You are on page 1of 89

PAGGAMIT NG CODE-SWITCHING SA PAKIKIPAGKOMUNIKASYON NG MGA

PILING MAG-AARAL SA MARY AND JESUS SCHOOL, INC., BUSTOS, BULACAN

Pamanahong Papel na Iniharap

Sa mga Guro ng Departamento ng Filipino

Baliuag University

Baliwag, Bulacan

Bilang Bahagi sa Asignaturang

Filipino 200, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

nina
Mark Angelo R. Arceo
Carissa H. Cruz
Edwin N. Cruz
Sandra P. Ragil
Beverly Jean Salinas

Marso 2013

1
DEDIKASYON

Ang pananaliksik na ito ay inihahandog ng mga mananaliksik sa mga sumusunod na

indibidwal na siyang naging dahilan at inspirasyon ng bawat mananaliksik upang

mapagpunyagian at mapagtagumpayan ang pananaliksik na ito:

Una, para sa mga pamilya ng mga mananaliksik na walang sawang nagbigay ng suporta

sa bawat mananaliksik at nagsilbing inspirasyon upang maisagawa nang maayos ang pag-aaral.

Ikalawa, sa kanilang propesor na si Bb. Lilia C. Manahan na nagturo sa mga

mananaliksik upang makapagsagawa ng isang maayos na pag-aaral at gumabay sa bawat

mananaliksik upang maliwanagan sa bawat bahagi ng pananaliksik.

Ikatlo, sa mga kapwa kamag-aral ng mga mananaliksik na nagbigay ng tulong at payo sa

mga mananaliksik upang maging mas kapaki-pakinabang ang naturang pag-aaral.

Ikaapat, sa mga kalahok ng pag-aaral, ang mga mag-aaral ng Mary and Jesus School, Inc.

na taos-pusong ibinahagi ang kanilang mga kaalaman para sa isinagawang pananaliksik.

Ikalima, ang pananaliksik na ito ay inihahandog din ng mga mananaliksik sa lahat ng

mga Pilipino dahil ang pag-aaral na ito ay tungkol sa paggamit ng code-switching, hindi lamang

ng mga kalahok sa pag-aaral kundi na rin ng bawat Pilipino na dapat bigyan ng pagpapahalaga

ang wikang Filipino.

Para sa Panginoong Diyos ng lahat na laging nandiyan upang gabayan ang mga

mananaliksik na makatapos sa kanilang pag-aaral at lalo na sa pagpapalakas ng loob at pananalig

ng mga mananaliksik.

MGA MANANALIKSIK

2
PAGKILALA

Ang pag-aaral na ito ay imposibleng mapagtagumpayan ng mga mananaliksik nang

walang tulong at suporta ng mga sumusunod na inbidwal na buong pusong pinasasalamatan ng

mga mananaliksik:

Lubos ang pasasalamat ng mga mananaliksik sa kani-kanilang mga pamilya, lalo na sa

kanilang mga magulang na hindi lamang tulong pinansyal ang ibinigay ngunit pati rin ang tulong

ispiritwal at dalisay na pagmamahal at paggabay na nakatulong nang malaki upang matapos ang

pananaliksik.

Para kay Bb. Lilia C. Manahan, nagpapasalamat ang mga mananaliksik para sa kanyang

mahabang pasensya upang ibahagi sa mga mananaliksik ang kanyang mga kaalaman upang ang

mga mananaliksik ay malinang at mapaghusayan ang kanilang mga kaalaman sa paggawa ng

isang makabuluhang pananaliksik.

Sa direktora ng Mary and Jesus School, Inc. na si Gng. Teodora S. Perpetua at punong-

gurong si Bb. Marilyn Villesis, malaki ang pasasalamat ng mga mananaliksik sa kanila dahil sa

pagbibigay ng pahintulot sa mga mananaliksik upang magpamigay ng mga talatanungan sa mga

mag-aaral ng nasabing paaralan na siya ring lubos na pinasasalamatan ng mga mananaliksik

dahil sa kanilang bukas-palad na pagbabahagi ng mga kaalaman, ideya at pananaw.

Para sa dakilang Panginoong Diyos na nagbigay sa bawat mananaliksik ng talentong

angkin na siyang ipinamalas ng mga mananaliksik sa naturang pag-aaral. Naisagawa ang

pananaliksik na ito dahil nagsilbing ilaw ang Panginong Diyos sa bawat mananaliksik na siyang

naging dahilan upang maghari ang pagkakaisa sa pagitan ng mga mananaliksik.

MGA MANANALIKSIK

3
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pahina

DEDIKASYON. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2

PAGKILALA. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3

TALAAN NG MGA NILALAMAN. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4

KABANATA 1: SULIRANIN AT SANDIGAN NITO. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 5

Panimula. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 5

Kahalagahan ng Pag-aaral. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8

Batayang Teyoretikal. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10

Paglalahad ng Suliranin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 12

Sakop at Limitasyon. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 13

Paradigm. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15

Katuturan ng mga Talakay. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 16

KABANATA 2: KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL. . . . . . . . . . . . . . . . . 18

Mga Kaugnay na Literatura. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 18

Mga Kaugnay na Pag-aaral. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 26

KABANATA 3: PAMAMARAAN AT PINAGMULAN NG MGA DATOS. . . . . . . . . . . 35

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 35

Talatanungan. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 36

Istatistikal na Tritment ng mga Datos. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 37

KABANATA 4: PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG MGA DATOS. . . . . . . . . . . . . . . 38

KABANATA 5: PAGBUBUOD, PAGWAWAKAS AT MGA TAGUBILIN. . . . . . . . . . . 62

TALASANGGUNIAN. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 76

MGA DAHONG DAGDAG. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 78

KURIKULUM BAYTA. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 84

4
KABANATA 1

Suliranin at Sandigan Nito

Panimula

Ang wikang Filipino ay maihahalintulad sa isang butong itinanim na sa paglipas ng

panahon ay tumubo; inalagaan hanggang sa yumabong, namunga, at pinakikinabangan ng mga

Pilipino hanggang sa kasalukuyan. Iyan ang wikang Filipino na mananatiling buhay na bantayog

ng pagiging makabansa ng mga Pilipino, isang matatag na puno na patuloy na sumasabay sa

malakas na ihip ng hangin subalit nagbabago ng anyo sa paglipas ng panahon. Ang dating

wikang Filipino ay nahahaluan na ng mga banyagang salita tulad ng Ingles.

Ang wika ay isang matibay na kasangkapan sa pakikipagtalastasan. Hindi maaaring

magkaroon ng isang matatag at buong pamayanan kung walang wikang mag-uugnay sa bawat

isa. Ang wika ang dahilan kung bakit may pagbubuklod at pagkakaisa. Ito rin ang

pinakamahalagang salik sa pagganap at pagtupad bilang tao sa kanyang lipunang ginagalawan. 1

Ang wikang Ingles ang pandaigdigang lingua franca. Noong 1762, ipinakilala ng mga

mananakop na Briton ang wikang Ingles sa mga Pilipino. Gayunpaman, ang wikang Ingles ay

nabigyang saysay lamang ng mga Pilipino sa pagitan ng mga taong 1898 at 1946, mga taon kung

kailan ang Pilipinas ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos. Mula noon, ang wikang

Ingles ang naging opisyal na wika ng Pilipinas. Noong Hulyo 14, 1936, pinili ng Surian ng

Wikang Pambansa ang Tagalog bilang basehan ng pambansang wika ng Pilipinas. 2

Sa paglipas ng panahon, ang mga Pilipino ay nagsimulang gumamit ng wikang Filipino at

Ingles sa pakikipagkomunikasyon ng halinhinan, at dahil doon ay sumibol ang code-switching.

1
Lakandupil Garcia, ed., et. al., Metalinggwistik na Pagtalakay sa Wikang Filipino, (Malabon City, Metro
Manila: Jimcyzville Publications, 2012), 1.
2
Andrew Gonzales, FSC, “Language Planning Situation in the Philippines”, Journal of Multilingual and
Multicultural Development, Vol. 19, No. 5&6, (Oxford, United Kingdom: Routledge, 1998), 487.

5
Sa bawat araw na lumilipas, lumalaki ang pangangailangan ng mga Pilipino na matuto ng

wikang Ingles. Patuloy na lumiliit ang mundo dahil sa dumadaling paglalakbay sa pagitan ng

mga bansa at patuloy na dumadaming ibayong kalakal na pumapasok sa Pilipinas, dulot na rin ng

makabagong teknolohiya na patuloy ang mabilis na pag-unlad. Dahil dito, nararapat lamang na

hasain ang pananalitang banyaga upang makasabay ang mga Pilipino sa malakas na ihip ng

modernisasyon. Gayunpaman, sa konteksto ng lumiliit na mundo at ng lumalagong ibayong

kalakal, higit na mahalaga pa ring pagyamanin ang kaalaman sa wikang Filipino. Tumitingkad

ang pangangailangang maging sanay ang bawat Pilipino sa sariling wika hindi lamang upang

makipag-ugnayan gamit ang wikang Filipino ngunit dahil ang wikang Filipino ang sisidlan ng

mga pagpapahalaga, kasaysayan, at kulturang Pilipino – mga bagay na kahit kailanman ay hindi

mananakaw ninuman. Kung ang isang Pilipino ay makikisalamuha sa ibang lahi at kultura, ang

kanyang pagpapakilala sa sarili at sa bayan ay maiaayon sa mga ito.

Sa bagong sitwasyon ng wikang Filipino, ang mga nabibilang sa nakababatang

henerasyon ay hindi lubusang sinasanay ang paggamit ng pang-akademikong Filipino at Ingles.

Sa halip, ang mga Pilipino, sa pangkalahatan, ay marunong gumamit ng „street Filipino‟ na siya

nilang natututunan sa media at hindi sa pang-akademikong Filipino na natututunan sa paaralan.

Hindi lubos na naiintindihan ng mga Pilipino ang pang-akademikong Filipino sapagkat

karamihan sa mga guro ay hindi komportable sa paggamit ng wikang Filipino lamang bilang

midyum sa pagtuturo. Dahil na rin sa kakulangan ng mga aklat at babasahing Filipino, ang pag-

aaral sa pang-akademikong Filipino ay nagiging kasinghirap ng pag-aaral sa pang-akademikong

Ingles. 3

3
Roger Thompson, Filipino English and Taglish: Language Switching from Multiple Perspectives,
(Amsterdam: John Benjamins Publishing Co., 2003), 56.

6
Hindi maipagkakaila ng mga Pilipino na kahit saanman sila magpunta, hindi nila

maiiwasang gumamit ng code-switching at mahantad sa paggamit ng code-switching.

Ang mga Pilipino ay mahilig sa pakikipagkapwa. Ang paggamit ng Filipino ay hindi

sapat sa mga interpersonal na pakikisalamuha kaya‟t ihinalili ang paggamit ng Taglish na siyang

taliwas sa itinuturong Filipino sa paaralan. Gayunpaman, ang paglaganap ng Taglish ay

iniiwasan ang wikang Filipino na mapalitan ng wikang Ingles bilang gamiting wika sa

pakikipagkomunikasyon sapagkat ang pang-akademikong Filipino at Ingles pa din ang ginagamit

sa pagsagot sa mga pagsusulit sa paaralan at paghahanap ng trabaho. 4

Mula sa mga impormasyong nabanggit, masasabing laganap na nga ang code-switching o

pagapalit-koda at ito ang nagtulak sa mga mananaliksik upang pag-aralan ang code-switching

sapagkat karamihan sa mga Pilipino ngayon ay hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng code-

switching kahit ito ay madalas nilang gamitin sa pakikipagkomunikasyon. Isa itong paksa na

kailangang saliksikin at ipaalam sa mga Pilipino kung ano ang tungkulin nito sa kanilang mga

buhay at sa mundong kanilang ginagalawan.

Binanggit sa isang artikulo sa Manila Bulletin noong taong 2006 na ang paggamit ng

Taglish, ang pinakagamiting uri ng code-switching sa Pilipinas, ay nangangahulugang may

kakulangan sa kasanayan ang isang indibidwal sa paggamit ng Tagalog at Ingles sa isang

kumpletong diskurso o hindi kaya ay parehong magaling ang isang indibidwal sa dalawang wika

ngunit gumagamit ng code-switching upang mahasa ang komunikatibong kahusayan. 5

Sa pag-aaral na ito, layunin ng mga mananaliksik na mapagtagumpayan ang mga

sumusunod na layunin nang sa gayon ay maging kapaki-pakinabang ang naturang pag-aaral:

4
Thompson, loc. cit.
5
Ma. Lourdes Bautista, “Why do we code-switch?”, www.mb.com.ph/articles/218315/why-do-we-
codeswitch#.UOEXEGdJZho, Enero 6, 2013.

7
1. Ipaalam sa mga mag-aaral ng Mary and Jesus School, Inc. sa Bustos, Bulacan kung ano

ang ibig sabihin ng code-switching at ang mga kaugnay nitong impormasyon upang

kanilang mapagtanto kung ano ang tungkulin nito sa kanilang mga buhay at sa wikang

Filipino.

2. Mapatunayan ang mga nakaraang pag-aaral patungkol sa code-switching gamit ang mga

datos na makakalap sa mga kalahok ng pananaliksik at mapalawak ang kaalaman

patungkol sa code-switching at iba pang mga araling pangwika.

3. Mabigyan nang karampatang interpretasyon ang lahat ng mga datos na malilikom mula sa

mga tagatugon nang sa gayon ay maging makatotohanan ang mga kasagutang makukuha

sa pananaliksik.

4. Mabigyan nang maayos at malinaw na kasagutan ang mga suliranin sa pag-aaral na ito na

siyang magiging makabuluhan sa kaalaman ng nakararami.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa pag-aaral na ito, layunin ng mga mananaliksik na ipabatid sa mga nakararami ang mga

katotohanang napapaloob sa pag-aaral ng code-switching. Naniniwala ang mga mananaliksik na

magiging mahalaga, makabuluhan, at kapaki-pakinabang ang pag-aaral na ito sa mga

sumusunod:

Mga Mananaliksik. Ang mga impormasyong makakalap nila ay magsisilbing patnubay sa

mga susunod pang mga pag-aaral at magiging malaking tulong ito sa mga mananaliksik upang

makapag-ambag ng makabuluhang kaalaman tungkol sa code-switching at iba pang mga araling

pangwika. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbi ring sanggunian at mapagkukunan ng mga

impormasyon ng mga mananaliksik hinggil sa code-switching. Makapagbibigay din ito ng

8
motibo sa mga mananaliksik upang mas pag-aralan pa at bigyang pansin ang mga araling

pangwika tulad ng code-switching.

Mga Mag-aaral. Ito ay makapagdadagdag sa kanilang mga kaalaman na siyang

magsisilbing gabay sa kanilang mabisang pakikipagkomunikasyon. Ito rin ay magsisilbi bilang

isang pagsasanay sa pagpapaunlad ng kanilang kasanayang pangwika at kakayahang

komunikatibo. Pagdating sa mga usaping pangwika, sila rin ay mas magiging aktibo dahil sa

kaalaman na kanilang nakalap mula sa pag-aaral na ito.

Kabataan. Ang mga kabataan ang susunod na magiging mga pinuno ng bayan kaya‟t

mahalagang ngayon pa lamang ay mamulat na sila sa mga araling pangwika nang sa ganoon ay

malaman nila kung gaano kahalaga ang wika sa araw-araw nilang pamumuhay.

Mga Magulang. Bilang mga magulang, tungkulin nila na magsilbing gabay sa kanilang

mga anak sa pagpapaliwanag ng mga makabuluhang bagay na siyang magbibigay kaalaman sa

kanilang mga anak. Maaari nilang ituro sa kanilang mga anak kung ano ang daan tungo sa

mabisang pakikipagkomunikasyon nang sa ganoon ay lumaking may tiwala sa sarili ang kanilang

mga anak pagdating sa pakikipagkomunikasyon.

Publiko. Mula sa mga impormasyong nakalap ng mga mananaliksik, mailalahad sa

publiko ang mga usaping pangwika na siyang magbibigay ng kaalaman sa kanila na maaari

nilang gamitin sa araw-araw na pamumuhay at pakikisalamuha sa mga tao.

Mga Susunod na Henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay at

makapagbibigay ng impormasyon sa mga susunod na henerasyon upang mabatid nila kung ano

ang pinagmulan ng mga aralin at usaping pangwika at upang malaman nila ang mga hakbangin

at paraan na kanilang gagawin upang mas lalo pang mapag-aralan ang mga pag-aaral na tulad ng

pananaliksik na ito.

9
Mga Guro at Propesor. Sa mga guro at propesor, lalo na sa mga nagtuturo ng

asignaturang Filipino, isang malaking tulong ang pag-aaral na ito upang mapayabong ang

kanilang kaalaman sa pakikipagkomunikasyon na umiiral sa kasalukuyan. Maaari nila itong

gamiting sanggunian sa pagbabahagi ng kanilang ng mga kaalaman sa mga mag-aaral hinggil sa

mga araling pangwika na siyang magsisilbing patnubay sa pagpapaunlad ng wikang Filipino.

Administrasyon ng mga Paaralan. Dahil malaki ang sakop at impluwensya nila sa

paaralan, maaari silang maglunsad ng mga programa na siyang tutulong sa pagpapaunlad ng

wikang Filipino at pagpapayaman ng bokabularyo ng mga mag-aaral at mga guro na

magsisilbing tulong sa pagkakaroon ng mabisang pakikipagkomunikasyon – pasalita man o

pasulat.

Batayang Teyoretikal

Isang teorya ang ginamit ng mga mananaliksik bilang batayan sa pag-aaral na ito upang

maging mas mainam ang isasagawang payak na pananaliksik. Malaki ang bahaging gagampanan

ng teoryang ito lalo na sa pag-aanalisa at pagbibigay ng interpretasyon sa mga datos na

makakalap ng mga mananaliksik.

Ang batayang teyoretikal ng kasalukyang pag-aaral ay ibinatay sa Communication

Accommodation Theory na nilinang ni Howard Giles, isang propesor ng sikolohiya at

linggwistika sa University of California, Santa Barbara sa Estados Unidos. Si Giles ay isa sa mga

eksperto na naglalayong ipaliwanag ang mga nagbibigay-malay, mga dahilan sa paggamit ng

code-switching, at iba pang mga pagbabago sa istilo ng pananalita. 6

Ipinapaliwanag sa teoryang ito na nagkakaroon ng inklinasyon na gumaya o bumagay sa

pagsasalita ng kausap ang isang indibidwal para bigyang halaga ang pakikiisa, pakikilahok,

6
Howard Giles, “Curriculum Vitae”, www.comm.ucsb.edu/sites/www.comm.ucsb.edu/files/
sitefiles/people/faculty/gilesh/cv-giles.pdf, Enero 3, 2013.

10
pakikipagpalagayang-loob, pakikisama o kaya‟y pagmamalaki ng pagiging kabilang sa grupo.

Inaalam nito ang iba‟t ibang mga kadahilanan kung bakit ang isang indibidwal ay pinalalaki o

pinaliliit ang kaibahang sosyal sa pagitan niya at ng kanyang mga interlokyutor o kausap sa

pamamagitan ng sistemang berbal at di-berbal na pakikipagkomunikasyon.7

Mula sa isang artikulo na isinulat ni Rico, tinatalakay din sa Communication

Accommodation Theory ang mga terminong interference phenomenon at interlanguage. Ang

interference phenomenon ay tumatalakay sa impluwensiya ng nakagisnang wika o mother tongue

sa pangalawang wika. Dito nabubuo ang Taglish at iba pang uri ng code-switching dahil sa hindi

maiiwasang pagpasok ng mga katutubong wika ng mga bansang naging kolonya ng mga bansa

na ang katutubong wika ay Ingles. Ang interlanguage naman ang tinatawag na mental grammar

na nabubuo ng tao pagdating ng proseso ng kanyang pagkatuto sa pangalawang wika.

