You are on page 1of 26

SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 0

KULTURA AT LIPUNAN : EPEKTO NG MGA BARAYTI NG


WIKA SA MGA KABATAAN SA PILING BARANGAY
SA LUNGSOD NG SANTA ROSA LAGUNA

Isang Sulating Pananaliksik na Iniharap sa


Luisa L. Limaco Senior High School ng
Saint Michael’s College of Laguna
Basic Education Division

Isang Bahagi ng mga Gawaing Kinakailangan


para sa Kursong Lang 3: Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Nina

AGUSTIN, Joshua B.
MALIGAYA, Joseph Laurence C.
MORENO, Johnwin Earl C.
PLANILLO, Eunard Francis F.

STEM 1D EMERALD

Marso 2018
SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 1

KABANATA 1

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula

Ang bansang Pilipinas ay pinapalibutan ng libo-libong wika kaya

naman napakayaman ng Pilipinas sa wika kung saan nagkakaroon ng mga

barayti ng wika. Ang barayti ng wika ay ang pagbabago ng mga salita,

pagusbong ng mga bagong wika, pagkakaroon ng ibang kahulugan ng mga

salita sa ibang wika kung saan ang ibang salita ay hindi na nakakamulatan

ng mga kabataan sa panahon ngayon.

Ang Pilipinas ay binubuo ng tumatayang pitong libo at isang daan

at pito (7107) na pulo ay hindi maikakaila o mawawari ang napakaraming

wika na makakapagbago ng salita. Ayon kay Ernesto Constantino (2014)

mayroon higit sa 400 apat naraan ang dayalekto na ginagamit sa bansang

Pilipinas. Ang pagkakaroon ng maraming wika ay may positibo at

negatibong epekto sa mga magaaral. Maaaring makabuti at makasama ang

pagkakaroon ng maraming wika sa iisang bansa. Ang pagkakaroon ng

napakadaming wika ay magdudulot ng napakaraming barayti ng wika.

Madami ng umuusbong na mga bagong salita lalo na sa bansang Pilipinas

sapagkat napakadami nga ng wikang sinasalita sa Pilipinas. Masasabi ng

mga mananaliksik na nagkakaroon ng epekto ang pagkakaroon ng mga

barayti ng wika ang perpormans ng mga kabataan.


SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 2

Ang mga makabagong wika ay nagdulot ng mga malikhaing

pagiisip ng kabataan na binabago ang wika. Sa pagbabago ng henerasyon,

marami na ang nagbago sa ekonomiya lalong-lalo na sa patungkol sa wika

Bautista (2004) Dulot ng pagbabago ng wika ang mga suliranin sa

pagbababay sa ortograpiya at gramatika. Nagkaroon ng mas maraming

barayti ng wika at nagsisimula naring lumikha ng panibagong lenggwahe

katulad nalang ng mga ginagamit ng mga bakla na "Gay Lingo".

Napag-usapan ng mga mananaliksik na gawin ang pananaliksik sa

kadahilan ang wika ay malikhain at nababago kasabay ng pagbabago ng

panahon na sanhi sa pagkakaroon ng mga barayti ng wika. Ayon kay

Bloomfield sa dyornal na pinamagatan na “ Variety of language”, dala ng

pagkakaibang pangkat ng tao na may iba't ibang lugar na tinitirahan, interes,

gawain, pinag-aaaralan at iba pa. Nais malaman ng mga mananaliksik kung

paano nakakaapekto ang pagkakaroon ng barayti ng wika sa perpormans ng

kabataan. Sa panahon ngayon napakadami nang mga bagong salita ang

umuusbong kaya naman ang mga matatalinhagang salita ay hindi na

nakamulatan ng mga kabataan ang matatalinhagang salita ay hindi na

nakamulatan ng mga kabataan ngayon kaya't isasagawa ng mga

mananaliksik ang pagkalap ng impormasyon

Napagalaman ng mananaliksik na dulot ng barayti ng wika ang

indibidwal na magaaral ay kulang sa kaalaman at kasanayan sa paggamit ng

mga matatalinhagang salita na dulot ng pag-usbong ng barayti ng wika.


SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 3

Hindi mapapipigilan ng tao ang pagdami ng mga bagong umuusbong na

salita sapagkat ang wika ay malikhain, nagbabago ang wika kasabay ng

panahon. Ayon kay C. Bagtas (2016), Mahalaga ang Barayti ng Wika sa

atin, dahil nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang lahat ng tao. Kung wala

ang barayti ng wika ay mawawalan ng saysay ang lahat ng sinasbi ng tao.

Mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang barayti ng wika upang maintindihan

ang ibang tao. Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay mahalaga ayon kay

C. Bagtas. Napapaunlad rin naman ng mga bagong umuusbong na mga

salita ang isang wika ngunit may epekto sa mga kabataan.

