You are on page 1of 4

REMEDIATION SA FILIPINO 9-1st QUARTER

Isulat ang titik ng inyong sagotsa sagutang papel.

____1. Paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin na hindi lantad na sinabi ang mensahe.
a. nagpapahiwatig b. sambitla   c. diretsaha d. padamdam
____2. Ito ay pangungusap na walang paksa na nagpapahayag ng matinding damdamin.
a. padamdam b. ekspresyon c. sambitla     d. nagpapahiwatig
____3. Alin sa mga sumusunod na pangungusap sa ibaba ang nagpapahayag ng tiyak na emosyon o damdamin?
a. Mag-isip muna bago mo gawin.       c. Ipasa ang mga takdang aralin.
b. Sayang! Di ako umabot sa 75% Sale.       d. Hala, Nahulog ang bata.
____4.Marahil nakakita na kayo ng kahindik-hindik na pagmamalupit sa mga walang kalaban-labang mga hayop. Ano ang
ipinahihiwatig ng pangungusap?
a. pagkalungkot c. pagkatuwa
b. pagkamangha d. pagkagalit
____5.Sa pangungusap sa itaas ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
a. pagmamahal   b. pagkakagusto c. pagkakainis d. pag-aabuso

Para sa bilang 6-15:


Tukuyin kung anong damdamin at paraan ng pagpapahayag ang ginamit sa bawat pangungusap. Piliin lamang sa loob ng
kahon ang inyong sagot at isulat ito sa patlang.

Nagsasalaysay                     Pagkagalit                Pagkamangha


Pagkalungkot                        Pagkatuwa               Nasaktan
Paghanga                              Pagkatakot              Pagkaiinis
Pagkadismaya
_______________6.Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang nangangarap.
_______________7. Wow! May pag-asa pa tayong umunlad!
_______________8. Talagang galit na galit ang makata nang isulat niya ang tula.
_______________9. Ang galing-galing mong magsaulo ng tula.
_______________10. Sobrang sipag ng mga magsasaka sa ating bansa!
_______________11. Grabe! Nahilo ako sa dami ng mga taong dumating upang
tumanggapng SAP. Sanahindi na lang ako pumunta.
_______________12. Aw! Napakaganda ng kanyang ginawa.
_______________13. Yehey! Nanalo ako sa palighasan sa pagsayaw.
_______________14. Ngek, hindi iyan ang pinabibili ko.
_______________15. Aray, Natapakan ang paa ko! May sugat pa naman ako.

REMEDIATION SA FILIPINO 9-2nd QUARTER


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. “Isang babaeng mangangalakal ay nakipag-isang dibdib sa isang lalaking mahilig maglakbay sa buong mundo.” Sinong
babae ang nakipag-isang dibdib sa lalaking mahilig maglakbay?
a. mangangalakal b.mangingisda       c.tindera   d.mangangaso
2. Ano ang ibig sabihin ng salitang sinalungguhitan sa bilang 1?
a. nagpang-abot ng dibdib  b. nag-isa ang dibdib  
c. nagpakasal     d.nag-away 
3. Kung ikaw ang babae sa kuwento, magpapakasal ka ba sa taong hindi mo mahal?
a. Oo, dahil marami naman siyang pera
b. Hindi, dahil mas gusto kong magpakasal sa taong mahal ko.
c. Oo, dahil praktikal ako na tao
d. Hindi, dahil may damdamin din ako.
4. Batay sa pahayag na “Dahil sa katagalan nang di pag-uwi ng lalaki, nakaramdam siya ng kalungkutan at pagkabagot.”
Ano ang maaaring mangyari sa babae?
a. Maghihintay pa rin siya sa kanyang asawa
b. Makakahanap siya ng iba dahil sa palaging wala ang kanyang asawa
c. Mababagot siya sa kahihintay ng kanyang asawa
d. Lalayas siya sa kanilang bahay.