Halimbawa nito ang mga salitang madalas na ginagamit ng mga Pilipino, na dahil sa sobrang

dalas ay nadadagdagan ito ng gamit (nominalisasyon). Dito ay binabago ng tagapagsalita ang

balarila sa pamamagitan ng pagdadagdag, pagbabawas at pagbabago ng mga alituntunin. 8

Gamit ang Communication Accommodation Theory bilang batayan sa naturang

pananaliksik, napagtanto ng mga mananaliksik na ang teoryang ito ay hindi nalalayo sa konsepto

ng pagpapalit-koda sa pakikipagkomunikasyon, berbal man o di-berbal. Karamihan sa mga

kalahok sa pananaliksik ay nakatira sa Bulacan kaya‟t napakalaki ng posibilidad na wikang

Tagalog ang kanilang nakagisnang wika at kung gumagamit man sila ng code-switching ay dahil

ito sa epekto ng maraming mga bagay sa lugar kung saan sila nakatira. Isa pang kadahilanan na

pinaniniwalaan ng mga mananaliksik ay hindi naman lahat ng mga taong nakakasalamuha ng

mga kalahok sa pag-aaral ay kapareho nila ng wika at kultura kaya‟t malaki rin ang posibilidad

7
William Gudykunst, ed., Theorizing About Intercultural Communication, (Thousand Oaks, California,
USA: Sage Publications, Inc., 2005), 121.
8
Ian Rico, “Teoryang Pangwika”, www.scribd.com/doc/60711215/Ian, Enero 6, 2013.

11
na akuin nila ang wika ng mga ibang taong nakakasalamuha nila o ang wika nila ang akuin ng

mga taong kanilang nakakasalamuha sa araw-araw na pamumuhay. Sa mga susunod na kabanata,

ilalahad ng mga mananaliksik kung ano ang epekto ng code-switching sa mga piling mag-aaral

ng Mary and Jesus School, Inc. at kung bakit nila piniling gumamit ng code-switching kaysa sa

isang purong partikular na wika sa pakikipagtalastasan.

Naniniwala ang mga mananaliksik na sa pag-aanalisa ng teoryang ito, mas maiintindihan

pa nila at mas magagabayan sila sa pag-aaral ng code-switching sapagkat ang teoryang ito ay

maaari ring pagbatayan sa pag-aaral ng iba pang araling pangwika partikular na ang second

language acquisition o pag-aaral ng ikalawang wika kung saan nabibilang ang code-switching.

Paglalahad ng Suliranin

Sa panahon ngayon, dapat mabatid ng mga tao ang pagpuna sa mga isyu at mga

pangyayaring umiiral sa lugar na kanilang ginagalawan. Maraming mga bagay na pinagmumulan

ng maraming katanungan na siyang nagdudulot sa mga tao upang manaliksik at matamasa ang

kasagutang kanilang ninanais. Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng isang masusing pag-aaral

at pag-aanalisa sa mga bagay na hinahanapan ng isang tiyak na kasagutan. Sa pananaliksik na

ito, nais bigyang kasagutan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anong uri ng code-switching ang pinakagamitin sa pakikipagkomunikasyon ng mga

piling mag-aaral sa Mary and Jesus School, Inc.?

2. Anong anyo ng code-switching ang kadalasang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon

ng mga kalahok sa pag-aaral?

3. Anu-anong mga impormasyon ang mayroon ang mga mag-aaral hinggil sa kanilang

paggamit ng code-switching sa mga sumusunod:

a. Sa anong paraan ng pakikipagkomunikasyon ginagamit ang code-switching?

12
b. Kailan sinimulang gamitin ang pagko-code-switching?

c. Saan kadalasang ginagamit ang pagko-code-switching?

d. Sino ang nakaimpluwensya upang gamitin ang code-switching sa

pakikipagkomunikasyon?

e. Ano ang nararamdaman kapag ginagamit ang code-switching o pagpapalit-koda?

4. Anu-ano ang iba‟t ibang mga kadahilanan ng mga mag-aaral kung bakit pinili nilang

gamitin ang code-switching?

5. Anu-ano ang mga mabuting epekto ng paggamit ng code-switching sa mga

sumusunod:

a. Sa mga mag-aaral?

b. Sa kanilang pag-aaral at akademikong pagganap?

c. Sa wikang Filipino?

6. Anu-ano ang mga hindi mabuting epekto ng paggamit ng code-switching sa mga

sumusunod:

a. Sa mga mag-aaral?

b. Sa kanilang pag-aaral at akademikong pagganap?

c. Sa wikang Filipino?

7. Anu-ano ang mga pananaw ng mga mag-aaral ng Mary and Jesus School, Inc.

patungkol sa maaaring paggamit ng code-switching ng mga susunod na henerasyon?

Sakop at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito na may pamagat na “Paggamit ng Code-switching sa

Pakikipagkomunikasyon ng mga Piling Mag-aaral sa Mary and Jesus School, Inc., Bustos,

Bulacan” ay naglalayong sumaklaw sa isang daan at apatnapu‟t walong (148) piling mga mag-

13
aaral ng hayskul mula sa ikapitong baitang hanggang sa ikaapat na antas sa Mary and Jesus

School, Inc. taong panuruan 2012-2013. Mula sa isang daan at apatnapu‟t walong (148) mga

mag-aaral, isang daan (100) lamang sa mga mag-aaral ang nagkaroon ng pagkakataon upang

maibahagi ang kanilang mga kasagutan sa pangangalap ng impormasyon ng mga mananaliksik

sapagkat ang iba ay lumiban sa klase sa kadahilanang sila ay abala sa paghahanda para sa isang

pagdiriwang na may kinalaman sa Minasa Festival. Hindi sinasaklaw sa pag-aaral na ito ang mga

mag-aaral sa Mary and Jesus School, Inc. na hindi nabibilang sa mga unang klase ng bawat taon

sa hayskul.

Maraming baryasyon ng wika na nakapagpapabago sa paraan ng pakikipagkomunikasyon

ngunit binigyang hangganan lamang ang pananaliksik na ito sa code-switching at hindi isinama

ang kakambal nitong code-mixing o halong-koda sapagkat ibang pag-aaral ang dapat isagawa

dito na siya ring maaaring maging dahilan ng pagkalito ng mga kalahok sa pag-aaral sa pag-

intindi ng code-switching. Ang mabubuong konklusyon ng mga mananaliksik ay magmumula

lamang sa mga kasagutang kanilang malilikom mula sa mga talatanungang ipinamigay sa

nabanggit na paaralan sa tulong na rin ng mga babasahin na siyang ginamit ng mga mananaliksik

upang mas mapag-ibayo ang kaalaman sa code-switching at makapagbigay ng mga

makatotohanan at tiyak na kasagutan sa mga suliranin ng pag-aaral.

14
Paradigm
Paggamit ng Code-switching sa Pakikipagkomunikasyon ng mga
Piling Mag-aaral sa Mary and Jesus School, Inc., Bustos, Bulacan

Mother Tongue Wikang Banyaga

Code-switching

Iba‟t ibang uri ng Iba‟t ibang paraan Iba‟t ibang anyo ng


code-switching sa paggamit ng code-switching
code-switching

Mga nakaimpluwensya sa Lugar kung saan Yugto ng buhay kung


paggamit ng code- ginagamit ang code- kailan sinimulang mag-
switching switching code-switching

Epekto sa Sarili Epekto sa Akademikong Epekto sa Wikang


Pagganap Filipino

Mabuting Masamang Mabuting Masamang Mabuting Masamang


Epekto Epekto Epekto Epekto Epekto Epekto

Mabisang Kalituhan sa Naiintindihan Mabababang Natutumbasan ang Walang kasanayan


komunikasyon mga wika ang mga aralin mga marka dayuhang wika ang mga kabataan

Mataas na Nababawasan Naipapahayag Hirap sa paggawa Nakasasabay sa Nababago ang


tiwala sa sarili ang kasanayan agad ang sagot ng mga sulatin modernisasyon taal na wika

Natututo ng Walang pagpa- Malikhain sa Kulang ang Naipapaliwanag Hindi nagagamit


ibang mga wika pahalaga sa wika pagsasalita kasanayan sa wika ang mga malalalim ang ibang mga
na salita salita

Mga iba‟t ibang nararamdaman


sa paggamit ng code-switching

Mga kaalaman, ideya at pananaw 15


patungkol sa paggamit ng code-switching
ng mga susunod pang mga henerasyon
Katuturan ng mga Talakay

Upang lubusang maintindihan ng mga mambabasa at mabigyang linaw sa mga

tatalakayin ng pananaliksik na ito, binigyang katuturan ng mga mananaliksik ang mga

sumusunod na mga terminolohiya na siyang tatalakayin sa pag-aaral na ito:

Bilinggwal. Ito ang kakayahan ng isang tao na makapagsalita at nakagagamit ng

dalawang wika sa isang pagkakataon.9

Code-switching. Ito ang pagpapalit sa pagitan ng dalawa o higit pang wika, o barayti ng

wika sa konteksto ng isang pag-uusap. Maaari itong gamitin ng tuluy-tuloy o minsanan sa

pangungusap at pagsasalitaan. 10

Englog (o Engalog). Isang uri ng impormal na sosyolek na ginagamit sa Pilipinas. Ito ang

kombinasyon ng wikang Ingles at Tagalog sa pakikipagkomunikasyon; ang kabaligtaran ng

Taglish.11

Inter-sentential switching. Isang anyo ng code-switching na nasa labas ng pangungusap o

antas ng sugnay ang nagaganap na halinhinan ng mga wika o diyalekto. Ito rin ay tinatawag na

extrasentential switching. 12

Intra-sentential switching. Isang anyo ng code-switching na nagaganap sa loob ng

isang pangungusap o sugnay. 13

9
Garcia, et.al., op.cit, 2012, 11.
10
David Crystal, “Code-switching”, A Dictionary of Language, 2nd ed., Chicago, USA: The University of
Chicago Press, 2001.
11
Neville Hobson, “The Globalization of English”, www.webpronews.com/the-globalization-of-english-
2005-03, Enero 6, 2013.
12
Carol Myers-Scotton, “Code-switching with English: types of switching, types of communities”, World
Englishes,Volume 8, Issue 3, (Oxford, United Kingdom: Blackwell Publishing, 1989), 333.
13
Ibid.

16
Pakikipagkomunikasyon. Mula sa salitang komunikasyon, ang pakikipagkomunikasyon

ay ang pagpapahayag, pagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan, isang

pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan. 14

Wika. Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Ito ang kalipunan ng mga

simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas na ginagamit ng isang komunidad upang maipahayag

ang nais sabihin ng kaisipan.15

Taglish. Ito ay isang uri ng wika na nagmula sa Maynila mula sa paghahalo ng mga

wikang Tagalog at Ingles sa pakikipagkomunikasyon.16

Tag-switching. Isang anyo ng code-switching na gumagamit ng mga tag phrase,

padamdam at salita o parehong tag phrase, padamdam at salita, mula sa wika-A patungong wika-

B.17

14
“Communication”, Merriam-Websters Collegiate Dictionary, 11th ed., USA: Merriam-Webster,
Incorporated, 2003.
15
Leo James English, “Wika”, Tagalog-English Dictionary, 1990.
16
Virgilio Almario, “Wikang Taglish, Kamulatang Taglish”, www.sawikaan.net/wikang_taglish.html,
Enero 6, 2013.
17
Li Wei, The Bilingualism Reader, (New York, USA: Routledge, 2000), 253.

17
KABANATA 2

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Sa kabanatang ito, ilalahad ng mga mananaliksik ang mga literatura at pag-aaral na

kaugnay sa code-switching na siyang magdadagdag sa kaalaman ng mga mambabasa ukol sa

paksa ng naturang pag-aaral. Makikita din sa kabanatang ito ang kaugnayan ng bawat literatura

at pag-aaral sa pananaliksik. Ang mga impormasyong matatagpuan sa kabanatang ito ay ang mga

impormasyon na nagsilbing patnubay sa mga mananaliksik upang mapagtagumpayan ang

pagususuri ng mga datos mula sa mga kalahok ng pananaliksik.

Mga Kaugnay na Literatura

Ang pagiging bilinggwal, ayon kay Tiamson-Rubin ay madaling magbigay-daan sa code-

switching o pagpapalit-palit ng dalawang wika sa pag-uusap o talakayan. Tinatanggap na natural

ang pagpapalit-palit ng isang bilinggwal na Pilipino ang paggamit ng Ingles at Filipino, kahit na

anong lebel ng kagalingan sa dalawang wika ang narating niya. Kadalasang nagkakaroon ng

code-switching kapag higit na komportable ang nagsasalita sa paggamit ng isang wika kaysa

ibang wika batay sa paksang kanyang tinatalakay. May mga larangan sa buhay at karunungan na

higit na magandang ipahayag sa Filipino kaysa wikang Ingles. 18

Mahusay ang paggamit ng code-switching kung napapanatili ang paggamit ng isang

wika, halimbawa, Ingles, sa tamang tagal at hindi pabigla ang paglipat tungo sa paggamit ng

Filipino. Mahalagang natural ang daloy ng paglilipat-lipat sa paggamit ng dalawang wika. 19

Ang code-switching ay nagbibigay-daan sa malayang panghihiram ng mga salita sa

wikang Ingles. Hindi pa matitiyak ang magiging epekto nito. Hindi pa masasabi kung gaano

18
Ligaya Tiamson-Rubin, et. al., Retorika, Wikang Filipino at Sulating Pananaliksik, (Sampaloc, Manila:
Rex Bookstore, 2006), 8.
19
Ibid.

18
karami sa talasalitaan ng wikang Ingles ang magiging bahagi ng wikang Filipino maliban lamang

marahil sa mga salitang pangsiyensiya at pangteknikal. 20

Gaya ng sabi ni Tiamson-Rubin, hindi pa tiyak ang magiging epekto ng code-switching

sa pakikipagkomunikasyon sapagkat maraming terminolohiya sa Ingles ang nagiging bahagi pa

ng makabagong wikang Filipino sanhi ng pangangailangang dulot na rin ng makabagong

panahon. Ibig sabihin, malaki ang maiaambag ng pananaliksik na ito sa mga Pilipino lalo na

ngayong mas nahahantad na ang mga Pilipino sa media kung saan laganap ang code-switching

dahil maaari itong maging basehan ng mga susunod pang mga pag-aaral.

Ayon kay Mische, ang pinagsamang Tagalog at Ingles, na mas kilala bilang Taglish ay

ginagamit sa pakikipagkomunikasyon sa maraming sitwasyon. Kadalasang mapapansin ito sa

media – telebisyon, pag-aanunsiyo at ibang pang mga kondisyon – malayo sa mga napakapormal

na pangyayari kung saan purong Tagalog at Ingles lamang ang ginagamit. Ang pinaghalong anyo

ng Tagalog at Ingles ay orihinal na tinawag bilang „mix-mix‟ o „halo-halo‟, naging Engalog o

Englog at pagkatapos ay Taglish. Sa totoo lang, ang madalas na paggamit ng code-switching ay

isang balakid upang mabatid kung ano talaga ang taal na Tagalog at kung ano ang hiniram

lamang o nagmula sa wikang Ingles. 21

Sa kasalukuyan, ang Taglish ay ang „street English‟ para sa mga Pilipino o ang paraan ng

mga taong may pinag-aralan upang pag-iba-ibahin ang kanilang istilo ng pananalita.

Gayunpaman, ang paglaganap ng Taglish ay hinahadlangan ang wikang Filipino upang halilihan

ang Ingles bilang wikang pinakagamitin sapagkat ang parehong wika ay dapat alamin at mapag-

aralan sa paaralan. Ngunit ang pagtuturo ng wikang Filipino ay nasa proseso pa lamang ng

pagbuo at paglinang ng isang ganap na pang-akademikong pamamaraan. Patuloy ang pagtatalo

20
Tiamson-Rubin, et. al., op. cit., 2006, 9.
21
Margarete Mische, Philippine English, (Norderstedt, Germany: GRIN Verlag, 2008), 7.

19
sa paggamit ng wikang Filipino kaysa Ingles sa mga gawaing pampaaralan at iba pang mga

gawain. Pero kahit na nangingibaw ang Ingles sa print media, lamang naman ang wikang

Filipino sa telebisyon, radyo at lokal na mga pelikula. Ang code-switching ay isa lamang maliit

na bahagi sa iba‟t ibang mga katangiang tampok sa barayti ng Ingles na ginagamit sa Pilipinas. 22

Kahit na malaki na ang bahagdang kinuha ng wikang Ingles sa wikang Filipino sa

pakikipagkomunikasyon ng mga Pilipino, kailangan pa ring manatili ang wikang Tagalog

sapagkat mayroon pa ring mga salitang Tagalog na walang katumbas sa ibang wika dahil na rin

ang wika ay nakabatay sa kultura ng mga mananalita nito. Malaki ang pangangailangan ng mga

mag-aaral na pag-aralan ang parehong wika sapagkat sa panahon ngayon, mahirap nang

humanap ng trabaho kapag ikaw ay hindi marunong magsalita ng Ingles. Naniniwala ang mga

mananaliksik na dapat gabayan ng mga guro ang mga mag-aaral upang kanilang maintindihan na

ang paggamit ng code-switching ay isang opsyon upang mabatid ang mga salitang walang salin

sa Filipino at upang mas mapabuti ang kanilang komunikatibong kakayahan.

Sinabi din ni Mische na ang Taglish ay dating Engalog ngunit hindi sumasang-ayon ang

mga mananaliksik dito sapagkat magkaiba ang kahulugan ng Taglish at Engalog. Ang Taglish ay

Tagalog-Ingles at ang Engalog ay Ingles-Tagalog kaya‟t malaki ang kaibahan nito sa pahayag ni

Mische kumpara sa ibang mga pahayag at sulatin.

Mula sa isa sa mga pinakamaagang tala patungkol sa code-switching, ipinakilala ni

Gumperz noong 1982 ang terminolohiyang „conversational code-switching‟ o pang-usap na

pagpapalit-koda at binigyang diin ang malikhaing paggamit ng code-switching. Iyon ay sa

pamamagitan ng pagpapanukala na ang code-switching ay isang komunikatibong kaparaanan na

22
Mische, loc. cit.

20
maaaring gamitin ng isang bilinggwal na halos parehong paraan na ang pagbabago ng prosodi,

leksiko, o sintaktikong pamamaraan ay isang opsyon para sa isang monolinggwal. 23

Ayon kay Gumperz, ang pang-usap na code-switching ay maaaring tukuyin bilang

pagpapalit, pagsasama o pagtatabi ng mga salitang ginagamit sa pakikipag-usap na nabibilang sa

dalawang magkaibang sistema ng balarila. Ang pinakamadalas na paggamit ng paghahalinhinan

ay nasa anyo ng dalawang magkasunod na pangungusap; kapag ang nagsasalita ay gumagamit ng

pangalawang wika upang ulitin ang kanyang sinabi o para tumugon sa pahayag ng kanyang

kausap.24

Batay sa perspektibong ito, iminungkahi ni Gumperz na ang code-switching ay isang

elemento ayon sa napagkasunduang katayuan sa lipunan ng mga magkasingkahulugang

pagpapahiwatig ng mga saloobin (contextualization cues) at mga paraan na ginagamit ng mga

ispiker upang makipag-usap sa interlokyutor sa isang patuloy na pakikipag-ugnayan sa

panlipunan at pangsitwasyong konteksto ng pakikipag-usap.25

Upang masuri ang code-switching bilang isang komunikatibong kaparaanan, pinasimulan

ni Gumperz ang pang-usap na kahulugan ng code-switching gamit ang sequential analysis kung

saan ang pagpili ng wika sa isang pahayag ay naiiba mula sa pagpili ng wika sa naunang

pahayag. Bilang resulta sa pagsusuri ng code-switching, orihinal na ikinategorya ni Gumperz ang

functional framework ng code-switching. Itinala ni Gumperz ang anim na tungkulin ng code-

switching: pagsipi ng isang kasabihan o pahayag, pagtukoy sa kausap gamit ang ibang wika,

paggamit ng padamdam, pag-ulit ng pahayag sa ibang wika, pagpapahusay ng pahayag,

pagsasatao ng mga bagay (personification) at pagsasabagay ng mga tao (objectification).

