You are on page 1of 30

9

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul
4:
Panitikang Asyano
Maikling Kuwento ng Tsina
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Panitikang Asyano: Maikling Kwento ng Tsina
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Irish G. Montimor
Editor: Irish G. Montimor
Tagasuri: Anita D. Subebe EMD
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III
Eugenio B. Penales, Ed. D.
Sonia D. Gonzales
Lilia E. Abello Ed D
Evelyn C. Labad

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region IX


Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
9

FILIPINO
IKALAWANG MARKAHAN –
Modyul 4:
MGA AKDANG PAMPANITIKAN
NG SILANGANG ASYA
Aralin 2.4 Maikling Kwento ng
Tsina
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Filipino 9) ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Aralin 2.4 Maikling Kuwento ng Tsina !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (Filipino) ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa (Aralin 2.4 Maikling Kuwento ng Tsina) !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o

iv
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay sa kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang konsepto ng alamat. Naglalahad ito ng isang
sanaysay ng Taiwan na pinamagatang “Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong
Nakaraang 50 Taon” na salin ni Sheila C. Molina. Bahagi rin sa talakayan ang iba’t ibang
pangatnig na makakatulong sa mga mag-aaral sa pagsusulat ng sanaysay sa masining na
paraan. Kasunod nito ating kilalanin at alamin ang isang maikling kwento na pinamagatang,
Hashnu, Ang Manlililok ng Bato, bilang maikling kwentong may pagpapahalaga sa pagiging
mamamayan ng isang bansang Asyano.
Sisimulan natin ang pagtalakay sa Kwento ng China

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inasahang:

1. Nabibigyang kahulugan ang mga imahe at simbolo sa binasang kuwento.


2. Naisalaysay angbsariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang
nabanggit sa nabasang kuwento.
3. Nagagamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapatuloy ng mga
pangyayari at pagtatapos ng isang kuwento.

1
Subukin

A. Panuto: Tukuyin ang nais bigyang- pansin sa sumusunod na bahagi ng


kuwento. Gamitin mo ang mga simbolo na nasa ibaba at ilagay sa patlang
bago ang bawat bilang. Isulat sa papel ang iyong sagot .

😊 Tauhan

Lugar

Pangyayari

_____________1. Unti- unti, sa paningin ko’y nagkakahugis ang isang mapanglaw at dahop na
kapaligiran. Ag ga bahay na malalayo ang agwat, nagliliitan, ang iba’y nakagiray na, pulos na
yari sa kugon at kawayan, ay waring nagsisipagbantang lumupasay sa anumang sandal. Sa
malayang hangin ay nagsasanib- sanib ang kahol ng mga aso, kakak ng mga manok at itik,
unga ng mga kalabaw, langitngit ng mga nagtataygang kawayan at pagaspas ng dahoon. ( mula
sa Lugmok Na ang Nayon ni Edgardo Reyes)

____________ 2. Dinalaw siya mula noon ng pag-aagam sa kaniyang pag-aanluwage.


Hinahanap- hanap niya mula noon ang bagay na dapt niyang malikha; at sa palagay niya’y
waring nagkukulang at hindi tumpak ang bawat gawin at likhain niya.dumaan ang mga taon
at siya’y nakaramdam ng panghihina. Abilis ang pagtanda niya, ngunit ang kaniyang
alalahanin ay hindi nababwasan. (mula sa Anluwage ni Hilarion L. Coronel)
____________ 3. May luha siya sa mata ngunit may galak siyang nadama. Luwalhati.
Hinagud- hagod niya ang mga kamao. Nadama niya ang bagong tuklas na lakas niyon. Ang
tibay. Ang tatag. Ang kapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang nakabulantang si Ogor.
Pagkaraa,y nakapikit at buka ang labing nag-angat siya ng mukha. (mula sa Imoeng Negro ni Rogelio
Sikat)

