You are on page 1of 23

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT

KULTURANG PILIPINO
KONSEPTONG PANGWIKA

WIKA
 Pinakamahalagang instrumento na taglay ng tao. Tayo ang lumilikha nito upang
magamit natin sa pakikipagtalastasan sa lahat ng pagkakataon.
 Sa aklat nina Bernales et al. (2002), mababasa ang kahulugan ng wika bilang proseso
ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na
maaaring berbal o di-berbal.
 Binanggit ng Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura na si Bienvenido Lumbera
(2007) na parang hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang
bawat pangangailangan natin.
 Samantala, ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino (2001) ang wika ay “lawas ng mga
salita at sistema ng paggamit sa mga ito na laganap sa isang sambayanan na may
iisang tradisyong pangkultura at pook na tinatahanan.”
 Henry Gleason (mula sa Austero et al. 1999). Ayon sa kanya, ang wika ay
masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
 Ito ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong may isang kultura.

KATANGIAN NG WIKA

1. Masistemang balangkas ng tunog


 Ang wika ay may dalawang masistemang balangkas Ang balangkas ng mga
tunog at ang balangkas ng kahulugan.
2. Pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo
 Nangangahulugang na ang mga tunog na binibigkas sa wika ay pinili para sa
layunin ng mga gumagamit. Isinasaayos ang mga tunog sa paraang
pinagkasunduan ng pangkat ng mga taong gumagamit nito.
3. Ginagamit ng mga taong may isang kultura
 Sa pamamagitan ng wika, nagkakaalaman at nagkakaugnayan sa pamumuhay,
saloobin, tradisyon, mithiin, paniniwala ang mga tao. Sapat ang wika upang
magpahayag sa kultura ng mga taong gumagamit nito.
4. Ang wika ay buhay at dinamiko
 Nangangahulugan itong ang wika'y patuloy na nagbabago ng bilang at
kahulugan ng mga salita nito.

KONSEPTONG PANGWIKA
(WIKA, WIKANG PAMBANSA, WIKANG OPISYAL AT
WIKANG PANTURO)
WIKANG PAMBANSA
 Ito ay kailangang nasa estado ng lingua franca at dapat na sumasailalim sa
pagkilala ng batas.
 Ito ay kailangang nasa estado ng lingua franca at dapat na sumasailalim sa
pagkilala ng batas.
 Kapag sinabing lingua franca, ito ay pangunahing wika na ginagamit at
nauunawan ng nakararaming bilang ng mamamayan ng isang bansa (Aguilar
et al, 2016,21)

Jaime De Vera – pinakaunang pangulo ng wikang pambansa (galing sa Leyte)

Narito ang timeline ng mga ipinatupad na batas tungo sa pagkakaroon ng Wikang


Pambansa

1935

Sek. 3, ng Artikulo XIV, Saligang Batas ng 1935

Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang


pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika sa Pilipinas. Hangga’t
walang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na mga wikang opisyal.
1936

Batas Komonwelt Blg. 184

Pinagtibay ang pagtatakda ng lupon, kapangyarihan at tungkulin tungo sa pagbuo ng


wikang pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika sa bansa.

1937

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134

Kautusang nagsasabing ang wikang pambansa ng Pilipinas ay ibabatay sa Tagalog


alinsunod sa rekomendasyon ng Surian ng Wikang Pambansa.

Bakit Tagalog ang naging batayan ng wikang pambansa?

 Ito ang sinasalita at nauunawaan ng lalong maraming Pilipino


 Ito ay may pinakamayamang talasalitaan at panitikang naisulat
 Ito ay ginagamit na sentro ng kalakalan
 Ito ang ginagamit na sentro ng edukasyon at pamahalaan

1940

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263

Sa bisa nito sinimulang ituro ang wikang pambansa na batay sa Tagalog sa mga
paaralan

1946

Batas Komonwelt Blg. 570

Batas na nagtatadhana na ang Tagalog ay magiging isa sa mga wikang opisyal ng


Pilipinas.

1959

Kautusang Pangkagawaran Blg. 7

Nilagdaan ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang kautusang


kung saan mula Tagalog ay naging Pilipino ang tawag sa ating wikang pambansa.
1987

Sek. 6, Artikulo XIV ng Saligang batas ng 1987

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat


payabungin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang umiiral na wika sa Pilipinas at
iba pang mga wika

1991

Batas Republika Blg. 7140

Nabuo ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na may tungkuling magsagawa,


mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad ng Filipino.

