Professional Documents
Culture Documents
Jose Rizal
Si Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda (Hunyo 19, 1861–Disyembre 30, 1896) ay ang
pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa
nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si José Rizal sa Calamba, Laguna. Sina
Saturnina,Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang
kanyang mga kapatid.Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada
noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya
sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang
nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila.Ang Ateneo Municipal de
Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872. Ayon sa
isang salin ng Noli me tangere ni Guzman atbp., sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya
ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito
niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas
na karangalan.Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan ng
Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka.Pagkaraan, kinuha niya ang
kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (SantoTomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina
ay tinubuan ng katarata. Noong Mayo 5, 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at
mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya.
Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang
karerang Medisina, bilang "sobresaliente"(napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo
sa Pilosopiya-at-Titik.Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata
saisang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang
isang titulo.Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles,bilang
karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na
nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman,Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin,
Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog,at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.
MAGULANG NI RIZAL
May palayaw na Pepe, siya ay ang ika-pito sa labing-isang anak nina Francisco Engracio Rizal Mercado y
Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos.Si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro
na kaniyang ang ama, ay kabilang sa ika-apat na henerasyong apo ni Domingo Lam-co, isang Tsinong
mangangalakal na naglayag sa Pilipinas mula sa Jinjiang, Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-labimpitong
siglo[2]. Si Lamco ay nakapag-asawa ng isang Pilipina sa katauhan ni Inez de la Rosa at upang makaiwas
sa hostilidad ng mga Espanyol para sa mga Intsik ay pinalitan niya ang kaniyang apelyido ng "Mercado"
(pangangalakal).Ang pangalan namang Rizal ay nagmula sa salitang "Ricial" o kabukiran na ginamit
lamang ni Francisco (dahil siya ay isang magsasaka) alinsunod sa kautusan ni Gobernador Narciso
Calaveria noong 1849 na magpalit ng mga apelyido ang mga Pilipino. Kalaunan ay ginamit na rin ni
Francisco ang Rizal Mercado upang makaiwas sa kalituhan mula sa kaniyang kasamang
mangangalakal.Ang ina naman niyang si Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos, ay anak nina
Lorenzo Alonzo (isang kapitan ng munisipyo ng Biñan, Laguna, kinatawan ng Laguna sa Kortes ng
Espanya, agrimensor, at kasapi ng isang samahan ng mga Katoliko) at ni Brijida de Quintos(na mula sa
isang prominenteng pamilya). Ang kanilang apelyido ay pinalitan ng Realonda noong 1849.
KABATAAN NI RIZAL
Ipinanganak sa Calamba, Laguna si Pepe ay mula sa pamilyang masasabi ring nakaaangat sa buhay dahil
sa kanilang hacienda at lupang sakahan. Si Paciano at si Pepe lamang ang mga anak na lalaki sa kanilang
labing-isang magkakapatid. Ang kaniyang mga kapatid na babae ay sina Saturnina, Narcisa, Olympia,
Lucia, Maria, Josefa, Concepcion, Trinidad at Soledad.Ang pagkahilig sa sining ay ipinamalas niya sa
murang edad. Natutunan niya ang alpabeto sa edad na tatlo at limang taong gulang naman nang siya ay
mututong bumasa at sumulat.Napahanga niya ang kaniyang mga kamag-anak sa angking pagguhit at
paglilok. Walong taong gulang siya nang kanyang isinulat ang tulang "Sa Aking Mga Kababata," na ang
paksa ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika (na noon ay Tagalog)[3]
EDUKASYON NI RIZAL
Ang kaniyang ina ang unang guro ng ating pambansang bayani. Ito ang nagturo sa kaniya ng alpabeto,
kagandahang asal, at mga kuwento ("Minsan ay may Isang Gamo-gamo").Samantala, ang kanyang
pormal na edukasyon ay unang ibinigay ni Justiniano Aquino Cruz sa Biñan, Laguna.Noong Hunyo 10,
1872 si Rizal ay pumunta ng Maynila para mag-aral sa Ateneo Municipal de Manila. Muntikan na siyang
hindi marehistro dahil hindi siya pinayagan ng tiga-rehistro na si Fr. Magin Ferrando dahil siya ay huli na
sa pasukan ngunit tinulungan siya ng pamangkin ni Fr. Burgos na si Manuel Xeres Burgos at siya ay
narehistro din. Siya ay nakatira sa labas ng eskwelahan ang kanyang kasera ay si Donya Titay. Sa
eskwelahan ng Ateneo ay ginugrupo ang mga mag-aaral ng dalwang parte ang Roman Empire (inside
border)at Carthaginian Empire(outside border), siya ay sakup sa Carthaginian dahil sa labas siya ng
eskwelahan nakatira. Sa isang grupo ay may mga opisyal Emperor(best
student),Tribune,Decurion,Centurion at Standard. Ang una niyang magtutudlo ay si Jose Bech ,naging
Emperor si Rizal dahil siya ay nanalo sa isang timpalak at nakakuha siya ng isang religious picture para sa
kanyang gantimpala. Nag-aral din siya sa Kolehiyo ng Santa Isabel para pagbutihin ang kanyang Wikang
Kastila.