____________ 4. Tunay ngang isang malaking pangyayari ang naaakit sa pansin ng San
Joaquin. Hindi sila magkasundo sa pagtinging ibibigay nila kay Lea. Sa isang banda, siya ang
anak ni Aling Clara na magpapaahon sa kanysa pamilya nula sa kahirapan; kaiinggitan,
kamumuhian, masarap siraan. Subalit siya rin ang anak ng San Joaquain na kapupulutan ng
pag-asa; pupurihin, tatangkilikin, gagawing pangunahing tauhan sa kuwentong isasalaysay sa
ilang henerasyon ng kabataan. (mula sa Bagong Bayani NI Joseph Salazar)

2
______________ 5. Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas, ang gora, at
ang suwiter, saka dala ang latigong katulad ng pamalo ni ni Don Teong. Pagdating niya sa
pook na kinapupugalan ay saka aasbaran ng palo ang kalabaw hanggang ito’y umungol na
ang alingawngaw ay ano’t hanggang sa kalagitnaan ng bayan. Kung di niya Makita na halos
apoy na ang lumalabas sa dalawang mata ng hayop ay hindi pa niya ito titigilan. Sa gayon ay
matulin saiyang nagtatago upang umuwi na siya sa bayan. (mula sa Wang Panginoon ni Deogracias
Rosario)

B. Piliin ang maaring maging simbolo ng mga salitang nasa kaliwa. Maaring higit sa isa
ang mapiling sagot. Salungguhitan ang iyong sagot at sa loob ng malaking kahon ay
ipaliwanag kung bakit mo napili ang nasabing simbolo.

1. pangarap: (araw buwan bituin bagyo)

2. pag-asa: (bahaghari ulan bato ulap)

3. lungkot: (gabi panyo sundalo ulo)

4. pag-ibig: (bulaklak puso buhok walis)

3
5. katatagan: (bato maso papel palay)

Aralin
Panitikan: Hashnu, Ang Manlililok ng Bato

2.4 Maikling Kuwento- China

PANIMULA

Makulay ang naging paglalakbay mo sa pagtuklas sa mahiwagang daigdig ng


Taiwan. Ngayon, galugarin mo naman ang China at tuklasin ang mundo ng
kwetuhan dito. Ang Araling 2.4 ay naglalaman ng maikling kwento na
pinamagatang “Hashnu, Ang Manlililok ng Bato”. Bahagi ng aralin kung paanong
ang kanyang mga pangarap ay nakuha ngunit sa bandang huli ay pinili pa rin niya
kung ano at sino talaga siya.

Balikan

Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang konsepto ng sanaysay. Naglalahad ito ng


isang sanaysay ng Taiwan na pinamagatang “Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong
Nakaraang 50 Taon” na salin ni Sheila C. Molina. Bahagi rin sa talakayan ang mga
pangatnig na magkatimbang at di- magkatimbang na ginagamit sa pagbibigay ng sariling
opinyon o pananaw na makatutulong sa mga mag-aaral upang makapagbigay ng sariling
pagpapaphayag sa mga pahiwatig na ginamit sa akda.
Anong akdang pampanitikan ang Ang Kababaihan ng Taiwan: NGAYON AT Noong
Nakalipas na 50 Taon?

4
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naglalaman ng akdang maikling
kuwento ng China na lumilinang sa mga batayang kasanayan ng
Filipino 9.
Nakatuon ang pag-aaral sa mga maikling kwento na akda
mula sa China at Pilipinas at sinusuri ito upang lalong
maunawaan ang hatid ng bawat pangyayari na kaugnay sa
buhay ng bawat mag-aaral.

5
Tuklasin

Naririto ang maikling kwentong mula sa Bansang Tsina na pinamagatang


“Hashnu, Ang Manlililok ng Bato”. Tuklasin mo kung paano niya inilarawan ang
kultura, kaugalian at uri ng pamumuhay ng tao sa alinmang bansa sa Silangang
Asya.