WIKANG OPISYAL

 Ang wika na itinadhana ng batas na maging opisyal na wika sa komunikasyon,


transaksiyon o pakikipag-ugnayan ng mamamayan sa pamahalaan; sa pasalita at higit
na lalo sa pasulat na paraan.

MGA WIKANG OPISYAL

Seksyon 7, Artkulo XIV ng Saligang Batas 1987

“Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng


Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga
wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing
pantulong sa mga wikang panturo roon.”

NOTE:

Tagalog - wika ng Tagalogan (walang hiram na wika)

Pilipino – wikang Pambansa

Filipino – hiram na salita (dinamiko ng wika)

WIKANG PANTURO

 Ito ang wikang opisyal na ginagamit bilang midyum ng pag-aaral sa sistema ng


edukasyon. Ito ang tawag sa wikang ginagamit ng guro sa pagtuturo sa paaralan

Artikulo XVI, Seksyon 7 ng Saligang Batas 1987


Sinasabi na ang wikang panturo na gagamitin sa paaralan ay Filipino at Ingles.
Samantala, ang mga wikang panrehiyon ay magsisilbing mga pantulong na wikang panturo.

DepEd Order No. 74, Series 2014

Noong Hulyo 14, 2014, inilabas ang Kagawaran ng Edukasyon ang kautusan na
paggamit ng unang wika bilang midyum ng pagtuturo sa mga mag-aaral ng Kinder hanggang
Baitang Tatlo na makikita sa implementasyon ng K to 12 Curriculum.

KONSEPTONG PANGWIKA
MONOLINGGUWALISMO, BILINGGUWALISMO, AT
MULTILINGGUWALISMO
WIKA:

Antique – Kinaray-a

Zamboanga – Chavacano

Sulu – Tausug

1. Monolingguwalismo
 Pagpapatupad ng isang iisang wika sa isang bansa na panturo sa lahat ng larangan o
asignatura.

Halimbawa:

1. Britanya
2. Japan
3. South Korea
4. France

2. Bilingguwalismo
 Kakayahan ng isang tao na makapagsalita ng dalawang wika.

Leonard Bloomfield (1935) - Ang bilingguwalismo ay pagkakaroon ng magkasintulad na


gamit at kontrol ng dalawang magkaibang wika na ginagamit ng isang indibidwal.
MGA DAHILAN NG BILINGGUWALISMO

1. Geographical Proximity
2. Relihiyon
3. Historical factors
4. Migration
5. Public or International Relations

KABUTIHAN NG BILINGGUWALISMO (LOWRY, 2011)

 Mas malikhain, magaling magplano at maglutas ng mga problema ang mga batang
bilingguwal.

 Mas magagamit ng mga bata kapag lumaki sa iba’t ibang lugar.

 Kapag matanda ang bilingguwal, nababawasan ang panganib na magkaroon ng sakit


na pang-utak.

PATAKARAN SA EDUKASYONG BILINGGUWAL

BILINGUAL EDUCATION POLICY (BEP) 1974

National Board of Education Resolution No. 73-7, s. 1973

DECS Department Order No. 25, s.1974 Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual
Education

Ang Wikang Filipino at Ingles ay ituturo sa lahat, anumang antas, sa lahat ng


paaralan.

MGA LAYUNIN:

 Makamit ang kahusayan ng mga mag-aaral sa dalawang wika

 Maipalaganap ang Ingles bilang internasyonal na wika

 Maipalaganap ang Filipino at magsilbing wika ng literasi

 Magamit ang Filipino bilang wika ng akademikong diskurso.

Bilingguwal na Bansa:
1. Philippines
2. Singapore
3. Finland
4. Hong Kong

3. Multilingguwalismo
 Tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na makapagsalita at makaunawa ng
iba’t ibang wika.

HUMIGIT KUMULANG NA 150 NA WIKA AT WIKAIN

Upang tugunan ang suliranin sa pagiging eksklusibo ng edukasyon para sa iilan,


kailangan buuin ang isang uri ng edukasyong mataas ang kalidad at may pagpapahalaga
sa katutubong kultura at wika ng mag-aaral (UNESCO, 2003)

MTB-MLE (MOTHER TONGUE-BASED MULTILINGUAL EDUCATION)

Paggamit ng unang wika ng mga estudyante sa isang partikular na lugar.

RASYONAL NA SUMUSUPORTA SA MTB-MLE

 Tungo sa pagpapataas ng kalidad na edukasyong nakabatay sa kaalaman at karanasan


ng mga mag-aaral at guro.

 Tungo sa promosyon ng pagkakapantay sa lipunang iba-iba ang wika

 Tungo sa pagpapalakas ng edukasyong multikultural at sa pagkakaunawaan at


paggalang sa batayang karapatan sa pagitan ng mga grupo sa lipunan.