23
John J. Gumperz, Discourse Strategies, (Cambridge, United Kingdom: Cambridge University Press,
1982), 4.
24
Ibid.
25
Gumperz, op. cit., 1982, 132.

21
Iminungkahi ni Gumperz na ang mga tungkulin ng code-switching ay mayroong mahalagang

tungkulin sa diskurso ng mga bilinggwal dahil patuloy itong gumagawa ng mga pagpipilian kung

anong wika ang gagamitin sa pakikipag-interaksyon.26

Isa si Gumperz sa mga nagpasimula at nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng code-switching.

Sa palagay ng mga mananaliksik, ang mga iminungkahing mga kadahilanan at kaparaanan ng

code-switching ni Gumperz ay para lamang sa berbal na pakikipagkomunikasyon o pagsasalita

sapagkat noon ay mas mahigpit ang pagpapatupad ng paggamit ng iisang wika sa mga talakayan

sa paaralan. Sinuring mabuti ng mga mananaliksik ang mga pahayag upang kanilang mabatid

ang kaibahan nito sa mga susunod na literatura. Ang pahayag ni Gumperz na ang kadalasang

paggamit ng code-switching ay ang pag-ulit ng pahayag gamit ang ibang wika ay tumutukoy sa

inter-sentential code-switching na isa sa mga anyo ng code-switching. Ibig sabihin, sa pag-ulit ng

ispiker ng kanyang sinabi sa ibang wika ay mas naiintindihan siya ng kanyang interlokyutor.

Bilang karagdagan sa pag-aaral ni Gumperz sa mga istratehiya sa diskurso ng mga

bilinggwal, maraming pang mga pag-aaral ang nagsiwalat na ang mga bilinggwal na ispiker ay

ginagamit ang code-switching bilang isang mahalagang panglinggwistikang istratehiya upang

makamit ang ilang pangkomunikatibong layunin. Inilalarawan sa mga pag-aaral na ito na ang

paggamit ng code-switching ay malayo sa kakulangan ng kasanayan sa wika ng mga ispiker.

Ang pagsusuri ni Gumperz sa code-switching bilang isang komunikatibong kaparaanan

ay nilinang ni Myers-Scotton gamit ang kanyang Markedness Theory of Language Choices. Una

sa lahat, ipinaliwanag ni Myers-Scotton ang mga panlipunang kaganapan ng mga ispiker at ang

mga katangian ng relasyon sa pagitan nila patungkol sa pag-iral ng code-switching. Iminungkahi

ni Myers-Scotton na ang pagganyak sa code-switching ay upang makipag-ayos sa panlipunang

26
John J. Gumperz, Discourse Strategies, (Cambridge, United Kingdom: Cambridge University Press,
1982), 75.

22
sitwasyon ng ispiker. Samakatuwid, ang code-switching ay dapat na mabilang bilang isang

socio-functional phenomenon sa pagitan ng mga bilinggwal na ispiker. 27

Batay sa mga socio-psychological na pagganyak sa code-switching, ipinakilala niya ang

Markedness Model. Ang pangunahing panteoryang pagpapalagay ni Myers-Scotton ay binuo

mula sa „markedness metric‟, isang sukatan at model kung saan ay nabibigyang-daan ang mga

ispiker upang makilala ang lahat ng mga wikang pagpipilian bilang „unmarked‟ (ordinaryo) o

„marked‟ (hindi pangkaraniwan) sa sanggunian ng mga kinaugaliang wika sa kanilang

komunidad.28

Upang malinang ang Markedness Model ni Myers-Scotton, ipinakilala niya ang konsepto

ng Rights-and-Obligations Sets o RO Sets na binubuo ng mga nakaugaliang pangyayari sa isang

komunidad. Ang RO Sets ay binubuo ng mga pag-uugali at inaasahan ng mga ispiker sa bawat

isa at base sa balangkas na ito ay nakalilikha ang mga ispiker ng „unmarked‟ o „marked‟ na mga

wikang pagpipilian. Bilang halimbawa, ang RO Sets para sa karaniwang silid-aralan ay ang

pagsasalita ng Ingles ayon sa mga tuntunin ng wikang pinili. Kadalasan, ang pagpili ng

„unmarked‟ na wika ay kinikilala bilang karaniwan o inaasahan dahil ang mga ispiker ay binuo

ang pangunahin o kinaugaliang midyum sa isang pakikipag-ugnayan, ang barayti ng wikang

kanilang ginagamit. Samantalang ang pagpili naman ng „marked‟ ay bihira at hindi inaasahan

dahil ito ay ipinakahulugan bilang taliwas na kinaugaliang barayti ng wika sa isang pakikipag-

ugnayan. Dahil dito, ipinakilala ni Myers-Scotton ang code-switching bilang gawi o asal sa

pakikipagkomunikasyon, tungkulin upang magkaunawaan ang mga nag-uusap, pagkakaunawa

nila sa kanilang mga sarili at ang relasyon nila sa iba. Samakatuwid, ang mga bilinggwal o

multilinggwal ay may kakahayahang makagawa ng bagong RO Sets alinsunod sa mga layunin

27
Carol Myers-Scotton, Social Motivations for Codeswitching: Evidence from Africa, (New York, USA:
Oxford University Press, 1993), 77.
28
Ibid.

23
ng pag-uusap sa pamamagitan ng paggamit ng code-switching. Bilang konklusyon, iminungkahi

ni Myers-Scotton na ang code-switching ay maaaring ituring na „unmarked‟ sa naaangkop na

wika ng komunidad. 29

Dahil na rin sa mga iba‟t ibang taong nakakasalamuha ng isang indibidwal sa kanyang

pamumuhay, kailangan niyang makibagay sa ito o siya ang pakikibagayan sa wikang kanyang

ginagamit upang magkaroon sila ng isang maayos na pagkakaintindihan sa kanilang pakikipag-

ugnayan sa bawat isa. Dahil dito, naging opsyon ang paggamit ng code-switching na siyang

katulad ng pahayag ni Gumperz. Ibig sabihin, may kalayaan ang isang indibidwal kung ano ang

wikang kanyang gustong gamitin sa kaparaanan na kanyang nais.

Isa pang mahalagang pag-aaral ang nagbigay-liwanag sa pananaliksik sa code-switching,

ang pag-aaral ni Auer kung saan ay kanyang binatikos ang paradigm ni Gumperz. Tinutulan niya

ang mga iminungkahing tungkulin ng code-switching ni Gumperz sapagkat kulang ang kanyang

pagpapaliwanag dahil ang panglinggwistikang kayarian at pragmatiko o pang-usap na tungkulin

ay hindi binanggit. Binigyang-diin din ni Auer na ang mga ispiker ay hindi gumagawa ng

pananalita base sa isang sitwasyon na siyang binanggit ni Gumperz. Sa halip, gumagawa ng

sitwasyon ang ispiker mula sa kanyang pakikipag-interaksyon. 30

Upang malutas ang suliraning ito, pinagtibay ni Auer ang sequential na balangkas ng

Conversational Analysis. Simula noong nalaman ni Auer na ang mga ispiker ay hindi

namamalayang nagpupunyagi upang mapanatili ang wika sa naunang pahayag, nagpasya si Auer

na ang code-switching ay may partikular na tungkulin na markahan ang pag-iiba sa pagpili ng

wikang gagamitin. Ang code-switching ay lumilikha ng isang kapansin-pansing

29
Myers-Scotton, op. cit., 1993, 111.
30
Peter Auer, Bilingual Conversation, (Amsterdam, Netherlands: John Benjamins Publishing Company,
1984), 4.

24
magkasingkahulugang hudyat o pagpapahiwatig (contextualization cues) sa pamamagitan ng

paghahalinhinan ng mga wika sa mga bilinggwal. 31

Higit pa dito, inilahad ni Auer kung bakit ang Conversation Analysis o CA ay kapaki-

pakinabang sa pagsusuri ng pang-usap na code-switching. Una sa lahat, ang code-switching ay

nagbibigay-daan para sa pagsisiyasat ng koneksyon sa pagpili ng wika sa pagsasalitaan. Iyon ang

katotohanan na anumang wika ang piliin ng isang indibidwal sa kanyang pananalita, ang piniling

wika ay nagbibigay-impluwensya sa susunod na wikang pipiliin ng ispiker o ng kanyang

kausap.32 Pangalawa, nililimitahan nito ang mga pagpapakahulugan dahil naiuugnay nito ang

kanyang interpretasyon pabalik sa pagpapakahulugan ng kausap mula sa pag-uugaling kanyang

ipinamamalas.33

Gamit ang Conversational Analysis, nabuo ni Auer ang dalawang kategorya para sa

pagsusuri ng code-switching, ang participant-related language alternation at discourse-related

language alternation. Ayon kay Auer, ang mga bilinggwal na ispiker ay nagsasagawa ng

participant-related language alternation upang matumbasan ang kagalingan ng interlokyutor sa

isang wika o upang magbigay-daan sa wikang ibig gamitin ng isang indibidwal o ispiker. Sa

kabilang dako, ginagamit ng mga bilinggwal ang discourse-related language alternation upang

makapag-ambag sa kaanyuan ng mga pangungusap sa pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng

pagbuo ng kaibahan sa wikang nais gamitin. 34

Dahil na rin si Gumperz ang nagpasimula ng code-switching, maraming mga kritiko ang

bumatikos sa kanyang mga iminungkahi dahil sa palagay ng mga kritiko na tulad ni Auer, kulang

31
Auer, op. cit., 1984, 5.
32
Auer, loc. cit.
33
Auer, op. cit., 1984, 6.
34
Auer, op. cit., 1984, 8.

25
pa ang mga datos na ito at mayroon pang mga bagay na wala pang katiyakan. Kahit na matuto pa

ng ibang wika ang isang monolinggwal at siya ay maging bilinggwal na ispiker,

babalik pa din siya sa wikang kanyang kinagisnan. Mula sa mga kaisipang nilinang ng mga

eksperto ay mas napadali ang pag-iintindi sa code-switching ngunit marami pa rin ang mga

nagtatalo dahil na rin sa iba‟t ibang mga paniniwala at pananaw nila. Hanggang sa ngayon,

maaari pa ring mabago ang mga mungkahi at pahayag na napapaloob sa code-switching dahil na

rin sa hindi mapipigilang pagbabago sa iba‟t ibang wika.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ang pag-aaral nila Apuli, Mabini at Almasco noong taong 2011 ay kaugnay sa pag-aaral

ng kasalukuyang pananaliksik. Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ang malaman ang mga

salitang madalas gamitin ng mga mag-aaral sa pagko-code-switching sa Bicol University

Integrated Laboratory High School (BUILHS). Inalam nila kung anu-ano ang mga kabutihang

naidudulot sa paggamit ng mga mag-aaral ng code-switching, mga suliraning kinakaharap ng

mga mag-aaral sa pagbuo ng mga pangungusap, at kung ano ang mga mungkahing maibibigay

ng mga mag-aaral upang ang suliranin ng code-switching sa BUILHS ay mabigyan ng solusyon.

Isinagawa ang kanilang pananaliksik sa pamamagitan ng paggawa ng mga tseklist na

kanilang pinasagutan sa mga kalahok ng kanilang pag-aaral. Nagpagawa din sila ng isang

sanaysay sa isang daang mag-aaral na may tema na “Ang Wika ng Kabataan sa Makabagong

Panahon”. Bukod dito, nagsagawa sila ng isang panayam o interbyu sa mga gurong nagtuturo sa

BUILHS. Naging mga tagatugon nila ang bawat unang klase sa bawat taon ng hayskul.

Ayon sa kanila, ang panonood ng telebisyon ang isa sa mga kadahilanan kung bakit

nagiging gamitin ang code-switching sa iba‟t ibang dako ng Pilipinas. Ang code-switching din

ayon sa kanilang pananaliksik ay madalas gamitin ng mga opisyal ng gobyerno kaya‟t pati sa

26
kabataan ngayon ay gamitin ang code-switching.35

Maiuugnay ang kasalukuyang pag-aaral sa nabanggit na pananaliksik ngunit ang mga

kalahok ng pag-aaral ay mga mag-aaral na nakatira sa rehiyon ng Bikol. Dahil dito, kahit na

gumagamit pa rin ng Taglish ang mga mag-aaral sa rehiyon ng Bikol, mas maraming halinhinan

ng wika at diyalekto ang nagaganap doon sa kadahilanang kahit marami ang gumagamit ng

wikang Bikol, laganap ang paggamit ng Tagalog saanman sa Pilipinas kaya‟t dumadami ang uri

ng code-switching na kanilang ginagamit kumpara sa mga taong nakatira sa Katagalugan.

Itinuring nila Apuli, Mabini at Almasco ang code-switchig bilang isang suliranin na dapat

masolusyonan pero ang code-switching ay mayroon namang kabutihang naidudulot sa kabila ng

mga negatibong epekto nito sa bawat Pilipino at lalo na sa wikang Filipino.

Sila Lim at Arnaldo, mga mag-aaral mula sa San Beda College, ay gumawa ng isang

masusing pag-aaral sa kung ano ang mga kadahilanan sa paggamit ng code-switching. Kagaya ng

pag-aaral nila Apuli, Mabini at Almasco, layong malaman nina Lim at Arnaldo kung anong uri

ng code-switching ang kadalasang ginagamit ng mga mag-aaral sa San Beda College, partikular

na ang mga nasa ikalawang taon ng BSBA Human Resource Development Management. Bukod

dito, ginamit nilang batayan ang edad, kasarian at katayuan sa lipunan ng mga tagatugon. Ang

mga talatanungang kanilang ipinamigay sa mga mag-aaral ang siya lamang naging batayan ng

mga mananaliksik sa kanilang pag-aaral.

Bilang konklusyon sa kanilang pananaliksik, lumalabas na hindi nakaaapekto ang edad,

kasarian at katayuan sa lipunan sa paggamit ng code-switching. Naniniwala silang isa sa mga

pangunahing kadahilanan sa paggamit ng code-switching ang pagkakaroon ng mahinang

35
Jean Apuli, Daisy Mabini at Aila Almasco, “Umiiral na Code-Switching na Ginagamit ng mga Mag-aaral
sa BUILHS”, tl.scribd.com/doc/62746911/Thesis-2, Enero 6, 2013.

27
bokabularyo sa wikang Filipino at Ingles na siyang nagtutulak sa mga mag-aaral na gamitin nang

sabay ang wikang Filipino at Ingles sa isang diskurso.36

Sa pag-aanalisa ng pag-aaral na ito nina Lim at Arnaldo, pinili ng mga mananaliksik na

huwag nang gawing batayan ang edad, kasarian at estado sa lipunan sapagkat napatunayan sa

nasabing pananaliksik na hindi ito nakaaapekto sa paggamit ng code-switching ng mga

bilinggwal. Napag-alaman ng mga mananaliksik na sa pag-aaral ng idyolek nabibilang ang mga

batayang ito kaya‟t minabuti na ng mga mananaliksik na gawing payak ang pag-aaral at gawing

batayan lamang ang antas ng mga kalahok sa pananaliksik.

Tumugma ang naging resulta sa kadahilanan kung bakit pinipiling ng isang indibidwal na

gumamit ng code-switching sa artikulo na isinulat ni Bautista na nabanggit sa unang bahagi ng

pananaliksik. Totoo na dahil sa mahinang bokabularyo, pinipiling gamitin ng isang bilinggwal

ang kanyang pangalawang wikang natutunan upang mapunan lahat ng mga salitang hindi niya

alam o walang salin sa wikang kanyang nakagisnan.

Sa isang pananaliksik ng mga mag-aaral sa Nueva Vizcaya State University na

kinabibilangan nila Lopez, Magday, Danao at Blanza noong Oktubre ng taong 2011,

pinaniniwalaan nila na ang mga mag-aaral, saan man magpunta ay hindi malalayo sa Ingles.

Kahit na ang Ingles ay halos naiuugnay sa edukasyon, marami pa rin ang gumagamit ng wikang

Ingles sa labas ng paaralan na siyang nagiging dahilan kung bakit malaki ang papel ng wikang

Ingles sa mga mag-aaral.

Layunin ng pag-aaral na ito ang alamin kung ano ang nagiging epekto ng code-switching

at bilinggwalismo sa mga mag-aaral. Nais nilang malaman kung ano pananaw ng mga mag-aaral

sa wikang Ingles at Filipino bilang gabay sa kanilang pagkatuto. Mga mag-aaral na nasa ikaapat

36
Kimbee Lim at Mimi Arnaldo, “The Factors Leading to Code- Switching Habit of Second Year HR
Students in San Beda College, S.Y. 2010- 2011” www.scribd.com/doc/74495972/ENG04-Thesis, Enero 6, 2013.

28
na taon ng hayskul ang naging mga tagatugon ng mga mananaliksik – tig-iisang daan at

apatnapung (140) mag-aaral mula sa isang publiko at pribadong paaralan sa lungsod ng Ormoc.

Binigyan ang mga tagatugon ng isang talatanungan upang kanilang maibahagi ang kanilang

paniniwala at pananaw tungkol sa code-switching at bilinggwalismo.

Sa pagtatapos ng kanilang pag-aaral, natuklasan nilang Ingles ang mas pinili ng mga

mag-aaral kaysa sa wikang Filipino sapagkat kadalasang ginagamit ang wikang Ingles sa mga

pormal na aktibidades o gawain. Isa pang kadahilanan ay dahil kailangang matutunan ang Ingles

dahil ito ang susi upang magtagumpay sa panghinaharap. Ang naging pag-aaral ng mga

mananaliksik ay sumasalungat sa kanilang inaasahan. Para sa kanila, dapat na mas bigyan ng

pagpapahalaga ang wikang Filipino. 37

Sumasang-ayon ang mga mananaliksik na dapat ay mas binigyang halaga ng mga

kalahok sa pag-aaral nila Lopez, Magday, Danao at Blanza ang wikang Filipino kaysa sa wikang

Ingles. Ang wikang kinagisnan ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang indibidwal kaya‟t

nakalulungkot na isiping mas pipiliin ng isang Pilipino ang ibang wika kaysa sa sarili niyang

wika. Maaari pa rin namang magtagumpay sa panghinaharap nang nagiging isang makabansang

indibidwal. Kahit na ganito ang pananaw ng mga kalahok sa pag-aaral, hindi pa rin nila dapat

kalimutan ang wikang kanilang kinagisnan.

Naniniwala ang mga mananaliksik na kaya wikang Ingles ang pinili ng mga naturang

mga tagatugonn ay marahil mayroong utak kolonyal ang karamihan sa mga ito. Gaya na din ng

sinabi nila Lopez, Magday, Danao at Blanza na kahit nasa labas man ng paaralan ang mga mag-

aaral, nahahantad pa rin sila sa code-switching na karamihan ay nagmumula sa media.

37
Maripple Lopez, et. al., “Effects of Code-switching and Bilingualism on Filipino Learners”,
www.scribd.com/doc/71885361/Effects-of-Bilingual-and-Code-Switching-in-Filipino-Learns, Enero 6, 2013.

29
Sa isang pananaliksik ng isang mag-aaral sa University of the Philippines Los Baños, nais

alamin ni Liwanag kung gaano kaepektibo ang paggamit ng Taglish o code-switching bilang

midyum sa pagtuturo; pati na rin ang nagiging epekto nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Naglalayon din si Liwanag na alamin kung anong anyo ng code-switching ang umiiral sa mga

silid-aralan ng mga tagatugon pati na rin ang lebel ng pagkakaintindi ng mga mag-aaral sa pang-

akademikong aralin.