Hashnu, Ang Manlililok ng Bato

Sa isang malayong lalawigan sa Jiangsu sa bayan ng Nanjing sa Tsina ay naninirahan


si Hashnu, isang manlililok ng bato. Ginagawa niya ang pag-ukit ng bato sa matagal na
panahon. Ang trabahongito ay halos araw-araw niyang ginagawa sa ilalim ng matinding sikat
ng araw. Mapapansing buong tiyaga niyang ginampnana ang kanyang Gawain. Ngunit isang
araw ay nasambit niya sa sarili, “Naku! Pagal na pagal na ang aking katawan sa kahuhugis ng
matitigas na bato. Sana ay mabuhay na lamang ang tao na hindi nahihirapang magtrabaho at
magpapahinga. Hindi ko na kailangang magdala ng maso paroo’t parito araw-araw sa
kalsada.
Tila nagdilang anghel naman si Hashnu sa kanyang sinabi. Parang isang panaginip
ang naganap sa kanyang buhay. Nang nagkaakgulo ang mga tao sa daang malapit sa kanyang
inuukit ay Nakita niyang naroon pala ang hari. Sa kaliwa naman ay Nakita niya ang mga
tagasunod nitong gumagawa ng paraan para lamang mautusan ng hari. Habang nakatingin si
Hashnu, nag-isip siayng maganda palang maging isang hari at magkaroon ng mga alalay na
sundalo at mga tagasunod na nag-uunahan para mautusan. Agad may narinig siyang tinig,
“Magiging hari ka.”
Isang himala! Nagging ganap na hari si Hashnu. Maligayang- maligaya si Hashnu.
“Hindi na ako taga-ukit ng mga baton a nakaupo sa gilid ng daan na may hawak ng pait at
mabigat na maso. Isa na akong hari na nakasuot ng baluti, helmet, at nakasakay sa pagitan ng
mga sundalo, at may tagasunod na pawang mapitagan sa akin. “Mayabang siya sa paglalakad
kaya’t ang kanyang mga tauhan ay talagang gumagalang sa kanya.

6
Mabigat ang baluti at ang kanyang helmet na lubahang dikit sa kanyang ulo na
umaabt sa may kilay kaya naramdaman niya ang pitik ng ulo. Nahirapan siya. Namumutla at
napagod siya dahil sa matinding sikat ng araw. Naisip niyang kaya palang panghinain at
talunin ng Araw ang makapangyarihan at iginagalang ng hari. Muli niyang naisip. “Mas
makapangyarihan ang Araw. Napanghina niya ang katawan!” naisip naman niyang maging
Araw at pagkasabi nito ay isang milagrong muli na siya’y nakarinig ng tinig na narinig noon
at dagli siyang nagging Araw.
Isang Araw na sira ngayong nagliliyab sa kaitasan at sumisikat nang matindi sa
kalupaan. Hindi siya sanay magbigay ng sinag ng liwanag kaya ang nakahihilakbot na sinag
nito ang bumagsak sa mundo. Kaya ang mga nabubuhay sa mundo ay nangatuyo. Ang mga
tao ay lubhang nanangis sa apangyayaring ito. Nagpatuloy pa rin sa kapangyaraihan ang
Araw hanggang sa mapansin niyang ang Ulap pala ay maaaring makulob sa pagitan ng Araw
at ng Mundo. Napatunayan niya na higit na makapangyarihan ang Ulap sapagkat kaya nitong
takpan sa kanyang sinag. Dahil sa kaisipang ito ay ninais naman niyang maging Ulap.
Nilakuban niya ang Araw. Hindi naglaon ay bumigat ito at bumagsak sa paraang ulan
sa mundo. Umapaw ang tubig sa mga lawa at sapa dahil hindi niya napigilan ang pagbagsak
ng dami ng ulan. Ang matinding ulan ang nagging sanhi naman ng pagkamatay ng mga
halaman at iba pang nabubuhaysa daigdig. Maging ang malaks na hangin ay nagging sanhi ng
pagkabuwal at pagkabunot ng mga puno. Nawala ang mga tahanan at mga nanirahan dito.
Pinagmasdan niya ang Lupa at napako ang kanyang paningin samga bato na hindi
man lang natinag sa kanyang kinalalagyan pagkatapis ng mga sakunang nagdaan tulad ng
malaks na ulan at hangin at maging matinding sikat ng araw. Muli siyang napaisip. Ninais
naman niyang maging isang Bato at hindi siya nabigo. Tulad ng dati may tinig siyang narinig
upang sabihing siya’y maging isang bato. Nang siya ay Bato na narinig niyang muli ang
tunog ng pait habang ito’y ipinupukpok sa kanya. Pati na rin ang maso na ramdam niyang
malakas na tumama sakanyang katawan at ulo. Nalaman niya ngayon na hindi nga siya
natibag sa malakas na ulan at hangin subalit siya ay nakayang hugisan ng ano mang anyo ng
isang manlililok. Nagmuni-muni siya. Natanto niyang walang ibang pinakamalakas kundi
siya. Mulat sa katotohanan, muling humiling si Hashnu na ibalik siya sa pagiging manlililok.
Kagyat nanumbalik sa dating gawain at natagpuan niya ang sarili sa gilid ng kalye na
nakaupo at nagsisimula na naming humugis ng iba’t ibang anyo sa mga bato.
Magmula noon, masaya nang nagtrabaho nang buong husay si Hashnu. Panatag ang
kanyang kalooban araw-araw sa pagiging manlililok.