5. Mula sa bilang 4, alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapakita na maaaring manloloko ang babae?
a. sa katagalan nang di pag-uwi c. may kalungkutan siyang nadama
b. sa tindi ng kalungkutan at pagkabagot d. di pag-uwi ng lalaki
6. Sa pahayag na “Gumayak sila at tumakas sakay ng isang kamelyo.”  Ano ang maaaring mangyari sa nabanggit na mga
tauhan sa pahayag?
a. Mamasyal sila sa lugar na kanilang pupuntahan.
b. Magtatago sila at mamumuhay nang masaya.
c. Magpapakalayo na sila at hindi na muling babalik pa.
d. Magliliwaliw sila sa ibang lugar.
7. Bakit nagawang maghanap ng ibang lalaki ang babae kahit na may asawa na siya?
1. Nawalan siya ng gana sa kanyang asawa.
2. Sa katagalan nang pagkawala ng kanyang asawa.
3. Nawala ang pagmamahal niya dito.
4. Wala siyang magawa sa kanyang buhay.
8. Kung susuriin ang nobelang Isang Libo’t Isang Gabi, bakit naisipan ng babae na magpagawa ng kabinet na may limang
pintuan?
a. Para may paglagyan siya ng kanyang mga damit
b. Upang magkaroon ng kakaibang kabinet
c. Upang may paglagyan sa mga lalaking napangakuan niya
d. Para may dagdag na palamuti sa kanyang bahay
9. Batay sa nobelang Isang Libo’t Isang Gabi, ano ang iyong interpretasyon sa ginawang aksyon ng tauhan?
a. Nagpapakita na ang babae ay may tiwala sa sarili.
b. Ginamit ng babae ang kanyang kagandahan para makaakit ng ibang lalaki.
c. Ipinapakita sa akda na may angking talino at tapang ang babae na harapin ang kanyang suliranin.
d. Pinaglalaruan niya lamang ang mga lalaki
10. Sa pahayag na “Lumabas sila  ng bahay na tinatakpan ang kanilang mukha upang di makilala at makaiwas sa tsismis ng
mga kapitbahay.”, ano ang interpretasyon mo sa kanilang ginawa?
a. Umiiwas sila sa sasabihin ng mga tao
b. Nahihiya sila sa kanilang mga sarili
c. Ayaw nilang ipakita ang mukha nila at makikilala ang kanilang tunay na 
      pagkatao
d. Naglalaro lamang sila ng tagu-taguan.
11. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng babae, papayag ka ba na magpakasal sa isang taong mahilig maglakbay?
a. Hindi, dahil magiging malayo kami sa isa’t isa.
b. Hindi dahil hindi ako mahilig sa paglalakbay.
c. Oo, dahil gusto ko na wala siya sa tabi ko.
d. Oo, dahil wala akong pakialam sa kanya.
12. Alin sa mga sumusunod na interpretasyon ang ginawa ng babae na HINDI naglalarawan sa kanya?
a. maparaan b. mapagmahal c. materyalistik d. matalino
13. Bigyan ng puna ang ginawa ng limang lalaki sa pangunahing tauhan Isang Libo’t Isang Gabi.  Nararapat ba ang ginawa
nila sa babae? Bakit?
a. Oo, dahil may posisyon  naman  silang  pinanghahawakan  at  kaya nilang   
     gawin ang kanilang ninanais.
b. Oo, dahil ang babae naman ang lumapit sa kanila.
c. Hindi, dahil ginamit nila ang kahinaan ng babae para mapasunod nila ito sa kanilang kagustuhan. 
          d. Oo, dahil tao lang sila at may pangangailangan din.
14. Batay sa akda, dapat bang husgahan ang ginawang desisyon ng babae sa kanyang kinakaharap na sitwasyon?
a. Matapang niyang hinarap ang kaniyang problema.
b. Matalino at maparaan ang babae  para  malusutan   ang  problema.
c. Mapang-akit ang babae kaya napapayag niya ang mga lalaki.
d. Masyadong tanga ang babae sa pagmamahal niya sa lalaki.
15. Bumuo ng postibong katangian ng babae mula sa ginawa niyang hakbang para mapalaya ang kaniyang minamahal. 
a. maharot b. malambing c. mapagmahal d. masiyahin

REMEDIATION SA FILIPINO 9-3RD QUARTER

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag na nasa ibaba. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
______1. “Kailangang manatiling may langis ang ating mga ilawan sapagkat hindi natin alam ang araw o ang oras ng kanyang
muling pagparito”. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito?
a. kahandaan sa sarili at pag-iisip sa di inaasahang pangyayari
b. paghahanda sa lahat ng gamit
c.  punuin lahat ng ilawan
d. kawalan ng pag-asa sa buhay
*para sa bilang 2-4: 
        Sa labas ng tahanan ng binatang ikakasal ay sampung dalagang may dalang ilawan ang itinalagang maghintay sa
pagdating ng lalaking ikakasal. Ang lima sa mga dalagang ito ay matatalino. Inasahan na nilang maaaring maantala ang
pagdating ng ikakasal kaya’t nagdala sila ng sobrang langis para sa ganitong pangyayari.
                                                                          Ang Parabula ng Sampung Dalaga

