You are on page 1of 3

Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere

Ang Noli Me Tángere[1] ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa
Latin ang pamagat nito na may kahulugang "huwag mo akong salingin (o hawakan)". Sinipi ito mula sa San Juan
20:17 kung saan sinabi ni Hesus kay Maria Magdalena na "Huwag mo akong salingin sapagkat hindi pa ako
nakaaakyat sa aking ama.". Mas madalas itong tinatawag na Noli; at ang salin nito sa Ingles ay Social Cancer.
Sinundan ito ng El Filibusterismo.
Nabibilang sa kaligirang kasaysayan na ang pangunahing dahilan ng kanyang pagsusulat nito ay upang magbigay
kritika sa pamamahala ng mga Kastila at sa pag-asang bigyan ng pagkakataon ang Pilipinas na maging kalahok ito
sa Spanish Assembly.
Unang nobela ni Rizal ang Noli Me tangere. Inilathala ito noong 26 taóng gulang siya. Makasaysayan ang aklat
na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang
paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang
mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Kastila ang
Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon.

Panahon Detalye
Bago ang 1884 Nabasa ni Rizal ang novelang Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe na naglahad ng
pang-aapi sa mga aliping Negro sa Amerika.
Enero 2, 1884 Mayroong isang pagdiriwang ng mga mag-aaral na Pilipino ng Central University of Madrid sa
Espanya. Nakasama ni Rizal sina Jaena, Valentin Ventura at ang magkakapatid na Paternos.
Inimungkahi ni Rizal sa kanyang mga kasamang Pilipino sa Madrid na sumulat sila ng isang
novelang hango sa masamang kalagayan ng mga Pilipino sa Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng
Kastila at ang lahat ay sumang-ayon. Inimungkahi ni Rizal na pangkat sila upang mailahad ang
lahat ng pananaw.
Ang mungkahi ni Rizal na sumulat “bilang pangkat” ang novela ay hindi natupad sapagkat ang
iba, sa halip na umpisahan ang novela ay nalihis ang perspektibo at ukol sa babae na ang nais
isulat. Nalulon ang lahat maliban kay Rizal sa sugal at pambabae kaya napabayaan ang
napagkasunduan.
Inumpisahan ni Rizal ang pagsulat sa novela sa Madrid at natapos ang unang kalahati.
1885 Pagkatapos ng kanyang pag-aara sa CUM, ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsusulat sa novela sa
Paris, Fransya kung saan natapos niya ang kalahati ng ikawalang kalahati ng novela.
April-June 1886 Sa loob ng mga buwan na ito, tinapos ni Rizal ang novela sa Wilhelmsfeld, Alemanya ngunit
wala pang pamagat.
Disymebre, 1886 Hindi napadalhan si Rizal ng perang panggastos mula sa Pilipinas kaya siya’y nagutom at
nagkasakit. Sa kanyang pagkagutom, siya ay dumadalo sa mga pagdiriwang nang hindi naman
inaanyaya (gate crasher). Halos nawalan na siya ng pag-asa na mailimbag ang novela kaya
napag-isipang sunugin ito. Salamat na lamang at dumating si Dr. Maximo Viola, isang dating
kamag-aaral na siyang tumulong kay Rizal sa pagpapalathala ng novela at nagbigay ng pera
upang matugunan ang mga pangangailangan.
Pebrero 21, 1887 Inayos ni Rizal ang orihinal na manuskrito ng novela upang mahanda sa paglathala. Napili niya
ang bahay-palimbagan naBerliner-Buchdruckrei-Action-Gesselschaft. Nagpalathala siya ang
2, 000 sipi sa halaga lamang ng P300.00.
Marso 5, 1887 Habang iniimprenta ang novela ni Rizal, saka lang siya nakapagdesisyon ng pamagat para dito.
Sa kanyang sulat kay Felix R. Hidalgo, binanggit ni Rizal na hinugot niya ang pamagat na “Noli
Me Tangere” sa Ebanghelyo ni Lucas. Ngunit nagkamali si Rizal sa pagbanggit ng pinagkunan
dahil nakuha niya ito sa Ebanghelyo ni Juan, Kapitulo 20, versikulo 13-17. Ang bahaging ito
bibliya ay nagsalaysay sa araw ng “Easter Sunday,” ang ikatlong araw ng kamatayan ni Kristo
kung saan nabuhay siya muli at nagkita sila ni Maria Magdalena: “Huwag mo akong salingan,
dahil hindi ko nakasasama ang aking Ama sa langit.”
Marso 21, 1887 Inilabas na ang novelang Noli Me Tangere ni Rizal sa publiko sa wikang Kastila.
Mayo 5, 1887 Sinulatin ni Dr. Antonio Ma. Regidor si Rizal. Pinuri ni Regidor ang novela at inihambing pa sa
Uncle Tom’s Cabin at Don Quixote ng Espanya.
*Nasalin ang novelang Noli Me Tangere sa iba’t ibang wika dahil sa husay nito at natatanging katangian.

