You are on page 1of 11

KOMPARATIBONG PAGSUSURI KUNG ANO ANG MAS EPEKTIBONG WIKANG

PANTURO SA BAITANG LABING-ISA NG TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH


SCHOOL: WIKANG INGLES O WIKANG TAGALOG SA ASIGNATURANG 21ST
CENTURY LITERARURE

Allyssa Vee Beredo


Mark Lexter Dayna
Jewel Cassiey Donaire
Daisy Jane Echemane
Ella Mae Gargoles
Angeline Roa Lopeña
Jove Mutya P. Omamos

Agosto 2019
Isang artikulo ang inilabas ng pahayagang The Varsitarian ukol sa paksa “Filipino at Ingles:

Ano ang higit na mainam sa pagtuturo?” isinaad dito na ipinatupad ng pamahalaan ang Executive

Order (EO) No. 210 noong Marso 17, 2003 na muling nagtatakda sa wikang Ingles bilang pangalawang

wika sa pagtuturo sa mga pribado at pampublikong paaralan. Nilalayon ng kautusang ito na paunlarin pa

ang kasanayan ng mga estudyanteng Pilipino sa wikang Ingles.

Kabilang sa mga probisyon ng EO 210 ang pagtatakda na ituro ang mga asignaturang matematika

at agham gamit ang wikang Ingles simula ikatlong baitang ng paaralang primarya. Bukod pa rito, iniaatas

ding gawing Ingles ang pangunahing wikang-panturo sa paaralang sekundarya. Nakasaad pa sa EO 210 na

hindi maaaring bumaba sa 70 porsiyento ng kabuuang oras ng pag-aaral sa loob ng silid-aralan ang ilalaan

sa pagtuturo na gamit ang wikang Ingles. Inilabas din ng Kagawaran ng Edukasyon ang Order No. 36

noong Agosto 22, 2006 upang maipatupad ang nasabing utos.

Ilang manunulat at guro naman ang nagtangkang pigilan ang pagpapatupad ng dalawang kautusang

ito. Ayon sa isang petisyong isinampa ng mga grupong nagsusulong sa wikang Filipino, sa pangunguna ng

Wika ng Kultura at Agham, Inc. (WIKA), labag umano sa Saligang Batas ang dalawang kautusan. Anila,

taliwas ang mga kautusang ito sa isinasaad sa Article XIV Section 6 ng Saligang Batas, na “…dapat

magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng

Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang ng pagtuturo sa sistema pang-

edukasyon.”

Dagdag pa ng mga naghain ng petisyon, magiging balakid din ang paggamit ng wikang Ingles sa

paaralan sa pagkatuto ng mga mag-aaral na galing sa mahihirap na pamilya. Bunsod ng kahirapan, hindi

sila nakakapag-aral sa mga pribadong paaralan na kung saan higit na ginagamit ang Ingles bilang wikang-

panturo. Nahihirapan silang sumabay sa talakayan sa silid-aralan kapag Ingles na ang midyum ng

pagtuturo.
Subalit binasura ng Korte Suprema ang petisyon noong Hunyo dahil sa kakulangan nito ng ilang

impormasyon hinggil sa pagpapatunay ng pagsang-ayon sa petisyon ng mga miyembro ng mga grupong

kasamang nagsampa ng kaso.

Ayon kay Joel Malabanan, guro ng Filipino sa isang paaralang sekundarya sa Cavite at dating propesor ng

Filipino sa De La Salle University, nakakaabala sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang wikang Ingles

sapagkat kinakailangan pa nilang magsalin ang mga salita sa isip nila.

Aniya, “Paatras na hakbang ang EO 210 sa pagyabong ng wika at panitikang Filipino.”

Batay naman sa mga karansan ng isang estudyante, higit nilang nauunawan ang mga itinuturo ng kanilang

mga propesor kung ipinapaliwanag nila sa wikang Filipino ang mga mahihirap na aralin. Higit rin silang

malayang nakapagpapahayag ng aking mga paliwanag o saloobin sa klase kapag pinahihintulutan akong

magsalita sa nakasanayan kong wika.

