You are on page 1of 36

MGA KONSEPTONG

PANGWIKA
1. Wika
2. Wikang pambansa
3. Wikang panturo
4. Wikang opisyal
5. Bilingguwalismo at Multilingguwalismo
6. Rehistro at Barayti ng wika
7. Lingguwistikong komunidad
8. Nakagisnang wika (L1)
9. Ikalawang wika (L2)
Ano ba ang WIKA
Noah Webster
Ang wika ay kalipunan
ng mga salitang ginagamit
at nauunawaan ng isang
maituturing na komunidad.
Ano ba ang WIKA
Ponciano Pineda
Wika ang kasangkapan ng isang
manunulat sa paglikha ng kanyang
sining. Karaniwa’y di totoong mahalaga
kung anuman ang wikang iyon. Ang higit
na mahalaga’y kung paano ginagamit ng
maguniguning manunulat ang wikang
kasangkapan.
Ano ba ang WIKA

Alfonso Santiago
Ang wika ay kasangkapan na
ginagamit at nabubuhay lamang
habang patuloy na ginagamit. Kapag
nawalan na ito ng silbi sa lipunan ay
tuluyan na ring mawawala.
Ano ba ang WIKA
Jose Villa Panganiban
Ang wika ay parang tubig.
Ang hugis ng tubig ay kung ano
ang hugis ng sisidlan. Ang
sisidlan ng wika ay bayan –
taumbayan.
Ano ba ang WIKA
Vilma Resuma
Ang wika ay kaugnay
ng buhay at instrumento ng
tao upang matalino at
episyenteng makalahok sa
lipunang kinabibilangan.
Ano ba ang WIKA

Ayon kay Plato, isang


Griyegong iskolar, ang wika
ay nagmula sa batas ng
pangangailangan ng tao.
Ano ba ang WIKA

Ang WIKA ay masistemang balangkas


ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong kabilang
sa isang kultura.

Henry
Gleason
Ibig sabihin….

masistemang
balangkas
Batay ang wika sa:
a. ponema – makabuluhang tunog
b. ponolohiya – pag-aaral ng
makabuluhang tunog
c. morpema – makabuluhang yunit ng
isang salita
1. salitang-ugat
2. ponema
3. Panlapi
d. morpolohiya – pag-aaral ng
makabuluhang
Katangian ng
Wika
1. sinasalitang tunog
2. pinipili at isinasaayos
subconscious at conscious -
komong wika
3. arbitraryo
esensya ng wika ay
PANLIPUNAN
4 .ginagamit
5. nakabatay sa kultura
Katangian ng
Wika
7. may antas ang wika
a. Pormal
1. pang-edukasyon
2.
pampanitikan/panretorika
b. Di-pormal
3. pambansa/lingua
franca
4. panlalawigan
5. kolokyal
6. balbal/panlansangan
Katangian ng
Wika 8.
Natatangi/Kagila-
gilalas
9. Batay sa
kultura