Kasimbilis ng pagbabago ng panahon ang pagbabago ng wika.

Ayon kay Mangahis, et al. (2005), isa sa katangian ng wika ay dinamiko o

buhay dahil nga buhay ang wika, may mga salitang namamatay,

nadadagdagan at patuloy na nagbabago kasabay sa pagbabago ng panahon.

Walang tigil ang pagbabago sa wika dahil walang tigil ang pagbabago ng

kinalalagyan at kinikilusan ng taong gumagamit dahil may matalino at

galing ang tao na humanap ng paraan, naibabagay ng mga tao ang wika sa

pagbabago ng tao sa kapaligiran at pangngangailangan. Ang katotohanan ay

nawawala na ang ilang matatalinhagang salita sapagkat nausbong na ang

mga bagong salita na nagpapamoderno sa buhay ng mga tao. Ang pag-

usbong ng mga bagong salita ay patuloy sapagkat ang wika nga ay

malikhain. Sa susunod pang mga taon ay dadami pa ang mga bagong salita

kaya nagkakaroon ng mga barayti ng wika.


SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 4

Ang pag-usbong ng mga bagong salita ay masasabi na nakakabuti

at nakakasama. Nakakabuti sapagkat pinauunlad ng mga bagong salita ang

isang wika at pinapayabong ang wika. Nakakasama sapagkat ang mga

matatalinhagang salita ay natatabunan na ng mga bagong umuusbong na

mga salita at ang mga kabataan ay hindi pamilyar sa mga natabunan ng mga

matatalinhagang salita. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang barayti ng wika ay

dapat mas lumalim pa ang kaalaman ng mga kabataan lalo na sa panahon

ngayon. Ayon kay Labov sa librong pinamagatang “Mga Barayti ng Wika”,

natural na phenomenon ang pagkakaiba-iba ng anyo at pagkakaroon ng

varayti ng isang wika. At mahalagang tingnan nang pantay-pantay ang mga

Barayti ng wika na walang mababa, walang mataas. Sinasabi ni Labov na

ang walang superior na wika sapagkat lahat ng wika na ginawa ng Diyos ay

pantay – pantay lamang walang mahina at malakas sapagkat itoy pantay –

pantay.

Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang pagkakaroon ng mga

bagong salita ay gawa ng pagiging malikhain ng mga tao kaya nagkakaroon

ng iba’t ibang barayti ang wika. Sapagkat napakadami ngang wika sa

bansang Pilipinas ay napakadami ng mga bagong salita ang nadagdagdag

taon – taon. Ayon kay Francisco (2012), Kaya’t nagkakaroon ng Barayti ng

wika ay ayon sa katayuan at uri ng tao sa lipunan, maging sa paraan ng

paggamit ng wika. Nakakabuo ng mga bagong salita ang mga Pilipino

sapagkat napakamalikhain ng mga dila ng mga Pilipino. Isa sa dahilan ay


SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 5

ang pagkakaroon ng madaming wika ang Pilipinas kaya naman

napakadaming mga bagong salita ang nausbong.

Ang gagawin ng mga mananaliksik ay sa pag-gawa ng survey o

paghingi ng suhestyon sa mga piling kabataan. Ito'y gagawin upang mapag

alaman ang simpatya ng mga piling mag aaral patungkol sa pag-usbong ng

mga barayti ng sa panahon ngayon. Isasagawa o isasakatuparan ang

nasabing pag aaral sa mga piling barangay sa lungsod ng Santa Rosa,

Laguna. Kukuha ang mga mananaliksik ng mga respondente upang tanungin

ang kanilang suhestyon o simpatya patungkol sa mga umuusbong na mga

barayti ng wika.

Mula sa pag-aaral na isinasagawa nabuo ng mga mananaliksik ang

paglalahad ng suliranin, upang maiparating sa nakakarami ang mga iba’t

ibang impormasyon sa mga mag-aaral. Nabuo ang mga paglalahad ng

suliranin sa kadahilanang dumadami na ang mga bagong salitang

umuusbong. Gustong malaman ng mga mananaliksik kung ano ang epekto

ng mga bagong umuusbong ng mga salita. Nadami na ang mga bagong

salitang nausbong kasabay ng pagbabago ng panahon kaya naman

nagkakaroon ng mga barayti ng wika.

