You are on page 1of 6

Silay Institute, Incorporated

Junior High School Department

Taong-Panuruan 2020-2021

FILIPINO 8

Introduksyon

Binabati kita at nasa Baitang 8 ka na ng pag-aaral ng Filipino! Tinitiyak ko na kawiwilihan mo ang

nilalaman ng modyul na ito dahil magbabalik-tanaw tayo sa ilang akdang pampanitikang Pilipino na umusbong
at lumaganap bago dumating ang mga Kastila hanggang sa kasalukuyan. Magkasama nating tutuklasin kung
ano-ano ang mga akdang lumaganap sa bawat panahon at kung paano ito nagpayaman sa ating lahi at kung
panitikan ang pag-usapan.Tutuklasin natin kung masasalamin ba sa mga akdang pampanitkan ang kultura ng
mga Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito at kung bakit naiiba ang paksa ng mga akdang ito sa bawat
panahon.

Ang asignaturang ito ay siyang maging instrumento sa pagkatuto ng mga mag-aaral na linangin at hasain
ang limang makrong kasanayan ( pagbabasa, pakikinig, pagsulat, pagsasalita, at panonood ). Napakahalaga na
maikintal sa isipan ng mga mag-aaral ang bawat paksang tatalakayin sa asignaturang ito. Dito muli rin nilang
maidalumat ang mga gintong aral na makukuha nila sa bawat tekstong babasahin at higit mabibigyan ng
pagkakataon sa asignaturang ito na maitaas ang antas ng kamalayan ng mga mag-aaral sa yaman ng bansang
Pilipinas kapag panitikan ang pag-uusapan.

Naniniwala ka ba na ang kasaysayan at panitikan ay magkaugnay? Sa iyong palagay, bakit kailangang

unawain ang mga akdang pampanitikan na umusbong sa panahong naisulat ito? Paano mapananatili at
mapauunlad ang panitikang minana pa sa ating mga ninuno ng kasalukuyang panahon?

Sa panitikan nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pagasa, hinaing, buhay, at hangarin
ng mga Pilipino. Samakatuwid, panitikan ang nagsisilbing tulay upang maabot ng nakalipas ang kasalukuyan,
gayundin upang maipagpatuloy ng kasalukuyan ang pagpapanatili at pagunlad ng kultura at kabihasnan upang
maisalin ito nang ganap sa susunod na henerasyon. Ang inaasahang mga sagot sa mga tanong na nasa itaas ay
mauunawaan mo sa pag-aaral ng araling ito.

Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa sa ilang akdang

pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo. Inaasahan din na sa pamamagitan ng mga gawain na
iyong maisasakatuparan sa bawat aralin ay mapahahalagahan mo ang kultura, tradisyon at kalagayang
panlipunan ng ating bansa sa panahong naisulat ang mga ito
Napakalaking papel ang ginagampanan ng asignaturang ito dahil maraming masipat na mga kaalaman
dito na maging gabay ng mga mag-aaral sa pagkatuto sa iba pang asignatura. Hayaang liparin ng malikhaing
isipan ang inyong diwa at yakapin ang mahahalagang kaalaman na inyong makukuha.

Layunin

Pagkatapos ng kabanatang ito,

Mga Kasanayang Pampagkatuto

1. Napipili ang kahulugan ng matalinghagang salita sa pangungusap

2. Nabibigyan-kahulugan ang mga talinghagang ginamit sa akda ( F8PT-Ia-c-19 )
3. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa karunungang-bayan/tula
4. Nahuhulaan ang mahahalagang kaisipan at sagot sa mga karunungang-bayang napakinggan ( F8PN-Ia-c-
20)
5. Naibabahagi ang sariling kuro-kuro sa mga detalye at kaisipang nakapaloob sa akda batay sa pagiging
totoo o hindi totoo may batayan o kathang-isip lamang ( F8PU-Ia-c-20 )

Mga Susing Punto o Mahalagang Kaalaman sa Aralin

ALAM MO BA?
Ang panitikan ay itinuturing na kayamanan ng ating lahi
dahil bahagi ito ng ating kalinangan at kasaysayan. Sinasabing ang
kasaysayan at panitikan ay magkakaugnay at kailanman’y di
magkakahiwalay. Sa pag-aaral nito, naging bahagi ang damdamin,
saloobin, paniniwala, kultura, at tradisyon ng isang bansa na kung
saan dito nasasalamin ang panitikang kanilang tinataglay. Sa
ganitong paraan hindi lamang malinang ang kanilang kaalaman
bagkus ito ay maging daan para mapagyaman at maipagmalaki ang
panitikang sariling atin. Ito rin ang magbubukas sa puso’t isipan ng
mga mag-aaral na muling buhayin ang tinatawag na pagmakabayan o
patatagin ang diwa ng nasyonalismo.
Karunungan ng Buhay

Sa buhay ng tao ay may mga karanasan

Na kailangang iwasan at dapat ayusin
Basahin Natin Ito! Tamang tandaan, at sa tuwina’y pakaisipin
Mahalagang ingatan tulad ng kayamanan

Iwasan nang hind imaging anak-dalita

Pag nagtanim ng hangin
Bagyo ang aanihin.

Ubos-ubos biyaya,
Bukas nakatunganga

Gawin upang tumanaw ng utang na loob:

Ang lumalakad nang matulin,
Kung matinik ay malalim.

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,

Di makararating sa paroroonan

Pakaisipin upang maging malawak ang isip:

Sa anumang lalakarin ,
Makapito munang isipin.

