You are on page 1of 49

PAGLALAHAD NG

SULIRANIN
1. Anu-anong mga suliranin
ang iyong napapansin sa
mga sumusunod na bagay?
1.Teknolohiya
2.On – Line School
3. Batanng Millennial
4.Pagiging “feeling entitled” ng
mga mag-aaral ngayon.
5.Vlogger
2. Bakit mahalaga na
malaman muna ang mga
suliranin bago magsagawa
ng isang pananaliksik?
Ano nga ba ang kahulugan
ng PAGLALAHAD NG
SULIRANIN?
1, Ito ay isa sa
pinakamahalagang bahagi ng
pananaliksik. Ito din ang
itinuturing na pokus o sentro ng
pag-aaral.
2. dito mangagaling ang lahat ng
mga katanungan na dapat
masagot sa kabanata apat ng
pananaliksik.
3. Dito din inilalahad ang
pangkalahatang layunin o dahilan
kung bakit isinasagawa ang pag-
aaral.
4. Ang mga katanungang inilahad
dito ay nararapat na masagutang
lahat ayon sa pagkakasunod-
sunod nito.
5. Dito din tinutukoy ang mga
suliranin sa pamamagitan ng
anyong patanong.
Mga Anyo/Paraan ng
Paglalahad ng
Suliranin:
•1. Anyong patanong
(Question Form) -
Ginagamitan ng tanong na
"Ano" o "Paano".
Paglalahad ng Suliranin
Ang pag aaral na ito ay naglalayong
mabigyan ng pagsusuri ang mga piling
akdang isinulat ni Bob Ong sa
pamamagitan ng tatlong antas ng
interpretasyon. Layunin din nitong
matugunan ang mga sumusunod na
suliranin.
Halimbawa”
1. Ano ang mga dahilan ng
pagkahilig ng mga kabataan/mag-
aaral sa pagbabasa ng mga akda
ni Bob Ong?
2. Anong antas ng wika ang
ginagamit ni Bob Ong sa
kanyang mga akda at paano ito
nakaapekto sa wikang
ginagamit ng mga
kabataan/mag-aaral?
3. Paano nalilinang ng mga
akda ni Bob Ong ang pag-iisip
ng mga kabataan/mag-aaral at
paano nito naiimpluwensyahan
ang kanilang pag-uugali?
2. Anyong papaksa (Topical Form)
- Ang anyong ito ay mas ginagamit
sa mga pangkalakalang
pananaliksik na
Sa halip na tawaging "paglalahad
ng suliranin" pinapalitan ito ng
katagang "mga layunin ng pag-
aaral".
Halimbawa:
Ang pag-aaral na ito ay may
adikhaing maisagawa ang mga
sumusunod na layunin:
1.Matukoy ang mga
pinagmumulan o sanhi ng Food
Hazards.
2.Malaman kung gaano kataas ang
kaalaman ng mga sstudyante na
kumukuha ng kursong HRM
tungkol sa Food Hazards.
3. Tukuyin ang mga epekto ng
Food Hazards.
HAKBANG SA PAGSULAT NG
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
1. Dapat ang suliranin ay
unawain muna ng mabuti
bago isulat.
2. Ang suliranin ay puwedeng
ituloy o magamit sa mga
susunod pang mga
pananaliksik o pag-aaral.
3.Alamin kung gaano ba ito
kaimportante o kahalaga at
kung may kaugnayan ba ito sa
pag-aaral na isasagawa.
4. Dapat ito ay nakakahikayat
ng mga mambabasa.
5. Suriin maigi ang pamagat
ng pananaliksik at doon lamang
ang pokus ng katanungan
6. Dapat may kaalaman sa
kaligiran ng isasagawang pag-
aaral ang suliranin na isusulat.
Antas ng Pagtatanong
• Unang Antas ng Pagtatanong
-Ginagamit kung ang mananaliksik
ay may limitadong kaalaman sa
paksa. Sinisimulan sa tanong na
"Ano". Gamitin ang tanong na ito
sa paglalarawang pananaliksik.
(Descriptive Research)
•Ikalawang Antas ng
Pagtatanong
- Ito ang tanong na nagpapakita
ng mga kaugnayan o epekto ng
mga baryabol sa isa't isa.
•Ikatlong Antas ng
Pagtatanong
- Naglalayong maipaliwanag
ang resulta, ang ganitong antas
ng pagtatanong ay
kinasasangkutan ng maraming
baryabol, resulta, hinuha.
•Haypotesis/Hinuha
- Ito ay pansamantala ngunit
matalino at lohikal na
paghinuha at pagsagot sa tiyak
na tanong o suliranin na
maingat na binubuo bago
isinasagawa ang pananaliksik.
• Kahalagahan ng Pag-aaral
Ito ay nagbibigay ng pagkakataon
sa mananaliksik na maipahayag
ang pagpapahalaga, kahalagahan
at maging ambag ng
isinasagawang pag-aaral sa
disiplina at lipunang kinabibilang
niya.

You might also like