Mga Tauhan
Crisostomo Ibarra-Si Juan Crisostomó Ibárra y Magsálin (o Crisostomo o Ibarra), ay isang binatang nag-aral sa
Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan
ng San Diego.
Maria Clara-Si Mariá Clara de los Santos y Alba (o Maria Clara), ay ang mayuming kasintahan ni Crisostomo;
mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kaniyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.
Padre Damaso-Si Dámaso Verdolagas (o Padre Damaso), ay isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang
parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego. Siya ang tunay na ama ni Maria Clara.
Kapitan Tiago-Si Don Santiago de los Santos (o Kapitan Tiago), ay isang mangangalakal na tiga-Binondo; ama-
amahan ni Maria Clara.
Elias-Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kaniyang bayan at ang
mga suliranin nito.
Sisa, Crispin, at Basilio- Si Narcisa (o Sisa), ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang
pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.Sina Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang
sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
Pilosopo Tasyo-Si Don Anastasio o Pilosopo Tasyo, ay isang pantas at maalam na matandang tagapayo ng
marurunong na mamamayan ng San Diego. Kadalasan siyang tinatawag na baliw dahil hindi maunawaan ng mga
mangmang ang katalinuhan niya.
Donya Victorina-Si Donya Victorina de los Reyes de Espadaña o Donya Victorina, ay isang babaing
nagpapanggap na mestisang Kastila kung kayâ abot-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Mahilig
niyang lagyan ng isa pang "de" ang pangalan niya dahil nagdudulot ito ng "kalidad" sa pangalan niya.
Padre Salvi o Bernardo Salvi- kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria
Clara.
Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal na Hari ng Italya ng San
Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal)
Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dáting abandera na may malaswang bibig at pag-uugali.
Don Tiburcio de Espadaña - isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng
magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
Alfonso Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya
para mapangasawa ni Maria Clara.
Don Filipo - tenyente mayor na mahilig magbasá ng Latin
Señor Nyor Juan - namahala ng mga gawain sa pagpapatayô ng paaralan.
Lucas - kapatid ng táong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.
Tarsilo at Bruno - magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
Tiya Isabel - hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia Alba - masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.
Inday, Sinang, Victoria, at Andeng - mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
Kapitan-Heneral - pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.
Don Rafael Ibarra - ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya
nataguriang erehe.
Don Saturnino - lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
Balat - nuno ni Elias na naging isang tulisan
Don Pedro Eibarramendia - ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo
Mang Pablo - pinúnò ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
Kapitan Basilio - ilan sa mga kapitán ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin; ama ni Sinang
Tenyente Guevarra - isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa
kasawiang sinapit ng kaniyang ama.
Kapitana Maria - tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
Padre Sibyla - paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
Albino - dáting seminarista na nakasáma sa piknik sa lawa.
Buod ng Noli Me Tangere
Pagkatapos nag-aral at namalagi ng pitong taon sa Europa ay nagbalik si Crisostomo Ibarra sa Pilipinas. Ito’y
pinaghandaan ni Kapitan Tiyago, ama ni Maria Clara na kasintahan ni Ibarra, sa pamamagitan ng isang salo-salo na
dinaluhan ng ilan sa mga matataas ang antas sa lipunan.
Kinabukasan ay dinalaw ni Ibarra si Maria Clara at inalala ang kanilang pagmamahalan na nagsimula pa sa kanilang
pagkabata. Bago pumunta ng San Diego si Ibarra ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ang pagkamatay ng
kanyang amang si Don Rafael.
Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinagbintangan ni Padre Damaso na pumatay sa kubrador kaya siya’y binilanggo
hanggang nagkasakit at namatay sa kulungan. At dahil sukdulan ang kasamaan ni Padre Damaso ay pinahukay ang
bangkay ng kanyang ama at itinapon na lang ito sa lawa.
Ngunit sa halip na maghiganti ay ipinagpatuloy niya ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng paaralan. Kamuntikan
ng mapatay si Ibarra, kung hindi lang nailigtas ni Elias, sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan. At
muntik naman masaksak ni Ibarra si Padre Damaso napigilan lang ito ni Maria Clara. Sinamantala ni Padre Damaso ang
pagkakataon na sirain at utusan si Kapitan Tiyago na itigil ang kasunduan ng pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara.
Walang kamalay-malay na napagbintangan si Ibarra noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at
siya’y ibinilanggo. Ginawa lahat upang hindi makalaya si Ibarra kabilang na dito ang ang sulat ni Ibarra kay Maria Clara
na pinalitan.
At kung saan nalaman na ang tunay na ama ni Maria Clara ay si Padre Damaso. Inanunsyo sa bahay ni Kapitan Tiyago
ang pagpapakasal nina Maria Clara at Linares habang lihim na kinausap ni Ibarra si Clara at nagpaalam bago siya
tuluyang tumakas.
Tuluyan ng tumakas si Ibarra at sumakay ng bangka ngunit naabutan sila kaya tumulon sa tubig si Elias upang iligaw sila.
Pinaputukan siya ng mga sibil sa akalaang siya ay si Ibarra hanggang mapatay nila ito. Nagmadre na lang si Maria Clara
ng nabalitaan ang pagkamatay ni Ibarra. Bago nawalan ng hininga si Elias ang huling habilin niya ay huwag sanang
kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.

You might also like