You are on page 1of 3

PANUTO: Piliin sa kahon ang tamang pangatnig na nawawala sa pangungusap.

Kaya Samantala Ngunit


Upang Dahil Kaya
Habang Para At

1. Ang mga mag-aaral ay nag-aaral nang mabuti ____makapasa sa kanilang pagsusulit.

2. Nakikinig sila sa paliwanag ng guro _____ naiintindihan nila ang paksa.

3. Tuwang-tuwa ang kanyang magulang _____ mataas ang kanyang marka sa Filipino.

4. Ang mga Pilipino ay umaasa _____ nananalig na uunlad ang Pilipinas.

5. Si Ana ay nagsusulat _____ si Dex ay nagbabasa.

PANUTO: Salungguhitan ang dalawang salitang pinag-ugnay ng pang-angkop.

1. Naging bansang malaya na ang Pilipinas dahil sa mga Amerikano.

2. Ang mga papel na basa ay inihiwalay niya ng lalagyan.

3. Dinala sa ospital ang mga sugatang sundalo.

4. Ang paborito niyang itim na blusa ay binigay niya sa kaibigan.

5. Masusustansiyang pagkain ang dapat na kinakain mo upang di ka magkasakit.

PANUTO: Salungguhitan ang wastong pang-ukol para sa bawat pangungusap.

1. (Laban sa, Tungkol sa, Ayon sa ) batas ang magnakaw.

2. Ang seminar na ginanap ay (para sa, kay, ayon sa) pangangalaga ng mga endangered na
hayop.

3. (Ayon sa, Tungkol sa, Labag sa) mga Kastila, pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang pakay
nila sa Pilipinas.

4. Ang balita ay (ayon kay, tungkol kay, hinggil sa) pagpapatalsik kay Chief Justice Corona.

5. Sinundo ko (kay, ng, sa) kanto ang nakababata kong kapatid.

PANUTO: Bumuo ng “Hugot line” na kakakitaan ng pang-ugnay sa pagsasalaysay ng


pagkakasunod-sunod ng pangyayari. (5 Puntos)
II. Tukuyin ang konotibong kahulugan ng mga salitang nadiin kaugnay ng kaugalian nating
mga Pilipino.

1. Sa maraming lugar sa pilipinas ,ang kulay itim ay karaniwang inuugnay sa:


a) Pagluluksa o kalungkutan
b) Pagibig at pagkabigo
c) Paghihirap at gutom
d) Giyera at kaguluhan
2. Ang oyayi ay awiting bayan na inuugnay sa:
a) Bangka, paminwit, at isda.
b) Walis, bunot, basahan
c) Ina, hele, sanggol
d) Rosas, gitara, pag-ibig
3. Ang balitaw at kundiman sa mga lugar ng katagalugan ay karaniwang inuugnay sa:
a) Pangangaso
b) Panliligaw o pagsasaad ng pag-ibig
c) Paggawa ng mga gawaing-bahay
d) Paggaod ng bangka
4. Ang hilig sa pag-awit ng mga Pilipino ay karaniwang iniuugnay sa:
a) Pagiging mapamahiin
b) Paggiging masipag
c) Pagiging masayahin
d) Pagiging matampuhin
5. Ang awiting bayan sa ibat-ibang lugar sa Pilipinas ay karaniwang iniuugnay sa:
a) Material na kayamanan ng bayan
b) Pagdurusang dinanas ng isang bayan
c) Kultura’t kaugalian ng isang bayan
d) Politika ng isang bayan

B. Piliin at bilugan mo ang titik na katumbas ng mga salitang ito.

1. Dala ang kanyang lambat , si Mang Dante ay sumakay sakanyang Bangka at pumalaot.Siya ay
namasol. Ang namasol ay…

a) Lumangoy b.) naligo c.) nangisda

2.Sinabihan siya ng asawang si Aling Selya na magbalon para hindi gutumin.Ang magbalon ay…

a.) Maghukay ng balon b.) magbaon c.)magsaing

3. Ang mga huli niya ay guibaligya niya sa palengke. Ang guibaligya ay…

a.) pinagbili b.)pinamigay c.)pinadala

4.Nagluto siya ng sinigang.Gustong-gusto niya kasi ang sabaw na may aslom. Ang aslom ay…

a.) init b.) asim c.) pait

5. Ginagawa niya ang lahat dahil sa pamilyang kanyang guihigugma. Ang guihigugma ay…

a.) minamahal b.) hinihintay c.) binabantayan

You might also like