Kaugnay na Panitikan at Pagaaral

Ang mga sumusunod ay ang mga datos na nakalap ng mga

mananaliksik kung saan papagtibayin ng mga datos na galling sa mga taong

may kredibilidad at ang mga datos ay naggaling sa ibang bansa at lokal:


SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 6

Mga kaugnay na Pag-aaral sa Ibang Bansa

Ayon kay Barker (2010) sa dyornal na pinamagatang “Variety and

Variation of language”, ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang

kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga

tradisyon. maari raw mawala ang matatandang henerasyon, subalit sa

pamamagitan ng wika, naipapabatid pa rin nila ang kanilang mga ideya,

tagumpay, kabiguan, at maging ang kanilang mga plano o adhikain sa

hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga sumusunod at sumusunod pang

henerasyon ay natututo o maaaring matuto sa nakalipas na karanasan at sa

gayo’y maiiwasan ang muling pagkakamali o di naman kaya ay naitutuwid

o matutuwid ang mga dating pagkakamali. kung gayon na sa pamamagitan

ng wika ay umuunlad tayo sa mga aspektong intelektwal, sikolohikal, at

kultural

Ayon kay Wardaugh (2006) sa artikulo na pinamagatan na “Use of

dialects in education”, Ang bawat wika ay may malalim na pagkakaiba,

may mga salitang parehas ang tunog, pagbigkas, at pagkakasulat sa iba't

ibang wika ngunit magkakaiba ito ng kahulugan.

Ayon kay Constantino (2000) sa artikulo na “Variety of language

in the modern world”, Ang mga pagkakaibang ito sa wika ay nagbunga ng

iba't ibang pagtingin, pananaw at atityud dito kaugnay ng di pagkakapantay-

pantay ng mga wika pati ng mga tagapagsalita, kultura at sibilisasyon.


SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 7

Ayon kay Derebsa (2006) sa libro na pinamagatang “Studies in

Language Variation”, Ang paggamit ng ibat ibang wika sa pag aaral ay

nagbibigay daan sa mga potensyal ng mag-aaral upang mas makamit nila

ang malalim na pag iisip. Samakatuwid, ang pag konsidera sa dayalekto o

ibang wika ay mas magpapaunlad sa kakayahan ng mag aaral sa

pakikipagusap, pagbabasa, emosyon at sa bokabularyo. Upang magkaroon

ng benepisyo ang mga mag-aaral, sinasabi na dapat bigyan ng pagkilala at

respeto ang iba't ibang wika sa paaralan

Ayon kay Bloomfield (1918) sa dyornal na pinamagatang “Variety

of language”, Dala ito ng nagkakaibang pangkat ng tao na may iba’t ibang

lugar na tinitirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. Sinasabi ni

Bloomfield na kaya nagkakaroon ng barayti ng wika ay napakadaming

umuusbong na salita kaya naman nagkakaroon ng mga panibagong salita.

Ayon kay Carroll (1964) sa dyornal na pinamagatang “Variety of

language”, ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag

na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting

paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat

henerasyon, ngunit, sa aisang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na

isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at

ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

Ayon kay Catford sa dyornal na pinamagatang “Language

Variation”, (1965) ng dalawang uri ng varayti ng wika. Una ay permanente


SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 8

para sa mga tagapagsalita / tagabasa at ang ikalawa ay pansamantala dahil

nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag. Kabilang sa mga

varayting permanente ang dayalekto at idyolek. Batay ang dayalekto sa

lugar, panahon at katayuan sa buhay. Nakikita ito kaugnay ng

pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa isa sa

tatlong dimension: espasyo, panahon at katayuang sosyal.

Ayon kay Chambers (2008) sa artikulo na pinamagatang “Different

variation of language”, Sosyolek naman ang tawag sa barayting nabubuo

batay sa dimensyong sosyal o panlipunan. Nababatay ito sa mga pangkat

panlipunan. Halimbawa nito ang wikang gamit ng mga estudyante, wika ng

matatanda, wika ng kababaihan, wika ng preso sa kulungan, wika ng mga

bakla, ng kabataan at iba pang mga pangkat. Sinasabi ni Chambers na

merong mga wika na ginagamit sa bawat sitwasyon sa pang-araw-araw na

pamumuhay ng mga kabataan.

Ayon kay Lewandowski (2012) sa libron na pinamagatang

“Sociolect and Registers- a Contrastive Analysis of two Kinds of Linguistic

Variation. Institution of Linguistics”, na sa kanyang pag-aaral na

pinamagatang Sociolects and Registers – a Congtranstive Analysis of Two

Kinds of Linguistic Variation, na ang varyabilidad ng wika o diskurso ay

naaayon sa lipunan kanilang ginagalawan o kinabibilanagan (mga iba’t

iabng grupo ng tao, uri ng hanapbuhay at maging kanilang ideolohiya kung

ang kaso ay sabkultural). Samantala ang register naman, ay napatunayan


SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 9

niya na ang pagkakaroon ng pagkakaiba-iba ng wika ay nakadepende sa

sitwasyon. Sa kanyang pag-aaral ay nagbigay siya ng dalawang

pamamaraan ng pagiimbistiga sa sosyal na varyabilidad ng wika, at ito ay

nakatuon sa dalawang medyor na dimensiyon ng varyabilidad sa sosyo-

linggwitiks: ang sosyolek at register.

