You are on page 1of 4

Azul, Jericho C.

BSED 3-A5

Talambuhay ni Jose Rizal

Dito nakasaad ang ilan sa mga importanteng pangyayari na naganap sa buhay ng

ating Pambansang Bayani, si José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda.Si Rizal

ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Si Rizal ay bininyagan sa

Calamba, Laguna noong Hunyo 20 ,1861. Ang nagbinyag sa kanya ay si Padre Rufino

Collantes at si Padre Pedro Casañas ang kanyang naging ninong. Noong 1864, siya'y

tatlong taong gulang, tinuruan siya ng kanyang ina ng abakada at nang siya'y siyam na

taong gulang na ay pinadala siya sa Biñan at nag-aral sa ilalim ni Justiniano Aquino

Cruz. Pumasok si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila, noong Enero 20, 1872 dito

siya nagtamo ng kanyang pangunahing medalya at notang Sobrasaliente sa lahat ng

aklat. Si Rizal ay tumanggap ng katibayang Bachiler en Artes at notang Sobrasaliente

kalakip ang pinakamataas na karangalan noong Marso 14, 1877. Taong 1878 ay nag-

aral siya ng Filosopia Y Letras sa Unibersidad ng Santo Tomas at Agham sa pagsasaka

sa Ateneo. Sa Ateneo din siya nag-aral ng panggagamot. Siya ay nagtungo sa Europa sa

gulang na 21, noong Mayo 5, 1882 upang magpatuloy ng pag-aaral sapagkat hindi
siya nasisiyahan sa pagtuturo sa eskwelang pinapasukan. Nagsimula si Rizal sa pag-

aaral ng Ingles taong 1884. Magtatapos ang 1884 at magsisimula ang 1885 nang

sinulat ni Rizal ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid. Ang ikaapat na

bahagi sa Paris at isa pang ikaapat na bahagi ay isinulat sa Alemanya. Natapos niya ang

Noli Me Tangere noong ika-21 ng Pebrero, 1887. Dalawang libong kopya ang

kanyang naipagawa na nagkakahalaga ng tatlong daang piso. Si Maximo Viola ang

tumulong sa kanya at nagpahiram ng tatlong daang piso. Si Rizal ay umalis sa Maynila,

noong Pebrero 3,1888, upang magtungo sa Europa dahil umiiwas siya sa pagkagalit

ng mga Kastila sa pagkakalathala sa Maynila. Taong 1891 , ipinalimbag sa Grante

Belhika ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na El Filibusterismo. Petsa Hunyo

3, 1892, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina. isang kapisanan na ang lihim na pakay

ay ang pagbabago ng lakad ng pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng

mapayapang paraan at di paghihimagsik. Si Rizal ay bumalik sa Pilipinas, noong

Hunyo ika-26 , taong 1892. Hulyo 7, 1892 , Alinsunod sa kautusan ni Kapitan

Heneral Despujol, ipinalathala sa Gazette ang mga dahilan sa pagdadakip kay Rizal.

Pagkatapos ng walong araw, ika-15 ng buwan na iyon ay ipinatapon si Rizal sa

Mindanao. Si Kapitan Heneral Blanco ang nagpatotoo sa mga kakayahan ni Rizal na

kailanma'y di siya nakilahok sa mga pag-aalsang nangyari sa Pilipinas at dahil dito,

humiling si Rizal na makapaglingkod sa mga pagamutan sa Cuba. Magtatapos ang

1896, hinuli si Rizal sa kinalulunang bapor habang naglalakbay patungong Espanya at

pagdating sa Barcelona ay ibinalik sa Paris. Sa Real Fuersa De Santiago ay piniit si

Rizal nang siya’y dumating sa Maynila. Dito siya hinarap sa hukumang militar at nilitis
at nahatulang barilin sa Bagong Bayan. Taong Disyembre 30, 1896, Binaril si Rizal sa

edad na 35. Bago siya lumabas sa Fort Santiago, ibinigay niya ang ilawang

kinaroroonan ng kanyang huling akdang pampanitikan kay Trinidad

Pagsusuri :

Maliwanag ang pagkakasalaysay sa buhay ni Dr. Jose Rizal, makikita ang

teoryang Historikal, na siyang nakag-bigay kulay sa istorya ng kanyang

pagkakabayani. Bagaman, sa nakalipas na ilang taonna pagpapakilala kay Rizal sa

eskwela, sa dokumentrayong ito, nabuhay muli ang pagkakakilala ko sakanya, hindi

lamang bilang bayani, na lumaban para sa bayan,kundi isang simpleng tao na

naglalarawan ng kahalagahan ng pamilyang Pilipino.Hindi maikakaila ang

pagkakabigay-diin sa pagiging malapit ng bayani sa kanyang pamilya, lalo na sa

kanyang ina. Isang ugali, na sa aking kaalaman ay isa sanaging mahalagang katangian

upang mapili siya na pambansang bayani. Kauna-unawang ang pagiging malayo sa

iyong tahanan ay nakakatumbas lamang ng pagkasabik sa presensya ng pamilya.Ngunit

bilang isang makabayan na taong handang ibigay lahat para sa kapakanan ng kanyang

bansa, isang kahanga-hangangkatangian ang hindi pagkalimot sa sentimental na

kahalagahannito. Hindi lahat ng bayani sa kasaysayan ay naglalarwan nito. Palaging

may nakaabang na sulat para sa kanyang kaanak, tuwing malalayo, palaging may

komposisyon para sa pagmamahal samga ito at bakas hanggang sa panahong natin ang

pruweba at kahalagahan noon. Isang nakakaagaw atensyon din, tuwing mababanggit

(at maging tuwing mapag-aaralan) si Rizal ay ang kanyang malambot na puso

pagdating sa mga kasintahangnaging inspirasyon niya.


Hindi man siya naikasal, malinaw ang pahiwatig ng pagkakagusto at

pagmamahal ni Rizal sa mga babaeng nandoon para sa kanya, sakabila ng

pagkakakomplikado ng kanyang buhay. Kahanga-hanga ang mga naging adbokasiya ni

Rizal noong sya ay nabubuhay.Mula sa pagbabahagi ng naturang edukasyon, pagtulong

sa mamamayan, paglaban samananakop hanggang sa pagyapos sa panganib na dala ng

kanyang literatura,masasabing pinaghalo ng kakaibang talino at katapangan ang

pagkatao niya.Ikinarangal ang mga ito, ngunit ang pagpili nya pa rin na mamatay para

sa Pilipinas,ang syang nagpatunay ng kanyang pagkabayani. Ito ang mga

mahahalagang bagay sa kasaysayan na ilang beses man ulitin sapaaralan, ay hindi pa

rin mauunawaan at maisasabuhay kung hindi totoong kikilalaninang mga nagawa ng

isang bayani sa isang buhay nyang ibinahagi para lamang sa Pilipinas. Ang pagkabuhay

nito muli sa’akin ang syang naging importanysya ng dokyumentaryo at sa tingin

ko’y nitong buong semestro na akin pang haharapin.

You might also like