MULTILINGGUWAL NA BANSA

1. India – 23 na wika
2. Morocco – 4 na wika
3. Belgium – 3 na wika
4. Switzerland – 4 na wika

KONSEPTONG WIKA
BARAYTI NG WIKA
A. Dayalekto
B. Sosyolek
C. Idyolek
D. Etnolek
E. Ekolek
F. Pidgin
G. Creole
H. Register

Barayti ng wika – Pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ang kani-kanilang


tirahan, interes, gawain, pinag-aralan, atbp.

DIMENSYON NG BARYABILIDAD NG WIKA (Constantino, 2006)

Heograpiko

Sosyal

MGA BARAYTI NG WIKA

Dayalekto

Sosyolek

Idyolek

Etnolek

Ekolek

Pidgin

Creole

Register

DAYALEKTO

 Nalilikha ang dimensiyong heograpiko


 Salitang gamit ng mga tao ayon sa particular na rehiyon o lalawigan na kanilang
kinabibilangan
SOSYOLEK

 Pansamantalang barayti
 Uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo
 May kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko at kasarian ng indibidwal na
gumagamit

Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyunal na rehistro

Jargon - mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain

- ginagamit na mga salita sa trabaho kagaya ng net income, hearing, diagnosis, atbp.

IDYOLEK

 Sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba


 Personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolo o tatak ng pagkatao
 Namumukod-tangi o unique

ETNOLEK

 Nagmula sa salita ng mga etnolinggwistag grupo


 Taglay nito ang mga wikang nagging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat
etniko

Vakul – gamit ng mga Ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon ng tag-init at tag-
ulan

Bulanon – kibulugan ng buwas

Kalipay – tuwa, saya, o ligaya

Palangga – mahal o minamahal


EKOLEK

 Kadalasang ginagamit sa loob ng tahanan


 Madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata’t nakakatanda, ngunit malimit magamit
sa araw-araw na pakikipagtalastasan.

Mamsy o Papsy

Palikuran - banyo o kubeta

Pamingganan – lalagyan ng plato

PIDGIN

 Walang pormal na istraktura


 Nobody’s native language
 Ginagamit ng dalawang indibidwal na nag-uusap na walang komong wikang gamit
 Umaasa sa “make-shift” na salita
 DIY

CREOLE

 Nadedebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal mula sa magkaibang


lugar hanngang sa ito’y naging pangunahing wika

Chavancano  Tagalog + Espanyol (Ex. Ta ama yo contigo)

REGISTER

 Naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa


kausap

ANTAS NG WIKA – ginagamit para maibagay ang wika sa pagkatao, lipunang


ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan, at okasyong dinadaluhan
PAMBANSA

PORMAL
PAMPANITIKA
N

MGA ANTAS
NG WIKA
LALAWIGANIN

IMPORAMAL BALBAL

KOLOKYAL

PORMAL

 Mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na


nakararami lalo nan g mga nakapag-aral ng wika

1. Pambansa
 Isang wika na natatanging kinakatawan ang pagkakilanlan ng isang lahi o bansa,
wikang ginagamit sa paaralan at pamahalaan
 Aklat, ina, maligaya

2. Pampanitikan
 Ang antas na may pinakamayamang uri at madalas ginagamitan ng mga salitang may
iba pang kahulugan
 Mabulaklak ang dila, Balat sibuyas

IMPORMAL

 Mga salitang karaniwan, palasak, at pang-araw-araw na madalas gamitin sa


pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa kakilala at kaibigan

1. Lalawiganin
 Mga salitang katutubo
2. Balbal
 Pinakamababang antas na binubuo ng mga salitang kanto na sumusulpot sa
kapaligiran o ginagamit sa lansangan
 YASSSS, THX, parak, chibog, tsekot

3. Kolokyal
 Wikang sinasalita ng pangkaraniwang tao ngunit bahagyang tinatanggap sa lipunan

GAMIT NG WIKA
Panimula:

Ayon kay Josefina Mangahis et. al (2008), mahalagang instrument sa


pakikipagkomunikasyon ang wika. Nag-uugat ang tungkulin nito sa umiiral na sistema ng
isang kultura ayon sa pamantayan ng paniniwala, tradisyon, pag-uugali, at kung paano
nakikisalamuha ang mga tao sa lipunang kanilang ginagalawan.

Ang pitong gamit ng wika, ayon kay Michael Alexander Kirkwood Halliday (M.A.K)
1973, sa kaniyang Explorations in the Functions of Language.

