You are on page 1of 2

RASYONALE

Likas sa tao ang makipagkomunikasyon o makisalamuha sa ibang tao, sa


pamamagitan nito nalalaman ng isang tao ang kahalagahan ng katayuan ng
sangkatauhan at nabibigyan nito ng tunay na kabuluhan ang buhay ng isang tao.
Samakatuwid ang tao ay gumagamit ng wika bilang kasangkapan sa
pakikipagtalastasan sa lipunan ng kanyang kinabibilangan (Flores at Lopez 1998).

Mahalaga ang wika sa tao sapagkat ito ang pangunahing kailangan upang
maipahayag natin ang damdamin, saloobin, at iba pa. Ito ang nagsisilbing tulay upang
magkakaroon ng pagkakaunawaan ang bawat isa. Higit sa lahat nagkakaroon ng
pagkatuto mula sa pagpapahayag at napapakinabangan natin ang kasanayan sa
pakikipagtalastasan upang maisakatuparan ang pakikilahok sa lipunan.

Bilang Pilipino, mahalagang pag-aralan ang varyasyon ng wika upang


maunawaan ang pagkakaiba-iba ng wika sa larangan ng lipunan. At ito’y nararapat
lamang na malaman ng tao, sa bawat lugar ay may natatanging iba’t ibang wikain na
kadalasan ay isinasantabi lamang hindi nabib igyan ng pansin ang tunay na papel ng
wika sa bawat lugar. Isa sa kahalagahan ng pag-aaral ng varayti ng wika ay napapadali
ang pagkakakilanlan sa isang tao kung saang lugar ito napapabilang. Ito ay nagsisilbing
gabay upang mamukhaan ang iyong pagkatao sa pamamagitan ng iyong pananalita.

Sa teoryang sosyolinggwistik pinapaliwanag ditto na pinagtibay ng ideya ng


pagiging heterogeneous ng wika. Nakapaloob dito ang pag-aaral at pag-aanalys ng iba’t
ibang anyo o varayti ng isang wika na tinatawag na dayalek. Nag-uugat ang mga varayti
ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo maging ang kani-kanilang
tirahan, interes, gawain, pinag-aralan, at iba pa.

Ayon kay Gleason, ang wika ay binubuo ng mga tunog na pinili at inaayos sa
paraang arbitwaryo ng mga taong nabibilang. Sa pahayag na ito ang tao lamang ang
bumuo ng isang wika na may kinalaman sa kanilang kultura.

Ayon naman kay Constantino, isang dalubwika ang wika ay maituturing na


bihekulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang instrumento rin sa pagtatayo at
pagsisiwalat ng katotohanan.

Ang pananaliksik na ito ay layuning malaman ang pagkakaiba-iba sa varyasyon


ng wika na ginagamit ng mga tao sa piling lugar ng Pintuyan Southern Leyte. Ayon sa
tono, bigkas, uri, at anyo ng salita.Layunin din nitong mapanatili ang kinagisnang wika
at upang hindi ito tuluyang mawala.

Sinikap ng mananaliksik na sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay matuklasan


ang kanilang kaalaman ukol sa iba pang mga wikaing particular sa mga piling lugar ng
lungsod ng Pintuyan Southern Leyte. Malinaw na inilarawan nito ang diin , tono, uri, at
anyo ng salita sa bawat salitang ibinigay ng mga kalahok ng pag-aaral.

You might also like