You are on page 1of 16

8

Filipino
Unang Markahan – Modyul 5:
Pagsulat ng Talata
(Panitikan sa Panahon ng Katutubo,
Espanyol at Hapon)

LU_Q1_Filipino8_Module 5
AIRs i - LM LU_Q1_Filipino8_Module 5
FILIPINO 8 (Panitikan Sa Panahon Ng Katutubo, Espanyol At Hapon)
Unang Markahan - Modyul 5: Pagsulat Ng Talata
Unang Edisyon, 2021

Karapatang Sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang Lahat Ng Karapatan Ay Ibinibigay Sa May Akda. Anomang Paggamit O Pagkuha Ng


Bahagi Ng Walang Pahintulot Ay Hindi Pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Josephine D. Halog
Mga Tagasuri: Macrina O. Cruz, Larry O. Barbasina at Jomari B. Banut
Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Jaime Z. Romero Jr.

Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

LU_Q1_Filipino 8_Module 5
8

Filipino
Unang Markahan – Modyul 5:
Pagsulat ng Talata
(Panitikan sa Panahon ng Katutubo,
Espanyol at Hapon)

LU_Q1_Filipino 8_Module 5
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

LU_Q1_Filipino 8_Module 5
Sapulin

Isang mapagpalang araw sa iyo minamahal kong mag-aaral. Batid ko ang


iyong tagumpay na nasagutan mo ang ikaapat na modyul hinggil sa Iba’t ibang
Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa. Nandito ako muli para gabayan ka sa iyong pag-
aaral.
Nasasabik ka na bang ipagpatuloy natin ang pag-alam sa mga paraan ng
mabisang pagsusulat? Huwag kang mag-alala, sasamahan kita sa pagtuklas ng mga
kaalamang ito. Nandito lang ako at handang umalalay sa iyo.

Sa bahaging ito ng ating paglalakbay, ito ay tungkol sa pagsulat ng talata na


makatutulong at makapagbibigay ng kaalaman kung paano mahahanay at
maipahahayag ang isang kaisipan. Ito rin ay magsisilbing gabay upang mapalalim
mo nang maigi ang kaalaman sa pagpapahiwatig ng sariling pananaw sa bawat
sitwasyon o pangyayari na ating ginagalawan sa pang araw-araw na buhay.
Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod:

Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)


1. Nakapagsusulat ng talatang binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga
pangungusap; nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan; at nagpapakita ng
simula, gitna, at wakas.

Mga Tiyak na Layunin


1. Natutukoy ang kahulugan ng talata; at
2. Nakikilala ang mga bahagi ng talata at mga paraan kung paano simulan at
wakasan.

O, minamahal kong mag-aaral, handa ka na ba? Kung gayon, maaari ka ng


magsimula sa mga gawain. Alam kong kayang-kaya mong sagutan ang bawat
katanungan.

1
LU_Q1_Filipino 8_Module 5
Aralin
Pagsulat ng Talata
5
Simulan

Bago mo tuluyang pag-aralan ang ating aralin, nais ko munang alamin


kung gaano kalawak ang iyong kaalaman sa mga katanungang aking ilalahad sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga ito.

Gawain 1: Tukuyin Mo Ako


Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa
iyong sagutang papel.
1. Ito’y isang maikling kathang binuo ng mga pangungusap na magkakaugnay,
may balangkas, may layunin, at may pag-unlad.
A. Katha C. Talata
B. Komposisyon D. Sanaysay
2. Ito ay may tungkuling paunlarin o palawakin ang pangunahing paksa.
A. Gitna C. Panimula
B. Katawan D. Wakas
3. Dito nakasaad ang paksa na nais talakayin ng manunulat at kung ano ang
kaniyang ipinaliliwanag, isinasalaysay, inilalarawan o inilalahad.
A. Gitna C. Panimula
B. Katawan D. Wakas
4. Dito nakasaad ang mahahalagang kaisipang nabanggit sa gitnang talata.
A. Gitna C. Panimula
B. Katawan D. Wakas
5. Upang maging mabisa ang isang talata, ito ay dapat na may isang paksang
diwa, buong diwa, may kaisahan, maayos ang pagkakalahad, may tamang
pagkakaugnay at _______________________
A. pagkasunod–sunod ng mga datos
B. pagkasunod–sunod ng mga detalye
C. pagkasunod–sunod ng mga kaisipan
D. pagkasunod–sunod ng mga kaisipan at mungkahi

Natutuwa ako at talaga namang sinagot mo ang mga tanong mula sa


kaibuturan ng iyong puso. Nawa’y nasiyahan ka sa ginawa mong pagsagot sa mga
gawain na aking ibinigay. Ngayon ay simulan mo nang basahin ang iyong aralin.