1. INSTRUMENTAL
 Ang tungkulin ng wika kung ginagamit ito upang maisakatuparan ang nais mangyari
ng tao.

BIGKAS NA GINAGANAP O PERFORMATIVE UTTERENCES

 Panghihikayat
 Pagmumungkahi
 Pag-uutos o pagpipilit
 Pakikiusap
 Pagpapahayag

Halimbawa:

1. Ang pagpilit mo sa iyong kamag-aral na manood ng concert ng gusto mong banda


2. Ang paghingi mo ng kapatawaran sa iyong kaibigan
3. Ang pagpapalabas ng patalastas o commercial sa telebisyon

2. REGULATORI
 Ang tungkulin ng wika kung ginagamitan ito upang kontrolin o magbigay-gabay sa
kilos o asal ng isang tao

BIGKAS NA GINAGANAP O PERFORMATIVE UTTERENCES

 Pagtatakda ng mga tuntunin


 Pagbibigay ng mga panuto
 Pagsang-ayon o pagtutol
 Pag-alalay sa kilos o gawi

Halimbawa:

1. Signages sa kalsada (bawal tumawid, atbp.)


2. Paskil sa paaralan gaya ng: Bawal magkalat, Bawal mag-ingay, Huwag magpakalat-
kalat, atbp.
3. Ang mga panuto sa pagsusulit

4. REPRESENTASYONAL
 Ang tungkulin ng wika kung ito’y ginagamit ng tao sa pagbabahagi ng impormasyon.

BIGKAS NA GINAGANAP O PERFORMATIVE UTTERENCES

 Pag-uulat ng mga pangyayari


 Paglalahad
 Paghahatid ng mensahe
 Pagpapaliwanag ng mga pangyayari ng isang tao

Halimbawa:

1. Pagtuturo ng guro
2. Class reporting (may bata na nagrereport sa unahan)
3. Pagbibigay ulat o pagbabalita sa telebisyon at radio

4. INTERAKSYONAL

 Ang tungkulin ng wika kung ginagamit ito ng tao sa pagpapanatili at pagpapatatag ng


relasyong sosyal sa kapwa
BIGKAS NG WIKA OR PERFORMATIVE UTTERENCES
 Pagbati
 Pagpapaalam
 Pagbibiro
 Pag-anyaya

Halimbawa:

1. Pagbati ng magandang umaga


2. Pangangamusta sa kaibigan
3. Pagbibigay ng paanyaya sa isang okasyon

5. PERSONAL

 Ang tungkulin ng wika kung ginagamit ito sa pagpapahayag sa sariling personalidad


batay sa sariling kaparaanan, damdamin, opinyon, o pananaw.

BIGKAS NG WIKA O PERFORMATIVE UTTERENCES

 Pagsulat ng diary
 Pagpapahayag ng tuwa, paghanga, galit, pagkabalisa, pagkayamot, atbp.

Halimbawa:

1. Pagsulat ng journal
2. Pagpost ng status sa social media account na nagpapahayag ng sariling pananaw o
opinyon hinggil sa isang usapin.
6. HEURISTIKO

 Ang tungkulin ng wika kung ito ay ginagamit sa paghahanap o paghingi ng


imporasyon upang makakuha ng iba’t ibang kaalaman sa mundo.

BIGKAS NA GINAGANAP O PERFORMATIVE UTTERENCES

 Pagtatanong
 Paggawa ng hypothesis
 Pagtuklas
 Pag-eeksperimento
 Pag-uulat
 Pangangatwiran
 Pagpuna

Halimbawa:

1. Mga batang nagbabasa ng libro, pahayagan, magasin, at iba pang artikulo.


2. Mga batang nanunuod ng telebisyon at pakikinig sa radio.
3. Batang babae na may iniinterbyo.

7. IMAHINATIBO

 Ang tungkulin ng wika kung ginagamit ito sa pagpapalawak ng kaniyang


imahinasyon.

BIGKAS NA GINAGANAP O PERFROMATIVE UTTERENCES

 Malikhaing pagsulat
 Masining na pagsulat

MGA ALINTUNTUNIN SA BAYBAYIN


Hindi totoo ang tawag na ALIBATA. Imbento ito ng isang gurong inakalang mula ito
sa Arabe. Hango ito sa unang titik ng Arabe: alif +ba+ta = alibata

Ang totoong tawag ay BAYBAYIN. Isa sa sinauna’t katutubong paraan ng pagsusulat


sa bansa. Mula ito sa baybay na ang ibig sabihin ay ispeling.
MGA ALINTUNTUNIN SA BAYBAYIN (PAANO NGA BA BUMASA’T SUMULAT
NG BAYBAYIN?)