Dalawang klase sa asignaturang Natural Science ang kinuha ni Liwanag bilang mga

tagatugon sa kanyang mga talatanungan na may kabuuang walumpu‟t anim (86) na mga mag-

aaral. Inalam ni Liwanag kung gaano kataas ang lebel ng kasanayan ng mga mag-aaral sa Ingles

at Tagalog sa pagpupuntos ng mga mag-aaral sa kanilang sarili ng 1 bilang pinakamataas at 5

bilang pinakamababa. Bukod dito, tinanong niya ang mga mag-aaral kung anong wika ang

ginagamit ng mga mag-aaral sa asignaturang Natural Science, sa iba pang mga asignatura at pati

na rin sa labas ng pamantasan.

Bilang konklusyon sa kanyang pag-aaral, Taglish ang kadalasang ginagamit ng mga mag-

aaral at hindi ito nakaaapekto sa akademikong pagganap at pagsusulit ng mga mag-aaaral. Mas

madali ring naipapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga ideya gamit ang Taglish kaysa

purong Filipino at Ingles.

Bilang rekomendasyon, sinabi ni Liwanag na isama sa mga susunod na pag-aaral ang

study habits ng mga mag-aaral bilang batayan sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral na

gumagamit ng Taglish sa klase. 38

38
Mariyel Hiyas Liwanag, “Nature and Effects of Code-switching as a Communicative Medium of
Discussion Inside Natural Science 1 Classrooms in the University of the Philippines”, www.prezi.com/
iebf3mgm5dyg/thesis-it-2, Enero 6, 2013.

30
Hindi maiiwasan sa mga talakayan sa paaralan na gumamit ng higit sa isang wika dahil

na rin sa mga salita o terminolohiyang siyentipiko at teknikal na tinatalakay. Isang malaking

tulong ang paggamit ng code-switching sa loob ng silid-aralan pero maaari rin itong magdulot ng

masamang epekto na siyang inaalam ng mga mananaliksik. Dapat ay magkaroon ng hangganan

ang paggamit ng dalawang wika sa mga talakayan. Hindi na siguro magandang marinig mula sa

mga guro ng asignaturang Filipino ang paggamit ng Ingles sa pagtuturo at sa mga guro ng

asignaturang Ingles ang paggamit ng wikang Tagalog upang turuan ang mga mag-aaral.

Maganda ang kinalabasan ng pag-aaral ni Liwanag para sa mga mananaliksik dahil ang

lebel ng kasanayan ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños sa wika ay

mataas. Ibig sabihin, nakatutulong ang code-switching upang kanilang mapagbuti at gawing

epektibo ang pakikipagpalitan ng mga ideya at saloobin.

Mula sa disertasyon ni Paramasivam Muthusamy, isang lektor sa Universiti Putra

Malaysia, tinalakay niya ang iba‟t ibang mga tungkulin at kadahilanan sa paggamit ng code-

switching ng mga mag-aaral sa Universiti Putra Malaysia.

Ayon sa kanyang disertasyon, inilahad ni Latila Malik mula sa kanyang librong

Sociolinguistics: A Study of Codeswitching (1994) ang sampung kadahilanan sa paggamit ng

code-switching na siyang naging kanyang batayan sa paggawa ng mga katanungan para sa

kanyang pananaliksik. Ang mga kadahilanang ito ay ang mga sumusunod:

1. Kakulangan sa kakayahan. Ipinapaliwanag ng mga bilinggwal at multilinggwal na

ang dahilan kung bakit sila nagko-code-switch ay dahil hindi nila mahanapan ng

tamang salita ang kanilang gustong sabihin at ipahiwatig o kaya ay hindi nila

maiparating ang kanilang mensahe ng maayos.

31
2. Kakulangan sa register. Kapag ang mga ispiker ay hindi magaling sa paggamit ng

dalawang wika at hindi nila alam ang salin sa alinman sa dalawang wika,

nagkakaroon ng code-switching. Bilang resulta, kadalasang ginagamit ng isang

indibidwal ang mga terminolohiya sa wikang Ingles na sa kanila ay pamilyar.

3. Kondisyon ng ispiker. Kapag ang mga bilinggwal ay pagod o galit, nagkakaroon

ng code-switching. Ibig sabihin, kapag nasa magandang kondisyon ang pag-iisip

ng isang indibidwal, mahahanapan niya ng tamang terminolohiya ang kanyang

mga sinasabi.

4. Upang bigyang-diin ang isang paksa. Nabibigyang-diin ang isang paksa sa

paggamit ng code-switching dahil nagdadagdag ito ng lakas o kapangyarihan sa

gustong ipahiwatig ng ispiker.

5. Kinagawiang karanasan. Nagkakaroon ng code-switching sa paggamit ng mga

nakaayos nang mga pahayag ng pagbati, pamamaalam, utos at kahilingan,

imbitasyon at pagpapasalamat.

6. Semantikong kabuluhan. Ang paggamit ng code-switching ay nagbibigay ng

makabuluhang impormasyon. Ito ang pinagmumulan ng pagkakaunawa ng ispiker

sa dalawang wika. Mayroong ibig sabihin ang pagpili ng salitang papalitan sa

ibang wika at ito ang magiging basehan ng pag-uugali at emosyon ng ispiker.

7. Upang magkaroon ng pagkakakilanlan sa isang grupo. Ang isang indibidwal ay

gumagamit ng code-switching hindi lamang dahil mas madali siyang

maiintindihan ng ibang tao kundi upang malaman din ng iba ang kaibahan niya sa

kanyang mga kinakausap.

32
8. Upang ipakilala ang ibang tagapakinig o tagapanood. Ginagamit ang code-

switching kapag nais ng ispiker na ipakilala ang ibang tao na may ibang

pinagmulan o iba ang wikang ginagamit. Bilang halimbawa, ang tagapagbalita sa

India ay gumagamit ng Hindi bilang wikang pambansa nito pero gumagamit din

ng Ingles. Bukod dito, inuulit niya ang lahat ng sinabi niya sa Hindi sa Ingles

upang maintindihan siya ng ibang tagapakinig na hindi marunong ng Hindi.

9. Pragmatikong kadahilanan. Minsan, ang pagpapalit-koda sa pagitan ng dalawang

wika ay labis na makahulugan lalo na sa konteksto ng pakikipag-usap.

Binibigyang-diin din nito ang digri ng pagkakalahok ng ispiker sa usapan.

10. Upang makakuha ng atensyon. Mas madaling makakukuha ng atensyon ang

ispiker mula sa kanyang mga tagapakinig kung siya‟y gagamit ng code-switching.

Ang halimbawa nito ay ang mga patalastas. Bilang halimbawa, sa isang Ingles na

pahayagan, kapag ang mga mambabasa nito ay hindi Ingles ang kinalakihang

wika, ang kanyang atensyon ay kusang dedepende sa wikang kanyang kinalakihan

upang maintindihan ang mga nakalathala sa pahayagan.

Sa pagtatapos ng kanyang disertasyon, napag-alaman ni Muthusamy na ang mga

kinagiawang mga ekspresyon ang kadalasang ginagamit sa pagpapalit-koda ng mga mag-aaral sa

Universiti Putra Malaysia. Isang kadahilanan sa pagpapalit-koda ang kakulangan sa kasanayan sa

wikang Tamil na siyang nagtutulak sa mga kalahok ng pag-aaral upang gumamit ng code-

switching. Iba‟t ibang libro ang kinonsulta ni Muthusamy upang makahanap ng iba‟t ibang mga

kadahilanan sa paggamit ng code-switching. Hindi siya nagkamaling gamitin ang mga

33
kadahilanang iminungkahi ni Malik dahil ang mga kadahilanang ito rin ang isinagot ng mga

kalahok sa pag-aaral. 39

Sa pag-uugnay ng mga mananaliksik sa pag-aaral ni Muthusamy sa kasalukuyang pag-

aaral, napatunayan ng mga mananaliksik na hindi lamang ang mga Pilipino ang nahihirapan sa

paggamit ng isang wika sa kumpletong diskurso ngunit pati na rin ang mga Indones. Upang

masolusyonan ang mga problemang ito, ginagamit ng mga Indones ang wikang Ingles na siya

ring ginamit ng mga Pilipino upang mapunan ang mga salitang walang salin sa wikang Filipino.

Isa itong patunay na ang wikang Ingles nga ang pandaigdigang lingua franca kaya‟t kahit

saanmang dako ng mundo mapunta ang isang indibidwal, mahahantad at mahahantad pa rin siya

sa paggamit ng wikang Ingles.

39
Paramasivam Muthusamy, “Communicative Functions and Reasons for Code-switching: A Malaysian,
Perspective”, www.crisaps.org/newsletter/summer2009/Muthusamy.doc, Enero 6, 2013.

34
KABANATA 3

Pamamaraan at Pinagmulan ng mga Datos

Sa kabanatang ito, malinaw na inilahad ng mga mananaliksik ang pinagmulan ng mga

datos, mga pamamaraan at hakbangin kung papaano nakalap ang mga datos, ang disenyo ng

pananaliksik, at ang istatisikal na tritment ng mga datos na malilikom.

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang isinagawang pag-aaral ay gumamit ng isang deskriptibong metodolohiya sa

pananaliksik. Mayroong siyam na research designs ngunit piniling gamitin ng mga mananaliksik

ang Descriptive Survey Research Design kung saan gumagamit ng mga talatatanungan o sarbey

para makalikom ng mga datos ang mga mananaliksik sa mga kalahok ng kanilang pag-aaral.

Ayon kina Laurentina Paler-Calmorin at Melchor Calmorin, ang Descriptive Survey Research

Design ay naglalayong kumalap ng mga impormasyong batay sa kasalukuyang mga pangyayari.

Ginagamit ito at inirerekomenda ng nakararami dahil ito ang pinakamabisang paraan upang

makakolekta ng tiyak na impormasyon batay sa mga pag-uugali, paniniwala at pananaw ng mga

kalahok sa isinasagawang pananaliksik. 40 Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang

disenyong ito sa naturang pananaliksik sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula

sa mga tagatugon.

Gumawa ng isang plano ang mga mananaliksik upang maging maayos ang kalalabasan

ng pag-aaral. Sinimulan ang pananaliksik sa paghahanap ng mga babasahing may kaugnayan sa

code-switching na siyang inintindi ng mga mananaliksik upang maging maalam ang mga

mananaliksik patungkol sa paksang code-switching. Ang mga babasahing ito sa partikular ay ang

mga libro, pahayagan, dyornal at diksyunaryo na siyang naging sandigan ng mga mananaliksik

40
Laurentina Paler-Calmorin at Melchor, A. Calmorin, Research Methods and Thesis Writing, 2nd ed., (Sta.
Mesa Heights, Quezon City: Rex Book Store, 2007), 70.

35
upang lumalim ang kanilang kaalaman sa code-switching. Dahil na rin sa makabagong

teknolohiya, malaki ang naitulong ng Internet upang mas mapag-ibayo ang pag-aaral ng mga

mananaliksik. Pagkatapos ng maiging pagbabasa at pagsasaulo ng mga nakalap na datos,

nagsimula nang bumuo ng mga katanungan ang mga mananaliksik na para sa mga mananaliksik

ay tila isang malaking palaisipan at kailangan pang saliksikin upang makapagbigay ng

makabuluhang impormasyon sa mga nakararami.

Talatanungan

Isang talatanungan ang inihanda ng mga mananaliksik na siyang pinasagutan sa mga

kalahok ng pag-aaral, ang mga unang klase ng bawat sa taon sa hayskul ng Mary and Jesus

School, Inc. Binubuo ang talatanungan ng labinlimang mga katanungan, labing-apat sa mga

katanungan ay mayroong pagpipiliang mga kasagutan at isang katanungan ang inilaan ng mga

mananaliksik para sa mga tagatugon upang maipahayag nila ang sarili nilang ideya. Kahit na

mayroon nang pagpipilian sa ibang mga katanungan, pinayagan pa rin ng mga mananaliksik na

magbigay ng sariling kasagutan ang mga tagatugon kung saka-sakaling wala sa mga pagpipilian

ang nais isagot ng mga tagatugon. May pitong (7) katanungang nangangailangan lamang ng

isang kasagutan at mayroon ding pitong (7) katanungang maaaring higit pa sa isa ang kasagutan

hinihingi.

Isinagawa ang pamimigay ng mga talatanungan sa Mary and Jesus School, Inc. sa

Margarita Estate, Tanauan, Bustos, Bulacan sa ilalim ng pahintulot ng direktorang si Gng.

Teodora S. Perpetua at punong-gurong si Bb. Marilyn Villesis ng paaralan. Pinasimulan ng mga

mananaliksik ang pamimigay ng mga talatanungan sa pagpapakilala at pagpapaliwanag sa kung

ano ang ibig sabihin ng code-switching. Lahat ng mga mag-aaral ay hindi alam kung ano ang

ibig sabihin ng code-switching kaya ipinaliwanag nang mabuti ng mga mananaliksik ang ibig

36
sabihin nito. Pagkatapos ay binasa na ng mga mananaliksik ang panuto at sinimulan na ng mga

mga tagatugon ang pagsasagot sa mga talatanungan. Lahat ng mga katanungan ng mga tagatugon

ay sinagot ng maayos ng mga mananaliksik. Nagpasalamat ang mga mananaliksik sa mga

tagatugon, guro ng bawat klaseng kabilang sa pananaliksik, punong-guro at direktora ng

nasabing paaralan pagkatapos ng pamimigay ng mga talatanungan.

Istatistikal na Tritment ng mga Datos

Pagkatapos ng pamimigay ng mga talatanungan, isa-isang binasa ng mga mananaliksik

ang mga kasagutan ng mga tagatugon. Itinala ng mga mananaliksik ang mga kasagutan ng mga

tagatugon at pinaghiwa-hiwalay ang mga kasagutan ng bawat taon sa hayskul. Pinag-aralang

mabuti ng mga mananaliksik ang bawat kasagutan ng mga tagatugon. Upang mas maintindihan

ito ng mga mananaliksik at mabigyan ng karampatang interpretasyon ang mga datos na nalikom,

gumamit ng istatistikal na pormula ang mga mananaliksik.

Kung saan:

% = Bahagdan

f = Bilang ng mga kasagutan sa isang partikular na opsyon

N = Kabuuang bilang ng mga sagot sa isang katanungan

100 = Konstant41

Gamit ang pormulang ito, nalaman ng mga mananaliksik ang bahagdan ng bawat mga

kasagutan. Gumamit ng mga bar graphs ang mga mananaliksik upang ilarawan ang mga datos.

Naniniwala ang mga mananaliksik na sa paggamit ng mga graph na ito, mailalarawan nang

maayos at malinaw ang mga datos na nalikom mula sa mga tagatugon.

41
Mariano M. Ariola, Principles and Methods of Research, (Sta. Mesa Heights, Quezon City: Rex Book
Store, 2006), 105.

37
KABANATA 4

Paglalahad at Pagsusuri ng mga Datos

Sa kabanatang ito, matutungyahan ang resulta ng isinagawang pamimigay ng mga

talatanungan sa mga kalahok ng pag-aaral. Sinuri at siniyasat na mabuti ng mga mananaliksik

ang bawat kasagutang ibinahagi ng mga tagatugon. Ilalahad sa kabanatang ito ang mga bar

graphs na siyang magsisilbing representasyon ng pinagsama-samang kasagutan ng mga

tagatugon. Ang interpretasyon ng mga datos ay magmumula sa kaalaman ng mga mananaliksik

patungkol sa code-switching.

Bilang ng mga Tagatugon


100%
90%
80%
70%
Ikapitong Baitang
60%
Ikalawang Antas
50%
Ikatlong Antas
40%
Ikaapat na Antas
30%
29%
20% 25% 23% 23%
10%
0%
Table 1

Ipinapakita sa talaguhitan na ito ang kabuuang bilang ng mga tagatugon mula sa Mary

and Jesus School, Inc. na nagbahagi ng kanilang mga kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa

mga talatanungan. Mayroon itong kabuuang bilang na isang daan (100). Dalawampu‟t siyam

(29) na mga mag-aaral ang nagmula sa ikapitong baitang na sumasaklaw sa dalawampu‟t siyam

na bahagdan (29%), dalawampu‟t limang (25) mag-aaral mula sa ikalawang antas na

sumasaklaw sa dalawampu‟t limang bahagdan (25%) at parehong tig-dalawampu‟t tatlong (23)

38
mag-aaral mula sa ikatlo at ikaapat na antas na parehong sumasaklaw sa dalawampu‟t tatlong

bahagdan (23%).

1. Alin sa mga sumusunod na uri ng code-switching ang pinakamadalas


mong ginagamit?
100%
90% 98%

80%
70%
60% Taglish (Tagalog-English)
50% Englog (English-Tagalog)
40% Tagalog-Kapampangan
30%
20%
10%
1% 1%
0%
Table 2

Para sa unang katanungan, sumaklaw ng siyamnapu‟t walong bahagdan (98%) ang mga

mag-aaral na gumagamit ng Taglish sa pakikipagkomunikasyon na may katumbas na

siyamnapu‟t walong (98) mga mag-aaral. Samantalang nakakuha naman ng tig-isang bahagdan

(1%) at tig-isang (1) tagatugon ang kasagutang Englog at Tagalog-Kapampangan.

Malinaw sa talaguhitan na ito na Taglish ang pinakagamiting uri ng code-switching.

Kahit hindi man gamiting batayan ang tirahan ng mga tagatugon, ang kadahilanan kung bakit sila

ay gumagamit ng Taglish ay dahil sila ay nakatira sa Katagalugan. Napakataas ng bahagdang ito

kaya‟t maaaring ang iba pang mga mag-aaral sa Mary and Jesus School, Inc. ay gumagamit din

ng Taglish. Mayroong napakaliit na bahagdan ang gumagamit ng Englog at Tagalog-

Kampampangan, kaya‟t sa palagay ng mga mananaliksik, iilan lamang din sa mga mag-aaral ng

Mary and Jesus School, Inc. ang gumagamit ng ganitong uri ng code-switching.

39
Tumugma ito sa mga pahayag na ipinaliwanag ng mga mananaliksik kaya‟t walang duda

na masasabing ang Taglish ang pinakagamiting uri ng code-switching ng mga bilinggwal na

Pilipino hindi lamang sa Katagalugan kundi sa buong Pilipinas.

2. Alin sa mga sumusunod na anyo ng code-switching ang iyong


ginagamit?
100%
90%
80%
70%
70%
60% Intra-sentential Code-switching
50% Inter-sentential Code-switching
40% Tag-switching
30%
20% 24%
10%
6%
0%
Table 3

Sa ikalawang katanungan, nakakuha ng pinakaraming sagot ang intra-sentential code-

switching na mayroong pitumpung bahagdan (70%) o pitumpung (70) mag-aaral mula sa iba‟t

ibang unang klase ng Mary and Jesus School, Inc. Sinundan ito ng tag-switching na sumasaklaw

sa dalawampu‟t apat na bahagdan (24%) o dalawampu‟t apat (24) na mga mag-aaral. Ang inter-

sentential code-switching ang nakakuha ng pinakamababang bilang ng mga sagot na mayroon

lamang anim na bahagdan (6%) na may katumbas na anim (6) na mag-aaral mula sa lahat ng

taon maliban sa ikaapat na antas.

40
Nagbigay ng halimbawa ang mga mananaliksik sa mga tagatugon upang kanilang

maintindihan ang ibig sabihin ng bawat anyo ng code-switching. Sa unang tingin, mapapansin

agad na ang pagpapalit-kodang ginagamit ng mga tagatugon ay nagaganap sa loob ng isang

pangungusap o sugnay na ang ibig sabihin ay iilan lamang sa mga salita ang hinahalilihan ng

ikalawang wika. Ang tag-switching na pumangalawa sa bilang nga mga kasagutan ay

masasabing hindi masyadong ginagamit ng mga mag-aaral sapagkat kadalasan lamang ginagamit

ang tag-switching sa mga padamdam, pagsang-ayon at pagtutol. Mababa lamang ang nakuha ng

inter-sentential code-switching dahil sa palagay ng mga mananaliksik, sa code-switching na ito

ay magkasunod lamang na binabanggit ang pangungusap na magkaiba ng wika.