Sa kabilang banda naman, hindi maikakailang may pakinabang rin sa mga estudyante ang pagtuturo gamit

ang wikang Ingles. Bukod sa lumalawak ang kanilang kaalaman hinggil sa daigdig, nakatutulong ang

pagkatutong gumamit ng wikang Ingles lalo na’t ito ang wikang ginagamit sa larangan ng komersyo at

agham.

Mahalagang matutuhan ang wikang Ingles, ngunit higit na mainam kung ang mga mag-aaral ay

tinuturuan muna sa wikang Filipino o sa rehiyonal na wikang kanilang nakasanayan sapagkat madali

nilang maiintindihan ang mga aralin gamit ang mga ito. Naipakita na ito sa mga pag-aaral, gaya ng ginawa

ng Lupon ng Pambansang Edukasyon sa Iloilo noong 1948 hanggang 1954 kung saan higit na natuto ang

mga mag-aaral sa Iloilo nang Ilonggo ang ginamit na wikang panturo.


Ang pagpili ng wikang panturo, batay sa naging karanasan ng ating sistema ng edukasyon, ay hindi

lamang isang panandaliang usaping nakabatay sa pangangailangang pang-ekonomiya. Sa halip, mahalaga

ring isaalang-alang dito kung paano nauunawaan ng mga estudyante ang kanilang paligid. Kaya’t nararapat

lamang na pag-isipan nang mabuti ng pamahalaan ang mga polisiyang pangwika upang sa gayon ay higit

itong makatulong.

Sanggunian:

https://varsitarian.net/news/20080203/filipino_at_ingles_ano_ang_higit_na_mainam_sa_pagtuturo?

fbclid=IwAR05iAVsLh9tlfL1XhUwtmkd-SGymH2mjQU4Q55OdcX5K_kBzNqbzq-fjiE

GMA network news: Filipino o Ingles: Ano ang dapat na gamitin sa pagtuturo sa mga

Dalawang panukalang batas ang nakabinbin ngayon sa Kamara de Representantes na naglalayong

palakasin ang wikang Ingles at gamitin ito bilang paraan sa pagtuturo sa mga paaralan. Pero tutol sa

panukala ang Komisyon sa Wikang Filipino dahil labag umano ito sa Saligang Batas at hindi maka-

Pilipino.

Sa ilalim ng House Bill No. 5091 na inihain ni dating Pangulo at ngayo'y Pampanga Rep.

Gloria Macapagal-Arroyo, nais ng mambabatas na mahasa at mapahusay pa ang kakayahan ng mga

mag-aaral sa pagsusulat at magsasalita ng dayuhang wika.

Nais niya na gamitin ang Ingles bilang pangunahing medium of instruction sa araling Ingles,

Matematika at Agham simula sa grade 3 sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan. Samantalang

wikang Filipino naman ang gagamitin sa asignaturang Filipino at Araling Panlipunan.


Nais din ni Arroyo na hindi bababa sa 70 porsiyento ng oras ng pagtuturo sa mga paaralan sa

secondary level ay dapat nakalaan sa paggamit ng wikang Ingles.

May hiwalay ding panukalang batas [House Bill 5397] na inihain si Parañaque City Rep. Eric

Olivarez, para palakasin din ang paggamit ng Ingles sa pagtuturo sa grade school, high school, college,

at vocational education.

Idinahilan niya na dapat mapanatili at mapagbuti pa ng mga Pinoy ang husay sa dayuhang wika

na halos ginagamit sa buong mundo para sa pakikipagkalakalan at pagtatrabaho, lalo na sa mga

malalaking industriya tulad ng Business process outsourcing.

Batay umano sa annual Business English Index (BEI) noong 2012, isang pag-aaral na ginawa

umano ng Global English, at tanging ang Pilipinas ang nakakuha ng iskor na mataas sa 7.0 mula sa 76

bansa.

"Young minds must be trained to be fluent in the languege being used worldwide as this will

serve as their stepping stone in a guaranteed good career in the future," paliwanag ng mambabatas sa

kaniyang panukala.