UNANG TUNTUNIN:

Pakatandaang maigi ang makalumang alpabetong Pilipino:

A BA KA DA/RA E/I GA HA LA MA NA NGA PA SA TA O/U WA YA

Ito ang gagamitin mo sa pagbasa’t pagsulat ng Baybayin

IKALAWANG TUNTUNIN:

Bawat titik o dalawang titik na magkadikit sa Alpabetong Pilipino ay mayroong


sariling karakter.

Pakatandaang maigi ang mga sumusunod na karakter:

Pansining maigi, ISA lamang ang karakter para sa E at I, ganoon din para sa DA at
RA, at maging sa O at U.

IKATLONG TUNTUNIN:

Pangtanggal sa “A” mula sa mga magkadikit na titik.


Kung nais mong gumamit ng isang titik lamang halimbawa ng “B” kailangan mo lang
maglagay ng EKIS (X) o KRUS (+) sa IBABA ng KARAKTER.

Lahat ng karakter ay maaaring lagyan ng ekis (x) o krus (+) sa ibaba, MALIBAN sa
A, E/I, at O/U sapagkat ito’y isang titik na.

IKAAPAT NA TUNTUNIN:

Palitan ang “A” ng “E/I”sa mga magkadikit na titik.

Halimbawa: Nais mong palitan ang “BA” ng “BE/BI”, kailangan mo lang maglagay ng
TULDOK (.) sa itaas ng KARAKTER.

Lahat ng karakter ay maaaring lagyan ng TULDOK sa itaas, MALIBAN sa karakter


ng A, E/I, at O/U sapagkat ito’y nasa tamang anyo na.

IKALIMANG TUNTUNIN:

Palitan ang “A” ng “O/U” sa dalawang titik na magkadikit. Ang kailangan mo lang
gawin ay maglagay ng TULDOK sa IBABA ng KARAKTER.

Halimbawa: Nais mong palitan ang “BA” ng “BO/BU”, kailangan mo lang maglagay ng
TULDOK (.) sa IBABA ng KARAKTER.

Lahat ng karakter ay maaaring lagyan ng TULDOK sa IBABA, MALIBAN sa


karakter ng A, E/I, at O/U sapagkat ito’y nasa tamang anyo na.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


Ang anyong kapuluan ng Pilipinas ang sinasabing sanhi kung bakit napakaraming
wika at wikain sa bansa. Bagama't may pagkakaiba ang mga wika, malaki ang pagkakahawig
nito sa isa't isa bunga ng pagkakabilang sa iisang pamilya ng wika, ang wikang Austronesian.
Matatagpuan mula sa Formosa sa hilagaa hanggang sa New Zealand sa timog, mula sa
Eastern Island sa silangan hanggang sa Madagascar sa kanluran, ang wikang Austronesian.
Ang Tagalog na siyang batayan ng wikang pambansa, ayon sa pag aaral na ginawa noong
1934 ni Otto Dempwolf, ay kabilang sa Indonesian subgroup ng Austronesian. Naging
maliwanag ang landas sa hangaring ito nang magkaroon ng Kapulungang Pansaligang - batas
sa hanagaring ito nang magkaroon ng kapulungang Pansaligang - batas noong 1934.

Hulyo 10, 1934 binuo ang kapulungang Pansaligang - batas bilang paghahanda sa
itatatag na Malasariling Pamahalaan (Commonwealth). Ang kapulungang ito ang umugit sa
Saligang batas ng 1935. Sa Artikulo 14, Seksyon 3 ng Saligang-batas na ito, inatasan ang
Pambansang Asamblea na magsagawa ng kaukulang hakbang as paglinang ng isang wikang
pambansa na ibabatay sa isa sa umiiral na wika sa Pilipinas. Ang pangulo ng Komonwelt
noon na si Manuel L. Quezon, ang naging masugid na tagapagtaguyod na magkaroon ng
isang wikang pambansa.

Noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng Pamtianasang Asamblea ang Batas ng


Komonwealth Blg. 194 na nagtatag as Surian ng Wikang Pambansa (BWP). Ang tanggapang
ito ang magsasagawa ng pag-aaral hinggil sa pagpili ng wikang pambansa Ginamit na
batayan sa pagpili ang wikang maunlad sa kayarian, mekanismo, literature at ginagamit ng
nakararaming Pilipino

Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang unang mga kagawad ng tanggapang


ito. Matapos maisagawa ng SWP ang iniaatas ng batas, ipinahayag ni Pangulong Manuel L.
Quezon noong Disyembre 30, 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg 134 na nagtatakda
sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa. Maraming patunay na nabibilang sa
Austronesian ang mga wika sa Pilipinas. Ilan dito ang paggamit ng panghalip na panao tulad
ng tayo at kami; mga malapanghalip o pronominal system tulad ng ito, nito at dito, sistemang
berbal na may pokus at aspekto (hal. kumain, kumakain, kakain, kakakain); sintaks o
palaugnayan ( ng pangungusap), kabilang ang paggamit ng pantukoy na ang at si; pang-
angkop na na at ng ( tunay na Pilipino ); (matalinong pinuno) sistemang numerikal na batay
sa sistemang decimal; at mga leksikal o palasalitaan.

