You are on page 1of 31

Republika ng Pilipinas

Southern Luzon State University


Kolehiyo ng Panggurong Edukasyon
Lucban, Quezon

WER NA U, D2 NA ME:
GRAMATIKAL NA REPRESENTASYON NG
WIKA SA TEXT MESSAGING

Isang Pamanahong Papel


Bilang Pagtupad sa Kahingian ng
Asignaturang FIL11: Barayti at Baryasyon ng Wika

Isinumite ni:
Isaac O. Bonete
BSEd Filipino III

Isinumite kay:
Prop. Michael Anthony G. Nada

Oktubre 2020
TALAAN NG NILALAMAN

Introduksyon……………………………………………………………………….2
Layunin……………………………………………………………………………...3
Metodo ng Pananaliksik………………………………………………………….3
Diskusyon…………………………………………………………………………..4
Konklusyon………………………………………………………………………..19
Sanggunian………………………………………………………………………..20
Dokumentasyon……………………………………………………………….....21

i
TALAAN NG TALAHANAYAN

Pagpapaikli ng Salita (Talahanayan 1).......................................................... 4


Pag-aakronim (Talahanayan 2) ..................................................................... 5
Pagkakaltas-Patinig (Talahanayan 3a) ......................................................... 6
Pagkakaltas-Patinig (Talahanayan 3b) ......................................................... 7
Pagkakaltas-Katinig (Talahanayan 4) ........................................................... 7
Selektibong Pagkakaltas-Titik (Talahanayan 5) .......................................... 8
Pag-aalis ng Espasyo (Talahanayan 6) ........................................................ 9
Pag-aalis ng Titik at Espasyo (Talahanayan 7) ............................................9
Pagpapalit-Ponema (Talahanayan 8) ..........................................................10
Palit-Tunog Gamit ang Titik (Talahanayan 9a) ...........................................11
Palit-Tunog Gamit ang Titik (Talahanayan 9b) ...........................................11
Pagbabaybay sa Filipino (Talahanayan 10) ................................................12
Palit-Tunog Gamit ang Numero (Talahanayan 11) .....................................13
Numero bilang Pamilang (Talahanayan 12) ................................................13
Numero bilang Dami ng Pag-uulit (Talahanayan 13) ..................................14
Numero bilang Pamalit na Titik (Talahanayan 14) ......................................14
Pinaghalong titik at Numero (Talahanayan 15) ...........................................15
Pagdadagdag-titik (Talahanayan 16) ...........................................................15
Halo-halo / Jejemon (Talahanayan 17) ........................................................16
Paggamit ng Signs, Symbols at Iba Pa (Talahanayan 18) ..........................17
Paggamit ng Emoticons (Talahanayan 19) .................................................18
Mga Nakatitik na Emosyon (Talahanayan 20) .............................................18

ii
INTRODUKSYON

Ang text messaging o texting ay tumutukoy sa pagpapalitan ng mga


mensahe sa pagitan ng mga mobile phone gamit ang short message service
(SMS), isang built-in feature sa mga mobile phone simula pa noong 1900.
Mabagal ang pagtangkilik dito noon subalit kalaunan ay pumatok ito dahil hindi
maitatangging marami itong naging implikasyon sa sosyal at sikolohikal na
aspekto ng buhay. Lumaon pa ay naging mabilis din ang paglaganap nito sa
bansang Pilipinas na kinilala bilang SMS / text capital ng mundo.

Bunsod ng paglaganap ng text messaging sa bansa, nagkaroon ng kultura


kung paano irerepresenta ang mga salita sa text. Maraming paraan o style ang
nalikha at ilan lamang dito ang pagkakaltas ng mga titik at pagpapalit ng tunog.
Sa pag-aaral nina Cabatbat at Tapang (2013), tinukoy nila ang apat (4) na
paraan ng pagtetext sa Pilipinas. Ang mga ito ay tinatawag na ending
(pagkakaltas ng dulong patinig), consonant skeleton (pagkakaltas ng mga
patinig), phonetic style (pagpapalit-tunog), at repeating units (pag-uulit).
Subalit sa patuloy na paglaganap ng text messaging sa loob ng marami pang
taon, maraming paraan na rin ang nalikha o nadagdag.

Tila sakit na nakahahawa ang paglaganap ng mga paraan sa pagtetext


dahil naroon ang exposure ng texter sa malikhaing paraan ng pagbuo ng mga
salita at pangungusap. Sa kabilang banda ay maaaring sabihin itong masama
at nakaaalarma subalit sa isang banda ay maituturing itong magandang bagay
dahil patunay ito na sumasailalim sa mga pagbabago ang wikang Filipino.