3. Sa anong paraan ng pakikipagkomunikasyon mo ginagamit ang code-


switching?
100%
90%
80%
70%
Pagsasalita
60%
Pagsusulat
50%
Text Messaging
40% 47.86%
E-mail/Internet
30%
31.90%
20%
10%
7.97% 12.27%
0%
Table 4

Ang katanungang ito ay nanghingi ng higit sa isang kasagutan mula sa mga tagatugon. Sa

pangkalahatan, mayroong isang daan at animnapu‟t tatlong (163) mga kasagutan ang naitala ng

mga mananaliksik. Nakakuha ng halos apatnapu‟t walong bahagdan (47.86%) ang pagsasalita na

may katumbas na pitumpu‟t walong (78) kasagutan. Pumapangalawa ang text messaging na

sumasaklaw sa halos tatlumpu‟t dalawang bahagdan (31.90%) na may katumbas na limampu‟t

41
dalawang (52) kasagutan mula sa mga tagatugon. Sumunod ang pagpapadala ng mensahe gamit

ang Internet na mayroong higit labing-dalawang bahagdan (12.27%) na may katumbas na

dalawampung (20) kasagutan. Ang pagsulat ang nagtamo ng pinakamaliit na bahagdan na

mayroon lamang halos walong bahagdan (7.97%) na may katumbas lamang na labing-tatlong

(13) kasagutan.

Pagsasalita ang pinakamadaling paraan upang maipahayag ang saloobin kaya‟t inaasahan

na ito ng mga mananaliksik. Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya ay ginagamit na din ang telopono

at kompyuter upang mapabilis ang komunikasyon at kahit dito ay hindi maiiwasan ang paggamit

code-switching. Kadalasang nagsusulat lamang o gumagawa ng mga sulatin ang mga mag-aaral

sa paaralan kaya‟t maliit lamang ang posibilidad na pati sa pagsulat ay gamitin ang code-

4. Kailan ka natutong gumamit ng code-switching?


100%
90%
80%
70%
60% Pre-school
50% Elementarya
50%
40% 46% Hayskul

30%
20%
10%
4%
0%
switching .

Table 5

Ayon sa nakalap ng mga mananaliksik, limampung bahagdan (50%) na may katumbas na

limampung (50) mag-aaral ang nagsimulang gumamit ng code-switching noong sila ay nasa

42
elementarya pa lamang. Pumapangalawa ang kasagutang hayskul na mayroong apatnapu‟t anim

na bahagdan (46%) na may katumbas na apatnapu‟t anim (46) na mga tagatugon na nagsimulang

gumamit ng code-switching noon lamang sila ay nakatuntong ng hayskul. Ang natitirang apat na

bahagdan (4%) na may katumbas na apat (4) na mga tagatugon ay nagsimulang gamitin ang

code-switching noong nasa pre-school pa lamang sila. Walang nakuhang kasagutan sa paggamit

ng code-switching noong hindi pa sila nag-aaral.

Masyadong maaga ang pre-school upang simulan ang paggamit ng code-switching

sapagkat ito pa lamang ang panahon kung kailan natututong magsalita ng maayos at umintindi

ang isang bata. Siguro ay mula sa kanyang mga napapanood na palabas na Ingles sa telebisyon

ang naging dahilan upang gamitin ang code-switching sa panahon ng pagiging pre-school.

Sa elementarya at hayskul ay tinatalakay na ang mga terminolohiyang walang salin sa

wikang Filipino kaya‟t sa mga panahong ito, natututo na ang isang mag-aaral na gamitin ang

code-switching upang maintindihan niya ang mga paksang sa kanila ay tinatalakay.

5. Saan mo kadalasang ginagamit ang code-switching?


100%
90%
80%
70%
60% Sa bahay
50% 53% Sa mga pagtitipon
40% Sa paaralan

30%
20% 23% 24%
10%
0%
Table 6

Para sa ikalimang katanungan, limampu‟t tatlong bahagdan (53%) na may katumbas na

43
limampu‟t tatlong (53) mga tagatugon ang kadalasang gumagamit ng code-switching sa paaralan.

Pumapangalawa naman ang mga pagtitipon na sumasaklaw sa dalawampu‟t apat (24%) na

bahagdan na may katumbas na dalawampu‟t apat (24) na kasagutan. Hindi malaki ang agwat ng

bahay sa mga pagtitipon sapagkat ang paggamit ng code-switching sa bahay ay mayroong

dalawampu‟t tatlong bahagdan (23%) na dalawpu‟t tatlong (23) mga mag-aaral ang katumbas.

Walang nagsagot ng sa mall o pamilihan kaya‟t hindi na ito inilagay sa talaguhitan ngunit

naniniwala ang mga tagatugon na nagagamit din sa mall ang code-switching sapagkat may mga

panindang walang salin sa wikang Filipino.

Totoong sa paaralan ang lugar kung saan madalas na ginagamit ang code-switching lalo

na pagdating sa mga talakayan kung saan walang salin ang wikang tinatalakay sa Filipino o kaya

ay mayroong siyang ipapaliwanag sa harap ng klase na mahirap ipaliwanag sa Ingles o Tagalog.

Sa labas ng paaralan, marami pa ding mga pagkakataon na ang isang bilinggwal ay gagamit ng

code-switching, lalo na sa mga pagtitipon kung saan ang pakikipag-ugnayan ay pormal at Ingles

ang kadalasang ginagamit sa pakikipag-ugnayan. Ibig sabihin, depende sa lugar kung gagamit

ang isang bilinggwal o hindi ng code-switching upang siya ay maintindihan.

44
6. Sino ang nag-impluwensiya sa iyo upang gamitin ang code-switching?
100%
90%
80%
70% 74%
Magulang at Kamag-anak
60%
Kaibigan at Kaklase
50%
Guro at Non-teaching Personnel
40%
Artista at Reporter
30%
20%
10%
10% 11% 5%
0%
Table 7

Para sa ikaanim na katanungan, mula sa isang daang mga tagatugon ay pitumpu‟t apat na

bahagdan (74%) na may katumbas na pitumpu‟t apat (74) na mga mag-aaral ang nagsabi na ang

kanilang mga kaibigan at kaklase ang nakaimpluwensya sa kanila upang kanilang gamitin ang

code-switching. Labing-isang bahagdan (11%) ang sinasaklaw ng pumapangalawang kasagutan

na may katumbas na labing-isang (11) mga mag-aaral kung saan mga guro at non-teaching

personnel ang nakaimpluwensya sa kanila upang gumamit ng code-switching. Sampung (10)

mag-aaral na sumasaklaw sa sampung bahagdan (10%) naman ang nagsabi na ang kanilang mga

magulang at kamag-anak ang nag-impluwensya sa kanila. Nagtamo lamang ng limang bahagdan

(5%) ang mga tagatugon na naimpluwensyahan ng mga artista at reporter na may katumbas na

limang (5) mag-aaral.

Mula sa mga nakalap na datos, masasabi na malaki ang impluwensya ng isang kaibigan at

kaklase sa isang indibwal hindi lamang sa paggamit ng code-switching ngunit pati na rin sa

ibang mga bagay. Halos pantay lamang ang bahagdan ng mga magulang at kamag-anak at mga

45
guro at non-teaching personnel sa pag-impluwensya sa mga monolinggwal o bilinggwal na

gumamit ng code-switching. Bilang mga magulang at guro, kailangang maging mas

maimpluwensiya sila kaysa sa mga kaibigan ng kanyang anak at mga mag-aaral dahil sila ang

mas nakatatanda at magagabayan nila nang tama ang isang mag-aaral.

7. Ano ang iyong nararamdaman habang ginagamit mo ang code-


switching?
100%
90%
80%
70%
Natutuwa
60%
63% Nalulungkot
50%
Naguguluhan
40%
Nalilito
30%
20%
20%
10%
10% 7%
0%
Table 8

Ipinakikita sa ikawalong talaguhitan ang ikapitong tanong sa talatanungan patungkol sa

kung ano ang nararamdaman ng mga kalahok sa pag-aaral kapag kanilang ginagamit ang code-

switching sa pakikipagkomunikasyon. Animnapu‟t tatlong bahagdan (63%) na may katumbas na

animnapu‟t tatlong (63) tagatugon ang nagsabing sila ay natutuwa sapagkat dumadami ang mga

salitang kanilang nagagamit sa pakikipagtalastasan. Nagtamo ng dalawampung bahagdan (20%)

na may katumbas na dalawampung (20) tagatugon ang nagsabi naman na sila ay naguguluhan

tuwing sila ay gumagamit ng code-switching sapagkat hindi nila alam sa kanilang mga sarili

kung dapat ba na magpalit-koda sila o hindi. Mayroon namang sampung bahagdan (10%) o

sampung (10) tagatugon ang nagsabi na sila naman ay nalulungkot kapag nagpapalit-koda

sapagkat nawawala ang kanilang pagmamahal sa wikang kanilang kinagisnan, ang wikang

46
Filipino. Nakakuha ng pinakamababang bilang ng kasagutan ang mga tagatugon na nalilito sa

kung anong wika o mga salita ang kanilang gagamitin sa pakikipagtalastan. Mayroon itong

pitong bahagdan (7%) na pitong (7) tagatugon ang katumbas.

Sa unang tingin, masasabi agad na natutuwa ang mga kalahok sa pag-aaral sa paggamit

ng code-switching dahil sila ay natututo sa paggamit ng dalawang wika. Maganda ito dahil mas

maipapahayag nila ang kanilang mga saloobin ngunit ang masama dito ay hindi na nila

masyadong nabibigyan ng pokus ang pag-aaral sa isang partikular na wika at ito ang dahilan

kung bakit marami sa kabataan ngayon ang hindi alam ang ibig sabihin ng mga malalalim na

salita sa wikang Filipino.

May ilang mag-aaral naman na mayroon pang pag-aalinlangan at kalituhan sa paggamit

ng code-switching. Siguro ay hindi naman nila intensyong gamitin ang code-switching pero wala

sila magawa dahil mahirap makipagtalastasan nang hindi gumagamit ng code-switching o

pagpapalit-koda.

8. Bakit mo piniling gamitin ang code-switching sa


pakikipagkomunikasyon?
100%
90%
80%
Hindi ko intensyon.
70%
60% Ito ang nakasanayan ko.
50%
Mas nakakapagpahayag ng
40% saloobin.
43%
39%
30% Hindi sapat ang kasanayan sa isang
20% wika.

10%
11% 7%
0%
Table 9

47
Sa talaguhitang ito, ipinakikita ang mga kasagutan sa mga kadahilanan ng mga kalahok

sa pag-aaral patungkol sa paggamit nila ng code-switching. Apatnapu‟t tatlong bahagdan (43%)

na may katumbas na apatnapu‟t tatlong (43) mga mag-aaral ang nagsabing ito na ang kanilang

nakasanayan. Pumapangalawa sa pinakamaraming kasagutan ang kadahilanang mas

nakapagpapahayag ng saloobin kaya‟t piniling mag-code-switch. Mayroon itong tatlumpu‟t

siyam na bahagdan (39%) na may katumbas na tatlumpu‟t siyam (39) na mga tagatugon. Ang

mga nagdahilan naman na hindi naman nila intensyong gamitin ang code-switching ay nakakuha

ng labing-isang bahagdan (11%) na may katumbas na labing-isang (11) tagatugon. Kaunti

lamang ang nagsabi na kulang o hindi sapat ang kanilang kasanayan sa isang partikular na wika

kaya‟t pinili nilang gamitin ang code-switching. Mayroon lamang itong pitong bahagdan (7%) na

binubuo ng pitong (7) tagatugon.

Maraming nagsabi na ito na ang kanilang nakasanayan kaya‟t pinili na nilang gamitin ang

code-switching. Sa palagay ng mga mananaliksik ay dahil ito sa nakaririnig o nahahantad na ang

mga tagatugon sa code-switching bago pa man nila ito gamitin. Malaya ang isang indibidwal na

ipahayag ang sarili niyang saloobin kaya‟t kung gagamit man ang isang indibwal ng code-

switching, natural lamang ito at ang mahalaga dito ay naipahayag niya ang gusto niyang

ipahiwatig.

48
9. Ano ang mabuting naidudulot sayo ng code-switching?
100%
90%
80%
Mabisa ang
70% pakikipagkomunikasyon.
60% Tumataas ang tiwala sa sarili.
50%
Nakasasabay sa modernisasyon.
40%
41.17%
30% Maraming natututunang wika.

20%
21.84% 21.84%
10% 15.12%
0%
Table 10

Umabot sa isang daan at labing-siyam (119) na kasagutan ang naitala para sa

katanungang nakalahad sa talaguhitan. Higit sa apatnapu‟t isang bahagdan (41.17%) na

apatnapu‟t siyam (49) na mga tagatugon ang katumbas ang nagsabing mabuti sa kanila ang code-

switching sapagkat nagiging mabisa ang kanilang pakikipagkomunikasyon sa iba. Parehong

nakakuha ng halos dalawampu‟t dalawang bahagdan (21.84%) na sumasaklaw sa tig-

dalawampu‟t anim (26) na mga tagatugon ang nagsabing nakasasabay sila sa modernisasyon at

dumadami ang wikang kanilang natututunan. Labing-walong (18) mga tagatugon na higit sa

labing-limang bahagdan (15.12%) ang katumbas ang nagsabing dahil sa code-switching ay

tumataas ang kanilang tiwala sa sarili.

Ang code-switching talaga ay isang opsyon para sa isang bilinggwal upang gawing

mabisa ang kanyang kakayahan sa pakikipagtalastasan. Ibig sabihin, malaki ang naitutulong nito

sa mga kalahok ng pag-aaral dahil kung walang code-switching ay hindi magiging mainam ang

pakikipagkomunikasyon para sa kanila. Gumagamit din ang mga tao sa ibang bansa ng code-

switching kaya‟t kung gagamit din ang mga Pilipino ng code-switching ay makasasabay ang mga

49
Pilipino sa pagbabago at hindi sila mapag-iiwanan. Nakatutuwang isipin na ang code-switching

din ay nakapagpapataas ng tiwala sa sarili sa mga kalahok ng pag-aaral at dahil dito ay nalilinang

nila ang kanilang komunikatibong kahusayan.

10. Ano ang hindi mabuting naidudulot sa iyo ng code-switching?


100%
90%
80%
Nagkakaroon ng kalituhan sa
70% paggamit ng mga salita.
60% Nawawalan ng pagpapahalaga sa
sariling wika.
50%
Nababawasan ang kasanayan sa
40% isang partikular na wika.
30% Hindi naiintindihan ng ibang tao.
30.84% 30.08%
20% 27.07%

10%
12.04%
0%
Table 11

Sa ikasampung katanungan, nais malaman ng mga mananaliksik sa mga tagatugon ang

masamang naidudulot ng code-switching sa kanilang mga sarili. Sa kabuuan, nakapagtala ng

isang daan at tatlumpu‟t tatlong (133) kasagutan ang mga mananaliksik. Nagtamo ng halos

tatlumpu‟t isang bahagdan (30.84%) na may katumbas na apatnapu‟t isang (41) kasagutan ang

nagsabing nagkakaroon sila ng kalituhan sa wikang kanilang gagamitin. Nakakuha naman ng

higit tatlumpung bahagdan (30.08%) na sumasaklaw sa apatnapung kasagutan (40) ang

nagsabing nababawasan ang kanilang kasanayan sa isang partikular na wika. Pumapangatlo ang

kasagutang nawawalan na ng pagpapahalaga sa sariling wika na mayroong higit dalawampu‟t

pitong bahagdan (27.07%) o tatlumpu‟t anim (36) na mga tagatugon. Kakaunti lamang ang

nagsabi na hindi na sila maintindihan ng ibang tao sa kanilang paggamit ng code-switching.

50
Nakakuha lamang ito ng higit labing-dalawang bahagdan (12.04%) na may kabuuang bilang na

labing-anim (16) na mga tagatugon.

Sa kabila ng mabuting epekto ng code-switching, mayroon ding hindi mabuting

naidudulot ang code-switching. Kung nababawasan na ang kasanayan ng isang indibidwal sa

isang partikular na wika, ito ang magiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng kalituhan ang

isang indibidwal sa paggamit ng dalawang wika ng halinhinan sa isang diskurso.

Ang mga Pilipino ay kilala bilang makabansa kaya‟t ang paggamit ng code-switching ay

isa sa magiging dahilan kung bakit mababawasan ang pagiging makabansa ng mga Pilipino.

Gayunpaman, maaari pa rin namang maging makabansa ang isang Pilipino sa ibang mga bagay.

11. Alin sa mga sumusunod ang mabuting naidudulot ng code-switching


sa iyong pag-aaral?
100%
90%
80%
Mas naiintindihan ang mga aralin.
70%
60% Mas naipapahayag ang kasagutan.
50%
Mas nagiging mabisa ang
40% pakikipagpalitan ng ideya sa guro.
30% 37.17% 35.81% Nagiging malikhain sa pagsasalita.
20%
10% 13.51% 13.51%
0%
Table 12

Makikita sa talaguhitang ito ang mga kabutihang naidudulot ng code-switching sa

akademikong pagganap ng mga kalahok sa pag-aaral. Sa kabuuan, nakapagtala ang mga

mananaliksik ng isang daan at apatnapu‟t walong (148) kasagutan mula sa iba‟t ibang antas ng

Mary and Jesus School, Inc. Pinakarami ang nagsabi na dahil sa code-switching ay mas

naiintindihan nila ang kanilang mga aralin. Mayroon itong higit tatlumpu‟t pitong bahagdan

51
(37.17%) na binubuo ng limampu‟t limang (55) kasagutan. Marami din ang nagsabi na mas

naibabahagi nila ng maayos ang kanilang mga kasagutan sa mga aralin at ito ay nagtala ng halos

tatlumpu‟t anim na bahagdan (35.81%) na kinabibilangan ng limampu‟t tatlong (53) kasagutan

mula sa mga tagatugon. Nakakuha ng parehong bilang ng mga kasagutan ang mga nagsabing

mas nagiging epektibo ang kanilang pakikipagpalitan ng ideya sa mga guro at mas nagiging

malikhain sila sa pakikipagtalastasan. Pareho itong mayroong halos labing-apat na bahagdan

(13.51%) na mayroon ding parehong bilang ng mga sagot na dalawampung (20) kasagutan ang

katumbas.

Mayroon talagang mga aralin na hindi madaling intindihin kung hindi ipapaliwanag

gamit ang dalawang wika, lalo na sa mga asignaturang Matematika at Agham kaya‟t malaki ang

naitutulong ng code-switching sa mga mag-aaral upang kanilang maintindihan ang mga araling

hindi nila mabatid ang ibig sabihin. Kapag naiintindihan na nang maayos ng mga mag-aaral ang

kanilang mga aralin, mas maipapahayag na nila sa kanilang mga guro ang mga kasagutan at

ideya na gusto nilang ibahagi sa klase gamit ang code-switching na kanilang natutunan.

Gayunpaman, ang paggamit ng code-switching sa asignaturang Filipino at English ay mahigpit

na ipinagbabawal.

52
12. Alin sa mga sumusunod ang masamang naidudulot ng code-
switching sa iyong pag-aaral?
100%
90% Mabababa ang nakukuhang marka
80% sa English at Filipino.