______2. Bakit ganoon na lamang ang paghahanda ng mga matatalinong dalaga para sa binatang ikakasal?
a. upang sila ay di mahuli
b.  upang matuwa sa kanila ang ikakasal
c.  upang masiguro na hindi maubusan ng langis
d.  upang may laman ang ilawan
______3. Batay sa parabulang binasa, anong kulturang Pilipino ang masasalamin dito?
a. pagkaroon ng dalaga
b. pagpapakasal 
c. paghintay sa ikakasal
d. pagdala ng ilawan
______4. Ano ang mensaheng nais iparating ng may-akda batay sa pahayag na salungguhitan?  
a. pagwawalang- bahala sa anumang mangyayari 
b. pagkamalikhain sa bawat pangyayari
c. pagiging abala sa isang pangyayari
d. pagiging handa sa mga bagay na maaaring mangyari
______5. Ayon sa parabula, alin sa mga sumusunod na kaganapan ang nangyayari sa kasalukuyan?
a. Ang pagsundo sa ikakasal na lalaki.
b. Ang pagdala ng ilawan sa ikakasal.
c. Ang pagpapaalam na ang ikakasal ay may dalang langis.
d. Ang paghahanda sa nalalapit na kasal at ang mga plano nito.
*para sa bilang 6-10: 
Nang maghahatinggabi na ay dumating ang isang tagapagbalitang nagsabing paparating na ang lalaking ikakasal.
Agad bumangon ang sampung dalaga at inayos ang kani-kanilang ilawan at humilera sa magkabilang gilid ng daan upang
maging handa sa paparating na ikakasal. Subalit ang ilawan ng limang dalagang hangal ay aandap-andap na. Dahil sa matagal
na paghihintay ay naubos ang langis sa kanilang ilawan. “Bigyan naman ninyo kami kahit kaunting langis. Andap-andap na ang
aming mga ilawan,” ang pakiusap nila sa matalinong dalaga.
-Hangal na dalaga

______6. Sa pahayag na, “pagkaubos ng langis sa mga hangal na dalaga” ano ang nais ipahiwatig nito?
a. Hindi nakabili ng reserba.
b. Ang pagiging pasaway.
c. Ang pagiging madiskarte.
d. Maging handa sa lahat ng di inaasahang pangyayari.
______7. Batay sa pangyayaring kasalan sa parabula, ano ang ginagawa nila sa lalaking ikakasal?
a. susunduin
b. maglakad mag-isa
c.  aabangan
d.  pababayaan
______8. “Bigyan naman ninyo kami kahit kaunting langis. “Andap-andap na ang aming mga ilawan,” Ano ang kahulugan ng
salitang nakasalungguhit sa pahayag?
a. malakas na apoy
b. maliwanag na apoy
c. patay sindi ang apoy
d. kukurap-kurap na apoy 
______9. Tulad ng nakagawian, maringal ang isang kasalan. Anong ang ibig sabihin salitang maringal? 
a. engrandeng handaan b. maliit na handaan
c. kasalang - bayan           d. walang handaan
______10. Anong menasahe ang mapupulot sa parabulang binasa?
a. Upang hikayatin ang mga tao na magbasa ng parabula.
b. Upang magbigay ng aral at ito’y isabuhay.
c. Upang maglibang sa mambabasa.
d. Upang makasulat ng kwento.
*para sa bilang 11-13: 
Nang nasa loob na ang lahat ay humahangos na dumating ang limang hangal na dalaga. “Panginoon, panginoon, papasukin po
ninyo kami!” sigaw nila. Hindi na sila pinapasok at sa halip ay tumugon ang binatang ikakasal na siya rin nilang panginoon
nang ganito: “Hindi ko kayo nakikilala. “Walang nagawa ang mga hangal na dalaga kundi buong panlulumong pinagsisihan
ang hindi nila paghahanda para sa pangyayaring ito.
______11. Batay sa pahayag sa itaas, anong aral ang masasalamin dito?
a. Ang pagsisisi ay laging nasa huli.
b. Ang pagsisisi ay nauuna.
c. Ang kanilang kakulangan sa paghahanda.
d. Ang kanilang pagkukulang sa preparasyon.
______12. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na nakasalungguhit sa nabasang sitwasyon?
a. Ang pagtawag sa kanilang Panginoon.
b. Nais nilang sila’y buksan ng pinto.
c. Ang kanilang ginawang pagmamakaawa.
d. Ang Kanilang ginawang pagsigaw.
______13. Ano ang naging reaksyon ng mga dalaga nang sila ay di nakapasok sa kasalang nangyayari?
a. Sila ay nagwala sa bulwagan.
b. Sila ay nagpapasalamat sa mga panauhin.
c. Sila ay nagalit sa ikakasal.
d. Sila ay nagsisisi sa hindi paghahanda.
______14. Naghintay nang naghintay ang mga dalaga subalit gabi na’y wala pa ang ikakasal kaya’t sila ‘y nakatulog sa
kahihintay. Anong damdamin ang nais ipakita sa pangungusap na ito?
a. pagiging mapaghintay kung kailan ito darating
b. pagiging determinado na ito’y mangyari
c. pagsukat sa kanilang tiyaga
d. pagsukat sa kanilang pasensya 
______15. Ano ang mangyayari kung tayo ay naging handa sa mga pagsubok o mga pangyayari sa buhay? 
a. Tayo ay magkaroon ng kanapatagan sa sarili.
b. Tayo ay nagiging positibo at mapamaraang makahanap ng solusyon.
c. Magkakaroon tayo ng determinasyon sa buhay.
d. Hindi tayo mawawalan ng pag-asa.

You might also like