2
LU_Q1_Filipino 8_Module 5
Lakbayin

Pagsulat ng Talata

Ang talata ay isang maikling kathang binuo ng mga pangungusap na


magkakaugnay, may balangkas, may layunin, at may pag-unlad. Ang kaisipang
nakasaad sa pinakapaksang pangungusap ay maaring lantad o di–lantad. Upang
maging mabisa ang isang talata, ito ay dapat na may isang paksang diwa, buong
diwa, may kaisahan, maayos ang pagkakalahad, at may tamang pagkakaugnay at
pagkasunod–sunod ng mga kaisipan.

Bahagi ng Talata
1. Panimula – Ito ang nasa unahan ng isang komposisyon. Dito nakasaad ang
paksa na nais talakayin ng manunulat at kung ano ang kaniyang ipinaliliwanag,
isinasalaysay, inilalarawan o inilalahad.

Halimbawa ng panimulang talata na nagpapaliwanag:


Ang kalusugan ay tumutukoy sa mabuting kalagayan ng ating
pangangatawan na may malusog at wastong timbang, walang sakit o
karamdaman, at may masayang disposisyon sa buhay.

Halimbawa ng talatang nagsasalaysay:


Nagsitigil sa pag-uusap ang mga nagtitinda. Sabay-sabay silang
nanahimik, ngunit nangungusap ang kani-kanilang mga mata. Hinay-hinay na
sinara ang kani-kanilang mga tindahan. Nanginig sa takot nang makita ang
paparating na mga tanod. Bumilis ang mga tibok ng kanilang puso.

Halimbawa ng talatang naglalarawan


Maraming kakaibang bulaklak sa paligid na dapat ay ating pag- ingatan
at pangalagaan dahil hanging sariwa ang iyong malalanghap at makukulay na
kapaligiran ang iyong makikita dahil sa mga kakaibang bulaklak na iyong
nakikita, ating diligan, patubuhin nang maayos, siguradong ang ating
kapaligiran ay parang bahaghari.

Halimbawa ng talatang naglalahad:


Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong pangalan ni
Dr. Jose Rizal. Labing–isa silang magkakapatid at ikapito siya. Ang kaniyang
mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora
Morales Alonso Realonda y Quintos. Nakita niya ang unang liwanag noong ika-
19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna.

2. Gitna - Ito naman ang nasa gitnang bahagi ng isang komposisyon. Ito ay may
tungkuling paunlarin o palawakin ang pangunahing paksa. Binubuo ito ng mga
sumusuportang idea upang ganap na matalakay ang nais bigyang linaw ng
manunulat.

3
LU_Q1_Filipino 8_Module 5
3. Wakas - Ito naman ang kadalasang pangwakas ng isang komposisyon. Dito
nakasaad ang mahahalagang kaisipang nabanggit sa gitnang talata. Minsan
ginagamitan ito ng mga panandang nagsasaad ng pagtatapos ng talata upang
bigyang-linaw ang kabuoan ng komposisyon. Maaaring nagtatapos ito sa
pagtatanong, isang kongklusyon, pagbubuod o paglalahat, at paghahamon.

Halimbawa ng talatang pangwakas na Pagtatanong:


Pagkakaisa, kalayaan, kaunlaran… mawawala ang lahat ng iyan kung
mawawala ang sariling wika! Ngayon, pababayaan mo bang maglaho ang ating
sariling wika? Pababayaan mo ba?

Kongklusyon:
Bilang kongklusyon, ang huling pagtatangka sa pag-agaw ng kapangyarihan
ay taliwas sa demokratikong proseso na kasalukuyang kinapapalooban ng ating
pamahalaan. Ito’y isang aroganteng hakbang ng mga rebeldeng sundalo upang
maitatag ang kanilang sariling pananaw sa lipunan na nagtago sa likod ng
diktadurya matapos pabagsakin ito ng mamamayan noong nakaraang Pebrero!

Pagbubuod:
Alam kong marami pang bundok ng mga problemang kailangan nating
sampanin upang maging ganap na katotohanan ang bagay na ito. Kaya ngayon,
bukod sa ating sama-samang pagsisikap, magkaisa rin tayong manalangin na ang
sariling wika natin ang gamitin sa ating lipunan, paaralan, at gobyerno upang ganap
na tayong lumaya gamit ang sariling wika.

