You are on page 1of 4

1. 1.

Panitikan Tabloid, komiks, magasin,at mga kontemporaryong dagling katha


2. 2. Pahayagan (tabloid) Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng print media
ang kailanmay hindi mamamatay at bahagi na ng ating kultura. Ayon kay
William Rodriguez, Sinasabing ang tabloid ay pang-masa dahil sa Tagalog ito
nakasulat bagamat ilan dito ay Ingles ang midyum.
3. 3. Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot kaya
lang ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa
bangketa.
4. 4. Ibat iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo.
Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura o di
kayay magsagot ng palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo
para magustuhan ng mga tao. Mainam itong pampalipas-oras kapag walang
ginagawa.
5. 5. Ang TABLOID ay pang-masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagamat ilan
dito ay Ingles ang midyum. Subalit, sa tabloid masyadong binibigyang diin ang
tungkol sa SEX at KARAHASAN kayat tinagurian itong sensationalized journalism.
Ito ay dahil sa katangian na ang magandang balita ay nasa masamang balita.
Mayroong humigit sa dalawampung national daily tabloid ang nagsicirculate sa
bansa.
6. 6. KOMIKS Ang komiks ay isang grapikong midyum kung saan ang mga salita
at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaring
maglaman ng isang diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga
larawan, na maaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang
makaapekto nang higit na may lalim.
7. 7. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa kasaysayan,
lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng
mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling
ekspresyon.
8. 8. Komiks- isang makulay at popular na babasahin na nagbigay-aliw sa
mambabasa, nagturo ng ibat ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino.
Ang kultura ng komiks ay binubuo ng ng mga manunulat at dibuhista na
napakalawak ng imahinasyon.
9. 9. Sinasabing si Jose Rizal ang kaununahang Pilipino na gumawa ng komiks.
Taong 1884 inilathala sa magasing Trubners Record sa Europa ang komiks strip
niya na Pagong at Matsing, halaw mula sa isang popular na pabula ng Asya.
10. 10. Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa bansa magmula nang lumabas ito
sa magasin bilang page filler sa entertainment section noong 1920. Halimbawa:
Halakhak Komiks (1946) Pilipino Komiks (1949) Tagalog Komiks (1949) Silangan
Komiks (1950)
11. 11. Subalit humina ang komiks sa pagpasok ng dekada otsenta nang
ipatanggal ng ilan sa nilalaman at ipinag-utos ang paggamit ng murang papel.
Naapektuhan ang kalidad at itsura ng papel. Umalis ang mga dibuhista ng komiks
sa Pilipinas at nagtrabaho na lamang sa Amerika sa parehong industriya.
Alfredo Alcala Mar Amongo Alex Nino
12. 12. Pagkatapos ng Martial Law, muling namuhunan ang industriya ng komiks.
Sumikat sina Pablo S. Gomez, Elena Patron at Nerissa Cabral. Ang interes sa
komiks ay tumagal lamang hanggang 1990. Nahumaling kasi ang mga tao sa
ibat ibang anyo ng paglilibang.

13. 13. Carlo J. Caparas- taong 2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang
tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa nilang
komiks caravan sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas.
14. 14. Ayon sa blog ni Fermin Salvador, world-class ang kakayahan ng mga
Pilipino sa paglikha ng komiks.
15. 15. Mga komikerong kilala sa labas ng Pilipinas: Gerry Alanguilan Whilce
Portacio Philip Tan Alfredo Alcantara
16. 16. Ayon kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. Hindi
mamamatay ang komiks dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at
teksto. Isang kakanyahang hindiing hindi mamamatay sa kulturang Pilipino
hanggat ang mga Pilipino ay may mga mata para makakita at bibig para
makabasa magpapatuloy ang eksistensya ng komiks.
17. 17. MAGASIN Hindi nawawala ang Liwayway kung paguusapan ang magasin sa
Pilipinas. Naglalaman ito ng ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga
nobela. Naging paraan ito para mapalago ang kaalaman ng mga Pilipino.
18. 18. Bago pa man ang digmaang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin
na ito ay talaga namang inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging
dahilan rin ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobela.
19. 19. Mga nangungunang magasin sa Bansa FHM(For Him Magazine)tumatayo
bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging
instrumento upang mapagusapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng
buhay, pag-ibig at iba pa.
20. 20. COSMOPOLITAN- magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay
nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga
pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.
21. 21. GOOD HOUSEKEEPING-Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga
artikulong nakasulat dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga
responsibilidad at maging mabuting maybahay.
22. 22. YES!-Ang magasin ay tngkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay
palaging bago, puno ng nakaw- atensyon na larawan at malalaman na detalye
tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa.
23. 23. Metro-Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu
hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.
24. 24. CANDY- Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng
kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na na mas nakauunawa sa
sitwasyon ng mga mambabasa.
25. 25. MENS HEALTH-Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa isyu ng
kalusugan. Mga pamamaraan sa pagehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga
pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito kung kaya ito ay
naging paborito ng maraming kalalakihan.
26. 26. T3- Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga
pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga
napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.
27. 27. ENTERPRENEUR- Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo
ng negosyo.
28. 28. KONTEMPORARYONG DAGLI Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na
maituturing na maikling maikling kuwento. Bagamat walang katiyakan ang
pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng
pananakop ng mga Amerikano.