70% Nahihirapan sa paggawa ng sulating


60% Ingles at Filipino.
50%
Nagkukulang sa kasanayan sa
40% paggamit ng purong wikang
30% Filipino.
31.74% 30.95% Nagkukulang sa kasanayan sa
20% 24.60% paggamit ng purong wikang Ingles.
10%
12.70%
0%
Table 13

Patungkol naman sa masamang naidudulot ng code-switching sa akademikong pagganap

ng mga kalahok sa pag-aaral, nakalahad sa talaguhitan na ito ang mga sumusunod na hindi

mabuting epekto ng code-switching. Sa kabuuan, mayroong isang daan at dalawampu‟t anim

(126) na kasagutan para sa ikalabing-dalawang katanungan. Apatnapung (40) tagatugon na may

katumbas na halos tatlumpu‟t dalawang bahagdan (31.74%) ang nagsabing nagkukulang ang

kasanayan nila sa paggamit ng purong wikang Filipino. Ang kakulangan naman sa kasanayan sa

paggamit ng purong wikang Ingles sa pakikipagkomunikasyon ay mayroong halos tatlumpu‟t

isang bahagdan (30.95%) o tatlumpu‟t siyam (39) na bilang ng mga tagatugon. Halos

dalawampu‟t limang bahagdan (24.60%) na sumasaklaw sa tatlumpu‟t isang (31) tagatugon ang

nahihirapan sa paggawa ng mga sulatin sa Ingles at Filipino. Kakaunti lamang ang nakakakuha

ng mabababang marka sa asignaturang Ingles at Filipino sapagkat nagtamo lamang ito ng halos

labing-tatlong bahagdan (12.70%) na may kabuuang bilang na labing-anim (16) na tagatugon

lamang.

53
Dahil mayroong hindi mabuting naidudulot sa sarili ng bawat indibidwal ang code-

switching, mayroon din itong hindi mabuting naidudulot sa akademikong pagganap ng mga

kalahok sa pag-aaral. Gaya ng mga naunang pahayag, ang code-switching ang nagiging dahilan

upang hindi magamit ang purong wikang Ingles o Filipino sa isang diskurso, dahil na rin sa

marami silang salitang pagpipiliang gamitin sa dalawang wika o diyalekto na ginagamit nila ng

halinhinan. Dahil na rin sa nahihirapan sa pagbuo ng mga sulatin o dyornal ang mga kalahok sa

pag-aaral, nagiging dahilan din ito upang hindi nila maintindihan ang ibang aralin at na siyang

magiging dahilan nang pagbaba ng mga marka ng mga tagatugon.

Upang masolusyonan ang ganitong uri ng suliranin, dapat na gabayan nang mabuti ng

mga guro ang kanilang mga mag-aaral upang mabawasan ang hindi mabuting epekto na

naidudulot ng code-switching sa mga mag-aaral.

13. Sa iyong palagay, ano ang kabutihang naidudulot ng code-switching


sa wikang Filipino?
100%
90% Natutumbasan ang mga dayuhang
80% wika na walang salin sa Filipino.

70% Nakasasabay sa modernisasyon.


60%
50%
Nagkakaroon ng pag-unlad ang
40% bokabularyo ng wikang Filipino.
30%
33.09%
30.15% Nabibigyan nang malinaw na
20% 26.47%
paliwanag ang malalalim na
10% salitang Filipino.
10.30%
0%
Table 14

Sa kabuuang isang daan at tatlumpu‟t anim (136) na kasagutan patungkol sa kabutihang

naidudulot ng code-switching sa wikang Filipino, apatnapu‟t limang (45) mga tagatugon na may

katumbas na higit tatlumpu‟t tatlong bahagdan (33.09%) ang nagsabing nakasasabay ang wikang

54
Filipino sa modernisasyon o pag-unlad na umiiral sa kasalukuyan. Higit tatlumpung bahagdan

(30.15%) na apatnapu‟t isang (41) kasagutan ang katumbas ang nagsabi na dahil sa code-

switching ay nabibigyan ng paliwanag ang mga malalalim na salita sa wikang Filipino. Mayroon

ding mga nagsabi na dahil sa code-switching ay natutumbasan ang mga salitang banyaga na

walang salin sa Filipino. Nakakuha ito ng higit dalawampu‟t anim na bahagdan (26.47%) o

tatlumpu‟t anim (36) na bilang ng mga tugon na naitala. Iilan lamang ang nagsabi na umuunlad

ang bokabularyong Filipino sa code-switching dahil nakakuha lamang ito ng higit sampung

bahagdan (10.30%) o labing-apat (14) na bilang ng mga kasagutan.

Kahit may ilang nagsasabi na taliwas sa pagiging makabansa ang paggamit ng code-

switching , hindi maipagkakaila ang mga kabutihang naidudulot nito sa wikang Filipino.

Mayroon talagang mga salita sa wikang Filipino na mahirap ipaliwanag lalo na sa mga kabataan

na hindi naman naabutan ang kadalasang paggamit ng mga salitang ito sa araw-araw na

pakikipagtalastasan. Nagiging tulong din ang code-switching upang mayroong magamit ang mga

Pilipino sa mga terminolohiyang dayuhan na walang tiyak na salin sa wikang Filipino. Dahil

dito, nagkakaroon ng epektibong pakikipagkomunikasyon ang mga Pilipino na siyang

nakatutulong upang makasabay ang wikang Filipino sa modernisasyon.

55
14. Ano naman ang masamang naidudulot ng code-switching sa wikang
Filipino?
100%
90% Nababawasan ang kasanayan ng
80% mga kabataan sa wikang Filipino.

70% Tuluyan nang nagbago ang taal na


60% wikang Filipino.
50%
Nahahaluan ng utak kolonyal ang
40% mga gumagamit ng wikang
39.10% Filipino.
30%
32.33%
Hindi na nagagamit ang iba pang
20%
salita sa wikang Filipino.
10% 16.55%
12.03%
0%
Table 15

Para naman sa hindi mabuting naidudulot ng code-switching sa wikang Filipino,

nakalikom ng isang daan at tatlumpu‟t tatlong (133) kasagutan ang mga mananaliksik na siyang

nakalahad sa talaguhitan. Limampu‟t dalawang (52) mga tagatugon ang nagsabing nababawasan

ang kasanayan ng mga kabataan sa wikang Filipino na siya nilang kinabibilangan. Mayroon

itong higit tatlumpu‟t siyam na bahagdan (39.10%). Mula sa kabuuang bilang ng mga

kasagutan, apatnapu‟t tatlong (43) tagatugon na may katumbas na higit tatlumpu‟t dalawang

bahagdan (32.33%) ang nagsabing hindi na nagagamit ang ibang salita sa wikang Filipino. Dahil

na rin sa maraming mga salita ang nadadagdag sa wikang Filipino, dalawampu‟t isang (21)

tagatugon na halos labing-pitong bahagdan (16.55%) ang katumbas ang nakapagsabi na tuluyan

nang nagbago ang taal na wikang Filipino. Mayroon ding mga tagatugon na nagsabi na dahil sa

code-switching, nahahaluan ng colonial mentality o utak kolonyal ang mga gumagamit ng

wikang Filipino. Nagtamo lamang ito ng higit labing-dalawang bahagdan (12.03%) o labing-

anim (16) na tugon mula sa kabuuang bilang ng mga kasagutang naitala.

56
Gaya na rin ng mga naunang pahayag, nagkukulang na ang kasanayan ng mga Pilipino,

hindi lamang ng mga kabataan sa paggamit ng wikang kanilang nakagisnan pero dahil na rin mas

madaling gamitin ang code-switching dahil laganap ito sa media kaya‟t kahit ang mga batang

hindi nag-aaral ay maaaring matuto ng code-switching. Marami na ring nauusong mga barayti ng

wikang Filipino kaya‟t ang taal na wikang Filipino na ginamit ng ating mga yumao nang mga

ninuno ay napapalitan na. Ito ang nagiging dahilan para hindi na magamit ang ilang salita sa

wikang Filipino na siyang ikinamamatay nito. Mayroon ding posibilidad na mas tangkilikin ng

ilang mga Pilipino ang mga produktong dayuhan dahil na din sa nababawasan na ang kanilang

pagiging makabayan.

Para sa huling katanungan sa talatanungan, tatlong bar graphs ang inilahad ng mga

mananaliksik upang lubos na maintindihan ng mga mambabasa at mabigyang nang maayos na

interpretasyon ng mga mananaliksik ang mga datos na kanilang nalikom. Ang unang talaguhitan

ay para sa resulta ng tanong na kung sa palagay ba ng mga tagatugon ay dapat pang ipagpatuloy

ang paggamit ng code-switching ng mga susunod na henerasyon. Ang ikalawang talaguhitan ay

para naman sa mga kadahilanan ng mga tagatugon na sumagot ng oo patungkol sa katanungan at

ang huli ay inilaan para sa mga hindi sumang-ayon sa katanungan.

57
15. Dapat pa bang ipagpatuloy ang paggamit ng code-switching sa
pakikipagkomunikasyon lalo na ng mga susunod na henerasyon?
100%
90%
80%
70% 78%

60%
Oo
50%
Hindi
40%
30%
20%
22%
10%
0%
Table 16

Makikita sa talaguhitan na marami ang sumasang-ayon sa paggamit ng code-

switching ng mga susunod pang mga henerasyon. Nakapagtala ito ng pitumpu‟t walong

bahagdan (78%) na may katumbas na pitumpu‟t walong (78) tugon. Ang natitira namang

dalawampu‟t dalawang bahagdan (22%) na may katumbas na dalawampu‟t dalawang (22) tugon

ay ang mga mag-aaral na tumututol sa paggamit ng code-switching ng mga susunod pang mga

henerasyon.

Sa totoo lang, walang nakaaalam kung ano ang mga posibleng mangyari sa

panghinaharap kaya‟t ang paggamit ng code-switching ng mga susunod na henerasyon ay wala

pang katiyakan. Pero sa hinuha ng mga mananaliksik, magpapatuloy ang paggamit nito dahil na

rin mas lumalaki ang pangangailangan ng isang Pilipino upang gamitin ang code-switching

sapagkat iba‟t ibang tao na ang kanyang nakakasalamuha sa araw-araw niyang pamumuhay at sa

kasalukuyan ay mas lalong lumalaki ang bilang ng mga dayuhang patalastas, pelikula at

babasahing Ingles at ito rin ay isang matibay na patunay na hindi na mapipigilan ang paglaganap

ng code-switching.

58
Mga kadahilanan kung bakit 'Oo' ang sagot ng mga tagatugon sa
ikalabing-limang katanungan
100%
90%
Ito na ang nakasanayan ng
80% karamihan.
70% Mas maipapahayag ang sariling
60% saloobin.
Makakasabay sa modernisasyon.
50%
40%
Lalawak ang bokabularyo ng bawat
30% 35.90% isa.
29.49% Magiging malikhain sa
20%
pakikipagtalastasan.
10%
10.25% 12.82% 11.54%
0%
Table 17

Walang pagpipiliang sagot sa huling katanungan kaya‟t iniisa-isa ng mga

mananaliksik ang sagot sa kadahilanang ibinigay ng mga tagatugon saka ito ikinategorya sa

limang kasagutan. Sa kabuuang bilang ng mga sumagot ng oo na pitumpu‟t walo (78), halos

tatlumpu‟t anim na bahagdan (35.90%) na may katumbas na dalawampu‟t walong (28) tagatugon

ang nagsabing dapat ipagpatuloy ang paggamit ng code-switching sapagkat mas maipapahayag

ng mga tao ang kanilang saloobin kung ipagpapatuloy ang paggamit ng code-switching.

Dalawampu‟t tatlo (23) naman sa mga tagatugon na may katumbas na higit dalawampu‟t siyam

na bahagdan (29.49%) ang nagsabing magiging malaking tulong ang patuloy na paggamit ng

code-switching sapagkat lalawak ang bokabularyo ng bawat isa. May mga mag-aaral sa

ikapitong baitang at ikalawang antas ang nagsabi na magiging mas malikhain ang pananalita ng

bawat isa sa pagpapatuloy ng paggamit ng code-switching na mayroong halos labing-dalawang

bahagdan (11.54%) na sumasaklaw sa siyam (9) na mga tagatugon. Pinakamababang bilang ng

kasagutan naman ang nakuha ng mga nagsagot ng ito na ang nakasanayan ng mga Pilipino kaya‟t

59
dapat nang ipagpatuloy ang paggamit nito. Nakakuha ito ng higit sampung bahagdan (10.25%) o

walong (8) tagatugon mula sa kabuuang bilang ng mga sumagot ng oo.

Sa palagay ng mga mananaliksik, ang mga nagsagot ng oo ay ang mga mag-aaral na

kahit mayroong hindi mabuting epekto ang paggamit ng code-switching sa kanila, ay tanggap na

nila ito kaya‟t minabuti na nilang ipagpatuloy na ng mga susunod na henerasyon ang paggamit

nito. Sa hinuha rin ng mga mananaliksik, ang karamihan sa mga indibidwal na ito ay ang mga

nagsagot na sila ay natutuwa sa paggamit ng code-switching.

Hindi maipagkakaila na kahit saan ay may umiiral na pagpalit-koda kaya‟t kung ang

paggamit nito ay titigilan, mahihirapan ang mga Pilipino pati na rin ang mga dayuhan kaya‟t

mabuti kung ipagpapatuloy na ang paggamit nito. Ang isang bagay lamang na dapat ay hindi

kalimutan ng mga bilinggwal na Pilipino ay ang kinagisnan nilang wika at ang kanilang pagiging

makabansa na hindi dapat manakaw ninuman.

Mga kadahilanan kung bakit 'Hindi' ang sagot ng mga tagatugon sa


ikalabing-limang katunungan
100%
90%
80%
70% Nababawasan ang kasanayan sa
60% isang wika.
Nagdudulot ng kalituhan sa mga
50%
50% ispiker.
40%
Lubhang naaapektuhan ang wikang
30% Filipino.
20% 27.27%
22.73%
10%
0%
Pigura 18

Sa huling talaguhitan ay nakalahad ang mga kadahilanan ng mga tagatugon kung

bakit hindi naman ang kanilang kasagutan na may kabuuang bilang na dalawampu‟t dalawa (22)

60
– malayo sa bilang ng mga sumagot ng oo. Kalahati sa mga tagatugon o limampung bahagdan

(50%) na may labing-isang (11) tagatugon ang katumbas, ang nagsabing nababawasan ang

kasanayan ng mga Pilipino sa isang wika, partikular na ang Filipino, kaya‟t hindi na dapat pang

ipagpatuloy ang code-switching bagkus ay ituon na lamang ang sarili sa paggamit ng iisang

wika. Umabot sa dalawampu‟t pitong bahagdan (27.27%) ang anim (6) na tagatugon na

nagsabing magdudulot lamang ng kalituhan sa bawat isa ang paggamit ng code-switching. Ang

natitirang halos dalawampu‟t tatlong bahagdan (22.73%) na binubuo ng limang (5) tagatugon ay

sinabi na lubha nang naaapektuhan ng paggamit ng code-switching ang wikang Filipino kaya‟t

dapat nang wakasan ang paggamit nito.

Kung ang mga mananaliksik ang tatanungin, sang-ayon sila sa patuloy na paggamit

ng code-switching dahil ang pagwawakas ng code-switching ay magreresulta lamang sa mas

malalang kalituhan dahil na rin ito na ang nakasanayan at mahirap nang tanggalin sa nakagawian

ng bawat isa.

Sa palagay ng mga mananaliksik, ang mga tagatugon na nagsagot ng hindi ay ang

mga tagatugon na nalulungkot, naguguluhan at nalilito sa paggamit ng code-switching kaya‟t

naisipan nila na tapusin na lamang ang paggamit nito. Gayunpaman, hiningi ng mga

mananaliksik ang sariling kasagutan ng mga kalahok sa pag-aaral kaya‟t kahit anuman ang

isinagot ng mga tagatugon ay nirespeto ito ng mga mananaliksik.

61
KABANATA 5

Pagbubuod, Pagwawakas at mga Tagubilin

Sa huling kabanata ng pag-aaral, ilalahad ng mga mananaliksik ang kinalabasan ng

isinagawang pananaliksik. Tatapusin ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa pamamagitan

ng pagbubuod ng pananaliksik, pagsagot sa mga suliraning inilahad mula sa mga datos na

nakalap at mga impormasyong natuklasan, pagbibigay ng mga konklusyon sa isinagawang pag-

aaral at mga rekomendasyon na siyang gagabay sa mga susunod pang mga pag-aaral sa paraan

ng pag-aaral na kanilang isasagawa.

Ang pag-aaral na ito na may pamagat na “Paggamit ng Code-switching sa

Pakikipagkomunikasyon ng mga Piling Mag-aaral sa Mary and Jesus School, Inc., Bustos,

Bulacan” ay sumaklaw sa isang daang (100) mga piling mag-aaral sa bawat unang klase ng

hayskul sa Mary and Jesus School, Inc. Dalawampu‟t siyam (29) na mag-aaral ang nagmula sa

ikapitong baitang, dalawampu‟t lima (25) sa ikalawang antas, dalawampu‟t tatlo (23) sa ikatlong

taon at dalawampu‟t tatlo (23) din mula sa ikaapat na antas. Ang nagtulak sa mga mananaliksik

upang pag-aralan ang code-switching ay dahil napansin nila na karamihan sa mga mag-aaral

ngayon ay hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng code-switching kahit na ito ay kanilang

kadalasan nilang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon at kung ano ang tungkulin nito sa

kanilang mga sarili, sa kanilang akademikong pagganap at pati na rin sa wikang Filipino – ang

wikang kanilang kinagisnan. Ginamit ng mga mananaliksik ang kanilang taon o antas bilang

batayan sa mga datos na makakalap.

Layunin ng mga mananaliksik na bigyan ng karampatang interpretasyon ang mga datos

na kanilang makakalap mula sa mga kalahok ng pag-aaral. Ito ay sa pamamagitan ng

pagpapalalim ng kanilang mga kaalaman patungkol sa code-switching at ang mga kaugnay na

62
literatura nito at mga pag-aaral. Sumangguni ang mga mananaliksik sa mga libro, dyornal,

diksyunaryo at sa Internet upang mas maging mainam ang isinagawang pag-aaral.

Bumuo ng pitong (7) katanungan ang mga mananaliksik na sa kanila ay tila palaisipan at

kailangang pang saliksikin na siyang naging mga suliranin ng pag-aaral nang sa gayon ay

maging kapaki-pakinabang at makabuluhan ito sa kaalaman ng nakararami. Mula sa pahintulot

ng direktorang si Gng. Teodora S. Perpetua at punong-gurong si Bb. Marilyn Villesis ng Mary

and Jesus School, Inc. sa Margarita Estate, Tanauan, Bustos, Bulacan ay naging posible ang

pamimigay ng mga talatanungan. Sa pamimigay ng mga talatanungan, una munang ipinaliwanag

ng mga mananaliksik sa mga tagatugon ang mga impormasyon patungkol sa code-switching na

nagsilbi nilang gabay upang kanilang masagutan ang mga talatanungan na binubuo ng labing-

limang (15) katanungan. Ang talatanungan ang nagsilbing instrumento ng mga mananaliksik

upang makapangalap ng mga tiyak na kasagutan mula sa mga kaalaman, pananawa, ideya at

nararamdaman ng mga kalahok sa pag-aaral. Ang paggamit ng mga talatanungan ay mula sa

konsepto ng Descriptive Survey Research Design na ginamit ng mga mananaliksik.

Pagkatapos ng pamimigay ng mga talatanungan, siniyasat nang mabuti ng mga

mananaliksik ang bawat kasagutang kanilang nakuha. Upang mailahad nang maayos sa mga

mambabasa ang mga datos na nalikom, gumamit ng isang pormula ang mga mananaliksik kung

saan ay malalaman ang bawat bahagdan ng kasagutan ng mga tagatugon.

Sa bahaging ito, bibigyang kasagutan ng mga mananaliksik ang bawat suliraning

kanilang inilahad. Isasama din sa bahaging ito ang mga konklusyong nabuo ng mga

mananaliksik:

1. Anong uri ng code-switching ang pinakagamitin sa pakikipagkomunikasyon ng mga

piling mag-aaral sa Mary and Jesus School, Inc.?