Mula rito, ninais ng mananaliksik na tuklasin ang mga paraang nasa ilalim
ng gramatikal na representasyon ng wika sa text messaging. Bunsod ng
patuloy na pag-iral nito, ano-ano na nga kaya ang mga paraang nabuo o
nalikha ng mga Pilipino?

2
LAYUNIN

Bahagi ng pamanahong papel na ito ang pangkalahatang layunin nitong


tingnan ang kalagayan ng wika sa text messaging upang partikular na
maunawaan at malaman ang gramatikal na representasyon ng wika o kung
paano binubuo ang mga salita sa text. Dahil dito, isinagawa ng mananaliksik
ang mga sumusunod na layunin:

➢ Malaman ang paraan kung paano ginagamit ng kabataan ang wika sa


text messaging; at

➢ Maisa-isa ang mga paraan sa pagbuo ng salita at pangungusap sa


text messaging.

METODO NG PANANALIKSIK

Ang pamanahong papel na ito ay may deskriptibong disenyo na


naglalarawan sa kalagayan ng wikang Filipino sa text messaging, partikular sa
paraan ng pagbuo at representasyon ng wika rito. Sa pamamagitan ng
pakikipanayam, nilayon ng mananaliksik na malaman ang karanasan ng mga
kalahok ukol sa text messaging upang matukoy ang papel na ginagampanan
nito sa kanilang buhay. Purposive sampling ang paraang ginamit sa paghanap
ng mga kalahok at limitado lamang ito para sa mga kalahok na may karanasan
sa pagtetext. Malaya ang daloy ng panayam kung saan bahagi nito ang
pagbibigay ng mga dagdag at pahabol na katanungan upang tiyak na
makakalap ng iba pang impormasyong kinakailangan. Isinagawa ito sa anyong
impormal at nakalunan ito sa Messenger kung saan naging madali ang
pakikipag-usap sa kabila man ng layo sa isa’t isa ng tagapanayam at
kinakapanayam. Gayunpaman, gumamit pa rin ang mananaliksik ng
primaryang sanggunian na naglalaman ng aktwal na text message. Dagdag
din dito ang sekundaryang sanggunian kagaya ng mga larawan, babasahin at
panooring mula sa internet upang punan ang naging kakulangan sa
pangangalap ng impormasyon upang sa gayon ay mas mainam na masuri at
mapayaman ang pagtalakay sa paksa.

3
DISKUSYON
Tinatawag na textese ang wikang umiiral sa text messaging at nakikilala
ito sa pamamagitan ng maraming pagdadaglat and madalas. Hindi ito
nakakahon sa standard na pagbabaybay, gramatika, kapitalisasyon at
pagbabantas. Sang-ayon sa pagbanggit nina Gupta at Tuteja (2015), ang
textese ay kinapapalooban ng paggamit sa mga titik, numero, emoticons,
pagpapaikli ng mga salita, pagbabantas at kapitalisasyon. Nagmula ito sa text
messaging na mayroon lamang noong 120 [160] bilang ng karakter. Ibig
sabihin, nagbunga ito mula sa pagiging limitado ng bilang ng mga karakter at
gayundin naman, mula sa malikhaing kaisipan ng mga taong bumubuhay sa
kultura ng text messaging.

Mula sa pagiging maikli at limitado ng text messaging, umiral ang


maraming paraan sa ilalim ng textese. Ang mga sumusunod na talahanayan
ang magsisilbing halimbawa ng mga paraang nilikha ng mga Pilipino.

PAGPAPAIKLI

Sa ilalim ng pagpapaikli o shortenings, maraming paraan ang maipapakita.


Maaaring paikliin ang mensahe sa text mula sa pagpapaikli ng mga salitang
gagamitin, pagkakaltas ng mga titik mula sa salita o di kaya naman ay
pag-aalis ng espasyo sa pagitan ng mga salita. Binanggit ni Lopez (2007) sa
kaniyang pag-aaral ang iba’t ibang paraan ng pagpapaikli sa text messaging,
at ilan sa mga ito ay ang pagkakaltas (ng titik) at pagbabaybay, at ang
pagpapalit ng titik at paggamit ng titik at numero bilang pamalit-tunog na inuri
naman ng mananaliksik ng papel na ito sa ilalim ng pagpapalit at pagbabago
ng ispeling.