Nasa Diyos ang awa,

Nasa tao ang gawa

Tandaan upang maging buo ang loob:

Kung hindi ukol,
Hindi bubukol,

Kung ano ang bukambibig,

Siya ang laman ng dibdib

Ingatan upang hind imaging pasang-krus:

Anak na di paluhain,
Ina ang patatangisin

Ang kalusugan
ay kayamanan

Tularan nang maging matalas ang isip:

Daig ng maagap
Ang masikap

Lakas ng katawan
Daig ng paraan

Nabanggit ni Lolo mga karunungan sa buhay

Na maaaring maging gabay sa aking palagay
Ito ang mga bagay na dapat mong isabuhay
Nang maging huwaran ng mahal sa buhay
Sagutin Natin Ito!

Gawain Bilang 1

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salitang may diin sa pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago
ang bilang.

_____________1. Laging ikintal sa diwa ng mga mag-aaral ang aral na nakukuha sa mga karunungang-bayan.

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag na ginamit sa bawat pangungusap. Isulat ang
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____________2. May mga anak talagang ang tanging ginagawa ay ang pagbibilang ng poste.

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na mga katanungan ayon sa tekstong binasa.

3. Bakit kailangang masuri ang kahulugan, katotohanan, at batayan ng mga karunungang-bayan?

____________________________________________________________________________________

Panuto: Magbigay ng hinuha sa mga karunungang-bayan na nabanggit. Maaaring magbigay ng sitwasyon o

senaryo sa pagsagot. Isulat ang mga kasagutang sa mga linya.

4. Ikaw ba ay naniniwala na “ Ang Kalusugan ay Kayamanan “?

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
5. Ano ang ibig sabiin ng “ Kung ano ang bukambibig, siyang laman ng dibdib”?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
6. Ano ang isang pangyayari sa buhay mo ang nagpapatunay na ang “ Pag nagtanim ng hangin, bagyo ang
aanihin”?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Panuto: Suriin ang ilang karunungang-bayang makikita sa talahanayan sa ibaba. Ilahad ang iyong sariling kuro-
kuro kung ito ay may katotohanan o may batayan o walang katotohanan o kathang-isip lamang. Lagyan ng tsek
(/) ang iyong napiling sagot at saka ipaliwanag.

Karunungang- Mga Walang

bayan Katotohana Katotohanan Pagpapaliwanag
n o May o Walang
Batayan Batayan
7. Aanhin pa
ang damo
kung patay na
ang kabayo
8.Huwag
mong gawin
sa iba ang
ayaw mong
gawin sa iyo
9.Kung ano
ang puno, siya
ang bunga

10.Kung may
isinuksok,
may
madudukot

Pag-isipan at Sagutin Natin !

Pagsusulit Bilang 1

Panuto: Ibigay ang tamang kahulugan ng salitang nakadii. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

__________________1. Kaluluwa ng isang bansa ang mga panitikan na taglay nito.

Panuto: Magbigay-hinuha sa pahayag na ito. Isulat sa mga patlang ang iyong kasagutan.

2. ‘ Karunungang-bayan sa atin ay pamana, pahalagahan at ingatan sa puso at twina”

__________________________________________________________________________________________

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan ayon sa sariling pagkakaunawa, sariling pananaw,
kuro-kuro, opinyon, at kaalaman. Para mas mapagtibay ang sagot magbigay ng mga sitwasyon o senaryo. Isulat
sa mga linya ang iyong sagot.

3. Bilang kabataan, paano mo maisabuhay ang aral na nakuha mo sa mga karunungang-bayang ito?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

4. Sa problemang kinakaharap ng buong mundo sa ngayon, ano ang isang salawikain ang maaari mong
maikintal sa isipan ng mga tao, bakit?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

5.Sa paanong paraan ka makatulong para mas lalong mayakap at mahalin ng kapwa mo mag-aaral ang mga
karunungang-bayang iyong natutuhan.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
Kabuoang Puntos na Nakuha sa mga Gawain at Pagsusulit _________________

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
_________________________________________________________

Mga Komento sa Pagganap ng Mag-aaral sa Unang Markahan

RUBRIK
( Ang rubric na ito ang maging batayan sa pagbibigay ng puntos sa mga
pagpapaliwanag o mga subhetibong tanong )

Krayterya 5 3 2
Napakaraming Maraming May mga
mga kaalaman, kaalaman, ideya, kaalaman, ideya,
Nilalaman ng ideya at at impormasyon at impormasyon
Sagot impormasyon ang inilahad sa na inilahad sa
ang inilahad sa mga kasagutan mga kasagutan
mga kasagutan
Napakalinaw ng Malinaw ang May kalinawan
pagkakasunod- pagkakasunod- ang
sunod ng mga sunod ng mga pagkakasunod-
ideya, may ideya, may sunod ng mga
Organisasyon ng kaisahan at kaisahan at ideya at may
mga ideya kaugnayan ang kaugnayan ang kaisahan at
bawat ideyang bawat ideyang kaugnayan ang
inilahad inilahad bawat ideyang
inilahad
Napakawasto ang Wasto o tama May kawastuhan
estrukutra ng ang estruktura ng ang estruktura ng
Gramatika mga salita, mga salita, mga salita,
bantas, at bantas, at bantas, at
sumunod sa mga sumunod sa mga sumunod sa mga
alintuntuning alintuntuning alintuntuning
panggramatika panggramatika panggramatika

You might also like