63
Gumagamit ng Taglish (Tagalog-English), Englog o Engalog (English-

Tagalog) at Tagalog-Kapampangan ang mga kahalok sa pag-aaral pero Taglish

ang pinakagamiting uri ng code-switching dahil nakapagtala ito ng siyamnapu‟t

walong bahagdan (98%) mula sa kabuuang bilang ng mga tagatugon. Malinaw na

makikita sa resulta na Taglish talaga ang wikang pinakamadalas gamitin ng mga

mag-aaral sa Mary and Jesus School, Inc.

Bilang konklusyon, kaya Taglish ang pinakagamiting code-switching ng

mga piling mag-aaral sa Mary and Jesus School, Inc. ay dahil kahit na hindi na

gamitin pang basehan ang kanilang mga tirahan ay nakatayo naman ang paaralan

sa Bulacan kaya‟t malaki ang posibilidad na mga Bulakenyo ang mga mag-aaral

doon. Saka karamihan din ng mga Pilipinong mula sa iba‟t ibang panig ng

Pilipinas ay inaako ang paggamit ng Tagalog upang sila ay maintindihan ng mga

tao dito sa Bulacan.

2. Anong anyo ng code-switching ang kadalasang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ng

mga kalahok sa pag-aaral?

Mayroong tatlong anyo ng code-switching na inilahad sa pag-aaral, ang

intra-sentential code-switching, inter-sentential code-switching at ang tag-

switching. Nakakuha ng pinakamaraming sagot ang intra-sentential code-

switching na nagtala ng pitumpung bahagdan (70%) mula sa kabuuang bilang ng

mga mag-aaral sa bawat unang klase ng bawat taon ng hayskul sa Mary and Jesus

School, Inc. Kahit pa pagsamahin ang bilang ng bahagdan ng mga nagsagot ng

inter-sentential code-switching at tag-switching ay walang dudang mas malaki pa

rin ang bahagdang ginugol ng intra-sentential code-switching.

64
Bilang konklusyon, intra-sentential code-switching ang pinakamadalas

gamitin ng mga mag-aaral sapagkat sa loob ng isang pangungusap o sugnay

nangyayari ang code-switching na mas madali kung ikukumpara sa inter-

sentential code-switching na sa labas ng pangungusap nagaganap ang halinhinan

at tag-switching na ginagamit sa mga padamdam, pagsang-ayon at pagtutol.

3. Anu-anong mga impormasyon ang mayroon ang mga mag-aaral hinggil sa kanilang

paggamit ng code-switching sa mga sumusunod:

a. Sa anong paraan ng pakikipagkomunikasyon ginagamit ang code-switching?

Maraming paraan ng pakikipagkomunikasyon ngunit ginagamit lamang ng

mga kalahok sa pag-aaral ang code-switching sa pagsasalita, pagsusulat,

pakikipagkomunikasyon gamit ang text messaging at pagpapadala ng mga

mensahe gamit ang Internet. Pitumpu‟t walo (78) sa mga tagatugon ay gumagamit

ng code-switching sa pagsasalita, limampu‟t dalawa (52) sa

pakikipagkomunikasyon gamit ang text messaging, dalawampu (20) sa

pagpapadala ng mensahe gamit ang Internet at labing-tatlo (13) naman sa

pagsusulat.

Bilang konklusyon, naniniwala ang mga mananaliksik na sa pagsasalita

madalas ginagamit ang code-switching sapagkat ito ang pinakamadaling paraan

ng pakikipagkomunikasyon. Pinakakaunti naman ang gumagamit ng code-

switching sa pagsulat dahil kadalasang nagsusulat lamang mga mag-aaral sa

paaralan o sa mga gawaing pampaaralan na kailangan ay purong wikang Ingles o

Filipino ang gamitin.

b. Kailan sinimulang gamitin ang pagko-code-switching?

65
Maraming mga yugto sa buhay ang mga kalahok sa pag-aaral, noong hindi

pa sila nag-aaral, noong sila ay nasa pre-school o elementarya pa lamang at noong

pagtuntong nila sa hayskul pero ginamit lamang nila ang code-switching noong

sila ay nag-aaral na. Limampu (50) ang nagsabing nagsimula silang gumamit ng

code-switching noong nasa elementarya pa lamang sila, apatnapu‟t anim (46)

noong tumuntong sila sa pagiging hayskul at apat (4) lamang noong nasa pre-

school pa lamang sila.

Bilang konklusyon, naniniwala ang mga mananaliksik na marami ang

nagsimulang gamitin ang code-switching noong sila ay nasa elementarya at

hayskul dahil ito ang mga yugto kung kailan mayroon nang mga paksang walang

salin sa Filipino o mahirap ipaliwanag gamit ang isang wikang kaya‟t ang resulta

ay gumamit na sila ng code-switching.

c. Saan kadalasang ginagamit ang pagko-code-switching?

Kahit saan ay maaaring gamitin ang code-switching, sa bahay, sa mga

pagtitipon, sa mall, sa paaralan at iba pa pero kadalasan lamang ginagamit ng mga

kalahok sa pag-aaral ang code-switching sa paaralan. Nakakuha ito ng limampu‟t

tatlong bahagdan (53%) mula sa kabuuang isang daang (100) sagot ng mga

tagatugon kaya‟t kahit pagsamahin pa ang bahagdan ng mga pagtitipon (24%) at

bahay (23%) ay mas malaki pa rin ang bahagdang naitala ng paggamit ng code-

switching sa paaralan.

Sa paaralan pinakamadalas gamitin ng mga mag-aaral ang code-switching

sapagkat bilang isang mag-aaral, mas malaki ang oras na ginugugol nila sa

paaralan kaysa sa bahay, o mga pagtitipon na kung saan ay nagagamit din ang

66
code-switching. Sa paaralan din nagiging pamilyar ang mga mag-aaral sa mga

salita o paksa na wala namang salin o mahirap intindihin sa Filipino o Ingles.

d. Sino ang nakaimpluwensya upang gamitin ang code-switching sa

pakikipagkomunikasyon?

Maraming nakakasalamuha ang mga mag-aaral ng Mary and Jesus School,

Inc. na siyang nag-impluwensya sa kanila upang piliin ang code-switching sa

pakikipagtalastasan at ito ay ang kanilang mga kaibigan at mga kaklase na

mayroong pitumpu‟t apat na bahagdan (74%), labing-isang bahagdan (11%) para

sa mga guro at non-teaching personnel sa paaralan, sampung bahagdan (10%)

mula sa mga magulang at kaanak, at limang bahagdan (5%) lamang para sa mga

artista at mga reporter na kanilang napapanood at naririnig sa mga radyo at

telebisyon.

Masasabi ng mga mananaliksik na kung bakit ang mga kaibigan at kaklase

ang nakaimpluwensya sa mga kalahok ng pag-aaral sa paggamit ng code-

switching ay dahil mas madalas nilang nakakasama ang kanilang mga kaibigan at

kaklase kaysa sa kanilang mga magulang. Mas malapit din ang loob ng mga mag-

aaral sa kanilang kapwa mag-aaral kaysa sa guro kaya‟t ganoon na lamang kalaki

ang impluwensya ng mga kaibigan at kaklase sa pagamit ng code-switching.

e. Ano ang nararamdaman kapag ginagamit ang code-switching o pagpapalit-koda?

Sa paggamit ng code-switching, nakararamdam ng tuwa, lungkot,

kaguluhan at kalituhan ang bawat mag-aaral sa Mary and Jesus School, Inc.

Natutuwa sila dahil dumadami ang mga salitang nadadagdag sa kanilang

bokabularyo na siya nilang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon, nalulungkot

67
sapagkat kapag nagpatanto nila na nawawala ang pagmamahal nila sa wikang

Filipino, naguguluhan sapagkat hindi sila sigurado kung dapat ba silang mag-

code-switch o hindi at nalilito sa mga salitang gagamitin sa pakikipag-ugnayan.

Sa kabuuang resulta, nakakuha ng pinakamaraming tugon ang mga natutuwa sa

paggamit ng code-switching na mayroong animnapu‟t tatlong bahagdan (63%).

Natutuwa ang isang indibidwal sa paggamit ng code-switching kung

mataas ang lebel ng kanyang sa kasanayan sa isang partikular na wika kaya hindi

siya nalilito o naguguluhan sa paggamit ng dalawang wika, bagkus ay

nadadagdagan pa at nalilinang ang kanyang pagkatuto sa mga wika.

4. Anu-ano ang iba‟t ibang mga kadahilanan ng mga mag-aaral kung bakit pinili nilang

gamitin ang code-switching?

Sa pagpili ng paggamit ng code-switching, mayroong iba‟t ibang

kadahilanan ang mga tagatugon at ito ay dahil sa hindi naman nila intensyong

gamitin ang code-switching, ito na ang kanilang nakasanayan, mas naipapahayag

nila ang kanilang mga saloobin at kulang ang kanilang kasanayan sa isang

partikular na wika na malamang ay ang wikang Filipino at Ingles. Pinayagan ng

mga mananaliksik na magbigay ng ibang kasagutan ang mga mananaliksik kung

sakaling wala sa mga pagpipilian ang kasagutang kanilang nais pero wala na

silang idinagdag pa kaya‟t ang apat na nabanggit ay ang iba‟t ibang kadahilanan

sa paggamit ng code-switching ng mga kalahok sa pag-aaral.

Bilang konklusyon, ang hindi intensyong paggamit ng code-switching ay

dahil walang pagpipilian ang isang ispiker kundi ang gumamit ng code-switching

upang kanyang maipahiwatig ang gusto niyang sabihin. Bago pa man gamitin ng

68
isang bilinggwal ang code-switching, nahahantad na siya dito kaya‟t sa kanyang

paglaki ay kanyang makakasanayan ito – dahilan upang kanyang gamitin ito.

5. Anu-ano ang mga mabuting epekto ng paggamit ng code-switching sa mga sumusunod:

a. Sa mga mag-aaral?

Sa mga mag-aaral, ang code-switching ay isang instrumento upang

kanilang mapabisa ang kanilang pakikipagkomunikasyon sa iba. Dahil na rin sa

code-switching, nagkakaroon sila ng tiwala sa sarili na kaya nilang humarap at

makisalamuha sa ibang tao, nakasasabay din sila sa modernisasyon at higit pa dito

ay marami din silang natutunang wika na kanilang nagagamit kagaya ng wikang

Ingles. Sa kabuuang resulta, pinakarami ang nagsagot na nagiging mas epektibo at

mainam ang kanilang pakikipagkomunikasyon na mayroong higit sa apatnapu‟t

isang bahagdan (41.17%) at pinakakaunti naman ang mga nagsagot ng tumataas

ang kanilang tiwala sa sarili na mayroon lamang higit sa labing-limang bahagdan

(15.12%).

Mas mainam na ipahayag ang sariling saloobin sa paraang komportable

ang isang ispiker kaya‟t kung gagamitin niya ang code-switching ay mas

magiging mabisa ang kanyang pakikipagkomunikasyon. Dahil na rin sa marami

siyang natututunang wika, makasasabay siya sa modernisasyon at tataas ang

kanyang tiwala sa sarili na kaya niyang makipagtalastasan sa ibang tao.

b. Sa kanilang pag-aaral at akademikong pagganap?

Malaking tulong ang code-switching sa akademikong pagganap ng mga

mag-aaral sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng code-switching upang

maintindihan nila ang kanilang mga aralin, maipahayag ang kanilang kasagutan sa

69
pinakamadaling paraan, pakikipagpalitan ng mga ideya sa guro at pagiging

malikhain sa pagsasalita sa harap ng klase. Halos pantay ang bahagdan ng nagsabi

na dahil sa code-switching ay mas madali nilang nakukuha ang mga paksang

tinatalakay (37.17%) at mas naipahahayag ang kanilang mga kasagutan (35.81%).

Ang natitirang dalawang mabuting epekto ng code-switching sa akademikong

pagganap ng mga mag-aaral ay nakakuha ng parehong halos labing-apat na

bahagdan (13.51%).

Bilang konklusyon, mas madaling naiintindihan ng isang mag-aaral ang

kanyang mga aralin sa pamamagitan ng pagpapaliwanang ng mga aralin nang

mabuti at ito ay sa paggamit ng code-switching. Mahahasa din ang

komunikatibong kahusayan ng isang mag-aaral dahil makakaya niyang magsalita

nang may tiwala sa sarili sa harap ng klase sapagkat naniniwala siyang

maipapaliwanag niya lahat ng paksa nang mabuti at maayos.

c. Sa wikang Filipino?

Mabuti ang code-switching sa wikang Filipino sa palagay ng mga kalahok

sa pag-aaral sapagkat ang mga dayuhang wika na walang salin sa Filipino ay

naipababatid gamit ang code-switching. Sa code-switching din ay nakasasabay

ang wikang Filipino sa mga pagbabagong nangyayari sa kasalukuyan,

nagkakaroon din ng mga bagong salita na siyang nagpapaunlad sa bokabularyong

Filipino at naipapaliwanag nang malinaw ang malalalim na salita sa wikang

Filipino. Mula sa mga kasagutan inilahad, pinakamarami ang nagsabi na dahil sa

code-switching ay nakasasabay sa modernisasyon ang wikang Filipino (33.09%)

70
at pinakakaunti naman ang dahil sa code-switching ay umuunlad ang

bokabularyong Filipino (10.30%).

Hirap ang karamihan sa pag-intindi ng mga salita sa wikang Filipino

kaya‟t naging opsyon ang code-switching upang mabatid ng nakararami ang ibig

sabihin ng mga malalalim na salita. Ang code-switching din ang dahilan kung

bakit dumadami ang mga salita sa wikang Filipino. Bilang halimbawa, ang ilang

salita sa Ingles ay ginagawa nang bahagi ng bokabularyong Filipino sa

pamamagitan ng pagpapalit lamang ng ispeling (gaya ng kompyuter, bolpen at

telepono).

6. Anu-ano ang mga hindi mabuting epekto ng paggamit ng code-switching sa mga

sumusunod:

a. Sa mga mag-aaral?

Kahit na may kabutihang naidudulot ang code-switching sa mga mag-

aaral, hindi pa rin maiiwasan ang mga hindi mabuting naidudulot nito sa mga

kalahok ng pag-aaral. Ang code-switching ay nagreresulta sa pagkalito ng mga

kalahok sa pag-aaral sa paggamit nila ng mga salita, sa pagkawala ng kanilang

pagpapahalaga sa wikang Filipino, sa pagkabawas ng kanilang kasanayan sa isang

partikular na wika at sa hindi sa kanila pagkaintindi ng ibang tao. Karamihan sa

mga mag-aaral ang nagsabi na nagkakaroon sila ng kalituhan sa paggamit ng mga

salita (30.84%) at nababawasan ang kanilang kasanayan sa wika, na sa partikular

ay ang Filipino at Ingles (30.08%).

Para sa mga kulang ang kasanayan sa isang partikular na wika, lubhang

hindi mabuti ang epektong naidudulot ng code-switching dahil mas lalo silang

71
malilito sa paggamit ng mga wikang kanilang alam. Lalo pa nitong pabababain

ang lebel ng kasanayan ng isang indibidwal pagdating sa pakikipag-ugnayan.

b. Sa kanilang pag-aaral at akademikong pagganap?

Malaki ang naitutulong ng code-switching sa akademikong pagganap ng

mga mag-aaral ngunit natuklasan ng mga mananaliksik na mayroon din itong

hindi magandang naidudulot at ito ay ang pagkakuha ng mabababang mga marka

ng mga tagatugon sa asignaturang Filipino at English, nahihirapan din sila sa

pagbuo ng mga sulating Filipino at Ingles at higit sa lahat, sa pagpapahayag nila

ng kasagutan sa harap ng klase at kakulangan ng kasanayan nila sa paggamit ng

purong wikang Filipino o Ingles sa isang kumpletong diskurso.

Dahil nga kulang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng purong

wikang Ingles o Filipino sa pakikipagtalastasan, natural lamang na sila ay

mahirapan din sa pagbuo ng mga sulating Filipino at Ingles at ito ang magiging

dahilan upang makakuha din sila ng mabababang marka sa mga eksamin o

pagsusulit.

c. Sa wikang Filipino?

Sa kabila ng mga kabutihang naidudulot ng code-switching sa wikang

Filipino, mayroon pa ring hindi mabuting mga epekto na hindi maiiwasan sa

pagkakaroon ng code-switching. Dahil sa code-switching, ang mga kabataan na

siyang magiging susunod na mga pinuno ng bayan ay nababawasan na ang

kasanayan sa paggamit ng wikang kanilang kinagisnan, nawawala na ang taal na

wikang Filipino, ang mga Pilipinong gumagamit ng code-switching ay

nahahaluan na ng utak kolonyal ang mga pag-isip at ang ilang mga salita sa

72
wikang Filipino ay nakapakadalang nang gamitin. Sa kabuuang resulta, ang mga

nagsabi na nababawasan ang kasanayan ng mga kabataan sa code-switching ay

mayroong higit sa tatlumpu‟t siyam na bahagdan (39.10%) na siyang

pinakamataas at ang mga nagsabi ng nahahaluan na ng utak kolonyal ang mga

Pilipino ay mayroon lamang higit sa labing-dalawang bahagdan (12.03%) na siya

namang pinakamababa.

Malaki ang posibilidad na mabura na sa bokabularyong Filipino ang mga

salitang na dati ay gamitin noon. Makasasabay nga ang Pilipinas sa

pandaigdigang pagbabago pero ang kapalit nito ay ang pagkawala ng taal na

wikang Filipino na dapat ay ingatan na parang isang ginto na ipinamana sa atin ng

ng mga yumao nating mga ninuno.

7. Anu-ano ang mga pananaw ng mga mag-aaral patungkol sa maaaring paggamit ng code-

switching ng mga susunod na henerasyon?

Tinanong ng mga mananaliksik ang mga mag-aaral kung dapat pa bang

ipagpatuloy ang paggamit ng code-switching sa pakikipagkomunikasyon ng mga

susunod pang mga henerasyon at pitumpu‟t walo (78) mula sa kabuuang isang

daang (100) tagatugon ang sumang-ayon sa paggamit ng code-switching at ang

natitira namang dalawampu‟t dalawang (22) mga tagatugon ay hindi sumang-

ayon sa patuloy na paggamit ng code-switching. Sa mga sumang-ayon, ang

kanilang mga kadahilanan ay dahil nakasanayan na ang paggamit ng code-

switching kaya‟t dapat na itong ipagpatuloy, mas maipapahayag ng mga Pilipino

ang kanilang mga saloobin sa paraan ng paggamit ng code-switching,

makasasabay sa modernisasyon ang mga Pilipino, lalawak ang bokabularyo ng

73
bawat isa at magiging malikhain din ang bawat isa sa paggamit ng wikang

Filipino.

Para sa mga mananaliksik, dapat na ipagpatuloy ang paggamit ng code-

switching dahil mas malaki ang magiging hindi mabuting epekto ng paghinto ng

paggamit ng code-switching sa bawat Pilipino. Gayunpaman, upang maipakita pa

rin ng bawat Pilipino ang kanilang pagiging makabansa ay hindi nila dapat

kalimutan na ang wikang Filipino ang kayamanang ipinamana sa atin ng ating

mga ninuno na dapat pang pagyamanin at paunlarin.