Paghahamon:
Sadyang ang tinatahak natin ngayon ay hindi isa sa mahihirap kundi
pinakamahirap na bahagi ng kasaysayan. Sapagkat nasa gitna tayo ngayon ng isang
kasaysayan at dramatikong panahon. Pababayaan ba nating dumaan ang
kasaysayan nang hindi tayo kasama? Nang hindi tayo kasangkot?
- Halaw sa Mabisang Retorika sa Wikang Filipino ni Rolando A. Bernales, et.al

Tandaan:

✓ Para sa pamagat ng isang talata, dapat alamin mo muna ang paksang–diwa o


paksang pangungusap.
✓ Nagbibigay ito ng ideya sa pagpili ng pamagat.
✓ Ang paksang pangungusap ang pinagtutuunan ng mga detalye upang mabuo
ang diwa ng talata.
✓ Ginagamitan ng malalaking titik ang mahahalagang salita sa pamagitan ng
talata o kuwento.
✓ Sinisimulan sa malaking titik ang unang salita sa pamagat.

Ngayon ay sigurado akong handa ka ng sumagot sa ilang mga gawain na may


kaugnayan sa araling iyong binasa. Malaki ang tiwala ko sa iyo na kayang-kaya mo
itong gawin. Simulan mo na.

4
LU_Q1_Filipino 8_Module 5
Galugarin

Gawain 2: KAISIPA’Y ATING TUKLASIN


Panuto: Basahin ang talata sa loob ng kahon at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Likas sa kaugalian nating Pilipino ang pagtulong sa kapwa saan man tayo
mapadpad. Ito na ang ating namana at ugaling nakagisnan. Sa kabila ng mga
pagsubok na ating hinaharap, naging matatag at naroon pa rin ang bayanihan
upang masugpo ang hirap na nararanasan natin. May nagbibigay ng mga
donasyon, serbisyo, o oras para maibahagi ang tulong para sa nangangailangan.
Nagsisilbi itong pundasyon at pagkakakilanlan nating Pilipino.

1. Ano ang pinapaksa ng talata?


A. Pagtutulungan C. Pagkakaisa
B. Pagmamahal D. Pagtitiwala
2. Aling kaugaliang Pilipino ang masasalamin sa talata?
A. Bayanihan
B. Pagmamano
C. Pagpapasalamat
D. Pagbibigay ng donasyon
3. Alin sa sumusunod ang pangunahing kaisipan ng talata?
A. Pangungusap 1 C. Pangungusap 3
B. Pangungusap 2 D. Pangungusap 4
4. Ano ang angkop na pamagat sa talata?
A. Kapit-bisig C. Namanang Kaugalian
B. Pagmamahal D. Pagtulong sa kapwa
5. Bilang kabataan, paano mo maipakikita ang pagtulong sa kapwa?
A. Sumali sa mga organisasyong pangkabataan.
B. Dumalo sa mga pagpupulong sa programang pangkabataan.
C. Makipagsangguni sa barangay sa mga programang pangkabataan.
D. Mag-volunteer sa paggayak at pamimigay ng mga tulong para sa
frontliners

5
LU_Q1_Filipino 8_Module 5
Gawain 3: Basahin Mo Ako’t Suriin!

Panuto: A. Piliin sa loob ng kahon ang ginamit na paraan ng pagbibigay ng


panimula sa bawat talata. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
A. Naglalahad B. Naglalarawan
C. Nagpapaliwanag D. Nagsasalaysay

1. Ako ay tunay na nagagalak dahil sa ako ay inanyayahan ng aking matalik na


kaibigan sa kaniyang kaarawan. Isang napakasayang karanasan ang
makasama ang lahat ng mga malalapit kong kaibigan. Lahat kami ay bumati
ng maligayang kaarawan sa kaniya at siya ay lubusang natuwa. Makikita ito
sa kaniyang mga ngiti at sa kaniyang mga mata.
(“https://www.google.com/search?”)

2. Ang trangkaso na Dengue ay isang talamak na impeksyon na dala ng lamok


na sanhi ng mga virus na Dengue. Ito ay matatagpuan sa tropikal at sub-
tropikal na mga rehiyon sa buong daigdig. Halimbawa, ang trangkaso na
dengue ay isang katutubong sakit sa maraming bansa ng Timog Asya.
(“https://www.google.com/search?”)