Pagpapaikli ng Salita

SALITA SA TEXT ORIHINAL NA SULAT O BAYBAY


aftie afternoon
ass / assign assignment
bfast breakfast
doc doctor
gmorning good morning

4
gnight good night
mam ma’am
no number
ques question
sub subject
Talahanayan 1. Pagpapaikli ng Salita.

Ipinapakita sa talahanayan 1 ang karaniwang paraan sa pagpapaikli ng


salita kung saan madalas naiiwan ang unang pantig ng (mga) salita. Kagaya
sa mga salitang ass, doc, ques at sub, kinaltas dito ang mga kasunod nitong
pantig. Samantala, iba ito sa gmorning, gnight at bfast na naiwan ang unang
titik habang hindi kinaltas ang mga kasunod na pantig at/o salita. Bukod sa
mga ito, mayroon ding pinaghalong pagkakaltas-titik/pantig at pagbabago ng
ispeling kagaya sa aftie at no habang mayroon din namang simpleng
pagkakaltas ng titik at sign kagaya sa salitang ma’am na naging mam.

Pag-aakronim / AKRONIM

SALITA SA TEXT ORIHINAL NA SULAT O BAYBAY


k Okey
skl Share ko lang
sml Share mo lang/ so much love
am / pm Umaga / hapon o gabi
pm / gm Personal message / group message
cp Cellphone
ol Online
tc Take care
ty / typ Thank you / thank you po
atm At the moment
ctt / ctc care to text / care to call
gbu God bless you
imy / ily I miss you / I love you
jgh Just got home
jwu Just woke up
lol Laugh out loud
nvm Never mind
fftb Fresh from the bath
mbtc More birthdays to come
ootd Outfit of the day
Talahanayan 2. Pag-aakronim.

5
Sa talahanayan 2, ipinakita naman ang dalawang paraan ng pag-aakronim.
Ang unang paraan ay ang paggamit ng titik para kumatawan sa isang pantig,
at ang ikalawang paraan naman ay ang paggamit ng titik para kumatawan sa
isang salita. Ang mga mainam na halimbawa nito ay ang NVM (never mind) at
SML (share ko lang / so much hate). Samantala, hindi nito kagaya ang K na
may dalawang pantig na kinakatawan, at AM/PM (kumakatawan sa mas
mahabang salita na ante meridiem at post meridiem) na kontekstwalisado
bilang umaga at hapon/gabi.

Pagkakaltas ng Titik (Patinig) / PAGKAKALTAS-PATINIG

SALITA SA TEXT ORIHINAL NA SULAT O BAYBAY


bkt Bakit
dn / rn Din / rin
dw Daw
dyn Dyan
gb Gabi
lng Lang
psk Pasok
rply Reply
sn Saan
tlg Talaga
txt Text
yng Yung
Talahanayan 3 (a). Pagkakaltas-Patinig.

Sa talahanayan 3 (a), ipinakita ang pagkakaltas ng (mga) patinig. Madalas


itong gamitin sa text dahil limitado lang ang karakter 6itto. Bagaman may
pagkakataong nakakalito, madali itong maintindihan dahil silabiko ang paraan
ng pagsulat sa Filipino. Kaya naman, ang simpleng pagkakaltas ng isa o
dalawang patinig sa isang salita ay hindi ganoong makaaapektuhan sa
kalinawan at kabisaan ng mensahe sa text. Sa kabilang banda, ipinakita sa
talahanayan 3 (b) ang sitwasyong ito kung saan maaaring kumatawan sa
maraming pantig ang isang titik.

6
Iba Pang Halimbawa ng Pagkakaltas-Patinig

TEXT ORIHINAL NA SULAT O HALIMBAWA


BAYBAY
s sa, si sna (sana), sna (sina)
n na, ni nnay (nanay), nna (nina)
m ma, mo mbaho, m (mo)
p pa, pe, pi, po, pu ppa (papa), pklat (peklat),
ppirma (pipirma), po, ppnta
(pupunta)
k ka, ki, ko k (ka/ko) ba (kaba), kna (kina)
b ba b (ba)
d Da, di Dmot (damot), d (di/ hindi)
g Ga, ge, gi, go, gu Ggwin (gagawin), g (ge/ sige),
gnaw (ginaw), g (go), gsto
(gusto)
Talahanayan 3 (b). Pagkakaltas-Patinig.

Sa isang pangungusap, maaaring katawanin ng s ang mga salitang “sa”


at/o “si”. Halimbawa, “Ppnta s Donna s tndahan mmya.” Makikita rito na
parehas s ang ginamit sa salitang “sa” at “si” subalit naiintindihan ito dahil
naman sa sistema sa pagbuo ng pangungusap sa wikang Filipino.