-Halaw

7
Gawain 1. Tukuyin ang tamang kahulugan ng mga imahe o simbolong ginamit sa
sumusunod na pahayg. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Tila nagdilang anghel naman si Hashnu sa kanyang sinabi. Parang isang panaginip
ang nagyari sa kanyang buhay.
a. Nagkatotoo ang mga sinambit ni Hashnu kaya tila isang himala op panaginip ang
naganap sa kanya.
b. Isang anghel ang nagpaliwanag at nagbigay- katuparan sa kanyang mga
panaginip.
c. Nakatanggap ng isang pahayag si Hashnu mula sa anghel na siya ay magkakaroon
ng kakaibang panaginip.
2. Sana ay mabuhay na lamang ang tao na hindi nahihirapang magtrabaho para hindi na
magdala ng pait at maso rito araw-araw.
a. Napapagod at nagsasawa na si Hashnu sa paulit-ulit na kanyang ginagawa.
b. Nangangarap siya ng buhay na perpekto, kung saan ang mga tao ay mabubuhay sa
mundi kahit na magtrabaho.
c. Ayaw na niyang gamitin ang mga pait at maso sapagkat para sa kanya ang
paggamit nito ay isang nakababagot na Gawain.
3. Mayabang siya sa paglakad kaya’t ang kanyang mga tauhan at talagang gumagalang
sa kanya.
a. Iginagalang ng kanyang mga tauhansi Hashnu sapagkat sa paraan pa laamng ng
kanyang paglalakad ay masasabing siya’y isang ganap nang hari.
b. Sa kanyang pagiging hari aynaging mapagmataas siya kugng kaya’t ang kanyang
mga tauhan ay talagang gumagalang sa kanya.
c. Ang paggalang ng kanayng mga tauhan sa kanya ay bunga ng kanilang labis na
paghanga sa kanya dahil sa husay niyang maglakad.
4. Namumutla at napagod siya dahil sa matining sikat ng araw. Naisip niyang kaya
palang panghinain at talunin ng Araw ang makapangyarihan at iginagalng na hari.
a. Ito ay patunaylamang na ang lakas at kapangyarihan ng tao ay may hangganan
kahit ano pa ang kalagayan niya sa buhay.
b. Ang matinding sikat ng araw ay maaaring makapuksa sa kalusugan ng tao.
c. Ang mga tao at ang hari ay madalas magpaligsahan kung sino ang higit namalaks
sa kanilang dalawa.
5. Nagmuni-muni siya. Natanto niyang walang ibang pinakamalakas kundi siya. Mulat
sa katotohanan, muling humiling si Hashnu na ibalik siya sa pagiging manlililok.
a. Ipinahihiwatig nitong bawat tao ay may kani- kaniyang kalakasan, ang kailanagan
lamang ang tuklasin at pagyamanin ito.
b. Ipinahihiwatig nitong ang manlililok ang maituturing na pinakamalakas na
nilalang sa mundo.
c. Ipinahihiwatig nitong kung nais ng isang taong maging malakas piliin niya na
maging isang manlililok.