3. Sa lahat ng punongkahoy, ang niyog ang may pinakamaraming pinag-


gagamitan. Lahat ng bahagi ng punong ito ay mahalaga. Mahusay na
panggatong ang katawan nito. Ang mga dahon ay nagagawang basket, walis
at kagamitang pambubong.
(“https://www.google.com/search?”)

4. Ang Pilipinas ay isa sa pinakamasasayang bansa ayon sa huling pag-


aaral. Dito naninirahan ang mga masayahing tao na nakukuha pa ring
ngumiti at maging masaya sa gitna ng mga problema sa buhay.
(“https://www.google.com/search?”)

5. Ang ating ina ay sinasabing ilaw ng tahanan. Siya ang nag-aaruga at


nag- aalaga sa atin mula sa pagsilang hanggang sa ating paglaki. Malaki
ang naging kaugnayan niya sa atin. Siya ay humuhubog sa ating pagkatao
upang lumaking isang mabuting bata.
(“https://www.google.com/search?”)

B. Piliin sa loob ng kahon ang ginamit na paraan ng pagbibigay ng wakas sa bawat


talata. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

A. Kongklusyon B. Pagbubuod
C. Paghahamon D. Pagtatanong

1. Sa kongklusyon, ang mga ligaw na pusa ay mas mapanganib sa mga ibon


kaysa sa mga domestic cat, dahil mayroon silang mas maraming mga
pagkakataon upang manghuli at pumatay ng higit pang mga ibon sa
average".

6
LU_Q1_Filipino 8_Module 5
2. Batay sa mga estadistika na ito, masasabi na ang mga pusa ay mga
potensyal na mandaragit at bawasan ang mga populasyon ng avian sa iba't
ibang mga lugar", paalalahanan sa mambabasa na ang parapo ay nagdala
ng mga istatistika sa dalas kung saan ang mga pusa nangangaso at kung
paano ito nakaaapekto sa populasyon ng mga ibon.

3. Sa mga balikat ninyo nakasalalay. . . Sa isipang ito, maaamin nating si Rizal


ay mahigpit na tagapagtaguyod ng mga karapatang pantao at kahit na wala
na siya sa ating piling, siya ay patuloy na nagtatanggol sa ating mga
karapatan sa pamamagitan ng kanyang mga kaisipan at isinulat tungkol sa
bagay na ito.”
(Halaw sa Si Rizal at ang Karapatang Pantao,” A.P. Tumangan)

4. Ang pagtatagumpay o kabiguan ng ating wikang Filipino. Mahalin ninyo ito at


pagmalasakitan at ito’y magtatagumpay, magwalang-bahala kayo at ito’y
mabibigo!”
(Wakas ng talumpating “Istandaridisasyon ng Filipino,” A.P. Tumangan)

5. Kailangan natin ngayon ang isang uri ng moralidad at pagiging relihiyoso na


katulad ng kay Rizal. Kailangan din natin ang uri ng kaniyang pananalig sa
Diyos upang matanggap nating tayo ay tagapangasiwa lamang ng Diyos sa mga
bagay na nilikha Niya sa ating kapaligiran at hindi siyang tagawasak sa mga
ito dahil sa hangarin natin sa kapangyarihan at kasakiman sa kayamanan.
Kaya ba nating gawin ito?
(Wakas ng sanaysay na “Si Rizal at ang Likas na Yaman,” ni A.P. Tumangan)

Gawain 4: Isaayos at Isulat Mo Ako!

Panuto: Lagyan ng letrang A-F ayon sa wastong pagkasunod-sunod ng mga


pangungusap upang makabuo ng makabuluhang talata. Isulat sa inyong
sagutang papel.

1. Ito ay nagpapalaya sa tao sa kamangmangan.


2. Ang edukasyon ay mahalagang instrumento para magtagumpay ang isang tao.
3. Nagagawa niyang paunlarin ang sariling kakayahan.
4. Nagkakaroon siya ng sapat na tiwala sa sarili na nakatutulong sa pagharap sa
iba’t ibang sitwasyon sa buhay.
5. Natututong lumikha ang tao ng mga bagay na makabubuti sa kaniya, sa bansa
at sa mundo.
6. Nagkakaroon siya ng ganap na kamalayan sa kaniyang kapaligiran.

7
LU_Q1_Filipino 8_Module 5
Palalimin

Gawain 4: Larawan ko, Ipaliwanag Mo!