Pagkakaltas ng Titik (Katinig) / PAGKAKALTAS-KATINIG

SALITA SA TEXT ORIHINAL NA SULAT O BAYBAY


kis Kiss
kua Kuya
lg Lang
helo Hello
mis Miss
nio nia Niyo / niya
oy Hoy
sia Siya
ung / ug Yung
wen When
Talahanayan 4. Pagkakaltas-Katinig.

Isa pang halimbawa ng pagkakaltas ay ang pagkakaltas-katinig na


ipinakita sa talahanayan 4. Kadalasan, titik h at y ang inaalis 7itto dahil
nagiging tunog hangin ang h at malapatinig naman ang tunog ng y. Ang

7
paraang ito ay hindi gaanong nagagawa dahil ang 8 itt at kalinawan ng
mensahe ay bumababa dahil pundamental ang katinig sa wikang Filipino na
silabiko. Ang isang katinig ay may kakayahang makapag-isa at kumatawan sa
maraming pantig (kagaya sa talahanayan 3b) subalit ang isang patinig ay
walang kayang kumatawan sa marami pa dahil ang tanging kinakatawan nito
ay ang kaniyang sarili (at tunog).

Selektibong Pagkakaltas ng Titik

SALITA SA TEXT ORIHINAL NA SULAT O BAYBAY


andto Nandito
bsta Basta
buks Bukas
byan Bayan
dmalo Dumalo
dti Dati
ganto / gnito Ganito
gwa Gawa
hav Have
kmain Kumain
kmsta Kumusta
ksma Kasama
kya Kaya
lod Load
natn / ntin Natin
ok Okay / Okey
ppnta Papunta / Pupunta
snsya Pasensya
ssbhin Sasabihin
sya / sia Siya
Talahanayan 5. Selektibong Pagkakaltas-Titik.

Samantala, ipinakita naman sa talahanayan 5 ang selektibong


pagkakaltas ng titik. Tinatawag itong selektibo dahil maaari itong kumaltas ng
kahit ilang titik (patinig o katinig, ngunit madalas ay katinig). Halimbawa nito ay
ang “ksma” kung saan dalawang “a” ang kinaltas. Gayundin naman, sa
halimbawang “ganto / gnito”, ipinakita naman na isang titik lang ang kinaltas
pero mula sa magkaibang puwesto. Sa “sya at sia” naman, magkaibang titik
ang inalis (i at y) subalit napanatili pa rin ang kahulugan nitong “siya”. Ibig

8
sabihin, sa ilalim ng selektibong pagkakaltas-titik, pili lamang ang kinakaltas –
hindi lahat ng titik ay inaalis, at kahit aling patinig ay maaaring maalis.

Pag-aalis ng Espasyo

SALITA SA TEXT ORIHINAL NA SULAT O BAYBAY


godbless God bless
goodluck Good luck
iloveyou I love you
imissyou I miss you
nanaman na naman
napo na po
palang / nalang pa lang / na lang
parin / narin pa rin / na rin
takecare Take care
thankyou Thank you
Talahanayan 6. Pag-aalis- Espasyo.

Sa talahanayan 6 naman, ipinakita lang ang simpleng pag-aalis ng


espasyo sa pagitan ng dalawa at/o tatlong salita. Makikita sa talahanayan sa
itaas na walang nabago sa ispeling ng mga salita subalit nabuo ang mga salita
bilang isang salita dahil inalis ang espasyo. Madalas itong mapansin sa mga
maikling salita ng madali at mabilis bigkasin.

Pag-aalis ng Titik at Espasyo

SALITA SA TEXT ORIHINAL NA SULAT O BAYBAY


dko di ko
kbye Okay, bye
kn / knb ka na / ka na ba
ktnks Okay, thanks
lobat / lowbat Low battery
moko mo ako
nako / pako na ako / pa ako
nko na ako
nlng / plng na lang / pa lang
nrin / prin na rin / pa rin
sakin / skin sa akin
satin / stin sa atin
txtbck / txtbk text back
Talahanayan 7. Pag-aalis ng Titik at Espasyo.

9
Samantala, ipinakita naman sa talahanayan 7 ang pinaghalong pag-aalis
ng titik at espasyo. Sa madaling sabi, napagsasama ang dalawang maikling
salita at nabubuo ang isang salita. Lamang, nababawasan ng titik ang orihinal
na salita para mas mapaikli ang mga salita. Partikular 10itto ang txtbk at lowbat
kung saan maraming titik ang nabawas.