8
Suriin

Gawain 2. Ang akdang “Hashnu, Ang Manlililok ng Bato” ay isang kuwentong punumpuno
ng kababalaghan. Ito ay naglalaman ng mga pangyayaring mahirap paniwalaan sapagkat ito
sumasalungatsa batas ng kalikasan at makatwiranag pag-iisp. Gayundin naman, mabibilang
din ang akdang ito bilang isang halimbaw ng isang maikling kuwento ng katutubong kulay
sapagkat ito ay nagbibigay- diin din sa uri ng oag-uugali, paniniwala, at pamumuhay ng
pangunahing tauhan na isang Tsino. Suriin ang estilo ng may-akda sa pagbuo niya ng
kuwentong ito. Ano ang masasabi mo sa estilo niya sa pagsisimula, pagpapadaloy,at
pagwawakas? Punan ang graphic organizer sa ibaba.
pamagat

Tauhan Tagpuan

Pagsusuri ng pagsisimula

Pagsusuri ng pagdadaloy

Pagsusuri ng pagwawakas

9
Paglalahad ng mga Pag-uugali, Paniniwala, at Pamumuhay ng
mga Pangunahing Tauhan sa akdang Binasang Magpapatunay
na Ito Isang Maikling Kuwento ng Katutubong Kulay.

Pagyamanin

Gawain 3. Pansinin ang larawan. Ilarawan ang mga nakikita rito at ipaliwanag ang
maaaring simbolismo.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

10
Basahin ang tekstong, “Nagmamadali ang Manila” ni Serafin C. Guinigundo) at
pagkatapos ay ibigay mo ang hinihinging impormasyon sa ibaba.

Nagmamadali ang Maynila


(ni Serafin C. Guinigundo)

“GINTO… GINTO… baka po kayo ay may ginto riyan? Mga


mama… mga ale… ginto..” ang alok- anyaya ng isang babaeng
nakakakimona at ang saya ay humihilahod sa sakong at siyang
lumilinis sa makapal na alikabok sa bangketa.
“Baka po kayo ay may ginto?” ang muling sigaw ng babae.
“Kung may ginto ako ay bakit ipagbibili ko? Hindi baga mahal
ang ginto kaysa kwalta?” sambot ng isang lalaki na ang kausap ay ang
kaakbay.
Ang kalipunan ng mga taong naglipana sa Azcaraga, Avenida
Rizal at Escolta ay mga mamimiling walang puhunan (karamihan) at
mga tagapagbili ng mga bagay na wala sa kanila at lalong hindi
kanilang pag-aari. Ang hanapbuhay ng mga ito ay magtala sa papel ng
mga bagay na nababalitaang ipinagbibili. Madalian ang kanilang
usapan. Mabilis magkasundo. Tiyak ang pook na tipanan—sa harap
ng isang mesa: sa ibabaw ng umaasong kapeng- mais na pinapuputla
ang kulay ng gatas na may bantong gata ng niyog. Kung sila’y
palarin: kakamal ng libo, kung mabigo naman ay gutom maghapon.
Sa tawaran ay hindi magkamayaw. Tingin. Tawad. Tingin. Silip.
Tawad. Tingin sa singsing, sa kuwintas, hikaw at pulseras.
“Ilang ply, ano ang sukat ng goma?” Usisa ng isa.
“Ano? In a running condition ba? Baka hindi. Mapaphiya tayo.”
Ang paniniyak ng isa naman.
“Aba! Sinasabi ko sa iyo… garantisado. Hindi ka mapapahiya,
“tugon ng tinanong.
“Hoy, tsiko, ang iyong lote, may tawad na. Ano, magkano ang
talagang ating doon? Mayroon na ba tayo? Baka wala? Ihanda mo ang
apel. Bukas ang bayaran. Tiyakin mol ang ang ating salitaan, ha?
Kahit hindi nakasulat… ikaw ang bahala?

11
“Ako ang bahala, boy. Alam mo na ang bilis natin. Hindi ka
maano. Hawak natin ang ibon.”

Gawain 4. Pag-aralang Mabuti ang mga ilustrasyon. Ilarawan ang lugar, kilos/ gawi at uri ng
pamumuhay ng mga tao sa Maynila.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 5. Mag-isip ng isang bagay na sumisimbolo sa lungsod ng Maynila. Iguhit sa loob


ng kahon. Pagkatapos ipaliwanag kung bakit iyon ang naiguhit mo.