FILIPINO ANG DAPAT

Para sa KWF na pinamumunuan ang Pambasansang Alagad ng Sining na si Virgilio Almario,

hindi naaayon sa Saligang Batas ang mungkahi na dayuhang wika, sa halip na pambansang wikang

Filipino, ang gagamitin bilang pangunahing paraan sa pagtuturo.


Sa position paper ng komisyon na inihanda bilang pagtutol sa panukala ni Arroyo, sinabi na

muli lang binuhay ng HB 5091 ang mga dati nang panukala na inihain [tulad ng HB 8460 noong

2009], na Ingles ang gamitin sa pagtuturo pero ibinasura na noon ng Senado.

Idinagdag nito na nakasaad sa Saligang Batas na Filipino ang wikang pambansa, at dapat itong

linangin, payabungin at pagyamin.

"Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng

Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod

ang paggamit ng Filipino bilang paraan ng opisyal na komunikasyuon at bilang wika ng pagtuturo sa

sistemang pang-edukasyon," ayon sa posisyon ng KWF.

Tinawag din ng KWF na anti-Filipino ang panukala at sumasalungat sa mga prinsipyo ng

pagtuturo na itinatakda ng UNESCO, na nagsasaad na ang patakarang pang-edukasyon na ang mga

bata, lalo na ang mga nasa mababang baytang ay mas matututo sa kanilang sinasalitang wika sa halip

na banyagang wika.

Kung pagbabatayan din umano ang implementasyon ng MTB-MLE (Mother Tongue-Based

Multilingual Education) ng Department of Education Order #74, series of 2009, at ang nakapaloob sa

bagong K-12 Curriculum Program sa ilalim ng Republic Act 10533, at ng Enhanced Basic Education

Act of 2013, ang panukala na isinusulong ni Arroyo ay hindi na umano kailangan.

Paalala din ng komisyon, kung may mga pangamba ang ilan na humina sa wikang Ingles ang

mga Pinoy, higit umanong dapat na ikatakot kung ang sariling wika ng mga Pilipino ang maglalaho.
Sanggunian: https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/talakayan/621945/filipino-o-

ingles-ano-ang-dapat-na-gamitin-sa-pagtuturo-sa-mga-paaralan/story/’

Epekto Ng Mga Wikang Filipino At Ingles Bilang Midya Sa Pagtuturo Ng Aljebra Sa


Antas Ng Pagkatuto At Atityud Ng Mga mag-Aaral Sa Kolehiyo
Abstract:

Sa nakalipas na maraming taon, alam natin na wikang Ingles ang ginagamit na midyum sa

pagtuturo ng matematiks sa lahat ng antas ng pag-aaral. Kahit na noong nagkaroon ng direktiba ang

DECS tungkol sa angkop na midyum para sa pagtuturo ng iba't ibang asignatura, Ingles pa rin ang

napiling midyum para sa pagtuturo ng matematiks. Subalit hanggang sa ngayon, wala pa ring resulta

ng pananaliksik na nagpapatunay na talagang dapat na Ingles ang gamiting midyum sa matematiks at

wala pa ring malaking pagbabago sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral ng matematiks; gayundin,

wala ring matibay na batayan na kapag Ingles ang gamit sa pagtuturo, maganda ang atityud ng mga

mag-aaral sa matematiks.

Ngayon, isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ng mga guro at mga mananaliksik ay ang

posibleng epekto ng paggamit ng wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng matematiks. Ayon sa

karanasan ng mananaliksik na ito at ng ilan pang guro sa matematiks, kung dumarating ang mga

pagkakataong di maunawaan ng mga magaaral ang kanilang aralin na itinuro sa wikang Ingles, ito ay

ipinapaliwanag nil a sa wikang Filipino. Dahil dito medaling naiintindihan ng mga mag-aaral ang

kanilang aralin, bukod sa nagiging kawili-wili pa sa kanila ang pag-aaral ng matematiks.

Sanggunian: https://ejournals.ph/article.php?

id=7823&fbclid=IwAR1UljLzRCthSZWZGjwIHVVpL1_FUd15nFKgEk0yLJyEI7ETG1jWH8OrAX

I
Karamihan sa mga mag-aaral na Pilipino ay kumakaharap ng mga hadlang sa edukasyonat isa

sa mga ito ay ang paggamit ng mga paaralan ng wikang hindi lubos na maunawaan (DepEd, 2011).

