You are on page 1of 4

St.

Ferdinand College
Cabagan Campus
Centro, Cabagan, Isabela

Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino 11


Taon ng Paaralan 2020-2021

“Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa
inyong ikabubuti. Ito’y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa. “
-Jeremias 29:11
Pangalan: Marka:
Baitang Seksyon: Petsa:

MARAMIHANG PAGPIPILIAN
Panuto: Basahin ng may pag- unawa ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang TITIK ng pinakatamang sagot
at isulat sa patlang.
_____1. Sa anong panahon sumulong at umunlad nang malaki ang wikang pambansa ng mga Pilipino?
a. Republika b. Bagong Lipunan c. Kasalukuyan d. Pagsasarili
_____2. Sino ang dating pangulo ng bansa na lumagda sa proklamasyon blg. 12 na nagpapahayag ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa tuwing Marso 29-Abril 4 taon-taon?
a. Manuel L. Quezon b. Ramon Magsaysay c. Ferdinand Marcos d. Cory Aquino
_____3. Noong 1973, hanggang walang itinadhana ang batas, patuloy na gagamiting wikang Opisyal ang Ingles
at Pilipino. Ito ay nakapaloob sa anong seksyon ng Artikulo XIV?
a. Seksyon 2 b. Seksyon 3 c. Seksyon 4 d. Seksyon 5
_____4. Sa pamamagitan ng anong batas blg. 570, ang formal na pagkilala sa wikang pambansa bilang isa sa
mga opisyal na wika ng Pilipinas?
a. Batas Militar b. Batas-Pambansa c. Batas Komonwelt d. Batasang Pangwika
_____5. Kailan isinumite kay Manuel L. Quezon at kanyang pinagtibay ang TAGALOG bilang batayang wika?
a. Nob. 9, 1937 b. Okt. 12, 1986 c. Abril 12, 1940 d. Hulyo 4, 1946
_____6. Ayon sa unang pagsusuri o pag-aaral na isinagawa ng SWP, ano ang dalawang wika ang nanguna at
nakakuha ng 59.6%?
a. Tagalog at Kapampangan c. Tagalog at Hiligaynon
b. Tagalog at Sebuwano d. Tagalog at Ilokano
_____7. Sino ang naging pangulo ng ng SWP na binuo ni Manuel L. Quezon?
a. Cecilio Lopez b. Ponciano Pineda c. Fe Adayap d. Jaime De Veyra
_____8. Kailan pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagtatadhana na ang PILIPINO ang magiging isa
na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas?
a. Hunyo 7, 1940 b. Hulyo 4, 1946 c. Hunyo 4, 1946 d. Hulyo 4, 1940
_____9. Sinong pangulo ang lumagda sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 na nagpapanauli sa SWP?
a. Manuel L. Quezon b. Ramon Magsaysay c. Cory Aquino d. Ferdinand Marcos
_____10. Marso 29-Abril 4 ang naging unang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa, na nakapaloob sa
panahong saklaw sa pagdiriwang ng araw ng sinong tanyag na makata?
a. Francisco Baltzar b. Jose Corazon de Jesus c. Jose dela Cruz d. Alejandro Abadilla
_____11. Matapos matutunan ng mga sinaunang Pilipino ang paggamit ng Alibata, anong alpabeto naman ang
sumunod na ginamit nila?
a. Alpabetong Filipino b. Abakada c. Alpabetong Romano d. Alpabetong Pilipino
_____12. Kung ang edukasyon ay isa sa mga kontribusyon ng mga Amerikano sa ating bansa, ano naman ang
ibinahagi ng mga Español sa Pilipinas?
a. trabaho b. instrumento c. kalusugan d. relihiyon
_____13. Sa anong panahon naging malawak ang paggamit ng TAGALOG sa palimbagan at akdang
pampanitikan upang imulat ang isipan at damdaming Nasyonalismo?
a. Rebolusyon b. Amerikano c. Republika d. Bagong Lipunan
_____14. Sino ang pangulo ang naging daan upang ang Pilipinas ay magkaroon ng isang wikang pambansa?
a. Ramon Magsaysay b. Manuel Quezon c. Cory Aquino d. Ferdinand Marcos

