You are on page 1of 3

(PART1)

Core subject: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


-------------------------------------------------------------------------
Ano ang WIKA?
- ito ay mahalagang instrumento ng komunilasyon
-tunog, simbolo, at tuntunin
Mother Tongue- (inang wika)
-> unang wika
Iba pang kahulugan ng Wika
Ayon kay:
HENRY ALLAN GLEASON, JR.,
(Isang linggwista at propesor emeritus sa University of Toronto)
-"Ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamamaraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura."
DIKSYONARIYONG CAMBRIDGE
-"Ang Wika ay isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita at gramatika na ginagamit sa
iba't-ibang pakikipagtalastasan."
CHARLES DARWIN
-"Ang wika ay isang sining"
-------------------------------------------------------------------------
ANO ANG WIKANG PAMBANSA?
Kumbensyong Konstitusyunal ng 1934
"Ang batang Pambansa ay dapat magsasagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na magpapatibay
sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning Filipino." -Lope K. Santos
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
(PART2)
CORE SUBJECT: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Alam Mo Ba?
Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa kapwa ay isang katangiang unique o
natatangi lamang sa tao. Ayon kay Chomsky (1965), ang pagkamalikhain ng wika ay makikita sa kakayahan
ng tao lamang at wala sa ibang nilalang tulad ng mga hayop. Nagagamit ng tao ang wika upang
makapagpahayag ng kanyang mga karanasan, kaisipan, damdamin, hangarin, at iba pang batay sa
pangangailangan at sa angkop na sitwasyon o pagkakataon kaya naman masasabing ang wika ay natatangi
lamang sa tao at hindi sa iba pang nilalang.
May mga eksperimentong isinagawa upang malaman kung ang komunikasyon ba ng mga hayop ay katulad ng
sa wika ng tao pero hanggang ngayon ay hindi pa ito napapatunayan. Bagama't may mga hayop na natuturuang
magsalita dahil nakabibigkas sila ng ilang salita o maiikling pangungusap subalit hindi ito likas at madalas na
nasasabi lamang nila ang mga salita o pangungusap na natutuhan nila kapag nauudyukan o nabibigyan sila ng
insentibo ng taong nagsanay sa kanila. Hindi masasabing malikhain ang pangungusap na nabubuo nila dahil
ito'y karaniwang bunga lang ng pag-uudyok sa kanila. Sa kabilang banda, ang tao aygumagamit ng wikang
naaangkop sa sitwasyon o pangangailangan.
Kung gayo'y maituturing na isang mahalagang handog sa tao ang kakayahang makipagtalastasan gamit ang
wika. Nararapat lamang nating pagyamanin ang kakayahang ito at gamitin sa pamamaraang makabubuti hindi
lamang sa sarili kundi sa higit na nakararami.
*credits
--------------------------------------------------------------------------
|MGA BARAYTI NG WIKA|
1. Dayalek- wiking nililikha ng dimensyong heograpiko.
Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.
Halimbawa: Wika ng mga Batangueño
2. Sosyolek- nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Ito ay nakabatay sa pangkat panlipunam at maaaring may
okupasyonal na rehistro na tinatawag na jargon
Halimbawa: Bekiwords, Jejemon etc
JARGON- Ang katagang jargon ay isang Ingles na salita na tumutukoy sa mga espesyal na salita o ekspresyon
na ginagamit ng isang partikular ng grupo ng mga taong propesyunal at mga espesyalista.
3. Idyolek- ang bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa.
Halimbawa: "Kapuso mo, Jessica Soho" - Jessica Soho
4. Etnolek- wika na nagdedebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistamg grupo. Taglat nito ang mga wikang
naging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
Halimbawa: *Palangga- iniirog, sinisinta
5. Pidgin- wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang "nobody's native language" ng mga
dayuhan.
-Ginagamit ng dalawang indibidwal na nag-uusap na may dalawa ring magkaibang wika.
Halimbawa: *Ako kita ganda babae
* Kayo bili damit akin
6. Creole- wika na nagdedebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang
lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular na lugar.
---> Pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol
Halimbawa: *Buenas Dias- "Magandang Umaga"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
(PART3)
CORE SUBJECT: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
--------------------------------------------------------------------------
Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, "Ang Wikang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa Metro
Manila, Pambansang Punong Rehiyon, at senrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa
proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihram sa mga wika ng Pilipinas at mga di katutubong
wika para sa iba't ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba't ibang saligang sosyal, at par sa mga
paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.
Inilahad ni M.A.K. Halliday ang pitong (7) tungkulin ng wika ayon sa gampanin nito sa ating buhay.
1. Instrumental - tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba tulad ng
pagsulat ng liham pangangalakal, at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto
2. Regulatoryo - tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao tulad ng pagbibigay ng direksiyon gaya
ng pagtuturong lokasyon ng isang partikular na lugar; mga hakbang sa pagluluto ng ulam; panuto sa pagsagot
sa pagsusulit; at mga gabay sa paggawa ng anumang bagay
3. Interaksiyonal - nakikita sa paraang pakikipagtalastasan ng tao sa kanyang kapwa; pakikipagbiruan;
pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa partikular na isyu; pagkukuwento ng malulungkot o masasayang
pangyayari sa isang kaibigan o kapalagayang loob; paggawa ng liham pangkaibigan; at iba pa
4. Personal - pagpapahayag ng opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan katulad sa pagsulat ng
talaaarawan o journal, at ang pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan
5. Heuristiko - ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyon na may kinalaman sa paksang pinag-
aaralan katulad sa pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong tungkol sa paksang pinag-aralan;
pakikinig sa radyo; panonood sa telebisyon; at pagbabasa sa pahayagan, magasin, blog, at mga aklat kung saan
makakukuha tayo ng mga impormasyon
6. Impormatibo - may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat o pasalita katulad ng
pagbibigay ulat, paggawa ng pamanahong papel, tesis, panayam, at pagtuturo.
(credits to the owner)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

You might also like