10. makapangyarihan ang wika


11. may pulitika
Kahalagahan ng Wika
Instrumento ng
Komunikasyon
Nag-iingat at
nagpapalaganap ng
kaalaman
Nagbubuklod ng
bansa
Nakapaloob sa Konstitusyong 1987 ng Republika ng
Pilipinas ang Filipino bilang wikang pambansa.
Filipino ang ating wikang pambansa dahil sa wikang
ito tinatalakay ang mga bagay-bagay ukol sa bansa na
naiintindihan ng bawat mamamayang Pilipino. Ito ang
ginagamit at gagamitin sa pakikipag-ugnayan ng mga
Pilipino.
Ang ating wikang pambansa na Filipino ay batay
sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at iba pang wika.
Habang ang Filipino’y nabubuo, patuloy itong
pauunlarin at payayamanin sa tulong ng mga
katutubong wika at maging dayuhan man.
Sek. 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino, Samantalang nillinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika
sa Pilipinas at iba pang mga wika.
Alinsunod sa nakatadhana sa batas at sang-ayon sa
nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakhangin ang pamahalaan
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit
ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.
Sek. 9 - Dapat magtatag ang Kongreso ng
isang Komisyon ng Wikang Pambansa na
binubuo ng mga kinatawan sa iba't ibang
rehiyon at mga disiplina na magsasagawa,
mag-uugnay at magtataguyod ng mga
pananaliksik sa Filipino at iba pang mga
wika para sa kanilang pagpapaunlad,
pagpapalaganap at pagpapanatili.
Noong Agosto 5, 2013 ay pinagtibay ng
bagong Kalupunan ng KWF ang Kapasiyahan
Blg. 13-39. Isang rebisadong depinisyon ito ng
wikang “Filipino” at ipinahayag ang sumusunod
na pakahulugan:
“Ang Filipino ay ang katutubong wika na
ginagamit sa buong Filipinas bílang wika ng
komunikasyon, sa pabigkas at sa pasulat na
paraan, ng mga pangkating katutubo sa buong
kapuluan.
Sapagkat isang wikang buháy, mabilis itong
pinauunlad ng araw-araw at iba’t ibang
paggamit sa iba’t ibang pook at sitwasyon at
nililinang sa iba’t ibang antas ng saliksik at
talakayang akademiko ngunit sa paraang
maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na
nagtataglay ng mga malikhaing katangian at
kailangang karunungan mula sa mga
katutubong wika sa bansa.”
Bakit Filipino ang wikang pambansa?
1. Natural na wika – ito ang lingua franca sa
Metro Manila na lumaganap sa mga rehiyon sa
pamamagitan ng radio, telebisyon, pahayagan
at maging sa aktuwal na paggamit nito.
2. Buhay na wika – ito ang wika ng kasalukuyang
panahon at umaagapay sa mga pagbabago at
pag-unlad sa lipunan.
3. Demokratiko – sama-sama ang mga Pilipino sa
pagpapaunlad at nagsisilbing lingua franca sa
buong kapuluan
4. Egalitaryan – ginagamit at nagagamit ng mga
tao anuman ang istatus sa lipunan
5. Wika ng pagkakaisa – napag-isa-isa nito ang
isip at damdamin ng mga tagapagsalita
Kinikilala ang Filipino bilang mabisang wika
ng pagtuturo at pagkatuto. Bilang opisyal na
wikang panturo, ginagamit na ang Filipino sa
pagtuturo at pag-aaral sa iba’t ibang disiplina
ng kaalaman at sa lahat ng antas ng edukasyon.
Layunin nitong mapabilis ang pagkatuto ng
mga estudyante, maiangat ang antas ng literasi
ng taong bayan, at malinang ang kaisipang
siyentifiko at pagpapahalagang Pilipino.
Ang pagiging opisyal ng isang wika ay
tumutukoy sa paggamit ng wikang ito sa
mga opisyal na talastasan ng pamahalaan,
lalo na sa anyong pasulat, sa loob o labas
ng alinmang sangay o ahensiya ng
gobyerno. Maaaring tanggap na ng
nakararami na pambansang wika ang
Filipino, ngunit ang katotohana’y hindi pa
rin ito ang ating wikang opisyal.
Sek. 7 – Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang
batas, Ingles.
Ang wikang panrehiyon ay pantulong sa mga
wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing
pantulong sa mga wikang panturo roon.

Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa


Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing
wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
Ginagamit ang Filipino sa opisyal na komunikasyon gaya sa:
a. deliberasyon sa lehislatura at pagsulat ng mga batas;
b. pag-isyu ng mga deskrito at kautusang ehekutibo;
c. pormulasyon ng mga pambansang patakaran;
d. paghahanda ng mga impormasyong pampubliko kaugnay ng
mga
opisyal na programa ng gobyerno;
e. pagdaraos ng mga paglilitis at pagpapasiya ng hukuman;
f. pagsulat ng memorandum at iba pang komunikasyon;
g. mga opisyal na form at/o dokumento (lisensiya, sertipiko,
pasaporte at iba pa); at
h. mga tungkulin at gawain ng estado
Tumutukoy sa pagkakaroon ng
kakayahang gumamit at umunawa ng
dalawang wika.
Ang pagiging bilinggwal ng isang tao
ay maaaring simpleng resulta lamang ng
pagkakaroon ng dalawang magulang na
may magkaibang wika. O kaya ay bunga
ng pagkatuto niya sa labas ng tahanan.
Patakarang Bilingguwal - tumutukoy sa
magkahiwalay paggamit ng Filipino at
Ingles sa pagtuturo ng mga tiyak na
asignatura sa kurikulum na
ipinatupad simula pa noong 1974 at
nagkaroon ng rebisyon noong 1987.
Ito ang kasanayan at kakayahang
magsalita at umintindi ng maraming
wika maliban sa dalawang
magkaibang wika na alam na.
• Makalinang ng mga mag-aaral na matatas sa
kanilang unang wika (L1) sa pambansang wika (L2
Filipino) at iba pang wika (English, Arabic, Chinese,
Spanish at iba pa)
Makalinang ng mga mag-aaral na aktibong
nagtatanong, nagdedesisyon at nakagagamit ng
wika bilang instrumento sa pagbibigay ng sariling
pananaw at sa pagsusuri ng pananaw o ideya ng
iba.
• Matatag na pundasyon sa Unang
Wika

• Matibay na tulay mula sa Unang


Wika patungo sa pagkatuto ng iba
pang wika.
• Pagkatuto na nagsisimula sa unang
wika at transisyon sa iba pang wika
• Paggamit ng unang wika ng mag-
aaral bilang midyum ng pagtuturo
• Programa na nagsisimula sa unang
wika o wika sa bahay ng mag-aaral
na tutulong sa kanila sa pagkakaroon
ng katatagan at tiwala sa pag-aaral ng
mga opisyal na wika (Filipino at
Ingles) at paggamit ng mga wikang ito
sa pagtatamo ng may kalidad na
edukasyon.
Paglilista ng mga tanging salita mula sa isang
wikang etniko, edukasyonal, relihiyon ng komunidad
at pagbibigay kahulugan at paggamit sa Filipino

You might also like