Mga Tagubilin

Sa pagtatapos ng pananaliksik na ito, mabubuksan ang isipan ng mga mambabasa na

dapat pang saliksikin ang code-switching sapagkat mahalaga ito para sa bawat isa. Nagbabago

din ang ihip ng hangin sa bawat pagpalit ng dahon ng kasaysayan kaya‟t kailangang patuloy ang

gawing pag-aaral upang mabatid ng bawat isa ang mga pagbabagong mangyayari at ang mga

impormasyong madadagdag mula sa mga nakaraang pag-aaral. Dahil dito, nais ng mga

mananaliksik na ibigay ang kanilang mga rekomendasyon upang mas malinang hindi lamang ang

pag-aaral ng code-switching ngunit pati na rin ang iba pang mga araling pangwika. Ang mga

sumusunod ay ang mga tagubilin ng mga mananaliksik:

1. Karamihan sa mga pananaliksik ay Taglish ang pinakagamiting uri ng code-switching

kaya‟t inirerekomenda na isagawa ang pag-aaral sa iba pang bahagi ng Pilipinas na sa

tingin ng mga susunod na mga mananaliksik ay kakaunti lamang ang bilang ng

nakaaalam at gumagamit ng Taglish.

2. Umikot ang pag-aaral sa paggamit at tungkulin ng Taglish na siyang paggamit ng

dalawang wika ng halinhinan sa isang kumpletong diskurso ngunit ang code-switching ay

74
maaari ding mangyari sa pagitan ng dalawang diyalekto kaya‟t bilang susunod na mga

pag-aaral, gusto ng mga mananaliksik na ito ay saliksikin at bigyan din ng pansin.

3. Ang pag-aaral na ito ay nilimitahan lamang sa code-switching na isa sa mga barayti ng

wika na nakapagpapabago sa istilo ng pananalita ng mga ispiker na bilinggwal at

monolinggwal na siya namang nabibilang sa second languge acquisition o pagkatuto ng

monolinggwal sa ikalawang wika kaya‟t nais din ng mga mananaliksik na saliksikin ang

mga kakambal nitong code-mixing, idyolek at register upang mas maging maalam ang

mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan, sa mga araling pangwika na mas magpapaunlad

sa kanilang komunikatibong kahusayan.

4. Hindi masyadong natatalakay sa mga paaralan ang code-switching sapagkat ito ay

mahigpit na ipinagbabawal kaya‟t nais ng mga mananaliksik na isama ito sa syllabus ng

asignaturang Filipino at Ingles upang kahit papaano ay matalakay ito sa silid-aralan at

mas maintindihan ng mag-aaral ang tungkuling ginagampanan ng code-switching sa

kanilang mga sarili, sa akademiko nilang pagganap at sa wikang Filipino.

5. Napansin ng mga mananaliksik na karamihan sa mga pag-aaral ng code-switching ay

kinukuha bilang mga kalahok ang mga mag-aaral. Sa palagay ng mga mananaliksik,

magiging mas maganda ang pag-aaral ng code-switching kung kukunin naman nilang

mga kalahok ang mga propesyonal o ang mga taong mayroon nang trabaho at alamin

kung ano naman ang nagiging epekto nila sa kanilang mga trabaho.

6. Descriptive Survey Research Design ang ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral na

ito kaya‟t inirerekomenda ng mga mananaliksik na gamitin din ang ibang uri ng research

designs gaya ng pag-i-interview o pakikipanayam sa mga kalahok ng pag-aaral upang

mas mapabuti ang mga resultang ilalahad sa pagtatapos ng pag-aaral.

75
TALASANGGUNIAN

Mga Aklat

Ariola, Mariano M. Principles and Methods of Research. Sta. Mesa Heights, Quezon City. Rex
Book Store, 2006.

Auer, Peter. Bilingual Conversation. Amsterdam, Netherlands. John Benjamins Publishing


Company, 1984.

Garcia, Lakandupil, ed., et. al. Metalinggwistik na Pagtalakay sa Wikang Filipino. Malabon City,
Metro Manila. Jimcyzville Publications, 2012.

Gudykunst, William, ed. Theorizing About Intercultural Communication. Thousand Oaks,


California, USA. Sage Publications, Inc., 2005.

Gumperz, John. J. Discourse Strategies. Cambridge, United Kingdom. Cambridge University


Press, 1982.

Mische, Margarete. Philippine English. Norderstedt, Germany. GRIN Verlag, 2008.

Myers-Scotton, Carol. Social Motivations for Codeswitching: Evidence from Africa. New York,
USA. Oxford University Press, 1993.

Paler-Calmorin, Laurentina at Melchor A. Calmorin. Research Methods and Thesis Writing. 2nd
ed. Sta. Mesa Heights, Quezon City. Rex Book Store, 2007.

Thompson, Roger. Filipino English and Taglish: Language Switching from Multiple
Perspectives. Amsterdam. John Benjamins Publishing Co., 2003.

Tiamson-Rubin, Ligaya, et. al. Retorika, Wikang Filipino at Sulating Pananaliksik. Sampaloc,
Manila. Rex Bookstore, 2006.

Wei, Li. The Bilingualism Reader. New York, USA. Routledge, 2000.

Mga Dyornal

Gonzales, Andrew. “Language Planning Situation in the Philippines”. Journal of Multilingual


and Multicultural Development. Vol. 19, No. 5&6. Oxford, United Kingdom. Routledge,
1998.

Myers-Scotton, Carol. “Code-switching with English: types of switching, types of communities”.


World Englishes. Volume 8, Issue 3. Oxford, United Kingdom. Blackwell Publishing,
1989.

76
Mga Diksyunaryo

Crystal, David. A Dictionary of Language. 2nd ed. Chicago, USA. The University of Chicago
Press, 2001.

English, Leo James. Tagalog-English Dictionary, 1990.

Merriam-Websters Collegiate Dictionary. 11th ed. USA. Merriam-Webster, Inc., 2003.

Mga Website

tl.scribd.com/doc/62746911/Thesis-2. Enero 6, 2013.

www.comm.ucsb.edu/sites/www.comm.ucsb.edu/files/sitefiles/people/faculty/gilesh/cv-
giles.pdf. Enero 3, 2013.

www.crisaps.org/newsletter/summer2009/Muthusamy.doc, Enero 6, 2013.

www.mb.com.ph/articles/218315/why-do-we-codeswitch#.UOEXEGdJZho. Enero 6, 2013.

www.prezi.com/iebf3mgm5dyg/thesis-it-2. Enero 6, 2013.

www.sawikaan.net/wikang_taglish.html. Enero 6, 2013.

www.scribd.com/doc/60711215/Ian. Enero 6, 2013.

www.scribd.com/doc/71885361/Effects-of-Bilingual-and-Code-Switching-in-Filipino-Learns.
Enero 6, 2013.

www.scribd.com/doc/74495972/ENG04-Thesis. Enero 6, 2013

www.webpronews.com/the-globalization-of-english-2005-03. Enero 6, 2013.

77
MGA DAHONG DAGDAG

78
PAGGAMIT NG CODE-SWITCHING SA PAKIKIPAGKOMUNIKASYON NG MGA
PILING MAG-AARAL SA MARY AND JESUS SCHOOL, INC.

Magandang araw! Kami ay mga mag-aaral na nagmula sa Baliuag University na


kasalukuyang kumukuha ng Bachelor of Science in Accountancy at nakatakdang magsagawa ng
isang natatanging pananaliksik bilang bahagi ng katuparan ng mga pangangailangan sa aming
asignaturang Filipino 200. Ukol dito ay nais naming hingin ang iyong mga tugon sa aming mga
katanungan. Salamat.

Taon/Antas:

Panuto: Bilugan ang titik ng mga kasagutan na nagpapahayag ng iyong mga pananaw, ideya at
kaalaman ukol sa mga sumusunod na katanungan.

*Isang kasagutan lamang.


**Maaaring isa o higit pang kasagutan.

1. Alin sa mga sumusunod na uri ng code-switching ang pinakamadalas mong ginagamit?*


a. Taglish (Tagalog-English; Hal. Maaari bang i-explain mo ang assignment sa akin?)
b. Englog (English-Tagalog; Hal. I‟m sorry, Ma‟am. I failed to do my takdang aralin
because I have to take care of my sick nanay.)
c. Tagalog-Kapampangan (Hal. Anong lagyo mo?)
d. Iba pang kasagutan, pakisulat:

2. Alin sa mga sumusunod na anyo ng code-switching ang iyong ginagamit?*


a. Intra-sentential Code-switching (Hal. Magsya-shopping ako sa mall mamaya.)
b. Inter-sentential Code-switching (Hal. Please call the driver. Aalis na tayo.)
c. Tag-switching (Hal. Sige, let‟s go.)

3. Sa anong paraan ng pakikipagkomunikasyon mo nagagamit ang code-switching?**


a. Pagsasalita
b. Pagsusulat
c. Pagkikipagkomunikasyon gamit ang text messaging
d. Pagpapadala ng mensahe gamit ang Internet
e. Iba pang kasagutan, pakisulat:

79
4. Kailan ka natutong gumamit ng code-switching?*
a. Noong hindi pa ako nag-aaral.
b. Pre-school
c. Elementarya
d. Hayskul
e. Iba pang kasagutan, pakisulat:

5. Saan mo kadalasang ginagamit ang code-switching?*


a. Sa bahay
b. Sa mga pagtitipon
c. Sa mall
d. Sa paaralan
e. Iba pang kasagutan, pakisulat:

6. Sino ang nag-impluwensya sa iyo upang gamitin ang code-switching?*


a. Mga magulang at kamag-anak
b. Mga kaibigan at kaklase
c. Mga guro at mga non-teaching personnel
d. Mga artista at reporter na napapanood sa telebisyon
e. Iba pang kasagutan, pakisulat:

7. Ano ang iyong nararamdaman habang ginagamit mo ang code-switching?*


a. Natutuwa ako dahil dumadami ang mga salita at wika na aking nagagamit sa
pakikipagkomunikasyon.
b. Nalulungkot ako sapagkat pakiramdam ko ay nawawala ang pagmamahal ko sa
wikang Filipino.
c. Naguguluhan ako kung tama ba na ako ay mag-code-switch o hindi.
d. Nalilito ako sa mga salitang aking gagamitin sa pakikipagkomunikasyon.
e. Iba pang kasagutan, pakisulat:

8. Bakit mo piniling gamitin ang code-switching sa pakikipagkomunikasyon?*


a. Hindi ko intensyong gamitin ang code-switching.
b. Ito ang aking nakasanayan.
c. Sa paggamit ng code-switching ay mas naipapahayag ko ang aking mga saloobin.
d. Hindi sapat ang aking kasanayan sa isang partikular na wika.
e. Iba pang kasagutan, pakisulat:

80
9. Ano ang mabuting naidudulot sa iyo ng code-switching?**
a. Nagiging mabisa ang aking pakikipagkomunikasyon.
b. Tumataas ang aking tiwala sa sarili.
c. Nakasasabay ako sa modernisasyon.
d. Marami akong natututunang mga wika.
e. Iba pang kasagutan, pakisulat:

10. Ano ang hindi mabuting naidudulot sa iyo ng code-switching?**


a. Nagkakaroon ako ng kalituhan sa paggamit ng mga salita.
b. Nawawalan ako ng pagpapahalaga sa paggamit ng sariling wika.
c. Nababawasan ang aking kasanayan sa paggamit ng isang partikular na wika.
d. Hindi na ako maintindihan ng ibang tao.
e. Iba pang kasagutan, pakisulat:

11. Alin sa mga sumusunod ang mabuting naidudulot ng code-switching sa iyong pag-
aaral?**
a. Mas madali kong naiintindihan ang aking mga aralin.
b. Mas madali kong naipapahayag ang aking mga kasagutan.
c. Nagiging mabisa ang aking pakikipagpalitan ng ideya sa mga guro.
d. Nagiging malikhain ako sa pagsasalita sa harapan ng klase.
e. Iba pang kasagutan, pakisulat:

12. Alin sa mga sumusunod ang masamang naidudulot ng code-switching sa iyong pag-
aaral?**
a. Mabababa ang mga nakukuha kong marka sa asignaturang Filipino at English.
b. Nahihirapan ako sa paggawa ng mga sulating Filipino at English.
c. Nagkukulang ang aking kasanayan sa paggamit ng purong wikang Filipino sa
pagsasalita sa harap ng klase.
d. Nagkukulang ang aking kasanayan sa paggamit ng purong wikang Ingles sa
pagsasalita sa harap ng klase.
e. Iba pang kasagutan, pakisulat:

13. Sa iyong palagay, ano ang kabutihang naidudulot ng code- switching sa wikang
Filipino?**
a. Natutumbasan ang mga dayuhang wika na walang tiyak na salin sa Filipino.
b. Nakasasabay sa pandaigdigang pagbabago o modernisasyon.
c. Nagtutulak na magkaroon ng mga bagong salita na siyang magpapaunlad sa
bokabularyong Filipino.
d. Nabibigyan nang malinaw na paliwanag ang malalalim na salita sa wikang Filipino.
e. Iba pang kasagutan, pakisulat:

81
14. Ano naman ang masamang naidudulot ng code-switching sa wikang Filipino?**
a. Nababawasan ang kasanayan ng mga kabataan sa wikang Filipino.
b. Tuluyan nang nababago ang taal na wikang Filipino.
c. Nahahaluan ng utak kolonyal ang mga gumagamit ng wikang Filipino.
d. Hindi na nagagamit ang iba pang mga salita sa wikang Filipino.
e. Iba pang kasagutan, pakisulat:

Sariling kasagutan: Dapat pa bang ipagpatuloy ang paggamit ng code-switching sa


pakikipagkomunikasyon lalo na ng mga susunod na henerasyon? Ipaliwanag kung bakit oo o
hindi ang iyong kasagutan.

82
83
KURIKULUM BAYTA

84
Mark Angelo Rayo Arceo
Tirahan: Block 29 Lot 16, Rafaela Homes, Makinabang, Baliuag, Bulacan
Numero: | E-mail: markangeloarceo13@yahoo.com

PANSARILING TALA

Araw ng Kapangakan: Setyembre 13, 1995 Nasyonalidad: Pilipino


Lugar ng Kapanganakan: Baliuag, Bulacan Relihiyon: Katoliko
Edad: 17 Pangalan ng ama: Maximo M. Arceo, Jr.
Kasarian: Lalaki Pangalan ng ina: Angelina R. Arceo

EDUKASYON

KOLEHIYO

Baliuag University 2012 - Kasalukuyan


Baliuag, Bulacan
Bachelor of Science in Accountancy
President‟s Lister

SEKONDARYA

Saint Mary‟s College of Baliuag 2008 - 2012


Baliuag, Bulacan
Gold Medal for Academic Excellence

ELEMENTARYA 2002 - 2008

Rafaela Academy, Inc.


Makinabang, Baliuag, Bulacan
Valedictorian

MGA AKTIBIDAD

Junior Philippine Institute of Accountants (JPIA) 2012 - Kasulukuyan


Miyembro

Business Administration and


Accountancy Students Association (BAASA) 2012 - Kasulukuyan
Miyembro

Baliuag University Supreme Student Council (BUSSC) 2012 - Kasalukuyan


Miyembro

85
Carissa Hernandez Cruz
Tirahan: #421 Bonga Menor, Bustos, Bulacan
Numero: 09264722891| E-mail: cariza_kute_19@yahoo.com

PANSARILING TALA

Araw ng Kapangakan: Oktubre 27, 1995 Nasyonalidad: Pilipino


Lugar ng Kapanganakan: Bustos, Bulacan Relihiyon: Katoliko
Edad: 17 Pangalan ng ama: Wilfredo Cruz
Kasarian: Babae Pangalan ng ina: Lilibeth Cruz

EDUKASYON

KOLEHIYO

Baliuag University 2012 - Kasalukuyan


Baliuag, Bulacan
Bachelor of Science in Accountancy

SEKONDARYA

Mary and Jesus School., Inc. 2008 - 2012


Margarita Estate, Tanauan, Bustos, Bulacan
Salutatorian

ELEMENTARYA

Bonga Menor Elementary School 2002 - 2008


Bonga Menor, Bustos, Bulacan
1st Honorable Mention

MGA AKTIBIDAD

Junior Philippine Institute of Accountants (JPIA) 2012 - Kasulukuyan


Miyembro

Business Administration and


Accountancy Students Association (BAASA) 2012 - Kasulukuyan
Miyembro

Baliuag University Supreme Student Council (BUSSC) 2012 - Kasalukuyan


Miyembro

86
Edwin Nazar Cruz
Tirahan: 0036 Tibagan, Bustos, Bulacan
Numero: 09173801857 | E-mail: edwincruz0027@yahoo.com

PANSARILING TALA

Araw ng Kapangakan: Oktubre 29, 1995 Nasyonalidad: Pilipino


Lugar ng Kapanganakan: Bustos, Bulacan Relihiyon: Katoliko
Edad: 17 Pangalan ng ama: Wilfredo Cruz
Kasarian: Lalaki Pangalan ng ina: Susan Cruz

EDUKASYON

KOLEHIYO

Baliuag University 2012 - Kasalukuyan


Baliuag, Bulacan
Bachelor of Science in Accountancy

SEKONDARYA

Tibagan National High School 2008 - 2012


Tibagan, Bustos, Bulacan
Salutatorian

ELEMENTARYA

Tibagan Elementary School 2002 - 2008


Tibagan, Bustos, Bulacan
2nd Honorable Mention

MGA AKTIBIDAD

Junior Philippine Institute of Accountants (JPIA) 2012 - Kasulukuyan


Miyembro

Business Administration and


Accountancy Students Association (BAASA) 2012 - Kasulukuyan
Miyembro

Baliuag University Supreme Student Council (BUSSC) 2012 - Kasalukuyan


Miyembro

87
Sandra Ragil
Tirahan: 0028 Grace Park St. Pinaod, San Ildefonso, Bulacan
Numero: 09156935416 | E-mail: sandraragil@yahoo.com

PANSARILING TALA

Araw ng Kapangakan: Pebrero 27, 1996 Nasyonalidad: Pilipino


Lugar ng Kapanganakan: Baliuag, Bulacan Relihiyon: Katoliko
Edad: 16 Pangalan ng ama: Perfecto Ragil
Kasarian: Babae Pangalan ng ina: Jacqueline Ragil

EDUKASYON

KOLEHIYO

Baliuag University 2012 - Kasalukuyan


Baliuag, Bulacan
Bachelor of Science in Accountancy
Dean‟s Lister

SEKONDARYA

Mariano Ponce National High School 2008 - 2012


Bagong Nayon, Baliuag, Bulacan
1st Honorable Mention

ELEMENTARYA

Pinaod Central School 2002 - 2008


Pinaod, San Ildefonso, Bulacan
1st Honorable Mention

MGA AKTIBIDAD

Junior Philippine Institute of Accountants (JPIA) 2012 - Kasulukuyan


Miyembro

Business Administration and


Accountancy Students Association (BAASA) 2012 - Kasulukuyan
Miyembro

Baliuag University Supreme Student Council (BUSSC) 2012 – Kasalukuyan

88
Beverly Jean Salinas
Tirahan: M. Viceo St., Paltok, Caingin, San Rafael, Bulacan
Numero: 09321340741 | E-mail: beverlyjeans@ymail.com

PANSARILING TALA

Araw ng Kapangakan: Abril 23, 1991 Nasyonalidad: Pilipino


Lugar ng Kapanganakan: Dagupan, Pangasinan Relihiyon: Methodist
Edad: 21 Pangalan ng ama:
Kasarian: Babae Pangalan ng ina: Mary Ann Jeanifeil Salinas

EDUKASYON

KOLEHIYO

Baliuag University 2012 - Kasalukuyan


Baliuag, Bulacan
Bachelor of Science in Accountancy

AMA-CLC College 2008 - 2010


Baliuag, Bulacan
Programming

SEKONDARYA

San Rafael National Trade School 2004 - 2008


San Rafael, Bulacan

ELEMENTARYA

Caingin Elementary School 2000 - 2004


San Rafael, Bulacan

MGA AKTIBIDAD

Junior Philippine Institute of Accountants (JPIA) 2012 - Kasulukuyan


Miyembro

Business Administration and


Accountancy Students Association (BAASA) 2012 - Kasulukuyan
Miyembro

Baliuag University Supreme Student Council (BUSSC) 2012 - Kasalukuyan


Miyembro

89

You might also like