You are on page 1of 3

Learning Area Filipino Grade Level 8

W2 Marso ,2021
Quarter 3 Date
(3 na araw)

I. LESSON TITLE Estratehiya sa pangangalap ng mga ideya gamit ang mga salita sa impormal na paraan ng
pakikipagkomunikasyon.
II. MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES 1. Nagagamit at ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa pagsulat ng balita, komentaryo, at
(MELCs) iba pa. (PU)
2. Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon (balbal,
kolokyal, banyaga). (WG)
III. CONTENT/CORE CONTENT 1. MELC FILIPINO 8 Q1, PIVOT BOW R4QUBE, K to 12 Curriculum Guide
2. MODULE/CLMD4A_FilipinoG8

Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction 10 minuto Panimulang Gawain.
Panimula Basahin ang maiksing usapan sa messenger.

Magandang araw, Juan anak, itatanong ko


Hello po maam, sorry po kung hindi ako
lamang ang rason ng iyong hindi pagpapapsa ng
nakapagpapasa, ayaw na po kasi akong
mga module?
pag-aralin ng erpat ko.

Maaari ko bang malaman kung saan ka nakatira


anak? Nais ko sanang makausap ang iyong ama. Nako maam! ‘wag na po, dehins po
Hindi rin ito sumasagot sa tawag at chat ko sa nagamit sina erpat ng cellphone
messenger.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan mula sa usapang nabasa sa itaas.


1. Sino ang dalawang nag-uusap sa itaas?________________________________
2. Saan sila nag-uusap? __________________________________________________
3. Ano ang kanilang pinag-uusapan? _____________________________________
4. Itala sa kahon ang mga salitang naka bold mula sa usapan sa itaas.

5. Ano ang iyong napansin sa mga salitang nasa kahon? ___________________


_________________________________________________________________________.

B. Development 40 minuto Paunlarin natin ang iyong kaalaman. Narito ang pagtalakay sa mga estratehiya sa pangangalap ng mga
Pagpapaunlad datos at mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon

Iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga datos o Impormasyon sa Pagsulat.

1. Obserbasyon – ginagawa sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangkat at


pangyayari.
2. Pakikipanayam o Interbyu - Harapang pagbabato ng tanong sa taong Malaki ang karanasan at may
awtoridad sa paksang hinahanapan ng impormasyon.
3. Pagtatanong o Questioning - Paglalatag ng tanong na kinapapalooban ng 5W’s at 1H (what,
when,where,why,who at how.
4. Brainstorming - Malayang pakikipagtalakayan sa maliit na pangkat hinggil sa isang paksa.
5. Pagsasarbey – pangangalap ng impormasyon hinggil sa isang paksa sa pamamagitan ng questionnaire.

Mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon


1. Balbal – mga salitang tinatawag na Ingles na slang at mga salitang kanto/salitang kalye. Halimbawa:
erpat – tatay, lispu – pulis, tsekot – kotse
2. Kolokyal – mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Halimbawa: ewan ,
nasan, pista
3. Banyaga – salitang mula sa ibang wika na walang salin sa wikang Filipino. Tulad ng mga salitang mula
sa matematika, siyensya at teknikal na salita.
Halimbawa: toothpaste, shampoo, keyboard

Mula sa iyong kasagutan sa Panimulang Gawain sagutin ang mga katanungan:


1. Anong uri ng estratehiya sa pangangalap ng mga datos ang ginamit ng guro sa kanyang mag-aaral?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Muling itala ang mga salita sa kahon sa panimulang Gawain at kilalanin kung anong uri ito ng
salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe

Salita sa Kahon Uri ng salitang ginamit sa impormal na komunikasyon


1.
2.
3.
4.
5.
6.

C. Engagement 50 minuto Pagsasanay 1 : Bilugan ang letrang tumutukoy sa estratehiya sa pangangalap ng mga datos o
Pakikipagpalihan Impormasyon na ginamit sa pangyayaring nasa bawat bilang.
1.Nagbato ng mga katanungan ang mag-aaaral sa isang doktor tungkol sa mga paksang may kinalaman
sa propesyon nito gayundin, naglahad ng mga kasagutan ang doktor.
A. Interbyu C. Obserbasyon
B. Brainstorming D. Pagsasarbey
2.Namahagi ng mga papel si Anna na may mga set ng katanungan para sa mga taong kabahagi ng isang
paksang kanyang bibigyang komentaryo.
A. Interbyu C. Obserbasyon
B. Brainstorming D. Pagsasarbey
3.Magsusulat si Juan ng isang balita tungkol sa pandemya. Bumuo siya ng mga tanong nagsisimula sa
ano, paano, bakit, saan, kalian at sino. Anong uri ng estratehiya ang kanyang ginamit?
A. Brainstorming C. Obserbasyon
B. Pagtatanong o Questioning D. Interbyu
4.Pumunta ang magkakaibigang Jose, Flor at Ina sa parke upang magmasid ng mga pangyayaring nabago
matapos ang pandemya.
A. Pagsasarbey C. Obserbasyon
B. Interbyu D. Pagsasarbey
5.Nagsagawa ng isang pagpupulong ni Anton upang pag-usapan ang kanilang gagawing pananaliksik para
sa kanilang pagbabalita
A. Interbyu C. Obserbasyon
B. Brainstorming D. Pagsasarbey

