You are on page 1of 10

GAT JOSE P.

RIZAL :
ANG NATATANGING PAMBANSANG BAYANI NG PILIPINAS

1
 Kumpletong Pangalan DR. JOSE PROTACIO RIZAL MERCADO
ALONZO Y REALONDA

 Mga Magulang Ina : Teodora Alonzo


Ama : Francisco Mercado Rizal

 Petsa ng Kaarawan Hunyo 19, 1861


Lugar Calamba, Laguna

 Petsa ng Kamatayan Disyembre 30,1896

 Dahilan ng Kamatayan Binaril


Mga Kasong Ipinataw Sedisyon, Rebelyon, Pagbuo ng Ilegal na Asosasyon

 Lugar kung saan siya Real Fuerza de Santiago (Fort Santiago)


ikinulong

 Lugar kung saan siya Bagumbayan (ngayon ay Luneta)


binaril

 Paaralan at kurso Ateneo Municipal de Manila – Bachiller en Artes


Pamantasan ng Sto. Tomas – Filosofia y Letras
Medisina
Facultad de San Carlos de Madrid
- Filosofia y Letras
- Medisina

 Alyas/sagisag na ginamit Laong Laan


Dimasalang

 Bilang ng kapatid 11

 Pang-ilan si Rizal 7

 Kapatid na tumulong kay Paciano (pangalawa sa magkakapatid)


Rizal sa pagpapalimbag
ng nobela

 Asawa ni Rizal Josephine Bracken

 Inspirasyon ni Rizal sa Uncle Tom’s Cabin – Harriet Beecher Stowe


pagsulat ng Noli at Fili Wandering Jew – Eugenio Sue

 Edad ni Rizal nang isulat Mag-24 taong gulang


ang 2 nobela
 Huling sinulat ni Rizal Mi Ultimo Adios (Huling Paalam)

 Akdang di naisama sa Elias at Salome


Noli

 Dugo ni Rizal Intsik,Hapon at Pilipino

 Unang nagpalimbag at Mariano Ponce


naglapat ng pamagat na
“Mi Ultimo
Pensamiento”/Mga
Huling kong Kaisipan

 Nagbigay ng pamagat na Padre Mariano Dacanay


“Ultimo Adios”
2 (Huling Paalam)

 Unang nagsalin sa tulang Monico R. Mercado


Ultimo Adios
(Kapampangan)
Ang pagmamahal ni Rizal sa bayan

at ang kanyang mga obra maestra

ay kailangang huwag ibaon sa limot bagkus laging

ISAISIP, ISALITA AT ISAGAWA…

J. A. E.

3
NOLI ME TANGERE EL FILIBUSTERISMO

 Kailan unang sinulat? Enero 2,1884 1890


Saan? Spain(Berlin) Calamba,Laguna
France England (London)
Germany Belgium (Brussels)
Belguim (Ghent)

 Kailan natapos? Pebrero 21, 1887 Marso 29,1891

 Kailan ipinalimbag? Imprenta Lette (Berlin) F. Meyer Van, Loo Press


Saan ipinalimbag? 2,000 sipi Setyembre 22,1891
Belgium (Ghent)

 Sinong nagpautang? Dr. Maximo Viola Valentin Ventura


(P 300)

 Kanino inihandog? Inang Bayan 3 Paring Martir na


GOMBURZA
Padre Mariano Gomez (85 )
Padre Jose Burgoz (30 )
Padre Jacino Zamora ( 35)

 Ilang kabanata? 63 39

 Ano sa Filipino at Huwag mo akong salangin/hawakan Ang Pagsusuwail


iba pang wika? ( John 20:17) Ang Subersibo
Social Cancer (salin sa Ingles) Ang Paghahari ng Kasakiman

 Anong paksa? Nobelang Panlipunan Nobelang Pampolitika

4
Mga Pangunahing Tauhan sa Noli Me Tangere
 Si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin o Crisostomo o Ibarra ay isang binatang nag-aral sa Europa;
nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga
kabataan ng San Diego.
 Si Maria Clara de los Santos y Alba o Maria Clara ay ang mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya
ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Donñ a Pia Alba kay Padre Damaso.
 Si Damaso Verdolagas o Padre Damaso, ay isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya
matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria Clara.
 Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago ay isang mangangalakal na taga-Binondo; ama-amahan
ni Maria Clara.
 Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang
mga si suliranin nito.
 Si Narcisa o Sisa ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang
pabaya at malupit.
 Si Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at tagatugtog ng kampana sa
simbahan ng San Diego.
 Si Don Anastasio o Pilosopo Tasio, ay maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan
ng San Diego.
 Si Donya Victorina de los Reyes de de Espadanya o Donya Victorina, ay isang babaing nagpapanggap
na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.

Ibang Tauhan
 Padre Salvi o Bernardo Salvi- Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng
lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
 Alperes - Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal na Hari ng
Italya ng San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal)
 Donya Consolacion - Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.
 Don Tiburcio de Espadanya - Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa
Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya
Victorina.
 Linares - Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya
para mapangasawa ni Maria Clara.
 Don Filipo - Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin.
 Señor Nol Juan - Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.
 Lucas - Kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.
 Tarsilo at Bruno - Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
 Tiya Isabel - Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
 Donya Pia Alba - Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.
 Inday, Sinang, Victoria, at Andeng - Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
 Kapitan-Heneral - Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-
ekskomunyon si Ibarra.
 Don Rafael Ibarra - Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso
dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.
 Don Saturnino - Lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
 Balat - Nuno ni Elias na naging isang tulisan
 Don Pedro Eibarramendia - Ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo
 Mang Pablo - Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
 Kapitan Basilio - Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan
Valentin; ama ni Sinang
 Tinyente Guevarra - Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay
kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
 Kapitana Maria - Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
 Padre Sibyla - Paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
 Albino - Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.