PAGPAPALIT NG ISPELING

Maliban sa pagpapaikli ng salita, ang isa pang paraang ginagamit sa text


messaging ay ang pagpapalit ng ispeling ng salita. Ibig sabihin nito, halos
napapanatili ng salita ang orihinal nitong tunog at pagkakabaybay. Sa
madaling salita ay nagkakaroon lamang ng substitusyon sa pagitan ng mga
titik, at hindi alterasyon o ganap na pagbabago ng kabuuang ispeling. Ang
ipinapakita lamang ditto ay ang pagpapalit ng titik o tunog ng isang salita kaya
saklaw nito ang pagpapalit-ponema, titik at pagbabaybay-Filipino.

Pagpapalit-Ponema / PALIT-PONEMA

SALITA SA TEXT ORIHINAL NA SULAT O BAYBAY


aku Ako
marame Marami
bontis Buntis
ditu Dito
itu Ito
kame Kami
Kaonte / onte Kaunti / unti
sabe Sabi
sampo Sampu
subra Sobra
Talahanayan 8. Pagpapalit-Ponema.

Sa talahanayan 8, ipinakita ang pagpapalit ng ponema o patinig. Sa


wikang Filipino, nagpapalitan ang mga patinig na “e at i” at “o at u”. Nakalilito
ang paraang ito pagdating sa tamang ispeling o pagbaybay ng salita subalit
hindi ito nakalilito pagdating sa kahulugan.

10
Palit-Tunog Gamit ang (mga) Titik

SALITA SA TEXT ORIHINAL NA SULAT O BAYBAY


b be, bee
c si, see, sea, ci
d the
f if
k ok
m am
n and
q ko
r are, our
s is
t ti, tea
u you, -yo
v -bi
x eks, -ks
y why
Talahanayan 9 (a). Palit-Tunog Gamit ang Titik.

Ipinakita sa talahanayan 7 (a) ang pagpapalit ng tunog gamit ang titik.


Ito ay simpleng substitusyon o paghahalili ng titik para sa (mga) salitang
katulad ang tunog. Ibig sabihin, sa halimbawang “c”, ang titik na ito ay
maaaring gamiting panghalili sa mga salitang “si”, “see” at “sea”, o hindi
kaya’y para sa pantig na “-ci/ci-“. Ang ilan pang halimbawa nito ay ipinakita
sa kasunod na talahanayan.

Iba pang Halimbawa ng Palit-Tunog Gamit ang Titik

SALITA SA TEXT ORIHINAL NA SULAT O BAYBAY


Xmas Christmas
ur Your, you’re
kau / sau Kayo / sa’yo
xnxia (Pa)sensya
tym Time
cos (Be)cause
Yir Year
Nid Need
luv Love
jan Dyan
Talahanayan 9 (b). Palit-Tunog Gamit ang Titik.

11
Ipinakita rin naman sa talahanayan 7 (b) ang iba pang halimbawa ng
pagpapalit-tunog gamit ang titik kung saan napapaikli at napapalitan ang
ispeling ng salita dahil may humahalili sa ibang tunog nito. Halimbawa, ang
salitang “dyan” ay nagiging “jan” kahit maaari itong ikalito bilang January
(Enero). Isa pang halimbawa ay ang pagpapalit ng titik “i” sa mga salitang
“year” at “need”, at pagpapalit ng “y” (may tunoy na “ay”) para sa salitang
“time”. Ipinapakita lamang ditto na ang isang titik ay maaaring kumatawan sa
isa o dalawang titik na may iisa at katulad na tunog ng panghalili.

Pagbabaybay sa Filipino

SALITA SA TEXT ORIHINAL NA SULAT O BAYBAY


da The
den Then
der There
dis This
dok Doc
ebridey Everyday
ebriwan Everyone
gud Good
gudlak Good luck
hapi Happy
hu Who
iskul School
klasrum Classroom
lab Love
ol All
opis Office
pis Peace
serbis Service
sori Sorry
tenks Thanks
welkam Welcome
wen When
wer Where
Talahanayan 10. Pagbabaybay-Filipino.

Sa talahanayan 9 naman, ipinakita rito ang pagpapalit ng ispeling sa


pamamagitan ng paglilipat o pagbabaybay sa wikang Filipino. Simple lang ang
rule dito dahil sa wikang Filipino, kung ano ang baybay, iyon ang sulat.