29. 29. Wala ring nakakatiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang
akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba
ng isang maikling kuwento.
30. 30. Kilalang manunulat ng dagli: Inigo Ed. Regalado na may talipanpang
Tengkeleng Jose Corazin De Jesus Rosauro Almario (Ric. A. Clarin) Patricio
Mariano Francisco Laksamana Lope K. Santos
31. 31. Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na
sumulpot ang dagli noong 1902; kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang
Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy hanggang
1930.
32. 32. Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng
pananakop ng mga Kastila. Naging tampok ang mga ito sa mga pahayagang
Espanyol at tinawag na Instantaneas.
33. 33. Gayunman, hindi malinaw kung hinango nga ng mga manunulat sa Tagalog
ang ganitong anyo mula sa mga Kastila dahil hindi pa mailinaw kung hinango nga
ng mga manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga Kastila dahil hindi
pa malinaw noon kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong prosa ngunit
patula ang himig.
34. 34. Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento
at nobela pagsapit ng 1920.
35. 35. Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap nila ni
Tolentino para sa antolohiyang ang Dagliang Tagalog: 19031936 ang
tumatalakay sa mga karanasan ng mga lalaki sa isang patriyarkal na lipunang
kanilang ginagalawan.
36. 36. Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng napupusuan subalit
may ilan ding ginamit ito upang ipahayag ang kanilang mga damdaming
makabayan at kaisipang lumalaban sa mananakop na Amerikano.
37. 37. Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa
harap ng pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong kuwento
sa mga tabloid o tampok na kuwento (feature story) sa mga kolum, oangunahing
balita (headline) sa pahayagan at telebisyon.
38. 38. Aniya, na-transform na ang dagli, hindi na ito tinawag na dagli at
nagkaroon na ng ibang lehitimong pangalan at katawagan anekdota, sliceoflifem day-in-the-life, at iba pa at lehitimasyon (pagpasok ng ganitong uri ng
kwento sa media)
39. 39. ANG DAGLI SA KASALUKUYAN
40. 40. Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa
Ingles ang dagli.
41. 41. Ayon kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang nagkaroon ng dagli sa Pilipinas
(1900s) bago pa man nagkaroon ng katawagang flash fiction na umusbong
noong 1990. Maari itong nagmula sa anyong pasingaw at diga ng magbabarkada
kung kayat masasabing marami sa mga probinsiya at malalayong lugar ang
nagkaroon ng ganitong paraan ng kuwentuhan.
42. 42. Noong 2007, lumabas ang antolohiyang Mga Kuwentong Paspasan na
pinamatnugutan ni Vicente Garcia Groyon.
43. 43. Taong 2011 naman nang mailathala ang Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli
Mga Kuwentong Pasaway, Paaway, at Pamatay) ni Eros Atalia.
44. 44. Inilathala naman nitong Mayo 2012 ang koleksiyon ng mga dagli ni Jack
Alvarez na may pamagat na Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga

45. 45. Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din sa tulang
tuluyan, pasingaw, at proto-ficton o micro-fiction sa Ingles.
46. 46. Halimbawa ng dagli na isinulat ni Salvador R. Barros Tungkol sa mga bagay
na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay may malaking
ipinagkakaiba. Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa
bibig.
47. 47. At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa
pahayagan. (Sampaguita, 8 Nobyembre 1932)
48. 48. Abdon Balde Jr., isang manunulat - Ayon sa kanya mula sa isang pulong ng
lupon ng manunulat sa Filipinas ay pinagtatalunan din kung ano ang itatawag sa
higit na pinaikling maikling kuwento.
49. 49. Lumabas ang Mga Kuwentong Paspasan na inedit ni Vicente Groyon noong
2007; ang mga kuwento ay walang sukat at karamihan ay lampas ng 150 salita.
50. 50. Si Vim Nadera ay nagpanukala na ang dapat itawag ay Kagyat. Sabi ni
Virgilio S. Almario, Pambansang Algad ng Sining sa Panitikan ay maigi ang
pangalang malapit sa flash fiction.
51. 51. Nang magpanukala si Michael Coroza ng Iglap ay saka naisip ni Abdon
Balde Jr. ang Kislap. Kuwentong ISang igLAP Kung kayat nailathala ang
Kislap ng manunulat na si Abdon M. Balde Jr.
52. 52. THE END!

You might also like