Panuto: Matutunghayan mo sa ibaba ang mga larawan na ginagawa ng isang
pamilya. Ibigay ang pangunahing kaisipan at mga pantulong na kaisipan
upang makabuo ka ng isang talata na nagpapakita ng panimula, gitna, at
wakas. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

https://pamilyane.blogspot.com/2021/03/mga-larawan-ng-pamilya

Rubrik sa Pagmamarka 20 18 15 10
Nailalahad nang maayos ang talatang binuo.
Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye.
Malinaw na nailalahad kung ano ang nais ihatid para sa
mga mambabasa.
Kabuoang Puntos
20- napakahusay
18- mahusay
15-katamtaman
10- di-mahusay

Binabati kita! Pinatunayan mo sa iyong mga sagot na ikaw ay maaari nang


sumubok sa pangwakas na gawain

8
LU_Q1_Filipino 8_Module 5
Sukatin

Kakulanga’y Punuan Mo!

Panuto: Punan nang angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang kaisipan
tungkol sa pagsulat ng talata. Isulat sa iyong sagutang papel.

Ang (1) ____________________ay isang maikling kathang binuo ng mga

pangungusap na (2) ______________may balangkas, may layunin, at may pag-unlad.

Upang maging mabisa ang isang talata, ito ay dapat na may isang (3) ______________

buong diwa, may kaisahan, (4) ________________ ang pagkakalahad, at may tamang

pagkakaugnay at pagkasunod–sunod ng mga kaisipan. May tatlong bahagi ang

talata: simula, (5) ______________________ at wakas. Sa simula, nakasaad ang

(6) ___________________na nais talakayin ng manunulat at kung ano ang kaniyang

ipinaliliwanag, (7) _________________, inilalarawan o binibigyang katwiran. Nasa

gitnang bahagi naman ng isang komposisyon. Ito ay may tungkuling paunlarin o

(8) ____________________ ang pangunahing paksa. Ginagamitan ang wakas ng mga

panandang nagsasaad ng pagtatapos ng talata upang (9) ___________________ang

kabuoan ng komposisyon. Maaaring nagtatapos ito sa pagtatanong, isang

kongklusyon, pagbubuod o paglalahat at (10) ______________________.

Binabati kita dahil masigasig at


matagumpay mong natapos ang paglalakbay
na ito. Batid kong tumatak sa iyong isipan at
nadagdagan ang iyong kaalaman sa pagsulat
ng talata. Ihanda mo na ang iyong sarili sa
kasunod na modyul – Modyul 6: Mga Hudyat
ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari.

9
LU_Q1_Filipino 8_Module 5
LU_Q1_Filipino 8_Module 5
10
Simulan Galugarin
Tukuyin Mo Ako Kaisipa’y Ating Tuklasin Basahin Mo Ako’t Suriin
1. C 1. A A. 1.D B.1. A
2. A 2. A 2.C 2. B
3. C 3. A 3.B 3. B
4. D 4. A 4.A 4. C
5. C 5. C 5.B 5. D
4: Isaayos at Isulat Mo Ako!
1. B
2. A
3. D
4. C
5. F
6. E
Ang edukasyon ay mahalagang instrumento para magtagumpay ang isang tao. Ito ay
nagpapalaya sa tao sa kamangmangan. Nagkakaroon siya ng sapat na tiwala sa sarili na
nakatutulong sa pagharap sa iba’t ibang sitwasyon sa buhay. Nagagawa niyang paunlarin
ang sariling kakayahan. Nagkakaroon siya ng ganap na kamalayan sa kaniyang kapaligiran.
Natututong lumikha ang tao ng mga bagay na makabubuti sa kaniya, sa bansa at sa mundo.
Palalimin
Larawan ko, Ipaliwanag Mo!
Iba-iba ang sagot
Sukatin
1. talata 6. paksa
2. magkakaugnay 7. isinasalaysay
3. paksang 8. palawakin
4. maayos 9. bigyang -linaw
5. gitna 10. paghahamon
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Mga Aklat:

Ailene G. Baisa-Julian, Pinagyamang Pluma-IkalawangEdisyon (Phoenix


Publishing House, INC.2004)

Ramilito Correa, et.al., Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan, Batayan at


Sanayang Aklat sa Filipino, (Rex Pubishing) pp, 8-13

Rolando A. Bernales, et.al., Mabisang Retorika sa Wikang Filipino Mutya


(Publishing House, Inc. 2002).

Mga-larawan-ng-pamilya, Marso2021, pamilyane.blogspot.com

Mga Paraan sa Pagsulat ng talata 21 Aug 2014

11
LU_Q1_Filipino 8_Module 5
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union 2500
Telefax: 072-205-0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

You might also like