You are on page 1of 2

Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino—Kakayahang Diskorsal

Pagtiyak sa Kahulugang Ipinahahayag ng mga Teksto/Sitwasyon Ayon sa Konteksto

Sa mga nakalipas na aralin, nabatid mo ang unang apat na kakayahang pangkomunikatibong dapat
taglayin ng isang mahusay na komyunikeytor. Sinasabing mas nalilinang at lumalago ang kakayahang
pangkomunikatibo kapag ito ay madalas na ginagamit at nararanasan sa iba’t ibang konteksto.
Bagama't ang kahalagahan ng bawat salik ng kakayahang pangkomunikatibo ay nakasalalay sa bawat
isa, hindi matatawarang ang bawat salik ay mahalaga at nararapat lamang pag-aralan. Ngayong alam mo na ang
iba pang salik ng kakayahang komunikatibo—ang lingguwistiko, gramatikal, sosyolingguwistiko,
pragmatik, at istratedyik, tatalakayin natin ang isa pang salik, ang kakayahang diskorsal. Saklaw ng
diskorsal ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na bumubuo ng isang makabuluhang teksto.
Ang isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay nakapagbibigay rin ng wastong interpretasyon ng
napakinggan o nabasang pangungusap o pahayag upang makabuo ng isang makabuluhang kahulugan. Masasabi
mo bang may kakayahang diskorsal ang isang taong nagpahayag ng sumusunod?

"Pumunta ako ng palengke kanina. Maglaro tayo. Makikita mo ang hinahanap mo. Isasama kita.
Marami-rami rin ang kanyang kinain. Napaiyak ako sa palabas sa telebisyon."

Malinaw ba ang pahayag? Ano ang dapat gawin upang maging makabuluhan ang pahay'ag?
Tandaan, may dalawang bagay na isinasaalang-alang upang malinang ang kakayahang diskorsal—ang
cohesion o pagkakaisa at coherence o pagkakaugnay-ugnay. Ugaliing gumamit ng mga panandang kohesyong
gramatikal at panandang pandiskurso upang matiyak ang kaisahan at pagkakaugnay-ugnay ng kaisipan.
Masasabi nating may kakayahang diskorsal ang isang taong nagpapahayag nang may kaisahan at
magkakaugnay.
Anim na Pamantayan sa Pagtataya ng Kakayahang Pangkomunikatibo
Kailan ba sinasabing ang isang tao ay may kakayahang pangkomunikatibo? Paano ba natin masusukat
ang mga kakayahang ito? Ang totoo niyan, magkakaugnay ang mga salik ng kakayahang pangkomunikatibo at
hindi masusukat kung hiwa-hiwalay. Hindi maaaring sabihing si Pedro ay may kakayahang pragmatik ngunit
walang kakayahang sosyolingguwistiko, o kaya naman, si Maria ay may kakayahang diskorsal pero walang
kakayahang lingguwistiko. Ang kakayahang pangkomunikatibo ay sinusukat nang sama-sama at hindi isa-isa.
Sinusukat ito sa pamamagitan ng pagtukoy kung naisakatuparan ang layunin ng pakikipagtalastasan. Dapat
tandaang ang isang taong may kakayahan sa wika ay dapat magtaglay hindi lamang ng kaalaman tungkol dito
kundi ng kahusayan, kasanayan, at galing sa paggamit ng wikang angkop sa mga sitwasyong pangkomunikatibo
(Bagari et al. 2007).
Sina Canary at Cody (2000) ay nagbigay ng anim na pamantayan sa pagtataya ng kakayahang
pangkomunikatibo. Narito ang anim na pamantayan:

l. Pakikibagay (Adaptability)
Ang isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay may kakayahang mabago ang pag-uugali at
layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan.
Makikita ang kakayahang ito sa sumusunod:
a. pagsali sa iba’t ibang inter-aksiyong sosyal
b. pagpapakita ng pagiging kalmado sa pakikisalamuha sa iba
c. kakayahang ipahayag ang kaalaman sa pamamagitan ng wika
d. kakayang magpatawa hahang nakikisalamuha sa iba

2. Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement)


May kakayahan ang isang taong garnittn ang kaalaman tungkol sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa
iba.
Makikita ito kung taglay ng ieang komyuntkeylor ang •umusunod:
a. kakayahang tumugon
b. kakayahang makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao
c. kakayhang makinigg at magpokus sa kausap

3. Pamamahala sa pag-uusap (Conversational Management)


Tumutukoy ito sa kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap. Nakokontrol nito ang daloy ng
usapan at kung paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba.

4. Pagkapukaw-damdamin (Empathv)
Ito ay pagpapakita ng kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang tao at pag-iisip ng
posibleng mangyari o maranasan kung ikaw ay nasa kalagayan ng isang tao o samahan.
5. Bisa (Effectiveness)
Tumutukoy ito sa isa sa dalawang mahahalagang parnantayan upang mataya ang kakayahang
pangkomunikatibo—ang pagtiyak kung epektibo ang pakikipag-usap. Ang taong may kakayahang
pangkomunikatibo ay may kakayahang mag-isip kung ang kanyang pakikipag-usap ay epektibo at nauunawaan.

6. Kaangkupan (Appropriateness)
Maliban sa bisa, isa pang mahalagang pamantayan upang mataya ang kakayahang pangkomunikatibo ay
ang kaangkupan ng paggamit ng wika. Kung ang isang tao ay may kakayahang pangkomunikatlbo, naiaangkop
niya ang kanyang wika sa sitwasyon, sa lugar na pinangyayarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap.

You might also like