5
MGA TAUHAN SA EL FILIBUSTERISMO

 Simoun(Saymon) - Ang mayamang mag-aalahas na nakasalaming may kulay.Sinasabing


siya’y lahing taga-Hilagang Estados Unidos(North American) na umano'y tagapayo ng
Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa
kanyang mga kaaway.
 Isagani Villamor - Ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre
Florentino.Hindi palakibo.Ang totoo ay anak siya ng pinsan ni Padre Florentino na babae
sa Maynila.Siya ang pinakamasipag na tagapagtaguyod ng panukaalang paaralan.
 Basilio - Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.Katiwala ni Kapitan Tiyago sa
lahat ng pag-aari nito sa San Diego.Siya rin ang pinaaral ni Kapitan Tiyago.
 Tandang Selo –Isa siyang pipi at bingi na ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.Siya rin
ang umampon kay Basilio.
 Kabesang Tales(Telesforo) - Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na
inaangkin ng mga prayle.
 Juli/Huli San Jose(Juliana de Dios) –Magandang dalagita na bu song
anak ni Kabesang Tales.Katipan ni Basilio.
 Kapitan Tiago - Isang mangangalakal na taga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.Kinuha
niyang utusan o katulong si Basilio ngunit pinag-aral ito.
 Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
 Ben Zayb (pseudonym ni Abraham Ibanñ ez) - Ang mamamahayag at kritikong ulol.Siya’y walang alam sa sining at
nagdudunong-dunungan.
 Placido Penitente – Ang pangalang Placido ay nangangahulugang kalmante o payapa,ang Pinetente nama’y
nagdurusa.Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.
 Padre Camorra - Ang mukhang artilyerong pari.Hiningi ang pagkababae ni Huli upang mapalaya si Tandang
Selo.
 Padre Fernandez - Ang paring Dominiko na matalino at may malayang paninindigan.Pabor siya sa balak ng
mga kabataan.
 Padre Salvi - Ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
 Padre Florentino - Isang klerigo at paring sekular na amain ni Isagani.hindi mapagmataas at kagalang-galang.
 Father Millon - The Physics teacher of the University of Santo Tomas
 Don Custodio (Custodio de Salazar y Sánchez de Monteredondo) – Ang batambatang Kastila na dumating sa
Pilipinas.Ipinalalagay na pinakamatalinong tagapayo ng mga pinuno sa Pilipinas.Mahusay sa
Pagsasamantan sa lipunan. Kilala sa tawag na Buena Tinta.
 Padre Irene – Spiritwal na tagapayo ni Kap. Tiyago.Ang inupahan ng mga kabataan na maging
tagapagtanggol ng kanilang balak na magtatag ng Akademya ng Wikang Kastila.Ayon sa
pananaliksik ni Prof. Agoncillo,siya ay lalaking makamundo at hinuwad ni Rizal sa isang Hudyo
na di naman talagang pari.Binibigyan niya ng maraming apyan si Kap. Tiyago upang madali
itong mamatay at makamkam ang lahat ng kanyang ari-arian.
 Don Timoteo Pelaez – Ama ni Juanito.Isang mayamang bisnisman.Siya ang umayos sa kasal nina Juanito at Paulita.
 Juanito Pelaez - Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may
dugong Kastila.
 Macaraig - Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng
Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.Ang bahay na tinutuluyan
ng mga estudyante ay kanya.Klasmeyt ni Isagani sa UST.
 Pecson – Isa siyang matalino ngunit may ugaling mapanuya.Palaging kabaliktaran ng inaasahan ng marami
ang nakikita.Pesimista.
 Sandoval – Ang Kastilang estudyante na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral na paaralan.
 Tadeo – Kaklase ni Macaraig na kasama rin sa balak na paaralan.
 Donya Victorina - Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
 Paulita Gomez – Napakaganda at napakayamang pamangkin ni Donya
Victorina.Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
 Quiroga - Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.Ang negosyo
ay distelyera ng alak.
 Hermana Bali - Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
 Hermana Penchang - Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni
Juli.Sinasabing bagong panginoon ni Juli.
 Ginoong Leeds - Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.
 Ginoong Pasta – Siya ay sumasagisag sa karaniwang Indiyo noon na mahirap ngunit ibig
matuto.Siya ay naging capista sa Unibersidad ng Santo Tomas.Siya ang sanggunian ng mga
prayle. Inilalarawan siya bilang isang taong makasarili,walang malasakit sa iba at sa bayan.
 Imuthis - Ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
6
 Pepay - Ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio.
 Camaroncocido - Asang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo.
 Tiyo Kiko - Matalik na kaibigan ni Camaroncocido.
 Gertrude - Mang-aawit sa palabas.
 Paciano Gomez - Kapatid ni Paulita.
 Don Tiburcio - Asawa ni Donya Victorina.

7
8
9
10

You might also like