You are on page 1of 6

PHILIPPINE COLLEGE OF HEALTH SCIENCES, INC

1813 Claro M. Recto Ave,. Manila

Epekto ng Korean Language sa Kabataan edad 12 - 20 sa Caloocan

sa Taong 2017 – 2018

Ipinasa ni

Julyn M. Surla

Ipinasa kay

G. Ferland V. Pedrozo

Octobre 2019

1
PANIMULA

Ang bansang Pilipinas ay kilala sa pagkakaroon ng mga kakaiba at malikhaing uri ng

pag-iisip pagdating sa iba’t bang bagay tulad na lamang sa paggawa ng mga awitin,

ngunit sa paglipas ng panahon at sa paglaganap ng mga produktong banyaga sa ating

bansa ay marami na ang nagbago.

Taong 2009 nang pumatok sa mga Pinoy lalo na sa mga kabataan ang pagkahilig nila sa

kulturang koreano. Marahil dahil sa dala nitong kakaibang aliw sa mga Pinoy at kasabay

pa ng pagsikat ni “Sandara Park” sa bansang Korea na nakilala dito sa ating bansa. Kung

ating mapapansin maging sa mga palabas ay madalas na ring maghari ang mga Asyanong

Teleserye, “Heart of Asia” sa ABS-CBN at “Home of Asianovelas” naman sa GMA.

Hindi rin patatalo ang salitang “I want Nobody, Nobody but you” na sambit naman ng

WonderGirls na nagpasikat ng kantang ito na kung saan ay pumatok sa lahat ng

mamamayang Pilipino bata man o matanda.

Hindi na lingid sa atin ang pagkakaroon ng “Asian-Fever” o “Asian Invasion” o

ang paglaganap ng Asyanonong produkto at kultura sa ating bansa maging sa musika(K-

Pop), pananamit, mga palabas(Asianovelas) atbp., kaya naman ang pag-aaral na ito ay

naglalayong talakayin sa inyo ang mga Impluwensya ng musika’t palabas sa ating bansa

ng bansang Korea.

2
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito na may pinamagatang “ Epekto ng Korean Language sa

Kabataan edad 12-20 sa Caloocan sa Taong 2017– 2018 ” ay naglalayong sagutin ang

mga sumusunod na katanungan at bigyang linaw ang mga isyu at pangyayaring

tatalakayin sa pag-aaral na ito.

1.Ano ang naidudulot nito sa ating Wika?

2.Ano-ano ang mga pwedeng maidulot nito sa ating mga kabataan?

3.Paano ito mas nakilala sa kabataan?

4. Bakit maraming Nahuhumaling na kabataan sa Pamamagitan ng Korean Language?

5. Sa iyong palagay paano mo masu-solusyonan ito?

BALANGKAS TEORETIKAL

Ayon kay Korean Ambassador to the Philippines Kim Jae Shin, ang pag-aaral ng wikang

Korean ay maaaring magbukas ng oportunidad na makapagtrabaho sa loob at labas ng bansa.

Maaari ring makatulong ito sa ilang estudyanteng Pinoy na nais makatanggap ng education

grants sa Korea."Language is very important so teaching and studying [foreign languages]

in schools is very helpful to deepen the bilateral understanding between two nations," ayon

kay Kim. Upang mapaghandaan ang programa, makikipagtulungan ang DepEd sa Korean

Cultural Center sa pagsasanay ng mga guro.

3
KONSEPTUWAL NA BALANGAS

Process Output
Imput
1. Serbey. 1. Kamalayan sa
1. Ano-ano ang
2. Panayam. epekto ng
naidulot nito sa
pagkahumaling sa
ating wika?
“K-drama at K-pop”.
2. Ano-ano ang mga
2. Libro na naglalaman
pwedeng maidulot
ng Tagalog-Korea na
nito sa ating mga
salita na
kabataan?
makakatulong o
3. Paano ito mas
makakadagdag ng
nakilala sa
kaalaman sa mga
kabataan?
kabataan.
4. Bakit Maraming

nahuhumaling na

Kabataan sa

Paggamit ng Korean

Language

5. Sa iyong palagay

Paano mo masu-

solusyonan ito?

FEEDBACK

4
Nais naming mga mananaliksik na malaman ang naging epekto ng Korean Language sa

mga kabataan na nahuhumaling sa Korean Drama o Korean Pop sa aming pamamagitan

ng paggawa ng aming mga kwestyuner na may kinalaman sa paksa na aming pinag-

aaralan. Ang mga tanong na ito ay aming gagamitin sa serbey at pakikipagpanayam.

Matapos naming gawin ang proseso na ito ay makakapagbigay na ito ng maikling

deskripsyon na naglalaman o nalalarawan ng magiging resulta o produkto.

SAKOP AT LIMITASYON

Ang layunin ng pag-aaral at pananaliksik na ito ay upang malaman ang epekto ng Korean

Language sa pagkamulat ng kaisipan ng mga kabataan. May mga tuntunin ang paggamit

ng lenggwahe ng Korea at sa pag-aaral na ito ay may mga limitasyon lang na dapat

isaalang-alang ang dahilan nito ay upang mapanatili ay kaayusan ng pananaliksik at pag-

aaral ukol dito.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Epekto ng Korean Language sa Kabataan edad 12 - 20 sa Caloocan

sa Taong 2017 – 2018

 Mag-aaral Nalalaman natin ang ibang language.Natututo tayo makapag salita

ng Korean Natututo tayong makipag communicate sa mga korean. Sa pag aaral

naman ay tulong din sa pag aaral ng Heograpiya dahil minsan ay pinagrereport

tayo at maaari nating gamitin ang lenggwaheng ito.

5
 Magulang – Nakakatulong ito sa mga kabataan na mapalawak ang kanilang
kaalaman sa ibang kultura at respeto nila sa ibang lahi, maaari din nilang gamitin
ang kanilang kaalaman upang makapagtrabaho sa Korea.

 Mga Guro Makakatulong ito sa mga guro upang malaman nila ang mga suliranin

at mga dulot na meron sa pagtuto ng Wikang Korean at Tagalog.

 Kalahok Ang pag-aaral na ito’y magsisilbing gabay nila upang mas lalo pa

nilang paigtingin ang kaledad ng Musikang Pilipino (OPM) sa ating bansa at

tangkilin ng mga mamamayang Pilipino.

You might also like