You are on page 1of 5

Aralin 2

Matalinhagang Pahayag

Pangalan : ________________________________________
Seksiyon : ________________________________________

Filipino 8
Ang mga matatalinghagang pahayag ay mga pahayag na
gumagamit ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang tunay na
kahulugan nito. Karaniwan itong ginagamitan ng paghahambing ng mga
bagay na nagpapataaas ng pandama ng mga mambabasa.

Matalinghagang Pahayag at Kahulugan


1. magsunog ng kilay - mag-aral nang mabuti
2. balitang kutsero - hindi totoo
3. mababa ang luha - iyakin
4. tulog mantika - mahabang oras ng pagtulog
5. nagtataingang kawali - nagbibingi-bingihan
6. pinagbiyak na bunga - magkamukha
7. bugtong na anak - kaisa-isang anak
8. kabiyak ng dibdib - asawa
9. ilista sa tubig - kalimutan na
10. lakad-pagong - mabagal
11. Balat Sibuyas - madaling umiyak; sensitibo
12. Amoy Tsiko - nakainom
13. Luha ng buwaya - di totoong pag-iyak
14. Tulak ng bibig - salita lamang, di tunay sa loob
15. Mahapdi ang bituka – nagugutom
16. Sukat ang bulsa - marunong gumamit ng pera, marunong
magbayad at mamahala ng kayamanan
17. Maanghang ang dila - bastos magsalita
18. Matalas ang dila - masakit mangusap
19. Makitid ang isip - mahinang umunawa, walang masyadong
nalalaman
20. Matigas ang katawan – tamad
21. Mababaw ang luha - madaling umiyak
22. Butas ang bulsa - walang pera
23. Ilaw ng tahanan – ina
24. Kalog na ng baba - nilalamig
25. Alimuom – tsismis
26. Bahag ang buntot – duwag
27. Ikurus sa noo - tandaan
28. Bukas ang palad - matulungin
29. Kapilas ng buhay – asawa
30. Nagbibilang ng poste - walang trabaho
31. Basag ang pula - luko-luko
32. Ibaon sa hukay - kinalimutan
33. Taingang kawali - nagbibingi-bingihan
34. Buwayang lubog - taksil sa kapwa
35. Pagpaging alimasag - walang laman

Eupemistikong Pagpapahayag
1. Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa:
a. paksa ng usapan
b. taong sangkot sa usapan
c. lugar

2. Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na


nagpapahiwatig lamang.
3. Gumagamit ng talinghaga para di-tuwirang tukuyin ang nais
ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita
at kinakausap.

Halimbawa:
 Sumakabilang buhay na siya.
 Kapiling na siya ng Panginoon.
 Iniwan na niya tayo.
 Tapos na ang kanyang paghihirap.
 Maligaya na siya sa kabilang buhay.
4. Para maging mas malambot o mas magaan ang dating ng
sasabihin:
Pahayag 1: Gutom na gutom na ako.
Mas magaan: Hindi ba kayo, nagugutom?
Pahayag 2: Kumain na ba kayo ng almusal?
Mas magaan: Kumain muna tayo.

5. Para mas mainam pakinggan gamitin ang sumusunod:


bulag/ duling - walang paningin
bingi - mahina ang pandinig
pilay - nahihirapang lumakad
mataba - medyo malusog
pandak - may kaliitan
pangit - di-gaanong maganda

Ang Guryon
Ni: Ildefonso Santos

Tanggapin mo anak, itong munting guryon


Na yari sa patpat at “papel de Hapon”
Magandang laruan pula, puti, asul
Na may pangalan mong sa gitna naroon.

Ang hiling ko lamang, bago paliparin,


Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
Ang solo’t paulo’y sukating magaling
Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.

Saka, ‘pag umihip ang hangin, ilabas


At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
At baka lagutin ng hanging malakas.

Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikaw


Ay mapapabuyong makipagdagitan;
Makipaglaban ka, subalit tandaan
Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo’y sakaling madaig
Matangay ng iba o kaya’y mapatid;
Kung saka-sakaling di na mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit!

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,


Dagiti’y dumagit saan man sumuot…
O, paliparinmo’t ihalik sa Diyos,
Bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!

You might also like