Ayon kay Bernstien (1972) sa artikulo na pinamagatang “ The role

of language in society”, mula sa manuskripto ni Liwanag, ang pagkakaroon

ng varayti / register / anyo ng diskurso ay nagresulta ito sa pananawa na

pagkakaroon ng herarkiya ng wika, tinawag niya itong Deficit-Hypotesis, na

batay sa mga obserbasyon niya sa mga nag-aral sa elementarya sa ilang

paaralan ng England. Napatunayan niya na may magkaibang katangian ang

diskurso ng mga bata mula sa mahihirap na kalagayan o pamumuhay.

Mga kaugnay na Pag-aaral Panlokal

“Sinuman ang walang may pagkakakilanlan sa ibang wika ay


wala ring pagkakakilanlan sa kanyang sarili”
–Goethe (2012)

Ayon kay C. Bagtas (2016) sa libro na pinamagatang “Barayti ng

Wika“, Mahalaga ang Barayti ng Wika sa atin, dahil nagkakaroon ng

pagkakaunawaan ang lahat ng tao. Kung wala ito mawawalan ng saysay ang

lahat mg ating sinasbi. Mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang barayti ng

wika upang maintindihan natin ang ating kapwa.

Ayon kay Labov (1972) sa librong pinamagatang “Mga Barayti ng

Wika”, natural na phenomenon ang pagkakaiba-iba ng anyo at pagkakaroon


SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 10

ng varayti ng isang wika. At mahalagang tingnan nang pantay-pantay ang

mga Barayting ito walang mababa, walang mataas. Sinasabi ni Labov na

ang walang superior na wika sapagkat lahat ng wika na ginawa ng Diyos ay

pantay – pantay lamang walang mahina at malakas sapagkat itoy pantay –

pantay.

Ayon kay Dr. Aurora Batnag (2001) sa pananaliksik na

pinamagatang “Ang wikang Filipino sa makabagong panahon” sapagkat

ang Pilipinas ay multilinggwal at multicultural, nabubuklod an gating mga

watak-watak na isla n g iisang mithiin na ipinapahayag hinidl amang sa

maraming tinig ng iba’t-ibang rehiyon kundi gayon di nsa isahang midyum

na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika

sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.

Ayon kay Gleason Baluca et al. (2006) sa libro na pinamagatang

“Panimulang Lingguistika”, na ang baryasyon ng wika ay isang

katotohanan sa lipunan na nakabuklod sa mga tradisyon ng mga Pilipino at

sa nga salik panlipunan na nakabukod sa mga tradisyon ng mga tao at sa

mga salik panlipunan nakikilala sa iba't iang grupong sosyal,kultura at

etniko. Sinasabi ni Gleason na ang barayti ng wika ay katotohanan sa

lipunan ng mga Pilipino sapagkat nagagawa ng wika na mapagbuklod ang

isang lipunan na pare – parehas ang wikang ginagamit.

Ayon kay Bautista (2004) sa libro na pinamagatang “Pagbabasa

at pagsulat tungo sa pananaliksik”, Dulot ng pagbabago ng wika ang mga


SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 11

suliranin sa pagbababay sa ortograpiya at gramitika. Sa pagdami ng salita sa

bansang Pilipinas ay napapaunlad ng mga bagong salita ang lipunan ngunit

nawawala na ang mga matatalinhagang salita. Sinasabi ni Bautista na gawa

ng mga bagong salita na umuusbong ay nagkaroon ng negatibo at positibong

epekto ang pag-usbong ng mga bagong salita.

Ayon kay Mendoza (2004) sa pananaliksik na pinamagatang “Ang

baryasyon ng wika”, Ang makasining na paraan ng wastong pagpili at

akmang paggamit ng mga salita sa loob ng pangungusap sa kawili-wili at

kasiyang - kasiyang pagpapahayag nito. Kailangan ay akma dapat na wika

ang ginagamit sa isang sitwasyon. Sinasabi ni Mendoza na kailangan ay

wasto ang wikang gagamitin ayon sa sitwasyon.

Ayon kay Ernesto (2014), Ayon sa pag-aaral nya mayroong higit

sa apat na raan (400) ang dayalek na ginagamit sa kapuluan ng ating bansa.

Sa pag-aaral ni Ernesto ay hindi maikakaila na napakaraming wika ang

mayroon ang Pilipinas sapagkat napakadaming pulo ng Pilipinas.

Nagagawang pagbuklodin ng wika ang mga lipunan na nakapalibot sa

bansang Pilipinas.