Ang ganitong sitwasyon ay nagdudulot ng emosyonal na epekto sa mag-aaral na maaaringmagdulot ng

mababang marka o mas masama pa (Alexander 2000, Bowden 2002). Sa pagtuturo, nararapat lamang

na gumamit ng wika na mas naiintindihan ng mga mag-aaral dahil napapaunladnito ang matibay na

pundasyon at motibasyon na pumasok at makakatulong din ito na matutunanat magamit ng maayos

ang iba't ibang wika mula sa mother tongue hanggang sa transiyon ng Filipino at Ingles.

Napatunayan sa isang pagaaral na isinagawa sa ilang bansa na maraming mag-aaral ang hindi

umabot sa competency level na kinakailangan. Sinabi rin ng EFA na"Millions of childrenare leaving

school without having acquired basic skills" (EFA Summary Report 2010). Ang ulat ng EFA tungkol

sa kalidad ng edukasyon ay nagpapakita na may malaking agwat sa bilang ngmga nagtatapos sa

paaralan at ilan sa kanila ay pinapaunlad ang minimum na lebel ng literasiya.

Ang kognitibong pagpapaunlad at ang mga epekto nito sa pang-akademikong gawain ay

tinuturuan ang mga mag-aaral na magbasa at magsulat sa kanilang unang wika nang mas mabilis.Ang

mga mag-aaral na natutong magbasa at magsulat sa kanilang unang wika ay mas mabilisnatututo na

magsalita, magbasa at magsulat sa ikalawang wika (L2) at ikatlong wika (L3) kaysasa mga tinuruan

gamit muna ang ikalawa o ikatlong wika. Ang mga mag-aaral na tinuruan gamitang kanilang unang

wika ay mas mabilis natututunan ang mga kinakailangang kakayahan(DepEd Order No. 74,

s.2009)Ang paggamit ng mother tongue ay pinapagana ang kakayahan ng mga kabataang mag-aaral na

mabilis na magpaliwanag nang walang takot na magkamali, mapalawak ang kanilangmga ideya at

dagdagan ang kanilang nalalaman. Mas tama namang matatasahan ng mga guro angmga natutunan

nila at matutukoy rin ang kanilang mga kahinaan (Nolasco, Philippine Daily Inquirer). Ang edukasyon

na nakabase sa mother tongue ay may positibong dulot sa pagaaral.Ang paggamit samother tongue ay
nagtataguyod ng pagkakaisa sa edukasyon at pinagiibayo ang kalidad ng edukasyon

sa paghubog ng kaalaman at mga karanasan sa parehongmag-aaral at guro. Ang UNESCO ay

naniniwala at sinusuportahan ang resulta ng mga pagaaralna nagpapakita na ang mother tongue ang

susi sa literasiya at pagkatuto. Ang DepEd ay naglista ng mga empirikal na pag-aaral, gaya ng "Lingua

Franca Project" at "Lubuagan First Language Component Program", na nagpapakita na ang mga mag-

aaral aymas mabilis na natututong magbasa sa kanilang unang wika. Lumabas sa pag-aaral na ang mga

mag-aaral na natutong bumasa at sumulat sa kanilang unang wika ay mabilis na natututongmagsalita,

magbasa at magsulat sa ikalawa at ikatlong wika.

Inilahad ni Arao (2010), isang propesor sa Department of Journalism ng College of Mass

Communication sa Unibersidad ng Pilipinas, na ang mga estudyante’y mas komportableng gamitin

ang wikang kinagisnan nila, ang midyum na ginagamit sa pakikipag-usap sa magulang, mga kapatid,

kalaro at iba pang kakilala. Ito’y sa kadahilanang nasa dugo ang pagiging Pilipino,ang wikang

