You are on page 1of 20

FILIPINO 8

IKATLONG LINGGO

MATATALINHAGANG PAHAYAG AT
EUPEMISTIKO O MASINING NA
PAHAYAG
MAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO

PT 2
Nabibigyang-kahulugan ang mga
talinghaga,eupimistiko o masining na pahayag
ginamit sa tula, balagtasan, alamat, maikling
kuwento, epiko ayon sa: -kasingkahulugan at
kasalungat na Kahulugan.
Iugnay ang mga karunungang-bayan na nasa HANAY A sa angkop na
sitwasyon na nasa HANAY B.
TALINGHAGA
• Ang talinghaga ay ang paraan ng pagsasalita na may
lalim at pakipakahulugan bilang repleksyon ng mga
tunay na pangyayari sa buhay ng tao. Ang mga
talinghagang ito ay nagbibigay ng lalim sa kahulugang
nais ipahiwatig nito. Maliban sa Bibliya, marami ring
talinghaga ang matatagpuan sa mga tula, alamat, epiko
at iba pang uri ng akdang-pampanitikan.
HALIMBAWA
•MAGDILANG ANGHEL
•BUWAYA SA KATIHAN
•DI-MAG-ASO ANG KALAN
EUPEMISTIKONG
PAGPAPAHAYAG
Gumagamit ng talinghaga para di-tuwirang tukuyin ang nais ipahayag na
nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita at kinakausap.
Halimbawa:
• Sumakabilang buhay na siya.
• Kapiling na siya ng Panginoon.
• Iniwan na niya tayo.
• Tapos na ang kanyang paghihirap.
• Maligaya na siya sa kabilang buhay.
EUPEMISMO
• Umiisip ng magagandang salita o pahayag na
kilala sa tawag na
eupemismo ang mga Pilipino. Ang paggamit ng
magagandang pahayag ay
naglalayong pahalagahan ang damdamin ng iba.
EUPEMISTIKONG
PAGPAPAHAYAG
Para mas mainam pakinggan gamitin ang sumusunod:
• bingi- mahina ang pandinig
• pilay- nahihirapang lumakad
• mataba- medyo malusog
• pandak- may kaliitan
• pangit- di-gaanong maganda
Ang nasa Hanay A ay mga eupemestikong pahayag. Suriin ang
kahulugan at hanapin ang kasalungat nito sa Hanay B.
GAWAIN PARA SA IKA-3 LINGGO
A. Basahin ang mahahalagang konspeto ng Talinhaga sa pahina 10 ng
modyul.
B. Basahin ang DARAGANG MAGAYON
C. Gawin ang Gawain sa Pagkatuto Bilang 5 (Performance Task )
1. Piliin ang mga matatalinhagang salita o pahayag na nabasa sa
akdang binasa.
2. Gamitin sa isang makabuluhang sanaysay ang mga salitang nakita sa
akda.
Ang Sanaysay ay marapat na may kaugnayan sa buhay mo bilang
isang mag-aaral na nahaharap sa bagong paraan ng pagkatuto.
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!
BUGTUNGAN
TAYO!
BUGTUNGAN
TAYO!
Bahay ni Donya Ines,
napaliligiran ng butones.
BUGTUNGAN
TAYO!
Tatlong bundok ang tinibag,
bago narating ang dagat.
BUGTUNGAN
TAYO!
Huminto ng pakawalan,
lumakad ng talian
BUGTUNGAN
TAYO!
Malambot na parang ulap,
kasama ko sa pangarap
BUGTUNGAN
TAYO!
Baston ni Juan hindi
mabilang-bilang.

You might also like