You are on page 1of 2

Mahal na respondente, maalab na pagbati!

Ako ay isang guro ng asignaturang Filipino sa Saint Ferdinand College na kasalukuyang kumukuha ng master
sa sining ng edukasyon. Ako ay nagsasagawa ng pananaliksik na pinamagatang PAGHAHANDA AT
EBALWASYON NG MGA MODYUL SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK. Kaugnay nito, inihanda ko ang talatanungan na ito upang makapangalap ng mga datos na
kailangan sa aking pananaliksik. Kaugnay nito, inihanda ko rin ang mga modyul na inyong ieebalweyt. Kung gayon,
maaaring sagutan ng may katapatan ang mga sumusunod na aytem tinitiyak kong ang impormasyong ibabahagi ay
mananatiling konpidensyal. Marami pong salamat.

- Mananaliksik
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
TALATANUNGAN
Panuto: Basahin nang maigi at sagutin ang tinatanong sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (/) sa kahong
sumasang-ayon sa iyong kasagutan. Pumili lamang ng isa.

5-Lubos na sumasang-ayon 4-Sumasang-ayon 3-Hindi sumasang-ayon 2-Lubos na hindi sumasang-ayon

Listahan ng Ebalwasyon sa mga Modyul para sa Tagasuring Guro

Aspeto ng mga Modyul na Gamit Panturo 4 3 2 1


I.Mga Layunin ng modyul
1. Ang mga Layunin ay nakasaad sa anyong behebyural (behavioral form). /
2. Ang mga layunin ay mahusay na naplano, nabalangkas, at niaayos. /
3. Ang mga layuning inilahad ay tiyak, nasusukat, at nakakamit. /
4. Ang mga layunin ay nauugnay sa mga paksa ng bawat aralin ng mga modyul. /
5. Isinaalang-alang sa mga layunin ang mga pangangailangan ng mag-aaral. /
II. Nilalaman ng Modyul
1. Ang nilalaman ng bawat aralin ay direktang nauugnay sa mga natukoy na /
layunin
2. Ang nilalaman ng bawat aralin ay simple at madaling maunawaan. /
3. Ang mga paksa sa aralin ay ganap na tinalakay. /
4. Ang mga paksa ay suportado ng mga inilahad na lektyur at mga halimbawa at /
ang mga gawain sa pagsasanay ay angkop sa antas ng mga mag-aaral.
5. Ang bawat paksa ay nabigyan ng pantay na diin sa mga aralin. /
III. Ayos at Wika ng Modyul
1. Ang pormat ay maayos ang pagkakagawa, kayat mas nagiging kawili-wili ang /
mga aralin.
2. Ang wikang ginamit ay madaling maintindihan. /
3. Ang wikang ginamit ay malinaw, maikli, at nakakaganyak. /
4. Nabigyan ng malinaw na kahulugan ang mga mahahalagang terminong /
ginamit sa bawat aralin
5. Ang mga panutong ginamit sa modyul ay maikli at madaling masundan. /
IV. Paglalahad sa mga Modyul
1. Ang mga paksa ay inilahad sa paraang lohikal /
2. Ang mga aralin sa mga modyul ay inilahad sa natatanging paraan. /
3. Ang mga gawain sa bawat aralin ay maayos at malinaw na nailahad. /
4. Ang presentasyon ng bawat aralin ay nakakapukaw ng interes at kawili-wili /
para sa mga mag-aaral.
V. Kahalagahan ng mga Modyul
1. Ang mga instraksyunal na modyul ay nakagaganyak sa mga mag-aaral na /
aralin ang asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik
2. Ang mga modyul ay nakatutulong sa mga mag-aaral na malinang ang /
kanilang masteri sa mga paksa at aralin ayon sa kanilang sariling bilis.
3. Ang mga modyul ay nakatutulong sa mga mag-aaral na magugol nang /
mahusay ang kanilang oras.
4. Nakakatulong ang mga modyul upang malinang ang analitikal na pag-iisip at /
mga kasanayan sa pangangatwiran ng mga mag-aaral.
5. Ang mga modyul ay nagsisilbing karagdagang materyal na tutugon sa
pangangailangan ng mga mag-aaral.

You might also like