12
Isaisip

Matapos kong mabasa ang kwentong, “Hashnu, Ang Manlililok ng Bato” nalalaman ko
at natimo sa aking isipan na ________________________________________
Naramdaman ko rin at nanahan sa aking puso ang _________________________
Dahil dito, may mga nais akong baguhin sa aking ugali, mula ngayon__________
__________________________________________________________________

13
Isagawa

Gawain 7. Isa sa mga bagay na dapat mahubog sa kabataang katulad mo upang higit na
maging makabuluhan ang inyong buhay ay ang pagkakaroon ng tama at maayos na pagtingin
sa sarili gayundin ang tamang pagtanggap sa kung sino at kung ano ang mayreoon sa ating
buhay. Bawat indibidwal ay maituturing na espesyal o natatangi. Bawatisa ay may tiyak na
gampaning inilaan ang Diyos na ikaw, siya, o ako lamang ang makagagawa. Sa kasalukuyan,
maaring mayroon kang kakillalang tulad ni Hashnu na hini nagkaroon ng kasiyahan sa talent
o gawaing ipinagkaloob sa kanya ng Manlilikha o mga taong hindi ganap na tanggap ang
kanilang sarili, lalo’t higit ang kaniang mga kahinaan bilang sang indibidwal.
Bilang pagpapahalaga, buoin mo ang graphic organizer sa ibabab sa pamamagitan ng
pagsulat ng mga posibleng solusyon o proposisyong maaari mong magawa upang ikaw ay
makatulong sa mga taong may katangiang kagaya ni Hashnu at pagkatapos ay sagutin mo rin
ang tanong na makikita sa ibaba nito.

Mga tulong na maari kong


maibigay sa isang taong
mababa ang tingin sa sarili
at hindi tanggap ang mga
taay na kahinaan.

14
Tayahin

A. Panuto Panuto: Tukuyin ang nais bigyang- pansin sa sumusunod na


bahagi ng kuwento. Gamitin mo ang mga simbolo na nasa ibaba at ilagay sa
patlang bago ang bawat bilang. Isulat sa papel ang iyong sagot .

😊 Tauhan

Lugar

Pangyayari

_____________1. Unti- unti, sa paningin ko’y nagkakahugis ang isang mapanglaw at dahop na
kapaligiran. Ag ga bahay na malalayo ang agwat, nagliliitan, ang iba’y nakagiray na, pulos na
yari sa kugon at kawayan, ay waring nagsisipagbantang lumupasay sa anumang sandal. Sa
malayang hangin ay nagsasanib- sanib ang kahol ng mga aso, kakak ng mga manok at itik,
unga ng mga kalabaw, langitngit ng mga nagtataygang kawayan at pagaspas ng dahoon. ( mula
sa Lugmok Na ang Nayon ni Edgardo Reyes)

____________ 2. Dinalaw siya mula noon ng pag-aagam sa kaniyang pag-aanluwage.


Hinahanap- hanap niya mula noon ang bagay na dapt niyang malikha; at sa palagay niya’y
waring nagkukulang at hindi tumpak ang bawat gawin at likhain niya.dumaan ang mga taon
at siya’y nakaramdam ng panghihina. Abilis ang pagtanda niya, ngunit ang kaniyang
alalahanin ay hindi nababwasan. (mula sa Anluwage ni Hilarion L. Coronel)
____________ 3. May luha siya sa mata ngunit may galak siyang nadama. Luwalhati.
Hinagud- hagod niya ang mga kamao. Nadama niya ang bagong tuklas na lakas niyon. Ang
tibay. Ang tatag. Ang kapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang nakabulantang si Ogor.
Pagkaraa,y nakapikit at buka ang labing nag-angat siya ng mukha. (mula sa Imoeng Negro ni Rogelio
Sikat)