Ang pagkakaroon ng maraming wika ang sinasabing ugat ng rehiyonalismo o


pagkakapangkat pangkat ng mga Pilipino, dagdag pa ang kalagayang kapuluan ng bansa, na
itinuturing na pisikal na sagabal sa pagkakaroon ng isang wikang bubuklod sa sambayanang
Pilipino sa kabila ng pagkakaiba-iba ng nga ito.

Nang sakupin ng mga Espanyol ang bansa, lalong nahati ang mga Pilipino. Ang
pananakop sa pamamagitan ng pagbubukod bukod ang ginamit ng mga Espanyol upang
magkalayo-layo ang mga Pilipino. Walang isang wikang pinairal noon sapagkat sa halip ituro
ang wikang Espanyol, ang mga paring dayuhan ang nag-aaral ng mga katutubong wika.

Sa huling dantaon ng pananakop ng mga Espanyol, nagkaroon na ng pagtatangkang


itaguyod ang Tagalog bilang wikang pambansa. Ang wikang ayon sa paring Heswita na si
Padre Pedro Chirino ang tinataglay ang talinghaga ng wikang Hebreo, ang katangi-tanging
katawagan ng Griyego, ang kaganapan at kinia ng Latin; at ang pagkamagalang at pagiging
romantiko ng mga Espanyol.

Ang kilusang propaganda ay nagsimula ng paggamit ng Tagalog sa mga pahayagang


isinulat nila. Sinundan ito ng Katipunan na Tagalog din ang ginamit sa pagbuo nila ng mga
kautusan, gayundin sa pahayagan na inilathala nila. Pormal na nagkaroon ng kaganapan
sapagkat bukod sa mga ilustado ang namayani noon sa Kapulungang Pansaligang-batas
(Constitutional Assembly) na ayaw sa wikang Tagalog, hindi nagtagal (Constitutional
assembly) ang itinuturing na Unang Republika ng Pilipinas. Sinakop ang bansa ng bagong
manlulupig, ang mga Amerikano.
Sa panahon ng mga Amerikano sapilitang ipinagamit ang Ingles bilang wikang
panturo at ipinagbawal ang paggamit ng bernakular. Ngunit batay sa pag-aaral na ginawa ng
Monroe Educational Survey Commission, napatunayan na makaraan ng 25 taon na pagtututro
ng Ingles hindi ito nakatulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral na Pilipino. Sa kabilang dako,
patuloy ang pagsusumikap ng ilang makabayang lider na Pilipino na magkaroon ng wikang
pambansa.

KASAYSAYAN NG WIKA SA IBA’T IBANG PANAHON


PANAHON NG ESPANYOL

 Ang isinasaalang-alang na ang unang pananakop ng mga Espanyol sa ating kapuluan


ay ang pananatili rito ni Miguel Lopez De Legaspi noong 1565. Siya ang kauna-
unahang Espanyol na gobernador-heneral sa Pilipinas. Kalaunan napasailalim naman
ang kapuluan sa pamumuno ni Villalobos na nagbigay ng ngalang Felipinas bilang
parangal sa Haring Felipe II na naunang namuno noong panahong iyon. Naging
Filipinas ang Felipinas dahil sa maling pagbigkas ng mga tao rito.
 Ayon sa mga Espanyol, nasa kalagayang barbariko, di-sibilisado o pagano ang mga
katutubo noon. Itinuro nila ang Kristiyanismo sa mga katutubo upang maging
sibilisado diumano ang mga ito. Naniniwala ang mga Espanyol noong mga panahong
iyon na mabisa ang paggamit ng katutubong wika sa pagpapatahimik sa mamamayan
kaysa sa libong sundalong Espanyol. Hinati-hati sa apat na ordeng misyonerong
Espanyol ang pamayanan kaya’t ito’y nagkaroon ng malaking epekto sa
pakikipagtalastasan ng mga katutubo.
 Upang mas maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ang mga
misyonerong Espanyol ay nag-aral ng wikang katutubo upang madaling matutunan
ang wika ng isang rehiyon kaysa sa ituro sa lahat ang wikang Espanyol. Mas
magiging kapani-paniwala kung ang mismong banyaga ang nagsasalita ng wikang
katutubo. Dahil dito, ang mga prayle ay nagsulat ng mga diksyunaryo at aklat-
panggramatika, katekismo at mga kumpensyonal para mas mapabilis ang pagkatuto
nila ng katutubong wika. Sa panahong ding ito napalitan ang “alibata” ng alpabetong
Romano na binubuo ng 29 na titik.