Ayon kay Francisco (2012) sa dyornal na pinamagatang “Varayti

at Varyasyon ng Wika; kagawaran ng wika at panitikan”, Kaya’t

nagkakaroon ng Barayti ng wika ay ayon sa katayuan at uri ng tao sa

lipunan, maging sa paraan ng paggamit nito. Nakakabuo ng mga bagong

salita ang mga Pilipino sapagkat napakamalikhain ng mga dila ng mga


SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 12

Pilipino. Sinasabi ni Francisco na ang barayti ng wika ay gawa ng mga tao

sapagkat sa panahon ngayon ang mga lipunan ay magkakahalo ng mga wika

“Parang hininga ang wika, sa bawat sandal ng buhay natin ayn


nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang umugnay sa
kapwa nating gumagamit din nito. Sa bawat pangangailangan natin ay
gumagamit tayo ng wika upang kamitin ang kailangan natin.”
- Bienvenido Lumbrera (2007)

Pinapatunayan lamang na kapag ginamit ang wikang Filipino at

pinapalaganap ang Wikang Filipino sa social network ay maipapalaganap

ang produkto, kultura, at iba pang ipinagmamalaki ng Pilipinas.

Balangkas Teoretrikal

Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga teorya upang

masuportahan ang pagaaral ng mananaliksik, ang mga teorya na nakalap ay

ang mga sumusunod:

Unang teorya ay ang Teoryang Sosyolingguwistik kung saan nag-

uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at

grupo, maging kanilang tirahan, interes, gawain, pinag – aralan at iba pa.

Ideya ng paggamit ng paggamit ng heterogeneous na wika dahil sa

magkaibang mga indibidwal at grupo na may magkakaibang lugar na

tinitirahan, interes, gawain, pinag-aaralan ata iba pa. Ayon sa teorya ay

mayroon dalawang baryobilidad ng wika. Una, ang Dimensyon Heograpiko

kung saan, Dayalek ang barayti ng wikang nililikha ng dimensyong

heograpiko. Tinatawag din ang dayalek na wikain sa ibang aklat. Dayalek

ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan, pook,


SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 13

malaki man o maliit. Ikalawa, ang Dimensyong Sosyal kung saan, Sosyolek

naman ang tawag sa barayting nabuo batay sa dimensyong sosyal.

Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga

pangkat panlipunan. Halimbawa nito ay ang mga wika ng kababaihan, wika

ng mga preso, gay lingo, at iba pang pangkat.

Ikalawang teorya ay ang Teoryang Baryasyonista, Lumalaganap

ang teoryang ito dahil sa unti – unting pag – usbong ng mga iba’t ibang

“speech community” na nagtataglay ng maraming baryasyong ng wika.

Nakapokus sa baryasyon ng wikang ginagamit ng mga taong sangkot sa

isang diskurso; ito ang pagkakaiba sa tono, intonasyon, gamit ng salita.

Ikatlong teorya ay ang Teoryang Akomodasyon, Tinatalakay sa

teorya ni Howard Giles (1998), ang linguistic convergence at linguistic

divergence, Ang linguistic convergence at linguistic ay mula sa SLA

(second language acquisition). Tinatalakay ang teorya sa linguistic

convergence sinasabin na nagkakaroon ng tendesiya na gumaya o bumagay

sa pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa, pakikilahok,

pakikipag-palagayang-loob, pakikisama o kaya’y pagmamalaki sa pagiging

kabilang sa grupo. Samantalang sa linguistic divergence sinasabing pilit

nating iniiba o pilit tayong di-nakikiisa, o kaya’y lalong pagigiit sa sariling

kakayahan at identidad. Tinatalakay sa teoryang akomodasyon ang

interference phenomenon at interlanguage. Ang interference phenomenon ay

ang tumatalakay sa impluwensya ng unang wika sa pangalawang wika. Dito


SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 14

nabubuo, halimbawa, ang Taglish, Singlish, o kaya Malay English at

marami pang iba dahil sa di-maiwasang pagpasok ng mga katutubong wika

ng mga bansang nagging kolonya ng mga bansa na ang katutubong wika ay

Ingles. Ang interlanguage naman ang tinatawag na mental grammar na

nabubuo ng tao pagdating ng panahon sa proseso ng pagkatuto nya ng

pangalawang wika. Halimbawa nito ang mga salitang madalas nating

ginagamit, na dahil sa sobrang dalas ay nadadagdagan natin ito ng gamit

(nominalisasyon). Dito ay binabago ng tagapagsalita ang grammar sa

pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas at pagbabago ng mga

alituntunin.

Paglalahad ng Suliranin

Ang mga sumusunod na katanungan ay ang mga tutuklasin ng mga

mananaliksik:

Ano – ano ang mga nagaganap na pagbabago sa barayti ng wika

lalo na sa panahon ngayon?

1) Paano na nakakaapekto ang barayti ng wika sa mga kabataan sa

panahon ngayon?