____________ 4. Tunay ngang isang malaking pangyayari ang naaakit sa pansin ng San
Joaquin. Hindi sila magkasundo sa pagtinging ibibigay nila kay Lea. Sa isang banda, siya ang
anak ni Aling Clara na magpapaahon sa kanysa pamilya nula sa kahirapan; kaiinggitan,
kamumuhian, masarap siraan. Subalit siya rin ang anak ng San Joaquain na kapupulutan ng
pag-asa; pupurihin, tatangkilikin, gagawing pangunahing tauhan sa kuwentong isasalaysay sa
ilang henerasyon ng kabataan. (mula sa Bagong Bayani NI Joseph Salazar)

15
______________ 5. Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas, ang gora, at
ang suwiter, saka dala ang latigong katulad ng pamalo ni ni Don Teong. Pagdating niya sa
pook na kinapupugalan ay saka aasbaran ng palo ang kalabaw hanggang ito’y umungol na
ang alingawngaw ay ano’t hanggang sa kalagitnaan ng bayan. Kung di niya Makita na halos
apoy na ang lumalabas sa dalawang mata ng hayop ay hindi pa niya ito titigilan. Sa gayon ay
matulin saiyang nagtatago upang umuwi na siya sa bayan. (mula sa Wang Panginoon ni Deogracias
Rosario)

B. Piliin ang maaring maging simbolo ng mga salitang nasa kaliwa. Maaring higit sa isa
ang mapiling sagot. Salungguhitan ang iyong sagot at sa loob ng malaking kahon ay
ipaliwanag kung bakit mo napili ang nasabing simbolo.

1. pangarap: (araw buwan bituin bagyo)

2. pag-asa: (bahaghari ulan bato ulap)

3. lungkot: (gabi panyo sundalo ulo)

4. pag-ibig: (bulaklak puso buhok walis)

5. katatagan: (bato maso papel palay)

16
Karagdagang Gawain

Basahin ang isa pang teksto at pagkatapos sagutin ang mga hinihinging
sagot.

Marahil, pinakabantog sa mga dakilang pilosopong Tsino si Confucius. Nagsimula


siyang magturo sa gulang na dalawampu’t dalawa. Siya ay naglingkod din sa pamahalaan
subalit napilitang tumiwalag dahil hindi niya maunawaan ang namumuno.
Naniniwala siya na dapat makatao ang mga namumuno, at dapat hirangin ang mga
naglilingkod sa pamahalaan batay sa kakayahan. Ang pagkakaroon daw ng mabuting lipunan
ay nakasalalay sa mabuting pamahalaan at hindi sa pagtatamasa ng masasagwang
pamumuhay. Naniniwala siya na ang tao ay likas na mabuti at upang hindi makapangyari ang
kasamaan, dapat na linagin ang magagandang katangoan tulad ng paggalang sa magulang at
matatada, pagkakawanggawa, at lakas ng loob. Ang kanyang “Gintong Aral” ay nakasaad sa
negatibong pangungusap: “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo.”
Naging bahagi ng Kodigo ng Magandang Kaugalian sa Tsina ang mga aral ni Confucius.
Maging sa kasulukuyan, maaring gamitin ang pilosopiya ni Confucius sa pagsasaayos
ng lipunan ayon sa mga pagbabago.

Gawain 8.

A. Subukang sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang paniniwala o pananaw ni Confucius? Isa-isahin angmga ito.


2. Sang-ayon ka bas a kanyang mga paniniwala? Bakit?
3. Paano mo maisasabuhay ang gintong aral na kanyang tinuran na “Huwag mong gawin
sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo”?
Balikang muli ang mga talatang binasa. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod:

1. Paano sinimulan ang talata?

2. Paano winakasan ang talata?

17
3. Ano kayang uri ng pahayag ang iyong binasa?

Gawain 9. Gumawa ng balangkas ng kuwentong iyong susulatin para sa Inaasahang


Pagganap. Magsaliksik tungkol sa paksang iyong mapipili na makikita sa Gawain 10.
Gumamit ng angkop na pahayg sa pagsisimula, pagpapadaloy, at pagtatapos ng isang
balangkas. Isulat ang buong balangkas sa ibaba.

Balangkas ng Kwentong Iyong Bubuoin

Paano mo ito sisimulan? _______________________________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Paano mo ito padadaluyin patungo sa saglit na kawilihan patungong kasukdulan?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Paano bababa ang mga pangyayari hanggang sa magwakas ang iyong kuwento?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 10. Kultura Ko, Ikuwento Ko!