12
Naipakita rin dito na napapaikli ang isang salita, partikular ang mga salita sa
ibang wika kagaya ng Ingles.

PAGBABAGO NG ISPELING

Maliban naman sa pagpapaikli at pagpapalit ng ispeling, isang paraan din


sa text messaging ang pagbabago ng ispeling ng isang salita. Maaaring
gumamit dito ng numero, signs at symbols. Maaari ding pahabain ang isang
salita sa pamamagitan ng pagdadagdag ng titik, paghahalo ng titik at numero
at paghahalo-halo ng mga karakter sa text kagaya sa jejemon.

Palit-Tunog Gamit ang (mga) Numero

SALITA SA TEXT ORIHINAL NA SULAT O BAYBAY


22o Totoo
some1 Someone
e1 Ewan
3p Trip
s2pid Stupid
4ple Purple
L8 Late
14u One for you
u2 You too
10tative Tentative
Talahanayan 11. Palit-Tunog Gamit ang Numero.

Ang ipinakitang paraan sa talahanayan 10 ay ang paggamit ng numero


bilang pamalit-tunog sa mga tunog at/o salita sa text. Ang pinakagamiting
numero ay ang 2 kung saan ginagamit itong panghalili sa “too”, “to” at “to”
(Filipino). Sa pamamagitan ng paggamit ng numero bilang pamalit na tunog,
mas napaiikli ang salita, dulot na rin ng pagbabago ng ispeling nito.

Numero bilang Pamilang

NUMERO SA TEXT ORIHINAL NA SULAT O BAYBAY


1 One, isa, uno
2 Two, dalawa, dos
3 Three, tatlo, tres
10 Ten, sampu, dyes

13
11 Eleven, labing-isa, onse
20 Twenty, dalwampu, beinte/bente
50 Fifty, limampu
70 Seventy, pitumpu
100 One hundred, sandaan
1000 One thousand, isang libo
Talahanayan 12. Numero bilang Pamilang.

Sa katunayan, umiiral ang numero sa text para sumimbolo sa bilang o


halaga ng isang partikular na bagay. Ipinakita sa talahanayan 11 ang orihinal
na function ng mga numero sa text, at ito ay para katawanin ang sariling
halaga. Sa pamamagitan nito, mas maraming natitipid na karakter dahil hindi
na kailangang i-type ang buong katawagan o salita para sa mga numero.

Numero bilang Dami ng Pag-uulit

SALITA SA TEXT ORIHINAL NA SULAT O BAYBAY


Araw2 Araw-araw
Sari2 Sari-sari
Nama2hala Namamahala
Nagla2kad Naglalakad
Ma3yan Mamamayan
Talahanayan 13. Numero bilang Dami ng Pag-uulit.

Hindi lamang nakapako sa pagtukoy ng bilang o dami ng isang partikular


na bagay ang function ng numero sa text bagkus ay maaari ding itong tumukoy
sa bilang o dami ng pag-uulit na gagawin sa isang pantig at/o salita na
ipinakita sa talahanayan 13. Madalas, sa mga salitang nauulit lang kagaya ng
sari-sari at araw-araw, itina-type na lang ito bilang sari2x / sari2 at araw2x /
araw2. Ito ay para mapadali ang paglalagay ng mga salita sa mensahe. Gayon
nga, tumutukoy din ito sa dami ng pag-uulit na gagawin sa isang pantig. Ang
mga halimbawa pa nito ay ang nagla2kad at ma3ya kung saan dalawang
beses uulitin ang la habang tatlong beses namang uulitin ang ma.

Numero bilang Pamalit na Titik

NUMERO SA TEXT ORIHINAL NA SULAT O BAYBAY


0 O
1 I

14
3 E
4 A
5 S
6 G
7 L
12 R
13 B
Talahanayan 14. Numero bilang Pamalit na Titik.

Maliban sa mga naunang paraan gamit ang numero, kumakatawan din


ang numero bilang titik sa text messaging. Ilan lamang sa mga halimbawa sa
paggamit ng paraang ito ang mga nakatala sa talahanayan 14.

Pinaghalong Titik at Numero

SALITA SA TEXT ORIHINAL NA SULAT O BAYBAY


0o Oo
22o Totoo
D2 Dito
K4m1 Kami
Sa2vhin Sasabihin
Qtp2t Cutie patootie
S4L4m4t Salamat
T3nk u Thank you
U2 u2 Uto-uto
W3Lc0m3 Welcome
W8 Wait
Talahanayan 15. Pinaghalong Titik at Numero.

Sa talahanayan 15 naman, naipakita ang paghahalo ng titik at numero


sa loob ng (mga) salita. Dito pumapasok ang fleksibilidad o versatility ng
numero para kumatawan bilang titik, tunog at dami ng pag-uulit sa pantig.