2) Ano ang magiging epekto ng pagkakaroon ng iba’t ibang

dayalekto ng mga mag-aaral?

3) Ano ang nagiging epekto ng barayti ng wika sa mga kabataan?

4) Ano ang impresyon ng mga mag-aaral sa pag-usbong ng iba’t

ibang uri ng sosyolek?


SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 15

5) Ano ang palagay ng mga kabataan sa paggamit ng sosyolek sa

pagtuturo ng mga guro?

Hinuha ng pag-aaral

Mula sa nabanggit na suliranin, Nabuo ng mga mananaliksik ang

sumusunod na hinuha:

1.Mayroon epekto ang barayti ng wika sa mga kabatan

Saklaw at hangganan ng Pag-aaral

Nakapokus ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik sa

piling mga kabataan sa mga piling barangay ng Santa Rosa, Laguna.

Nakalimita lamang sa paksa ang isasagawang pag-aaral ng mga

mananaliksik kung saan kasama ang pagbabago ng wika, sosyolek,

matatalinhagang salita, wika ng mag-aaral at barayti ng wika.

Kahalagahan ng pag-aaral

Ang pag-aaral na isasagawa ng mga mananaliksik ay

papakinabangan ng mga sumusunod:

Mag-aaral. Malalaman ng mga mag-aaral kung paano nagkaroon ng barayti

ang wika

Mga Guro. Maituturo ng mga guro sa mga estudyante ang barayti ng wika

Mga susunod na mananaliksik. Makakakuha ng mga ideya ang mga susunod

na mananaliksik sa kasalukuyang pag-aaral ng mga mananaliksik

Magulang. Malilinang sa mga magulang kung bakit nababago ang

pananalita ng mga bata.


SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 16

Katuturan ng mga Katawagan

Dayalek – Ang bansang Pilipinas ay sagana sa mga wika kung saan sa iba’t

ibang lalawigan ay nababago ang tono at kahulugan ng wika.

Gay lingo – Gawa ng napakaraming wika sa Pilipinas ay nagkaroon ng

iba’t ibang ay nakikiuso ang mga bakla kaya nagkaroon ang mga bakla ng

sariling wika.

Heterogeneous – Nagtataglay o binubuo ng maagkakaibang content o

element kung saan ang wika ay magkakaiba kahit magkaparehas ng mga

titik ay iba ang kahulugan sa ibang wika.

Phenomenon – Ang wika ay nagbabago kasabay ng panahon kaya

nagkakaroon ng paagbabago ng wika lalo na sa panahon ngayon.

Sosyolek – Madami nang mga nauusong salita ang bansang Pilipinas kung

saan sa mga salita na nauso ay mas madaling nagkakaunawaan ang

dalawang indibidwal sa paggamit ng mga usong salita.

Sintesis

Mula sa mga nakalap na mga datos nabuo nakabuo ang mga

mananaliksik ng sintesis. Sa pangkalahatan malaki ang papel ng wika sa

isang bansa sapagkat ang wika ang nagiging tulay ng mga tao upang

magkaroon ng pagkakaunawaan ang iba’t ibang indibidwal. Natutulungan

ng mga umuusbong na mga bagong salita ang pag-unlad ng wika sapagkat

may epekto pa din eto sa mga kabataan sapagkat hindi nakilala ng mga

kabataan ang mga matatalinhagang salita na ginamit ng mga naunang


SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 17

henerasyon. Gawa ng mga bagong salitang umuusbong ay nagkakaroon ng

mga barayti ang mga wika. Isa din malaki ang ginagampanang papel sa

lipunan ay ang mga sosyolek kung saan mas madali ng nagkakaintindihan

ang isang lipunan gawa ng mga sosyolek. Ang pagkakaroon ng barayti ng

wika ay nagiging isang balakid sapagkat kapag nagsama-sama ang

dalawang magkaibang lipunan ay baka may mga salitang parehas ang

bigkas, pagbasa at pagsulat ay iba ang kahulugan sa isang lipunan.


SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 18

KABANATA 2

Pamamaraan

Ang kabanata ay nagsasaad ng mga impormasyon ng mga

instrumentong ginamit at ang pamamaraan ng pangangalap ng mga datos,

maging ang bilang ng mga respondent na nakilahok sa pananaliksik. Ang

pag-aaral na isinasagawa ng mga mananaliksik ay pumapatungkol sa epekto

ng barayti ng wika sa mga piling kabataan ng lungsod ng Santa Rosa,

Laguna. Aalamin ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng pagsasarbey sa

mga piling kabataan ng Santa Rosa, Laguna. Nakasaad sa kabanata ang

pagkakasunod – sunod na proseso mula sa paraan ng pagbunot ng kalahok,

paglikha ng katanungan, pagsusuri at pagkalap ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pananaliksik.