_____15. Noong Oktubre 27, 1936, itinagubilin ni Pangulong Manuel Quezon sa kanyang mensahe sa
Asamblea Nasyonal ang paglikha ng anong ahensya o samahan na gagawa ng isang pag-aaral ng mga
wikang katutubo sa Pilipinas?
a. Surian ng Wikang Pambansa c. Linangan ng mga Wika sa Pilipinas
b. Komisyon sa Wikang Filipino d. Suriang Paglinang sa Wikang Filipino
_____16. “Ewan ko, hindi ko alam ang buong pangyayari!” Anong antas ng wika ang may salungguhit?
a. Pambansa b. Pampanitikan c. Kolokyal d. Lalawiganin
_____17. Ang mga salitang borlog, havey, at resbak, ay ilan lamang sa mga halimbawa ng _________ na wika.
a. Kolokyal b. Lalawiganin c. Balbal d. Vulgar
_____18. meron: Kolokyal; mayroon: _____________
a. Pambansa b. Pampanitikan c. Kolokyal d. Lalawiganin
_____ 19. “Ikaw ang hulog ng langit!” Ito ay antas ng wika na ________________.
a. Pambansa b. Pampanitikan c. Kolokyal d. Lalawiganin
_____20. Alin sa sumusunod na mga salita ang halimbawa ng lalawiganin na salita?
a. mayabang b. maalab c. marubdob d. Tubal
_____21. Isang linggwistikong realidad ang pagkakaroon ng maraming wika. Kahit na ba sabihing
mayroong pambansang wika, nananatili pa rin ang _______________ at _______________ nito na
dinamikong nahuhubog at humuhubog sa mga kasalong wika.
a. sangkap, elemento c. barayti, baryasyon
b. diwa, kahalagahan d. antas, kapangyarihan
_____22. Ang kontekstong sosyal ay isang halimbawa ng ___________________.
a. wikang pasalita b. wikang pasulat c. wikang padamdam d. wikang sosyolinggwistik
_____23. Alin sa sumusunod ang HIGIT na maaaring ibilang sa wikang pasulat?
a. may anyong tuloy-tuloy c. pili at angkop ang mga salita
b. pormal ang mga salita d. Pagbibigay-feedback
_____24. Bulanon: Etnolek; silong: _____________
a. sosyolek b.etnolek c. dayalek d. Register
_____25. ” Anak, paki-explain, labyu!” Ito ay barayti ng wika na ________________.
a. dayalek b. idyolek c. sosyolek d. Etnolek
_____26. Kung ang “wika ng mga beki” ay maaaring ibilang sa sosyolek, ang mga wika naman na naaangkop
sa sitwasyon o kausap ay ______________.
a. idyolek b. register c. pidgin d. Creole
_____27. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng sosyolek na barayti ng wika?
a. Kaon na tayo! c. Let’s make kain na!
b. Bumili ka muna ng suka. d. Igawa mo muna ako ng takdang-aralin.
_____28. Ang mga salitang inda, pupu, at nanag, ay iba’t ibang katawagan sa salitang “lola”. Ang mga ito ay
tinatawag na _______________.
a. dayalek b. idyolek c. sosyolek d. Pidgin
_____29. Kung ang pidgin ay umusbong sa bagong wika o tinatawag sa Ingles na “Nobody’s Native
Language”, ang Creole naman ay ___________________.
a. Nobody’s perfect Language c. Dayalekto ng mga Katutubo
b. Perosnal na gamit ng wika d. Wikang nagmula sa isang pidgin/unang wika sa isang lugar
_____30. Alin sa sumusunod namga salita ang HINDI maaaring ibilang sa uri ng barayti ng wika?
a. I know, right, sige, go ahead na! c. Ala siya oh, pabebe talaga!
b. Bawal ang pasaway kay Mareng Winnie d. Laptop, light, sunset
_____31. Kung hindi ipinaglaban ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ang pagkakaroon ng isang wikang
pambansa, ano ang maaaring mangyari sa ating bansa?
a. Magakakaroon ng maraming kaibigang dayuhan
b. Iba’t ibang uri ng tao ang uusbong
c. Maaaring magkaraoon ng maigting na relasyon
d. Walang pagkakaintindihan at pagkakaisa ang ating bansa sa ibang bansa
_____32. Ang Surian ng Wikang Pambansa ay binuo upang _____________________
a. Magsagawa ng pagsusuri at pag-aaral ng iba’t ibang wika
b. Mangolekta ng iba’t ibang suhestiyon kung anong wika ang gagamitin ng lahat