Pagdadagdag-titik

SALITA SA TEXT ORIHINAL NA SULAT O BAYBAY


Akoo Ako
Aanooo Ano
Kamiii Kami
Yayyyy Yay

15
s-ssss-saan Saan
Enggkkkk Engk
Kailann Kailan
Namans Naman
Langz Lang
Okeiy / okis Okay / Okey
yesssss Yes
Talahanayan 16. Pagdadagdag-Titik.

Samantala, ipinakita naman sa talahanayan 16 ang simpleng pagbabago


ng ispeling sa pamamagitan ng pagdadagdag ng titik sa isang salita. Maaari
itong gawin sa pamamagitan ng pagdodoble o higit pa ng kahit anong titik sa
loob ng isang salita. Gayundin naman, nagagawa rin ito sa pamamagitan ng
pagdadagdag ng s, y, at z sa mga salita, at literal na pagdadagdag ng iba
pang titik na hindi naman orihinal na kasama nito.

Halo-halo / Jejemon

SALITA SA TEXT ORIHINAL NA SULAT O BAYBAY


oK3y lNq aQ0uh . Okey lang ako.
uxTah key0w Kumusta kayo?
uALa lNq Wala lang.
aUx k lng vAh ?? Ayos ka lang ba?
J3j3j3j3 Hehehehe
$nA nMan Sana naman
2rp3 k#a Torpe ka
hUq0T Hugot
B3inT3_tr3z Beinte tres
Talahanayan 17. Halo-halo / Jejemon.

Kakikitaan ang text messaging ng malikhaing paglalaro ng tao sa wika at


mga salita. Umusbong ang JEJEMON dahil sa pakikipaglarong ito at
bumalikwas ito sa kombensyunal na paraan ng pagsulat. Sa anyong
elektroniko, nagkaroon ng paghahalo-halo ng mga titik, simbolo at numero.
Wala na ring ganoong pagsasaalang-alang sa mga tuntunin tungkol sa
wastong kapitalisasyon at pagbabantas. Ipinakita sa talahanayan 17 kung
paano ganap na nagbago ang ispeling ng (mga) salita sa pamamagitan ng
paghahalo-halo ng mga paraang umuso sa text messaging.

16
IBA PANG FUNCTION/GAMIT SA TEXT

Bukod sa lahat ng mga naitala at nabanggit na paraan ng pagbuo at


pagrerepresenta ng mga salita sa text messaging, ipinakita naman sa tatlong
(3) sumusunod na talahanayan ang iba pang function at/o paraan na umiiral sa
text messaging. Ang lahat ng mga ito ay bahagi na rin ng kultura ng pagtetext
ng mga Pinoy magpasahanggang sa ngayon, partikular ang mga emoticons at
nakatitik na emosyon. Ang mga ito ang nagsisilbing tulong para mas
maiparating at maipaunawa ang nilalaman at damdamin ng mensahe.
Sapagkat nagkakaroon ng kalabuan ang komunikasyon sa text messaging
dahil sa mga misinterpretasyon at nakalilitong salita, nakatutulong ang mga
babanggiting paraan para maiwasan ang pag-iral ng malabong
pakikipag-ugnayan.

Paggamit ng Signs, Symbols at Iba Pa

SIGN/SYMBOL ORIHINAL NA SULAT O BAYBAY


- Minus
# Hashtag, H, number sign
$ Dollar, S
& And
( ) Parenthesis, ngiti o simangot
* Asterisk, para itama ang namali
/ Slash, bibig
: Colon, mata
; Semi-colon, Mata
? J
@ At
[ ] Bibig
\/\/ W
|< K
‘ Apostrophe, luha
+ Plus
< > Bibig
… Ellipsis, may kadugsong
CAPSLOCK Malalaking titik, nagpapahayag ng
intense na pakiramdam
Talahanayan 18. Paggamit ng Signs, Symbols at Iba Pa.

17
Paggamit ng Emoticons

EMOTICON SA TEXT ORIHINAL NA SULAT O BAYBAY


:( :-( Malungkot
:) :-) Nakangiti
:* Halik
:’( Umiiyak / Naiiyak
:D Masaya
:O Nagulat
:p Naka-dila
^_^ Natutuwa
>///< Nagba-blush o kinikilig
>_< Nasaktan, nahihilo o nasusuka
Talahanayan 19. Paggamit ng Emoticons.