Layon ng deskriptibong-surbey na pananaliksik na tumugon sa mga

katanungang sino, ano, kailan, saan, at paano ng isang partikular na paksa.

Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik ngunit napili ng mga

mananaliksik na gamitin ang Descriptive Design, na gumagamit ng

talatanungan (sarbey kwestiyuneyr) para makalikom ng mga sapat na datos

na maaring makatulong sa mananaliksik. Naniniwala ang mga mananaliksik

na angkop ang disenyo para sa paksang napili ng mga mananaliksik na mas

mapapadali ang pangangalap ng mga datos mula sa maramihang

respondente. Ang pag-aaral ng mga mananaliksik ay isang quantitatibong


SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 19

pag-aaral kung saan ang quantitatibong pananaliksik ay isang uri nmg

panaaliksik na may kinalaman sa bilang ng populasyon. Ang quantitatibong

pananaliksik ay ang pananaliksik na nangangailangan ng numerical data o

dami ng datos. Sinusukat ng mga mananaliksik ang epekto ng barayti ng

wika sa mga kabataan sa panahon ngayon

Populasyon at Respondente

Ang isasagawang pananaliksik ng mga mananaliksik ay gagawin

sa mga piling Barangay ng Lungsod ng Santa Rosa na mayroong labing

walo (18) sa lungsod ng Santa Rosa.

Talahanayan 1. Kalahok base sa edad

Baryabol Frequency Percentage


15 7 14%
16 20 40%
17 20 40%
18 3 6%
Kabuuan 50 100

Makikita sa talahanay na pito (7) o labing apat na bahagdan

(14%) ang bilang ng labing pitong (15) gulang na respondente habang

dalawampu (20) o apatnapung (40%) bahagdan ang bilang ng labing anim

(16) na taong gulang na respondente habang dalawampu (20) o apatnapung

bahagdan (40%) ang bilang ng labing pitong (17) gulang na respondente at

sa kabilang dako ay tatlo (3) o anim na bahagdan ang bilang ng labing

walong (18) gulang na respondente.


SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 20

Talahanayan 2. Kalahok base sa Kasarian

Baryabol Frequency Percentage


Babae 23 46%
Lalaki 27 54%
Kabuuan: 50 100%

Makikita sa talahanayan na dalawampu’t tatlo (23) o apatnapu’t

anim na bahagdan (46%) ang bilang ng babaeng respondente habang

dalawampu’t pito (27) o limampu’t apat na bahagdan (54%) ang bilang ng

lalaking respondente

Talahanayan 3. Kalahok base sa Paaralan

Baryabol Frequency Percentage


Private 46 92%
Public 4 8%
Kabuuan: 50 100%

Makikita sa talahanayan na apatnapu’t anim (46) o siyamnapu’t

dalawa na bahagdan (92%) ang bilang ng mga respondente na nagaaral sa

private habang apat (4) o walong bahagdan (8%) ang bilang ng

respondenteng nagaaral sa public

Talahanayan 4. Kalahok base sa Barangay

Baryabol Frequency Percentag


e
Barangay 10 20%
Sinalhan
Barangay 10 20%
SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 21

Macabling
Barangay 10 20%
Dila
Barangay 10 20%
Tagapo
Barangay 10 20%
Market
Area
Kabuuan: 50 100%

Makikita sa talahanayan na sampu (10) o dalawampung

bahagdan (20%) ang galling sa Barangay Sinalhan habang na sampu (10) o

dalawampung bahagdan (20%) ang galling sa Barangay Macabling sa

kabilang dako sampu (10) o dalawampung bahagdan (20%) ang galling sa

Barangay Dila at sampu (10) o dalawampung bahagdan (20%) ang galling

sa Barangay Tagapo samantala sampu (10) o dalawampung bahagdan (20%)

ang galling sa Barangay Market Area.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong

pananaliksik para sa isinasagawang pananaliksik. Napili ng mga

mananaliksik ang tinatawag na Descriptive Survey Questionnaire. Ang

nasabing pananaliksik ay ginagamitan ng instrumentong talatanungan o

survey questionnaire na kung saan manggagaling ang mga datos. Ang mga

mananaliksik ay nagsagawa ng sampung (10) katanungan ukol sa pag-aaral

na kumokonekta sa paglalahad mg suliranin. Ang paggamit ng isang

talatanungan ay ang paraan upang makalap ang mga impormasyon o mga


SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 22

datos mula sa mga napiling respondente. Ang mga maaaring kasagutan ng

mga respondent ay nararanasan na kasalukuyan upang makuha ang datos at

impormasyon ukol sa pag-aaral ng mga mananaliksik. Ang mga tanong sa

talatanungan ay sasagutan gamit ang pag-iitim ng bilog katabi ng mga

pagpipiliang kasagutan.

