You are on page 1of 47

FILIPINO 8

QUARTER 2:WEEK 2
BALIK-
ARAL:
Kasanayang dapat mong
matutuhan:
✓ Nabubuo ang mga
makabuluhang tanong
batay sa napakinggang
palitan ng katuwiran.
✓ Naibibigay ang opinyon at
katuwiran tungkol sa paksa
ng balagtasan.
BALAGTASAN?
❖ Ito ay isang pagtatalo sa paraang
patula. Ang salitang “Balagtasan”
ay hinango sa pangalan ng “Ama
ng Panulaan” na si Francisco
Balagtas.
❖ Sa isang balagtasan ay may
malinaw na paksang
pinagtatalunan. May
mapanghalinang paraan ng
pagpapahayag ang kapwa panig
na nagtatalong patula.
❖ Ang unang Balagtasan ay ginanap sa
Instituto de Mujeres noong Abril 2, 1924.
❖ Ang paksang pinagtalunan sa unang
Balagtasan ay “Bulaklak ng Lahing
Kalinis-Linisang”. Ang balagtasang ito
ay isinulat ni Jose Corazon de Jesus na
tumayong “Paruparo”.
❖ Naging katunggali niya ang
makatanng si Florentino Collantes na
tumayo sa panig ng “Bubuyog”. Pinag-
agawan nila ang karikitan ni
“Kampupot” na ginampanan ni Sofia
Enriquez. Naging lakandiwa si Lope K.
Santos.
❖ Gaya ng nabanggit sa unahan, ang
Balagtasan ay isang klasikong anyo ng
patulang pagtatalo. Dito ay masusing
nasasalamin ang pananalinghaga at
mga pangangatwiran ng mga makata.
❖ Kadalasang may positibong mensaheng
mapupulot sa Balagtasan. May balagtasan
na pumapaksa sa mga isyung panlipunan:
pamilya, mga gawain ng tao, ugnayan ng
mga tao sa lipunan, at mga pananaw ng
bawat nilalang tungkol sa mahahalagang
paksa.
❖ Ang pagtatanghal ng balagtasan ay
nagbibigay sa mga mag-aaral ng
pagkakataon upang madebelop ang tiwala
sa sarili, pangangatwiran, magalang na
pakikipagtalo, at nahahasa ang kakayahan
sa mahusay na pagsasalita sa harap ng
madling manonood.
❖ Sa balagtasan ay ipinakikita ang
pagiging henyo ng mga makatang
Pilipino. Ang talas ng kanilang panitik ay
marubdob na masasalamin sa kanilang
maindayog at marikit na paggamit ng
mga salita.
❖ Ang salita o katawagang
balagtasan ay nilikha ni Jose N.
Sevilla, isa sa tatlong kagawad ng
Lupong Pamunuan ng
Kapulungang Balagtas.
❖ Ang unang hari ng balagtasan ay si
Jose Corazon de Jesus (Batute).
Noong panahong iyon ay naging
laman ng mga programang
panradyo ang Balagtasan at tunay
naming naging tanyag ito.
❖ Sa pagyao ni Jose Corazon de Jesus ay
marami pa ang nagtaguyod ng Balagtasan.
❖ Mababanggit sina Pedro Gatmaitan,
Benigno Ramos, Amado V. Hernandez,
Nemesio Caravana, Emilio Mar Antonio,
Fernando Monleon, Cresenciano C.
Marquez, Bienvenido Ramos at marami
pang iba.
❖ Sa kasalukuyang panahon ay buhay
pa rin ang Balagtasan. May ilang
programang panradyo na
nagtataguyod pa rin sa ganitong
mayamang anyo ng kultura at
panitikang patula.
❖ Samantala sa iba’t ibang lalawigan at
rehiyon ng bansa ay patuloy na nagkaroon
ng pagkagiliw sa ganitong patulang anyo
ng pagtatalo. Katunayan, si Pedro Bukaneg ,
ang “Ang Ama ng Panulaang Ilokano” ang
nanguna sa pagbuo ng kanilang sariling
bersyon ng Balagtasan.
❖ Ito ay tinawag nilang Bukanegan, sa
karangalan ni Pedro Bukaneg.
❖ Sa Pampanga, isa pang bersyon ng
balagtasan ang naging tanyag.
Tinawag itong Crisotan , sa karangalan
ni Juan Crisostomo Sotto.
❖ Samantala, naging inspirasyon ni
Fernando Monleon ang balagtasan
upang likhain ang isang anyo ng
pagtatalong patula na may yugto-
yugtong sagutan at kanya itong
tinawag na Batutian sa karangalann ni
Batute. (Jose Corazon de Jesus)
MGA ELEMENTO NG BALAGTASAN
▪ Tauhan
▪ Pinagkaugalian
▪ Paksa/Isyung Pagtatalunan
▪ Mensahe/Mahalagang
Kaisipan
A. Mga Tauhan ng Balagtasan

1. Lakandiwa
-Ito ang makatang namamagitan sa
dalawang panig na nagtatagisan ng
mga katwiran sa matulian at masining
na pamamaraan.
A. Mga Tauhan ng Balagtasan