A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, LL, M, N, Ñ, O, P, Q, R, RR, S, T, U, V, W, X, Y,Z

 Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sumibol ang mga Propagandista. Ito ang
panahon kung saan namulat ang makabayang damdamin ng mga Pilipino. Sa
pamumuno nina Jose P. Rizal, Marcelo H. Del Pilar, Antonio Luna, at Graciano
Lopez Jaena, ginamit ang wikang Tagalog sa pagsulat sa mga pahayagan ng mga
akdang pampanitikan.

PANAHON NG AMERIKANO
 Nang sakupin ng Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawa ang wikang
ginagamit ng mga bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyong Ingles at
Espanyol. Sa kalaunan napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal.
Dumami ang natutong bumasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging
wikang panturo sa rekomendasyon ni Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899
habang pantulong naman ang wikang rehiyonal.

 Noong Marso 24, 1934, pinagtibay ni Franklin Roosevelt ang Batas Tydings
McDuffie na nagtatadhanang pagkalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang 10
taong pag-aaral ng Pamahalaang Komonwelt.

PANAHON NG KOMONWELT/MALASARILING PAMAHALAAN

 Sa panahong ito masasabing may puwang na sa pamahalaan ang pagtukoy ng wikang


pambansa. Isinasaad sa Saligang Batas 1935 (Artikulo XIV, Sek.3) na:

Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang


pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t itinatadhana ng
batas, ang Ingles at Espanyol ay patuloy na magiging wikang opisyal.

 Sa panahon ding ito nabuo ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) sa pamamagitan
ng Batas Komonwelt Blg. 184. At bilang tugon, humirang si Pang. Quezon ng mga
kagawad na bubuo sa SWP. Batay sa isinagawang pag-aaral inirekomenda ng lupon
ng SWP na ibatay sa Tagalog ang wikang pambansa at inaprubahan ito. Gayundin, sa
panahong ito, ipinasok na rin sa mga kurikulum ang pagtuturo ng wikang pambansa.

PANAHON NG HAPON

 Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo ang
isang grupong tinatawag na “purista” Sila ang nagnanais na gawing Tagalog na
mismo ang maging wikang pambansa at hindi na batayan lamang. Malaking tulong
ang ginawang pananakop ng mga Hapon sa kilusang nabanggit. Ayon kay Prof.
Leopoldo Yabes, ang pangangasiwa ng Hapon ang nag-utos na baguhin ang probisyon
sa konstitusyon at gawing Tagalog ang pambansang wika. Sa layunin ng mga Hapon
na burahin sa mga Pilipino ang anumang kaisipang pang-Amerika at mawala ang
impluwensya ng mga ito kaya Tagalog ang kanilang itinaguyod. Nang panahong iyon,
Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika. Sa panahong ito namulaklak
ang Panitikang Tagalog sapagkat maraming manunulat sa Ingles ang gumamit ng
Tagalog sa kanilang tula, maikling kuwento, nobela at iba pa.

PANAHON NG 1987 HANGGANG SA KASALUKUYAN


 Sa panahong ito, pinagtibay ang bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Mula sa dating
katawagang Pilipino ay naging Filipino ang Wikang Pambansa.

 Noong Enero 30, 1987, nagpalabas ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 112 si


Pangulong Corazon Aquino, Ipinailalim ang Surian ng Wikang Pambansa sa
Kagawaran ng Edukasyon, Kultura, at Isports. Binago rin ang pangalan ng ahensiya
bilang Linangan ng mga Wika ng Pilipinas o Institute of Languages.

 Samantala, noong Marso 19, 1990, bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 21,
pinalabas ni Kalihim Isidro Cariño ng DECS na na gamitin ang Filipino sa pagbigkas
ng panunumpa sa katapatan ng Saligang Batas at sa bayan

 Agosto 14, 1991 naman, ang Republic Act Blg. 7104 ay nilagdaan ni Pangulong
Corazon Aquino bilang pagsunod sa itinatadhana ng Konstitusyon. Nakasaad din na
ang dating Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ay tatawaging Komisyon sa Wikang
Filipino at ipaiilalim sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas.

