You are on page 1of 12

Phatic na Emotive na gamit

gamit ng wika ng wika

Expressive na
gamit ng wika
Kumusta ka?
Ano bang dapat sabihin pa?
Dibdib ko’y malakas na namng kumakaba
Dapat kayang malaman mong hindi nagbabago
hanggang ngayon sinta, mahal pa rin kita
-” Kumusta Ka?”
Nonoy Zuniga

Kaytagal din nating di nagkita


Akoy nasasabik na sa’yo
Kamusta ka na nalulungkot ka rin ba?
Sana ay kapiling kita
Umulan bumagyo ayos,
Huwag kang mangangamba ayos lang,
kumusta ka mahal ko,ayos ba? sanay di pa rin magbabago
-Kumusta ka na?-
Rey Valera
Bakit kayo nagkakagulo, bakit kayo nag-aaway
prinsipyo mo’y iginagalang ko kung akoy iyong
nirespeto
kung nagtutulungan kayo, di sana magulo ang bayan
ko
Sa bayan kong sinilangan,sa timog cotabato
Ako ay namulat sa napakalaking gulo
Dahil walang respeto sa prinsipyo ng kapwa tao
kapwa Pilipino ay pinapahirapan mo,ang gulo
-Cotabato-
Asin
Diyalog 1
Thelma: Uy,napansin mo ba?
Bea: Ang ano?
Thelma: Si Sol. Kanina pa siya tahimik. Parang malungkot siya
Bea: Napansin ko rin nga..Baka may sakit siya o kaya baka may problema,halika lapitan
natin
siya
Thelma: Sol,kumusta ka?masama ba ang pakiramdam mo?
Bea: May problema ka ba? Baka makatulong kami
Sol: Naku, wala! Wala akong sakit at wala rin akong problema.. Napuyat lang ako
kagabi sa
pagsulat ng term paper natin.
Thelma: Hay… pare-pareho pala tayo. Kami rin ni Bea napuyat sa pagtapos ng term
paper
Bea: Oo nga! Mabuti naman,Sol at okey ka lang
Sol: Oo,okey lang ako. Salamat sa inyong dalawa,ha.
Diayalogo 2
Myrna: Hindi pa rin natatapos ang giyera sa Mindanao

Lito: Sinabi mo pa. Nalulungkot talaga ako sa nangyayaring ‘yan.


Natatakot ako na baka lumala pa ang giyera. Sana huwag naman.
Maraming masasayang na kabuhayan. Tiyak na lalaganap ang
kahirapan sa Mindanao.

Myrna : Hindi lang ‘yan !Ako nga awang-awa sa mga namamatayan


ng mahal sa buhay. Lalo na ‘yung mga batang nawawalan ng
magulang. Kawawa talaga sila

Lito: Sana magawan ng paraan ng pamahalaan na mahinto na ang


giyera at ng magkaroon ng tunay na kapayapaan sa Mindanao
Myrna: Ipagdasal natin ‘yan
Diyalogo 3:
Doris : Sayang talaga! Hindi talaga ako nakapanood ng concert ng One
Direction Sobrang mahal naman kasi ng tiket. Paboritong-paborito
ko pa naman sila.
Ester: Ako naman, kahit may pera akong pambili, hindi pa rin ako
manonood ng concert na ;yan
Doris: Bakit naman?
Ester: Hindi ako mahilig sa Foreign artist. Mas gusto kong tangkilikin ang
mga kanta at concert ng local artist natin. Sila ang mas pinapanood
ko.
Doris: Talaga? Palagay ko,kani-kaniya naman talagang hilig ‘yan. Basta ako,
kahit foreign o local basta gusto ko ang mga kanta,nagiging paborito
ko
Matutukoy mo ba ang mga gamit ng wika na ginamit sa Diyalogo 1:
“ Uy,napansin mo ba?
“Kumusta ka?”
Masama ba ang pakiramdam mo?
May problema ka ba?

Nagtatanong o nagbubukas ng usapan ang mga pahayag na ito.


Ginagamit natin ang wika bilang panimula ng usapan…kapag may nasalubong tayong
kaibigan,binabati natin ito at madalas ay tinatanong ng,” Saan ang punta mo?o
kaya’y”May lakad ka yata?

Basahin muli ang mga pahayag na ito mula pa rin sa Diyalogo 1:


“Baka makatulong kami”
“Mabuti naman, Sol at okey ka lang”
Diyalogo 2.
“Nalulungkot talaga ako sa mga nangyayaring iyan”
“Natatakot ako na baka lumala pa ang giyera”
“ Ako nga awang-awa sa mga namamatayan ng mahal sa
buhay”

Diyalogo 3.
“Paboritong-paborito ko pa naman sila”
“…Kahit may pera akong pambili, hindi pa rin ako manonood
ng concert na iyan.”
“hindi ako mahilig sa mga foreign artist.”
“ Mas gusto kong tangkilikin ang mga kanta at concert ng local
artist natin”
“Palagay ko,kani-kaniya naman talagang hilig yan”
Mga linyang nagpapahayag ng damdamin

Mga linyang nagpapahayag ng opinyon


• PHATIC-”Social Talk”o • EMOTIVE
Small talk • ginagamit sa pagb
• Ginagamit ito sa abahagi ng
pagbubukas ng usapan nararamdaman o
• Halimbawa: emosyon
• Kumusta Ka! • Saya
• Saan ka pupunta? • Galit
• Hiya
• kinakabahan
• EXPRESSIVE • Gayundin sa pagbuo ng
• Pagbabahagi ng kaaya –ayang relasyon
saloobin o sa ating kapwa
kabatiran,ideya at • Halimbawa:
opinyon • Sa Palagay ko….
• Maaaring makatulong • Hindi ako mahilig sa…
sa atin upang mas • Paborito ko…
makilala at maunawaan
tayo ng ibang tao • Gusto ko ang….
Sumulat ng tatlong halimbawa ng pangungusap na nagpapakita nga gamit ng
phatic,emotive at expressive

Phatic
1.
2.
3.

Expressive
1.
2.
3.

Emotive

1.
2.
3

You might also like