You are on page 1of 7

Barayti ng wika

Bahagi ng metalinggwistik na pag-aaral ng wika ang pagkilala sa mga barayti nito.


Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang sosyolinggwistik
na pinagbatayan ng ideya ng pagiging heterogenous ng wika. Ayon sa teoryang ito,
nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo,
maging ng kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. Samakatwid,
may dalawang dimensyon ang baryabilidad ng wika – ang dimensyong heograpiko at
dimensyong sosyal (Constantino, 2006).

DAYALEK
Dayalek ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag
din itong wikain sa ibang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon,
lalawigan o pook, malaki man o maliit. Ayon sa pag-aaral ni Ernesto Constantino,
mayroong higit sa apat na raan (400) ang dayalek na ginagamit sa kapuluan ng ating
bansa. Sa Luzon, ilan sa mga halimbawa nito ay ang Ibanag ng Isabela at Cagayan,
Ilocano ng llocos, Pampango ng Pampanga, Pangasinan ng Pangasinan at Bicolano ng
Kabikulan. Sa Visayas ay mababanggit ang Aklanon ng Aldan, Kiniray-a ng Iloilo, Antique
at Kanlurang Panay, Capiznon ng Hilaga-Silangang Panay at ang Cebuano ng Negros,
Cebu, Bohol at iba pa. Samantala, ilan sa mga dayalek sa Mindanao ay ang Surigaonon
ng Surigao, Tausug ng Jolo at Sulu, Chavacano ng Zamboanga, Davaoeño ng Davao
at T’boli ng Cotabato.

Ang mga dayalek ay makikilala hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng


mga distinct na bokabularyo kundi maging sa punto o tono at sa istraktura ng
pangungusap. Pansinin na lamang natin ang pananagalog ng mga naninirahan sa
iba’t ibang lugar na gumagamit ng isang wika. Iba ang pananagalog ng taal na taga-
Maynila sa taga-Batangas, taga-Bulacan at taga-Rizal.

Katulad ng sa Tagalog, may barayti rin ang Ifugao ng Amganad, Batad at Kianan; ang
Subanon ng Tuboy-Salog, Siocon, Lapuyan at Sindangan; ang Blaan ng Koronadal at
Sarangani; at ng marami pa pang ibang dayalekto.

FilRes 1
Barayti, Tungkulin at Gamit ng Wika
SOSYOLEK
Sosyolek naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal.
Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat
panlipunan. Halimbawa nito ay ang wika ng mga estudyante, wika ng matatanda, wika
ng kababaihan, wika ng mga preso, wika ng mga bakla at ng iba pang pangkat.
Makikilala ang iba’t ibang barayti nito sa pagkakaroon ng kakaibang rehistro na tangi
sa pangkat na gumagamit ng wika. Pansinin kung paanong inilalantad ng rehistro ng
mga sumusunod na pahayag ang pinagmulan ng mga ito:

a. Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!


b. Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!
c. Kosa, pupuga na tayo mamaya.
d. Girl, bukas na lang tayo maglayb. Mag-malling muna tayo ngayon.
e. Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming dun, e.

Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyunal na rehistro. Pansinin ang mga
sumusunod na termino. Kung maririnig mo ang mga ito sa isang taong hindi mo kilala,
ano ang agad mong iisiping trabaho niya?

hearing, exhibit, court,


pleading, fiscal, justice,
settlement, appeal, complainant

Ang mga salitang nakatala sa itaas ay mga legal jargon.