 Nagpalabas ang Komisyon sa Wikang Filipino ng resolusyon noong 1992. Ang


Resolusyon Blg. 1-92(Mayo 13) na sinusugan naman ng Resolusyon Blg. 1-96
(Agosto 1996) hinggil sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga
paaralan na magsagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang tuwing
buwan na ito. Malaking kasangkapan ng pag-unlad ng Filipino ang mga wikang
katutubo, kung saan maraming hiram na salita sa mga ito.

 Noong 2001, tungo sa mabilis na istandardisasyon at intelektwalisasyon ng wikang


Filipino, ipinalabas ng Komisyon ng Wikang Filipino ang 2001 na Revisyon sa
Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino (Kautusang Pangkagawaran blg.
45). Walang naganap na pagbabago sa mga alpabeto ngunit may mga tuntuning
binago hinggil sa paggamit ng walong (8) dagdag na letra.

 Nagpalabas ang Kagawaran ng Edukasyon noong 2009 ng Ordinansa Blg. 74 na


isinasainstitusyon ang gamit ng Inang Wika Elementarya at Multilingual Language
Education (MLE). (Nauna rito, may inilahad ng bersyon ang Ikalabing-apat na
Kongreso ng Mababang Kapulungan na House Bill No. 3719, “An Act Establishing a
Multilingual Education and Literacy Program and for Other Purposes” sa
pamamagitan ni Honorable Magtanggol T. Gunigundo ng Valenzuela City.

ILANG BATAS, KAUTUSAN, PROKLAMASYONG PINAIRAL SA


PAGPAPAUNLAD NG WIKANG PAMBANSA: TAGALOG/PILIPINO/ FILIPINO

 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937) - ipinahayag na ang Tagalog ang


siyang maging batayan ng wikang pambansa sa Pilipinas
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940) - isinaad ang pagpapalimbag
ng “A Tagalog-English Vocabulary” at “Ang Balarila ng Wikang Pambansa”.
Inihayag din ang pagtuturo ng wikang pambansa (Tagalog) sa mga paaralang
pampubliko at pribado simula Hunyo 19, 1940.
 Batas ng Komonwelt Blg. 570 - Ipinahayag na isa sa wikang opisyal ang wikang
pambansa (Tagalog) simula Hulyo 4, 1946
 Proklamasyon Blg. 12 - Ipinalabas noong Marso 26, 1954 ni Pangulong. Ramon
Magsaysay ang pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29-
Abril 4 (kapanganakan ni Franciso Balagtas.)
 Proklamasyon Blg. 186 (1955) - Inilahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo
ng Wika sa Agosto 13-19 (kapanganakan ni Manuel L. Quezon).
 Kautusang Pangkagawaran Blg.7 - Ipinalabas noong Agosto 13, 1959 ng noo`y
Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Jose E. Romero na nagatas na tawagin
ang wikang pambansa na Pilipino.
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 (1960) – nilagdaan ng Pangulong Diosdado
Macapagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Pilipino.
 Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (1962) – Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces
at nag-utos na simulan sa taong-aralan 1963-1964 ang mga sertipiko at diploma ng
magtatapos ay ipalimbag sa Wikang Pilipino.
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (1967) – nilagdaan ng Pangulong Marcos at
nagtadhana na ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay
pangalanan sa Pilipino.
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (1969) – nilagdaan ng Pangulong Marcos at
nag-utos sa lahat ng kagawaran, kawanihan at tanggapan at iba pang sangay ng
pamahalaan na gamitin ang Wikang Filipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang
Pambansa at pagkaraan man nito sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon.
 Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (1974) – Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na
itinagubilin sa mga guro ang mga bagong tuntunin sa Ortograpiyang Pilipino ang
pagpapairal ng Edukasyong Bilinggwal sa mga paaralan simula sa taong panuruan
1974-9175.
 Kautusang Pangkagawaran Blg. 203 (1978) – Paggamit ng katagang Filipino sa
pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas. Nilagdaan ni Kalihim Lourdes
Quisumbing ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports.
 Saligang-Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 - Itinalaga na Filipino ang
wikang pambansa ng Pilipinas. “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang ito ay dapat na payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral
na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.
 Kautusang Pangkagawaran Blg. 52 (1987) - Panuntunan ng implementasyon ng
patakaran sa Edukasyong Bilinggwal 1987.
 Proklamasyon Blg. 1041 (1997) – Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V.
Ramos na nagtakda na ang buwan ng Agosto, ang Buwan ng Wikang Pambansa.

You might also like