• Ang lakandiwa ang kalimitang nagsisimula


ng balagtasan sa pamamagitan ng
pagpapakilala sa mga pangkat na
magtatalo at gayundin sa paglalahad sa
madla ng paksang pagtatalunan.
A. Mga Tauhan ng Balagtasan

2. Mambabalagtas
-Mga makata o mambabalagtas ang tawag
sa panig na nagtatalo sa balagtasan kung
saan ang isa ay sang-ayon at ang isa
naman ay sa panig ng di sang-ayon sa
paksang pinagtatalunan.
A. Mga Tauhan ng Balagtasan

• Hangarin ng bawat panig na mapaniwala


ang katalo at ang mga tagapakinig sa
kanyang pangangatwirang inilalahad.
A. Mga Tauhan ng Balagtasan

• Samakatuwid, dapat gumamit ang mga


mambabalagtas ng mga salitang tiyak at
malinaw upang ang kanilang mga
pangangatwiran ay ganap na
maunawaan.
A. Mga Tauhan ng Balagtasan

• Ang balagtasan ay may dalawang panig na


nagtatalo at ang bawat panig ay maaaring
gampanan ng isa, dalawa o tatlong kalahok
na mambabalagtas o makata, depende sa
kagustuhan at pagkakasunduan ng mga
naghahanda ng balagtasan.
A. Mga Tauhan ng Balagtasan

Mga katangiang dapat taglayin ng isang


mambabalagtas
1. Marunong at sanay tumindig sa harap ng
madla.
A. Mga Tauhan ng Balagtasan

2. May magandang kaasalan sa


pakikipagtalo, hindi pikon.
3. May pagsasaalang-alang at pitagan sa
kanyang katalo, sa lakandiwa at sa mga
nakikinig.
A. Mga Tauhan ng Balagtasan

3. Mga Manonood
Ang mga manonod ang mga tagapakinig
na minsa’y sila ring nagbibigay ng hatol sa
mga narinig na paglalahad ng mga
katwiran ng magkabilang panig.
B. Pinagkaugalian

• Gaya din ng ibang tula, taglay rin ng


balagtasan ang mga katangian ng
tulang Pilipino: tugma, sukat at
indayog.
B. Pinagkaugalian

• Tugma ang tawag sa pag-iisang


tunog ng mga huling pantig sa
huling salita ng bawat taludtod.
B. Pinagkaugalian

• Sukat ang tawag sa bilang ng


pantig sa bawat taludtod.
B. Pinagkaugalian

• Indayog naman ang sining ng


pagbigkas na siyang nagbibigay-
kariktan sa balagtasan na siyang
umaakit sa mga tagapakinig.
C. Paksang Pagtatalunan

• Ito ang pinakatema o isyung


pagtatalunan ng mga mambabalagtas.
Kalimitang ito ay mga napapanahong
isyung nagdudulot ng malalaking
katanungan sa mga mamamayan.
C. Paksang Pagtatalunan

• Ang kalimitang paksain o isyung


pinagtatalunan sa balagtasan ay mga
paksang may kinalaman sa politika,
ekonomiya, kultura, pag-ibig, kalikasan,
lipunan, edukasyon at maging mga
karaniwang bagay.
Mga Halimbawa:

• Paksang may kinalaman sa politika –


“Sino ba ang higit na nakatutulong sa
pag-unlad ng bansa – Mamamayan o
Pamahalaan?”
Mga Halimbawa:

• Paksang may kinalaman sa kultura –


“Dapat ba o di-dapat Uliranin ang
mga katangiang Pilipino?”
Mga Halimbawa:

• Paksang may kinalaman sa


ekonomiya/kultura – “Dapat ba o
Hindi Dapat magtrabaho sa ibang
bansa ang mga Kababaihan?”
Mga Halimbawa:

• Paksang may kinalaman sa pag-ibig


o Sino ang Lalong karapat-dapat sa kamay
ni Gabini – si Gatpilak o Gatdunong?”
o Dapat ba o Hindi dapat isabay ang
panliligaw sa pag-aaral?”
Mga Halimbawa:

• Paksang may kinalaman sa kalikasan


– Masama Nga ba o Mabuti ang
Bunga ng pag-unlad ng Agham at
Teknolohiya sa mundo?”
Mga Halimbawa:

• Paksang may kinalaman sa lipunan


o Alin ang higit sa mahalaga, Wikang
Pambansa o Wikang Pandaigdig?”
o Dapat ba o hindi dapat paluin ang
bata?”
Mga Halimbawa:

• Paksang may kinalaman sa


edukasyon – “Dapat Nga Bang
Dagdagan Pa ng Isang Taon ang
Hayskul sa Pilipinas?”
Mga Halimbawa:

• Paksang may kinalaman sa mga


Karaniwang Bagay – “Ginto o Bakal,
Mataba at Payat, Baso at Tabo at iba
pa”
D. Mensahe o Mahalagang Kaisipan

• Isa ito sa mahahalagang


elemento ng balagtasan ang
paghahatid ng malinaw na
mensahe sa mga nakikinig.
D. Mensahe o Mahalagang Kaisipan

• Ang balagtasan ay di lamang isang uri ng


libangan kundi ito ay mainam ring paraan
upang maipabatid sa madla ang mga
napapanahong isyung dapat pag-isipan
ng mga mamamayan.

You might also like