Filipino’y natural na bahagi ng katauhan ng bawat Pilipino. Wikang Filipino ang kinagisnang wika at

ito rin ang gamit sa pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw kaya hindihamak na mas bihasa ang mga

mag-aaral sa paggamit nitong wika at mas nakakaunawa sila kungsariling wika ang gamit at hindi ang

wikang banyaga. Noong taong 2003, inilabas ng dating Pangulong Gloria Arroyo ang E.O. 210 nanagl

alayong palakasin ang wikang Ingles bilang ikalawang wika ng Pilipino. Ito rin marahil ang dahilan

kung bakit noong mga nagdaang taon, isinulong ng isang mambabatas ang pagtatag saIngles bilang

tanging midyum ng instruksy on. Ayon sa “English bill” na inakda ni Rep. Eduardo Gullas; mali ang

sistema ng edukasyon at ito raw ay nangangailangan ng wikang dinamiko tuladng Ingles. Ayon kay

Nolasco (2010) ng Linguistics Department ng Unibersidad ng Pilipinas, sa cognitive aspect ng mental

development ng mga bata, mas nagiging pahirap ang pag-aaral gamitang wikang Ingles. Halimbawa,

ang isang estudyante sa Maynila na malamang ay pinalaki sawikang Tagalog, ay siguradong malilito
sa pag-aaral gamit ang wikang Ingles. Lalo itong nagingmas mahirap sa batang hindi-Tagalog ang

unang lingguwahe; mahirap pagsabayin ang Filipino atIngles ng estudyante kung rehiyonal na

dayalekto (tulad ng Cebuano, Hiligaynon, Maranao, o iba pa) ang ikinalakihan niya sa bahay.

Noong nakaraang taon lamang inaprubahan ang aktuwal na paggamit ng Multilingual

Education (MLE) sa buong bansa sa bisa ng Department Order #74 ng DepEd ngunit matagal naitong

ginagamit ng mga taga-Lubuagan sa probinsiya ng Kalinga. Sa nagdaang sampung taon, ang 4th class

municipality ng Lubuagan ang naging modelo ng bansa pagdating sa Multi-lingual Education.

Dalawang dekada na ang nakakaraan, sila ay napabilang sa Top 10 non-performingschools sa

buong Pilipinas. Wikang Libuagen (isang barayti ng Kalingan dialect) lamang ang ginagamit sa

Lubuagan Elementary School mula Grade 1 hanggang 3 kung kaya’t mas naging madali ang pag-

intindi ng mga aralin kagaya ng Matematika, Agham, pati na ang pag-aaral ngFilipino at ng Ingles. Sa

dalawang dekada na paggamit ng bernakular; mayroong zero drop rate ang paaralan. Noong 2006, ang

Lubuagan district ang nagtamo ng pinakamataas na marka sa National Achievement Test sa Grade 3

reading test sa Ingles at Filipino sa mean score na 76.55% at 76.45%. Hindi rin nahihirapan ang mga

guro sa pagtuturo kung kaya’t sila’y nahirangna “Best School for Kalinga” at “Model of Multilingual

Education in the Philippines”.

Ang mgaresulta ng mga pag-aaral ay mas maliwanag pa sa sikat ng araw: para matamo ang

kahusayan ngmag-aaral sa Ingles o Filipino, and pinakaepektibong paraan ng pagtuturo ay ang unang

wika nanatutunan ng bata. Kung nakaya nga ng mga bansang Pransya, Alemanya, Tsina, Hapon, at

iba pa, na gamitin ang kanilang sariling wika sa mga paaralan, siguradong magagawa rin natin ito sa

Pilipinas. ‘Di man sila ganoon kagaling sa Inglesan, mas malalim naman ang kanilang pagkakaintindi

sa mundong nakapaligid sa kanila


Instrumentong Ginamit

Ang instrumenting ginamit sa pananaliksik ay “Achievement Test”. Ang “Achievement Test” ay

dinisenyo upang masukat ang pang-unawa at ang nakuhang kaalaman ng mga mag-aaral. Angmga

aralin na ginamit sa dalawang grupo ng nakapag-iisang baryabol ay magkatulad ngunitnagkaiba sa

wikang ginamit sa pagtuturo. Ang banghay-aralin na ginamit ay hiram at pinagtibaymula sa

Department of Education Teachers Guide.

You might also like