You are on page 1of 15

Bago natin tuluyang tuklAain at talakayin ang mga

gamit ng wika, maari bang ibahagi ninyo ang


inyong kaisipan ukol salitang “GAMIT”

ANO
NGA
BA

ANG IBIG SABIHIN NG GAMIT?


Kilalanin natin ang awtor ng
Gamit ng Wika
Mga Gamit Ng Wika Ayon Kay
Michael Alexander Kirkwood
Halliday (M.A.K Halliday)
Siya ay isang lingguwistang
Briton na ipinanganak sa
Inglatera. Pinag-aralan niya ang
wika at literaturang Tsino. Siya
ang nagpanukala ng Systemic
Functional Grammar, isang
sikat na modelo ng gramatika
na gamitin at kilala sa daigdig.
Gamit ng wika sa lipunan
1. Instrumental
Tumutukoy sa paggamit ng tao sa wika upang
matamo ang ating mga pangangailangan at
makuha niya ang mga kagustuhan.
Halimbawa:pagpapangalan,pagpapa-hayag, pag-
utos, paggawa ng liham- pangalakal

Hal: Pakiligpit po ang mga gamit sa kuwarto


Makikigamit po ako ng kubeta.
2. Regulatoryo
Ang wika ay ginagamit para sa pagkontrol
ng isang indibidwal, grupo o lipunan,
pagkontrol sa kilos, gawi, ugali, at mga
katulad nito. Ginagamit ang wika upang
magbigay ng direksyon, paalala o babala.
Maaaring mapakilos ng tao ang kanyang
kapwa sa mabisang paggamit ng wika
Gamit ng wika sa lipunan

Hal:
pagtakda ng alituntunin, direksyon
sa pag-inom ng gamot, iskrip ng mga
artistang gumaganap sa drama
Hal: Bawal ang cellphone sa klase.
Gamit ng wika sa lipunan
3. Interaksiyonal
Ang tao ay likas na sosyal. Nakikipag-
ugnayan siya sa kapwa upang mapanatili
ang kanyang relasyong sosyal.
Ang wika ay nagbubunsod ng isang
interaksyon sa pagitan ng mga indibidwal
upang magkaroon ng isang malaya at
tuloy-tuloy na palitan ng pahayag
Gamit ng wika
Hal: sa lipunan
pagbati, pagpapaalam, panunuyo,
pakikipagtalo, paggawa ng liham-
pangkaibigan
Huwag ka nang mainggit sa kapatid
mo?
Gamit ng wika sa lipunan
4. Heuristiko
Instrumento ang wika upang matuto
ng mga kaalamang akademiko at
matamo ang anumang propesyon.
Nalilinang dito ang kasanayang magsuri,
mag-eksperimento, magbigay-kahulugan
mamuna at iba pang kasanayang sa
pag-iisip pang-akademiko.
Gamit ng wika sa lipunan

Ginagamit ang wika sa pagkuha


ng mga kaalaman at impormasyon
sa pamamagitan ng paggamit ng
mga panghalip na pananong na
sino, ano, saan, kailan, paano at
bakit para makalikom ng mga
eksaktong impormasyon sa mga
tiyak na sitwasyon.
Gamit ng wika
sa lipunan
Hal:
pagtatanong, pagsagot
pag-eeksperimento
panonoodng telebisyon
Hal: Ilang buhay pa ba ang kailangang mawala
bago humupa ang giyera?
Gamit ng wika sa lipunan
5. Impormatibo
Ginagamit ang wika sa pagbibigay ng mga
impormasyon at kaalaman sa paraang expository
o paglalahad, pasalaysay, paglalarawan, pag-iisa-
isa at iba pa. Ginagamit din ito upang
makapagturo ng mga kaalaman sa iba’t ibang
larangan o disiplina.
Hal: pag-uulat, pagtuturo, pananaliksik-papel
Kasalukuyang nagaganap ang
pagsasanay ng mga guro para sa
pagtuturo ng grade 11 sa SHS.
Gamit ng wika sa lipunan
6. Personal
Ang wika ay ginagamit sa pagpapahayag ng sarili
o personal na nararamdaman tulad ng paghanga,
pagkayamot, pagkatuwa, pagkainip, kasiyahan,
pagmamahal at mga katulad nito.
Bilang isang indibidwal,naipakikita ng tao ang
kanyang pagkatao sa pamamagitan ng
pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon at
konsepto sa mga bagay-bagay sa kanyang paligid.
Hal: pagsigaw, paghingi ng paumanhin
Ipagpatawad mo ang aking kalapastanganan!
Gamit ng wika sa lipunan
7. Imahinatibo
Ang wika ay nagsisilbing behikulo ng
imahinasyon ng tao. Nailalabas ng tao
ang kanyang imahinayson sa tulong ng
wika at ito ay makikita sa mga paglikha
ng mga tula, kuwento, sulatin, o
malikhaing pagsulat na produkto ng
mayamang guni-guni.
Gamit ng wika sa lipunan
Hal:
pag-awit, pagtula, pagsulat ng
nobela, maikling kuwento at iba
pang genre
 Wala akong itulak kabigin sa
dalawa.

You might also like