Goal: Makasulat ng maikling kuwentong may uring katutubong kulay na naglalarawan sa


sariling kultura at naikukuwento ito sa harap ng klase.
Role: Isa kang manunulat at reporter sa inyong magasing pampaaralan.
Audience: Mga tao sa inyong paaralan at iba pang makababasa at makaririning ng
pagkukuwento mo.
Situation: Ang pinakatema ng inilathala ninyong pahayagan sa paaralan ngayon ay pawang
may kinalaman sa kultura. Naatasa kang sumulat ng isang maikling kuwentong may uring
katutubong kulay na naglalarawan sa sariling kultura. Ikukuwento mo rin ito sa harap ng
palatuntunan sa inyong paaralan.

Product/Perfomance: Maikling Kuwento (Pumili sa ibaba kung anong particular na paksa


tungkol sa sariling kultura ang nais mong bigyang-diin.)

18
Kaugalian, Paniniwala, at Tradisyon ng mga Sinaunang Pilipino

Ang Kalagayan ng Kababaihan sa Kulturang Pilipino

Ang Pamilyang Pilipino sa Nagbabagong Panahon

Ang Kulturang Asyanong Ipinagmalaki Ko

Standards and Criteria for Success:


Ang isusulat na maikling kuwento ay dapat makasunod sa rubric sa ibaba.
Lagyan ng tsek (/) ang angkop na bilang sa bawat kategorya.

Mga Pamantayan 1 2 3 4 5
Mga orihinalidad at akma sa paksa ang nabuong
maikling kuwento.
May kaisahan, pag-uugnay, at diin ang nabuong
maikling kuwento.
Maayos, malinaw at kapani-paniwala ang
pagkukuwento.
Naging kawili-wili at nahikayat ang lahat na
making.
Kabuoang Puntos 20
5- Napakahusay 2- Di- gaanong mahusay
4-Mahusay 1- sadyang di-mahusay
3- Katamtaman

19
Susi sa Pagwawasto

TAYAHIN SUBUKIN

1. 1.

2. 😊
2. 😊
3. 😊
3. 😊
4.

5. 😊 4.

5. 😊

GAWAIN 1
1. A
2. B
3. B
4. A
5. A

20
Sanggunian

Mga Aklat

Julian, Ailene B., et al.Pinagyamang Pluma 9 Aklat 1:Phoenix


Publishing House., 2015
Peralta, Romulo N., et al. Panitikang Asyano 9: Kagamitan ng
Mag-aaral, Instructional Materials Council Secretariat
(DepEd- IMCS).,

Internet
 Daloy ng Trapiko sa Maynila
https://www.google.com/search?
=traffic+sa+maynila&hl=en&sxsrf=ALeKk00Q5a9i9yfGUTrnvfMC
wBapGInr_A:1592133084975&source=lnms&tbm+isch#imgrc=r3
5s6-4tVHF4yM
 Larawan ni Confucious
https://www.google.com/serach?
q=confucious&hl=en&prmd=inv&sxsrf=ALeKko3h9741FXZ5zCrh
Lr57RMT-H-EQ:1592136319226&source=lnms&tbm-
isch&sa=X&Vved=2ahUKEwik7Pb9oYHqAhVR_GEKHeJCcwQ-
AUoAXoECBCqaQ
 Larawan ng Divisoria
https://images.app.goo.gl/s5c9oMidZYkFaE8PA
 Larawan ng mga Nagwewelga sa Maynila
https://www.google.com/search?
q=pagwewelga+sa+maynila&tbm=isch&ved=2ahUKEwjH1_isooHQ
ahVvGKYKHdlKBqoQ2-cCegQIABAC&oq/
&oq&gs_lcp=ChJtb2JpbGUtZ3dzlXdpei1pbWcQARqDMgcIIxDqAh
AnMgcIIxDqAhAnUABYAGCKtgFoAAeACAAQCIAQCSAQCYAQCg
AQGwAQU&sclient=mobile-gws-wiz-img&ei=4RLmXofjMe-
wmAXZIZnQCg&prmd=inv&hl=en

21
22
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like