Ang jargon ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng
gawain.
Ang mga sumusunod naman ay mga jargon sa disiplinang Accountancy at iba pang
kaugnay na disiplina:
account, balance, net income,
debit, revenue, asset,
credit, gross income. cash flow
Sa disiplinang Medisina at Nursing naman ay gamitin ang mga sumusunod:
diagnosis, therapy, prognosis,
symptom, emergency, patient
check up, ward, x-ray

FilRes 1
Barayti, Tungkulin at Gamit ng Wika
Kung minsan, ang mga jargon ng isang larangan ay may kakaibang kahulugan sa
karaniwan o sa ibang larangan. Pansinin ang mga sumusunod na salitang gamitin sa
isports na tennis at kung paano naiiba ang kahulugan ng mga ito sa karaniwan:

ace, fault, love,


breakpoint, deuce, rally,
slice, advantage, service

Pansinin naman na ang mga sumusunod na terminolohiya ay may magkaibang


kahulugan o rehistro sa larangang nasa boob ng panaklong:

mouse (Computer, Zoology)


stress (Language, Psychology)
strike (Sports, Labor Law)
hardware (Business, Computer)
race (Sports, Sociology)
nursery (Agriculture, Education)
operation (Medicine, Military)
note (Music, Banking)
accent (Language, Interior Design)
server (Computer, Restaurant Management)

Ngunit kahit pa ang mga pangkat ay may kanya-kanyang barayti ng wikang


ginagamit batay sa dimensyong heograpikal at sosyal, indibidwal pa rin ang paggamit
ng wika. Sa madaling sabi, kahit pa sosyal ang pangunahing tungkulin ng wika, ang
indibidwal na katangian ng bawat tao ay nakaiimpluwensya pa rin sa paggamit ng
wika. Ito ang nagpapaiba sa isang indibidwal sa iba pang indibidwal. Bawat isa kasi ay
may kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika. Tinatawag itong idyolek. Pansinin
kung paano nagkakaiba-iba ang idyolek ng mga sumusunod na brodkaster kahit pa
silang lahat ay gumagamit ng isang wika, nabibilang sa isang larangan at naninirahan
marahil lahat sa Metro Manila: a. Mike Enriquez. b. Noli de Castro, c. Mon Tulfo,
d. Rey Langit at e. Gus Abelgas. Gayahin ang paraan ng pagsasalita ng bawat isa. Iba-
iba, hindi ba?
Prominente rin ang idyolek ng mga sumusunod na personalidad kung kaya madalas
silang gayahin ng mga impersonators: a. Kris Aquino, b. Gloria Macapagal-Arroyo, c.
Mel Tiangco d. Anabelle Rama, e. Ruffa Mae Quinto at f. Mirriam Defensor-Santiago

FilRes 1
Barayti, Tungkulin at Gamit ng Wika
May iba pang barayti ng wika na tinatawag na pidgin at creole. Ang pidgin ay
tinatawag sa Ingles na nobody’s native language. Nagkakaroon nito kapag ang
dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang komong
wika ay nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyong makeshift. Madalas, ang
leksikon ng kanilang usapan ay hango sa isang wika at ang istraktura naman ay mula
sa isa pang wika. Madalas na bunga ng kolonisasyon ang barayting ito ng wika. Pansinin
ang pananagalog ng mga Intsik sa Binondo. Ang salitang gamit nila ay Tagalog ngunit
ang istraktura ng kanilang pangungusap ay hango sa kanilang unang wika. Ganito ang
madalas na maririnig sa kanila: Suki, ikaw bili tinda, mura.

Ang creole naman ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas
na wika (nativized). Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita
ang nag-angkin dito bilang kanilang unang wika. Pinakamahusay na halimbawa nito
ang Chavacano na hindi masasabing purong Kastila dahil sa impluwensya ng ating
katutubong wika sa istraktura nito. Creole din ang tawag sa wika ng mga taga-Mauritius
na magkahalong Pranses at kanilang unang wika.

Sanggunian:https://kupdf.net/queue/barayti-ng-wika_59a66c9edc0d60f542568ee1_pdf?queue_id=-
1&x=1597507549&z=MTEyLjE5OC42NS4yMw==

Tungkulin / Gamit ng Wika

Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa


pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling
pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang
pakikipagtalastasan.

Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang


pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya
madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito.
Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang
matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o
senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang
bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap ang
pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita
o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang
wika.

FilRes 1
Barayti, Tungkulin at Gamit ng Wika
Pagsasalitaan ang tawag sa isang paraan ng pakatuto. Nagpapalinaw ang usapan
tungkol sa isang paksa sa pagsasaulo ng mga bagay. Sa pamamagitan ng salitaan
,nakapagpapalitan tayo ng mga kuro-kuro.

Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag
ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng
kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na
makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga
hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din
ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan,
nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.

Iba’t ibang tungkulin ng wikang Pilipino ayon sa eksaktong kahulugan.

1. Interaksyunal
Ang wika ay Interaksyonal kung may interaksyon sa isa’t isa o ang pagkaroon ng
kontak sa iba at bumuo ng pagkakaugnayan sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan
ng tao sa kanyang kapwa. Mga halimbawa wikang Interaksyonal ay tulad ng
pagpapaalam, pagbibigay-galang o pagbati, paggawa ng liham para sa isang tao, at
iba pa.
halimbawa:
pasalita: pangangamusta
pasulat: liham pang-kaibigan

2. Instrumental
Ang wika ay Instrumental kung ang sinasalita ay nakikiramay sa pangangailangan
ng mga tao sa paligid lalo na kung may katanungan na kailangan sagutin. Ginagamit
rin ito upang mangyari o maganap ang mga bagay-bagay tulad ng paguutos,
pagsasalaysay o pagpapahayag, pagtuturo at pagkatuto sa karunungang kapaki-
pakinabang, pagbibigay panuto, pangangalakal, paggawa ng liham pangalakal, at
iba pa.

halimbawa:
pasalita: pag-uutos
pasulat: liham pang-aplay

3. Regulatori
Ang wikang Regulatoryo ay gumagabay sa kilos at asal ng iba. Itinuturi ring
instruksiyon o ang pagkokontrol sa anong dapat gawin tulad ng pagtakda ng mga
regulasyon, direksiyon o proceso sa kung paano igawa ang isang partikular na bagay,
pag-ayon, pagtutol, at iba pa.

FilRes 1
Barayti, Tungkulin at Gamit ng Wika
halimbawa:
pasalita: pagbibigay ng direksyon
pasulat: panuto

4. Personal
Ang wika ay sinasabing Personal kung ito’y tinatamaan sa personal na damdamin
tulad ng pagpapahayag ng sariling opinion o niramdaman. Ang wikaing ito ay impormal
at walang tiyak na balangkas. Halimbawa sa mga gawaing ito ay ang panglalait o
pagmumura, pagsisigaw, pagsusulat ng editoryal, pagsusulat ng dyaryo at iba pa.

halimbawa:
pasalita: pormal o di-pormal na talakayan
pasulat: liham sa patnugot

5. Imahinatibo
Ang wika ay Imahinatibo ay may kaugnayan sa pag-iisip kahit anumang
imahinatibo na bagay. Madalas itong kinukwento sa paraang pagsusulat o pagsasalita
na produkto. Halimbawa sa wikang ito ay ang pagtula, pag-awit, pagkukwento,
pagbabasa ng nobela, at iba pa.

halimbawa:
pasalita: malikhaing pagsasabuhay/pamamaraan
pasulat: mga akdang pampanitikan

6. Heuristic
Ang wika ay Heuristiko dahil sa wikang ito ay naghahanap ng mga impormasyon
at gamit madalas ay mga impormasyon makakatiwalaan na makamit sa mga
propesyonal at akademikong libro o pinanggalingan. Halimbawa sa mga ito ay ang
pagtatanong, pananaliksik, pag-eeksperimento, panonood ng mga balita sa telebisyon
o dyaryo, at iba pa.

halimbawa:
pasalita: pagtatanong
pasulat: survey

7. Informative – Tungkuling maglahad at makapagbigay ng impormasyon tungkol sa


isang bagay.

halimbawa:
pasalita: pag-uulat
pasulat: balita sa pahayagan

FilRes 1
Barayti, Tungkulin at Gamit ng Wika
Sanggunian: https://teksbok.blogspot.com/2011/07/tungkulin-ng-wika.html
http://tungkolwika.blogspot.com/2016/07/ang-pitong-gamit-ng-wika.html

FilRes 1
Barayti, Tungkulin at Gamit ng Wika

You might also like