Pagsasanay 2: Punan ng pahayag ang blangkong bahagi ng usapan gamit ang mga salitang ginagagamit
sa pakikipagkomunikasyon.

Estudyante 1: Tropa, tapos ka na ba sa pagsagot sa modyul?


Estudyante 2: _______________________________________________________________.
Estudyante 1 : Pano na kaya ang mangyayari sa susunod na taon ng pag-aaral? Kakayanin pa ba natin?
Estudyante 2: _______________________________________________________________.
Estudyante 1 : Ano nga palang gadget ang gamit mo at paano mo ito ginagamit sa klase?
Estudyante 2: _______________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.
Estudyante 1 : Ganun pala ang ginagawa mo, ang husay mo naman. Bigyan nga ako ng payo sap ag-aaral
tropa.
Estudyante 2: _______________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.
D. Assimilation 50 minuto Gawain 1: Magtala ng mga katanungan na maaari mong gamitin sa pangangalap ng impormasyong
Paglalapat ilalagay sa isang balita o komentaryo na may kinalaman sa Pandemya. Pumili ng isang estratehiya
bilang gabay sa iyong magiging talatanungan.
Estratehiya: _______________________________________
Mga katanungan:
1. __________________________________________________________________________?
2. __________________________________________________________________________?
3. __________________________________________________________________________?
4. __________________________________________________________________________?
5. __________________________________________________________________________?

Gawain 2 : Basahin at unawain ang maikling sanaysay.


Pandemya
Dati ay papel, ballpen, tropa at baon mula kay ermat ay sapat na upang masabing ikaw ay nag-aaral.
Ngayon?, laptop, headphone at sariling pagsisikap sa pag-aaral ang kailangan upang makapasa, hindi na
rin uso ang barkada. Ito ang epekto ng pandemya sa ating lipunan. Merong online class at modyular na
pag-aaral sa sistema ng edukasyon upang ipagpatuloy ang pag-aaral, dahil ika nga nila, “No student left
behind” o walang mag-aaral ang mapag-iiwanan pagdating sa pagkatuto.
Magtala ng dalawang salita sa bawat impormal na komunikasyon na ginagamit sa maikling sanaysay na
binasa.
BALBAL KOLOKYAL BANYAGA

V. ASSESSMENT 30 minuto Sagutin ang mga sumusunod na katanungan upang masukat ang iyong mga kaalamang natamo sa aralin.
Panuto: Isulat ang TAMA kung tama ang inilalahad ng pahayag at kung mali ay bilugan ang salitang
nagpamali at ilagay ang angkop na salita sa inilaan na espasyo sa unahan bago ang bilang.
____________________1. Pumunta si Anton sa isang parke upang magsagawa ng obserbasyon sa mga
batang naglalaro rito sa pamamagitan ng interbyu.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
____________________2. Nagbrainstorming sina Jose, Riza at Mike tungkol sa kanilang ulat sa Filipino.
____________________3. Gumawa ng interbyu ang mga mananaliksik para sa kanilang pagsasarbey.
_____________________4. Ang batayang tanong sa pagtatanong ay Ano, Sino, Paano, Saan, Kailan at
Bakit.
_____________________5. Interbyu ang ginagawa sa tuwing ikaw ay naghahanap ng trabaho.

AWPUT Bilang 2:
Panuto: Sa paraang pasulat, bumuo ng isang maiksing usapan (iskit) sa pakikipanayam o pag-iinterbyu na
ginagamitan ng mga salitang ginagamit sa impormal na pakikipagkomunikasyon. Gawin ito sa isang
buong papel.

VI. REFLECTION 20 minuto Buuin ang pahayag sa ibaba.


Naunawaan ko na ________________________________________________________.
Nabatid ko na _____________________________________________________________.
Magagamit ko ang kaalaman sa araling ito sa _______________________________.

Prepared by: Checked by:

You might also like