Mga paraan na ginamit sa pananaliksik

Unang pamamaraan na ginampanan ng mga mananaliksik ay ang

pagbuo ng mga katanungang konektado sa paglalahad ng suliranin na

kinakailangan upang masagot ang pagsusuring nakalahad sa pag-aaral.

Sunod ay ang pag-kumpira sa guro na namamahala sa pag-aaral na

isinasagawa ng mga mananaliksik upang malaman ng mga mananaliksik

kung wasto ang ginawang mga katanungan. Ang mga mananaliksik ay

gumamit ng batayan na tinatawag na “Fish Bowl Technique” kung saan

ilalagay ng mga mananaliksik ang mga pangalan ng mga kalahaok sa isang

bowl at bubunutin ng mga mananaliksik ang mga pangalan ng kalahok kung

saan kinuha ng mga mananaliksik ang dalawampu't limang (25) bahagdan

ng labing walong (18) barangay ng lungsod ng Santa Rosa kung saan

limang (5) barangay ang isasama sa nasabing pananaliksik. Tinantiya ng

mga mananaliksik ang bilang ng piling kabataan at ginawang limang-pu

(50) ang buong bilang ng mga kabataan sa sa bawat barangay na nabunot.

Ang unang barangay ay ang sinalhan kung saan kukuha ng sampu (10) na

respondente na kung saan pwede na maging lalaki o babae. Ang ikalawang


SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 23

barangay ay ang Macabling kung saan kukuha ng sampu (10) na

respondente na kung saan pwede na maging lalaki o babae. Ang ikatlong

barangay ay ang Tagapo kung saan kukuha ng sampu (10) na respondente

na kung saan pwede na maging lalaki o babae. Ang ikaapat na barangay ay

ang Market Area kung saan kukuha ng sampu (10) na respondente na kung

saan pwede na maging lalaki o babae. Ang ikalimang barangay ay ang Dila

kung saan kukuha ng sampu (10) na respondente kung saan pwede na

maging lalaki o babae. Pupunta ang mga mananaliksik sa limang (5) piling

barangay ng Santa Rosa, Laguna upang pasagutan ang talatanungan sa mga

piling kabataan ng limang (5) barangay at matiyagang maghihintay sa

pagsasagot ng mga magiging respondente. Magpapatuloy ang mga

mananaliksik sa susunod na hakbang.

Istatistikal na Tritment ng mga Datos

Ang pag-aaral na ito ay ginamit ng mga sumusunod na estadistika:

1. Dalas (Frequency). Ang pormula ay ginamit upang malaman

ang sapat na bilang ng respondente.

Ang pormulang ginamit ay:

f = n x .25

Kung saan:

f = frequency

n = total number

.25 = 25% of the population


SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 24

2. Bahagdan (Percentage). Ito ay ginamit upang tugunan ang

mga tanong sa mga pansariling katangian ng mga kalahok.

Ang pormulang ginamit ay:

f
P= n *100

Kung saan:

P = percentage of distribution

f = frequency

n = total number of pupils

3. Mean

Ang pormulang ginamit ay:

M = (n1+n2+n3)/f

Kung saan:

n = bilang ng mga kasaguta

f = bilang ng mga kalahok na tumugon

Iskala:

Range Verbal Symbol


3.00 – 2.01 Lubos na katanggap tanggap LKT
2.00 – 1.01 Katanggap tanggap KT
1.00 – 0. 00 Hindi katanggap tanggap HKT

Etikal na konsiderasyon

Sa paggawa ng pananaliksik ng mga mananaliksik ay isinaalang

alang ng mga mananaliksik ang karapatan ng mga respondente. Sa pagpili


SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA 25

ng mga mananaliksik ng mga magiging respondente sa gagawing sarbey ay

isinaalasng alang ng mga mananaliksik ang mga etika. Sa mga makukuhang

datos ng mga mananaliksik sa mga respondente ay magiging tapat ang mga

mananaliksik sa pagtala ng datos sa anumang isasagot ng mga respondente

at igagalang ng mga mananaliksik ang magiging sagot ng mga respondente

na itatala na isang kompedensiyal. Walang magiging diskriminasyon na

mangyayari sa pagsasagawa ng surbey ng respondente kahit ano pang

kanyang kasarian o linggwaheng ginagamit upang maipabatid na kahit ano

pa ang iyong kasarian o linggwaheng ginagamit pantay-pantay ang aming

pagtingin. Sa pagtatala ng mga datos ay magiging maingat ang mga

mananaliksik upang maging maayos ang magiging pagtatala ng mga datos.

Hindi pipilitin ang sinuman sa pagsagot ng sarbey ang mga mananaliksik,

tatanungin sila kung sila ay pupwedeng magsagot ng talatanungang

ipinamamahagi ng mananaliksik o maari silang mag boluntaryong mag

sagot ng talatanungan.

You might also like