c. Pumili ng kakaibang wika at magiging sikat sa bansa
d. Mag-iimbento ng mga iba pang wika upang magamit sa bansa.
_____33. Ano ang HIGIT na nagawang tulong ng mga kagawad o bumubuo sa SWP para sa ating wika?
a. Ang pagsasagawa ng sarbey at pag-aaral ukol sa mga wika ng bansa.
b. Ang pagbibilang ng boto sa bawat wika mula iba’t ibang lugar.
c. Ang pagsusuri sa mga wika.
d. Ang pagpili at pagkalap ng impormasyon ukol sa wika ng bansa?
_____34. Alin sa sumusunod ang maaaring maging resulta ng kawalan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansa?
a. Walang mapipiling mga tao na may magandang kasuotan.
b. Mas lalong mababalewala angakdang pampanitikan.
c. Hindi makikilala ng lahat si Manuel L. Quezon
d. Hindi maaalala at masasariwa ang kasaysayan ng wikang Filipino.
_____35. Kung sakaling nangyari ang naisin ni William C. Forbes na ipalaganap ang paggamit ng wikang
Ingles sa buong Pilipinas, Alin sa sumusunod ang HIGIT na maaaring naging bunga nito?
a. Magiging sosyal ang mga Pilipino c. Wala ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika
b. Mas lalong magiging matalino d. Walang magiging opisyal na wika ang Pilipinas
_____36. Tumutukoy ito sa wika ng midyum ng pakikipagtalastasan, na sinasabing ang mga wika ay mayroong
kani-kaniyang katangian.
a. Homogenous b. Heterogenous c. Bilinggwalismo d. Multilinggwalismo
_____37. Masistemang balangkas ito ng mga tunog, salita, at gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan.
a. salita b. Komunikasyon c. Arbitraryo d. Wika
_____38. Wikang natutunan ng isang taon mula ng kanyan pagsilang.
a. Wikang Opisyal b. Unang Wika c. Pangalawang Wika d. Wikang Panturo
_____39. Tumutukoy ito sa pagkakaroon ng pagkakaiba-iba ng wika.
a. Register b. Heterogenous c. Barayti ng Wika d. Linggwistikong Komunidad
_____40. Ang pambansang wika ng Pilipinas ay __________________.
a. Tagalog b. Pilipino c. Filipino d. Filifino
_____41. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaroon ng identidad ang isang bansa. Ito ay isa sa mga __________.
a. gampanin ng wika b. gamit ng wika c. kapangyarihan ng wika d. kahulugan ng wika
_____42. Tungkulin ito ng wika na nagsisilbing instrumento sa mga tao upang maisagawa ang anumang naisin.
a. Impormatibo b. Instrumental c. Heuristiko d. Regulatori
_____43. Ipinapaliwanag dito na nagagawa ng wika na mapanatili ang relasyon ng tao sakanyang kapwa.
a. Personal b. Instrumental c. Impormatibo d. Interkasyonal
_____44. Nagagawa ng wika na kontrolin ang mga pangyayari sapaligid.
a. Heuristiko b. Personal c. Regulatori d. Imahinatibo
_____45.Tungkulin nito na magbigay ng impormasyon o detalye.
a. Impormatibo b. Imahinatibo c. Heuristiko d. Regulatori
_____46. Ang salita ay maaaring may ibang katawagan at kahulugan sa ibang lugar. Ito ay nagpapakita ng
__________ ng wika.
a. Tungkulin b. gamit c. kabuluhan d. Kapangyarihan
_____47. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapamalas ng kahalagahan ng wika sa lipunan?
a. pakikipagtalastasan sa mga taong nasa palengke, simbahan, paaralan, at iba pa.
b. Pakikipag-usap sa sarili.
c. Pagbabahagi ng sikreto sa mga kaibigan.
d. Pakikipagkuwentuhan sa mga tindahan.
_____48. Bakit sinasabing ang wika ay humuhubog ng saloobin?
a. Sapagkat kung walang wika, walang kuwenta ang lahat ng bagay.
b. Sapagkat ang wika ay daan tungo sa pagbabahagi ng ating damdamin.
c. Sapagkat ang wika ay paraan upang makausap ang sarili.
d. Sapagkat ang wika ay may kakayahang magsalita.
_____49. Alin sa sumusunod ang HIGIT na nagbibigay-kahulugan sa Wikang Pambansa?
a. Tumutukoy ito sa wikang pinili at isinaayos.
b. Wika na napagdesisyunang ipatupad
