, anong gami ng wika ang pinakamadalas gamitin sa pagsusulat ng balita? Bakit?

F. EBALWASYON

1. Sa loob ng 10 minuto, magisip at magbigay ng tigigisang halimbawa para sa 6 na gamit ng wika sa lipunan. Isulat ang mga sagot sa papel.
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

NILALAMAN Kasaysayan ng Wikang Pambansa


PAMANTAYANG
Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultura, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino
PANGNILALAMAN
PAMANTAYAN SA
Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas
PAGGANAP
1 Nakapagbibigay ng opinion o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa wikang pambansa (F11PN – If-87)
KASANAYANG
2 Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika (F11PB-If-95)
PAMPAGKATUTO
3 Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari may kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang Pambansa (F11WG-Ih-86)
DETALYADONG 1 Natutukoyang mga pinagdaanan pangyayari/ kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa
KASANAYANG 2 Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang particular na yugto ng kasaysayan ng Wikang Pambansa
PAMPAGKATUTO
PAMAMAHAGI NG ORAS 60 minuto

BALANGKAS:
1. INTRODUKSYON: Pagbabahagi sa mga inaasahang kasanayang pampagkatuto.
2. PAGGANYAK: Sumangguni sa mga sumusunod na link hinggil sa kasaysayan at kasalukuyang kalagayan ng Wikang Pambansa
3. PAGLALAHAD: Pagtatalakay sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa at ang pag unlad nito
4. PAGSASANAY: Pagbuo ng isang timeline kaugnay sa kasaysayan ng wikang Pambansa
5. PAGPAPAYAMAN: Pagbuo o pagsulat ng sariling posisyong papel
6. EBALWASYON: Paggawa ng isang pananaliksik pangkultura hinggil sa anumang makabuluhang paksa na nais saliksikin

MGA KAGAMITAN: laptop, ppt, batayang-aklat


SANGGUNIAN: Alma M. Dayag at Mary Grace G. del Rosario (2016)
Komunikasyon at Pananaliksik Sa Wika at Kulturang Pilipino.
Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
A. PANIMULA

1. Batiin at kumustahin ang mga magaaral


2. Ipabasa sa mga magaaral ang mga detalyadong kasanayang pampagkatuto
3. Tanungin kung malinaw ba ito sa kanila

B. PAGGANYAK

Ang mga mag- aaral ay aasahang sasagot sa mga katanungan hinggil sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa pagkatapos nilang Makita ang video na ipapakita ng

GAWAIN 1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong hinggil sa kasaysayan ng Wikang Pambansa.
_______1. Ang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa.
_______2. Ang tawag sa komisyong nararapat itatag ng kongreso na magsasagawa ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad ng Filipino at iba pang mga rehiyunal na wika sa
bansa.
_______3. Ang wikang batayan ng wikang pambansa.
_______4. Probisyon sa Konstitusyong 1987 na nagtatakda sa wikang Filipino bilang wikang pambansa.
_______5. Ito ang ginamit na wika noong Panahon ng Propaganda.
_______6. Ilang letra ang mayroon sa alpabetong Romano na ipinalit ng mga Espanyol sa Baybayin?
_______7. Ang kautusang militar na nagtatakda sa Tagalog at wikang Hapon bilang mga opisyal na wika ng Pilipinas.
_______8. Petsa kung kailan ipinroklama ang Tagalog bilang wikang pambansa.
_______9. Petsa kung naging Pilipino ang pangalan ang ating wikang pambansa.
______10. Ang kalihim ng Edukasyon, Kultura, at Palakasan na nagpalabas ng kautusang pangkagawaran na tumutukoy sa sa paggamit ng katagang “Filipino” sa pagtukoy sa
wikang pambansa.

C. INSTRUKSYON

Tatalakayin ng guro ang kasaysayan ng wikang pambansa gamit ang mga sumusunod bilang gabay:
1. Ano ang naging batayang wika ng ating wikang pambansa?
2. Isa-isahin ang mga argumento ng mga eksperto kung bakit natukoy na ito ang nakatutugon sa pangangailangan ng isang wikang pambansa.
3. Ano-anong batas simula noong 1935 hanggang sa kasalukuyan ang nagtataguyod sa wikang pambansa?
4. Tukuyin ang mahahalagang yugto ng kasaysayan na may kinalaman sa wikang pambansa.
5. Ipaliwanag ang kasalukuyang kalagayan ng wikang pambansa.
D. PAGSASANAY

GAWAIN 2.
Bumuo ng isang grupong may 3 miyembro, at sa isang manila paper/cartolina, itala ang kasaysayan ng wikang pambansa sa anyo ng isang timeline.

E. PAGPAPAYAMAN

GAWAIN 3.
Bumuo ng grupo na may 2-3 miyembro. Gamit ang natutuhan mula sa pagtalakay ng kasaysayan ng wikang pambansa, sumulat ng isang posisyong papel bilang
pagsuporta
sa adhikain ng Komisyon ng Wikang Filipino o KWF na itaguyod ang wikang Filipino.
Sumangguni sa sumusunod na link sa pagsulat nito. (http://www.studygs.net/wrtstr9.htm)

F. EBALWASYON

Bumuo ng pangkat at tiyakin na ang bawat pangkat ay binubuo ng 5-7 na mag-aaral. Gámit ang mga natutuhan sa buong semestre, magsagawa ng isang pananaliksik-
pangkultura hinggil sa anumang makabuluhang paksa na inyong nais saliksikin. Ang inyong pananaliksik ay dapat na naglalaman ng makabuluhang datos at pagsusuri
kaugnay ng mga mahahalagang elemento ng kulturang Pilipino (tradisyonal man o kontemporaryo), at mula 20 – 50 pahina, doble-espasyo sa short bond paper, Arial
font. Bukod sa awtput ng pangkat, ang bawat mag-aaral ay inaasahang magsusumite rin ng isang kritikal na sanaysay na nagbubuod sa pananaliksik na isinagawa ng
kanilang pangkat.

You might also like