Mga Nakatitik na Emosyon

SALITA SA TEXT KAHULUGAN


Ay Nadismaya / Nagulat
Ayie Nanunukso
Brr Nilalamig
Bwahaha / Wahaha Halakhak
Ew / Yuck Nandidiri
Grr Nagagalit o nanggigigil
Ha ha ha Sarkastikong tawa
Hahaha Masaya, tumatawa
Hala Nagulat / Nabigla
Hehehe Tawang may kasamang hiya
Hihihi Tawang may kasamang kilig
Hmm Napapaisip
Hmp Nagtatampo
Hohoho Tawang may kasamang
pang-aasar
Huhuhu Malungkot, umiiyak
Lelz / Lel Hindi gaanong napatawa
Mwehehe Tawang may kasamang
Nyak / Ngek Sumaltik
Zzz Inaantok
Talahanayan 20. Mga Nakatitik na Emosyon.

18
KONKLUSYON

Mapaglaro ang tao sa wika, at sa kaniyang pakikipaglaro rito, nakabubuo


siya ng mga bagong paraan kung paano irerepresenta at bubuuin ang mga
salitang kaniyang gagamitin, batay sa mga aytem na available sa kaniya.
Sapagkat maikli lamang ang text, hangga’t maaari ay pinaiikli rin ng texter ang
pagta-type o pagbuo ng mga salita at pangungusap dito. Dahil dito, umusbong
ang mga pamamaraang binanggit sa mga talahanayan.

Limitado lang din ang mga karakter sa text messaging at may katangian ito
ng pagmamadali. Dahil de-keypad ang mga cellphone noon, nagkakaroon ng
hadlang para maging madali ang pagtatype ng mga salita. Kaya naman,
masasabing isang salik din namang maituturing ang uri o anyo ng keyboard
para umiral ang mga pamamaraang binanggit. Subalit sa kasalukuyang
panahon, bagaman QWERTY na ang mga keyboard ngayon, nananatili pa rin
ang mga pamamaraang umuso noon sa text.

Mula sa ginawang pagsusuri ng paraan ng pagtetext, masasabing may


pagbabagong nagaganap sa wikang umiiral sa text messaging. Malawak ang
representasyon ng mga salita sa text messaging, at habang lumilipas ang
panahon, patuloy itong nagpapatuloy at lumalago. Taliwas man sa ilang
panuntunan sa gramatika kagaya ng tamang kapitalisasyon, pagbabantas,
pagbabaybay, paglalagay ng espasyo atbp., masasabing tunay na buhay ang
wika.

Binanggit nga ni Peregrino sa kaniyang artikulo sa aklat na Komunikasyon


sa Akademikong Filipino (2005) nina Mangahis et al., patunay lang ito ng
pagiging malikhain ng mga Pinoy sa paggamit ng wika. Gayundin naman,
patunay ito na kayang makaangkop ng wikang Filipino sa anumang sitwasyon,
panahon o okasyong bunsod ng mga pagbabagong kinakaharap nito. Sa
kabila man ng pagiging malikhain, nagpapakita ito ng banta ukol sa kasanayan
ng mga kabataan sa pagsulat. Mayroong posibilidad na kalituhan ng mga
mag-aaral ang tamang pagsulat at pagbabaybay ng mga salita. Ang
karanasang ito ay maaaring madala sa akademya kaya naman isang tungkulin
para sa mga guro sa Filipino ang maturuan ang kabataan ng tamang pagsulat

19
at pagbuo ng mga salita at pangungusap, alang-alang sa mabisang
pakikipagkomunikasyon at kasanayan sa wikang Filipino. Samakatuwid, ang
pagtuturo ng wika at angkop na paggamit nito sa akademya ang pangunahing
tungkulin o prayoridad ng mga guro, at hindi ang pagpigil sa umuusbong na
kultura ng gramatikal na pagrerepresenta ng mga salita sa text messaging.

SANGGUNIAN

Cabatbat, J., & Tapang, G. (04 Mar 2013).Texting styles and information
change of sms text messages in filipino. World Scientific Publishing
Company. DOI: 10.1142/S0129183113500022

Gupta, D. & Tuteja, R. (Jan 2015), A study on text messaging affecting teen
literacy and language. XVI Internaional Conference. Retrieved from:
https://www.internationalseminar.org/XVI_AIC/TS5C-PDF/17Sima_Singh

Lopez, P. (01 Oct 2007). Teaching L2 vocabulary through SMS language:


some didactic guidelines. ELIA (7): 165–188.

Iba pang link:


https://yorkeditorial.com/2015/08/07/textese-or-text-ese
https://www.wikipedia.org/wiki/SMS_language
https://www.wikipedia.org/wiki/Jejemon

20
DOKUMENTASYON

21
22
23
24
25
26

You might also like