c. Ito ay tumutukoy sa wika na ipinatupad ng pamahalaan mula sa mahabang proseso at pag-aaral.
d. Wikang ginagamit ng karamihang Pilipino.
_____50. Bukod sa”Ama ng Wikang Pambansa”, ano pa ang maaaring itaguri o ibigay na titulo kay dating
Pangulong Manuel L. Quezon?
a. Bayani ng Wikang Filipino b. Pangulo ng Wika c. Maka-Wika d. Maka-Filipino
_____51. Suriing mabuti ang kantang “Ang Awit ng Wika”
Ang wika ay tubig na nagpapaputi
Ng pusong may sala at bahid ng dumi
Ano ang nais ipahiwatig ng katagang “tubig na nagpapaputi”?
a. Ang wika ay dating marumi.
b. Ang wika ay daan tungo sa pagkalinis ng tao.
c. Nagagamit ang wika sa iba’t ibang pagkatao na tulad ng malamig na tubig.
d. Nagbibigay-buhay ang wika sa mga tao.
_____52. Alin sa sumusunod ang maaaring mensahe ng dalawang taludtod mula sa awit?
a. Tipirin ang wika na tulad ng tubig. c. Maraming kapakinabangan sa wika.
b. Gamitin ang wika kung kinakailangan d. Ipagbunyi ang wika.
_____53. Paanong nasabing ang wika ay behikulo sa pakikipagtalastasan?
a. Minsan trapik kaya matagal bago makarating ang mensahe.
b. Sa pamamagitan ng wika, maihahatid natin ang gusto nating ipabatid.
c. Ang wika ay may iba’t ibang uri na tulad ng sasakyan.
d. Sa pamamagitan ng wika, tayo ay nagkakaunawaan.
_____54. Si Patrocinio Villafuerte ay kilala bilang mahusay na manunulat. Isa sa kanyang akda ay ang piyesa
ng sabayang-pagbigkas na “Wikang Filipino sa Pambansang Kalayaan at Pagkakaisa”. Ano ang nais
niyan ipabatid sa mga taludtod na ito:
“Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit, wikang Filipino!”
a. may iba’t ibang wika ang tao
b. iisa lang ang wika
c. hindi madali ang pinagdaanan ng kasaysayan ng wikang Filipino
d. makasaysayan at mahabang proseso ang pinag-ugatan ng wikang Filipino.
_____55. Ano ang nais ipahiwatig ng “Isang diwa ang nagpasya!”?
a. Ito ang napagkasunduan. c. sama-samang nagdesisyon.
b. Ito ang napili. d. Iisa ang nasunod.
_____56. Paano mo maipapamalas ang iyong lubos na pagmamalasakit sa wikang pambansa?
a. Lagi ko itong gagamitin nang maayos at may buong buong pagmamalaki.
b. Mangangampanya ako sa iba’t ibang lugar na tangkilikin ang wikang Filipino.
c. Ipagsisigawan kong “Pinoy ako!”
d. Susulat ako ng mga iba’t ibang akdang pampanitikan na naglalayong manghikayat na mahalin natin
ang wikang Filipino.
_____57. Bakit sinasabing ang wika ay kakabit ng kultura?
a. Kung ano ang kultura, iyong din ang nilalaman ng wikang sinasambit.
b. Sa bawat kultura, may pagkakaiba-iba ng wika.
c. Naaayon ang wikang ginagamit sa kulturang kinagisnan o tradisyonf mayroon ang isang komunidad.
d. Nakadepende ang wika sa tunog o tono ng isang tribo.
_____58. Bilang mag-aaral, ano-ano ang mga naitutulong ng wika sa iyong pag-aaral?
a. Ito ang ginagamit sa midyum ng pagtuturo.
b. Ang wika ang laging kakabit ng pagtuturo at pagkatuto.
c. Nakatutulong ito na maunawaan ang aralin.
d. Ito ang dahilan kung bakit natututo ang mga mag-aaral na tulad ko.
_____59. Bakit nararapat na bigyang-halaga ang wikang pambansa?
a. Dahil walang ibang magmamalasakit dito, kundi tayo lamang na mga Pilipino.
b. Dahil ito ay wikang napagkasunduan at dapat sundin.
c. Dahil parurusahan ang sino mang magbababalewala dito.
d. Dahil ang wikang pambansa ay wika ng lahat.
_____60. Kumpletuhin: Mahalagang pag-aralan ang wika, lalo na ang kasaysayan ng Wikang Pambansa,
sapagkat ____________________
a. ito ang lagi nating ginagamit at kinakailangan sa araw-araw.
b. bahagi ito ng aralin at kasaysayan.
c. ito ay may mabuting dulot sa mag-aaral.
d. kailangang-kailangan ito.

Inihanda ni:
MERCY E. PANGANIBAN
Guro sa Filipino

You might also like