You are on page 1of 19

Panitikan at

Wika
ALAM MO
BA?
Ang panitikan ay itinuturing na kayamanan ng ating
lahi dahil bahagi ito ng ating kalinangan at kasaysayan.
Sinasabing ang panitikan at ang kasaysayan ay matalik
na magkakaugnay. Sa pag-aaral ng kasaysayan ng isang
lahi, laging bahagi nito ang damdamin, saloobin,
paniniwala, kultura, at tradisyon ng bansang kalimitan
ay masasalamin sa taglay nitong panitikan. At dahil sa
pag-aaral ng panitikan lubusang malalaman ang ating
kalinangan kaya’t nararapat lamang na pagyamanin at
ipagmalaki ang mga ito sapagkat ang mga ito’y yaman
ng ating bayan.

2
ALAM MO
BA?
Mahalagang maunawaan din ng kabataan na
sa pag-aaral ng panitikan ay maaaring mahubog
ang kanilang damdamin at kaisipang makabayan.
Mga Dahilan Kung Bakit Dapat Pag-aralan ang
Panitikang Pilipino ayon kay Jose Villa
Panganiban, et al. sa kanilang aklat na Panitikan
ng Pilipinas.
1. Makilala natin ang sariling kalinangan, ang
minanang yaman ng isip, at ang henyo ng ating
lahing iba kaysa ibang lahi;

3
ALAM MO
BA?
2. Matalos na, katulad ng ibang lahi, tayo
ay mayroon ding dakila at marangal na
tradisyong ginagamit na puhunang-
salalayan sa panghihiram ng mga bagong
kalinangan at kabihasnan;
3. Matanto ang mga kapintasan sa ating
panitikan at makapagsanay upang
maiwasan at mapawi ang mga ito;

4
ALAM MO
BA?
4. Makilala ang ating mga kagalingang
pampanitikan at lalong mapadalisay,
mapayabong, at mapaningning ang mga
kagalingang ito; at
5. Maging katutubo sa atin ang magkaroon
ng pagmamalasakit sa ating sariling
panitikang Pilipino dahil tayo’y mga
Pilipino.
 
 
5
Karunungan
ng Buhay
  Sa buhay ng tao ay may mga karanasan
Na kailangang iwasan at dapat ayusin
tamang tandan, at sa tuwina’y pakaisipin
Mahalagang ingatan tulad ng kayamanan.

Iwasan nang hindi maging anak-dalita:


Pag nagtanim ng hangin
Bagyo ang aanihin.
Ubos-ubos na biyaya
Bukas nakatunganga.

6
Karunungan
ng Buhay
  Gawin upang tumanaw ng utang na loob:
Ang lumalakad nang matulin
Kung matinik ay malalim.
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
Di makararating sa paroroonan.
 
Pakaisipin upang maging malawak ang isip:
Sa anumang lalakarin
Makapito munang isipin.
Nasa Diyos ang awa
Nasa tao ang gawa.

7
Karunungan
ng Buhay
  Tandaan upang maging buo ang loob:
Kung hindi ukol
Hindi bubukol.
Kung ano ang bukambibig
Siyang laman ng dibdib.
 
Ingatan upang hindi maging pasang-krus:
Anak na di paluhain
Ina ang patatangisin.
Ang kalusugan
Ay kayamanan.

8
Karunungan
ng Buhay
 
Tularan nang maging matalas ang isip:
Daig ng maagap
ang masipag.
Lakas ng katawan
Daig ng paraan.
 
Nabanggit ni Lolo mga karunungan sa buhay
Na maaaring maging gabay sa aking palagay
Ito ang mga bagay na dapat mong isabuhay.
Nang maging huwaran ng mahal sa buhay.

9
 
Karunungang-Bayan
(Mga Akdang Lumaganap
Bago Pa Dumating ang mga
Espanyol)
1. Salawikain

Ito ay nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing


batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating
mga ninunong naglalayong mangaral at
umakay sa mga kabataan sa pagkakaroon ng
kabutihang-asal.
Halimbawa:
 Aanhin pa ang damo, kung patay na ang
kabayo.
 Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di
makararating sa paroroonan.

11
2. Sawikain

Ang mga sawikain ay nagtataglay ng


talinghaga sapagkat ito ay may nakatagong
kahulugan. Sa ibang sanggunian ay
tinatawag din itong idyoma o kaya naman
ay eupemistikong pahayag.
Halimbawa:
 bagong-tao- binata
 bulang-gugo- gastador; galante

12
3. Kasabihan
Ang mga kasabihan noong unang panahon ay yaong
ipinalalagay na mga sabihin ng mga bata at matatanda na
katumbas ng mga tinatawag na Mother Goose Rhymes.
Ang kasabihan ay karaniwang ginagamit sa panunukso o
pagpuna sa kilos ng isang tao.
Halimbawa:
Putak, putak Tiririt ng ibon,
Batang duwag Tiririt ng maya
Matapang ka’t Kaya lingon nang lingon
Nasa pugad. Hanap ay asawa.

13
4. Bugtong
Ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng
paglalarawan. Ito ay binibigkas nang patula at may
lima hanggang labindalawang pantig. Ang mga
Tagalog ang pinakamayaman sa bugtong.
Halimbawa:
 Bungbong kung liwanag, kung gabi ay dagat.
(banig)
 Dalawang katawan, tagusan ang tadyang.
(hagdan)

14
5. Palaisipan
Ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa
isipan ng mga tao upang bumuo ng isang kalutasan sa
isang suliranin. Ito ay nangangahulugan lamang na ang
mga sinaunang Pilipino ay sanay mag-isip at kanilang
ipinamana ito sa kanilang mga inapo.
Halimbawa:
 Sa isang kulungan ay may limang baboy na
inaalagaan si Mang Juan. Lumundag ang isa. Ilan ang
natira?
 May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero.
Paano nakuha ang bola nang di man lang nagalaw ang
sombrero?

15
6. Bulong

Ang bulong ay mga pahayag na may sukat


at tugman a kalimitang ginagamit na
pangkulam o pangontra sa kulam,
engkanto, at masasamang espiritu.
Halimbawa:
Huwag magagalit, kaibigan, aming
pinuputol lamang ang sa ami’y napag-
uutusan.

16
Wika (Paghahambing)
Paghahambin
g
Ang paghahambing ay isang paraan ng
paglalahad. Ito ay nakatutulong sa pagbibigay-
linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng
paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng
dalawang bagay na pinaghahambing.
Isang mahalagang sangkap sa uri ng
paglalahad na ito ay ang hambingan ng pang-
uri. Ito ay ang paglalarawan ng tao, bagay,
lugar, pook, o pangyayaring nakatuon sa
dalawa o higit pa.

18
Paghahambin
g
1. Pahambing na Magkatulad—Sa magkatulad na
katangian ay ginagamit ang mga panlaping gaya ng
magka-, sing-, sim-, sin-, magsing-, magsim-, magsin-,
ga-, pareho, kapwa.
2. Pahambing na Di Magkatulad
a. Palamang—Nakahihigit sa katangian ang isa sa
dalawang pinaghahambing. Ginagamit ang higit, lalo,
mas, di-hamak.
b. Pasahol—Kulang sa katangian ang isa sa dalawang
pinaghahambing. Ginagamit ang di gaano, di gasino, di
masyado.

19

You might also like