MGA AKDA
Si Rizal ay nakilala sa dalawang nobelang kaniyang isinulat, ang Noli me tangere (Huwag Mo Akong
Salingin) na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886), sa tulong ni Dr. Maximo Viola. At nilathala ang El
Filibusterismo (Mga Pagbalakid o Pangungulimbat) sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Dr.
Maximo Viola ng 300 piso sa pagpapalimbag. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna
sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay
halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging
daan upang magising ang pagkakaisang-diwa at katauhan ng mga Pilipino, na nauwi sa Rebolusyon ng
1896.Noong siya'y walong taong gulang pa, naisulat niya ang tulang Sa aking mga Kabata na naging Sa
Aking mga Kababata. Tumutukoy ang tulang ito sa pagmamahal sa bayan dahil bata pa lang siya ay
nakitaan na siya ng pagiging nasyonalismo. Nang malapit na siyang bitayin, sinulat niya Mi Ultimo Adios
(Huling Pamamaalam). Kabilang sa iba niyang naisulat ay ang Awit ni Maria Clara, Pinatutula Ako, Ang
Ligpit Kong Tahanan atbp.Dagdag dito, si Rizal din ang masugid na taga-ambag ng mga sulatin sa La
Solidaridad, isang pahayagang inilunsad ng mga Pilipinong repormista sa Espanya. Sumulat siya sa ilalim
ng pangalang Dimasalang at Laong-laan, habang lumagda naman si Marcelo Del Pilar bilang Plaridel.
“Lagi na, si Rizal ay tinatalakay bilang isang lalaking may malalim na pag-ibig sa bayan,subalit tulad din
naman ng isang pangkaraniwang nilalang siya rin naman ay marunonghumanga at magmahal sa mga
anak ni Eba.”
JULIA (Abril, 1877; Los Baños, Laguna):Dalagitang taga-Los Baños, Laguna na nakilala ni Rizal sa
dalampasigan ng Ilog Dampalit noong sya ay 16 na taong gulang pa lamang at ito ang babae na una
niyang napagtuunan ng paghanga.SEGUNDA KATIGBAK (Disyembre, 1877; Troso, Maynila):Dalagitang
taga-Lipa, Batangas na nakilala ni Rizal sa Troso, Maynila na sinasabing unang niyang pag-ibig.BB. L.
(Pakil, Laguna):Dalagang naninirahan sa Pakil, Laguna pinaniniwalaang ang gurong si Jacinta Ibardo Laza
nanakatira sa bahay ni Nicolas Regalado na kaibigan ni Rizal. Sa dalagang ito pilit ibinabaling niRizal ang
kanyang atensyon para pawiin ang pangungulila kay Segunda.LEONOR RIVERA:Pinsan ni Rizal na
binansagang “La Cuestion del Oriente” ng matalik na kaibigan ni Rizal na si Jose Ma. Cecilio. Ito ang
pangalawang Leonor sa buhay ni Rizal at ang dalagang sinasabing nais pakasalan ni Rizal at tanging babae
sa kanyang buhay na tunay niyang minahal ng kakaiba sa iba pang babaing kanyang inibig.CONSUELO
ORTIGA Y PEREZ (Madrid):Isang babaeng Kastila na taga-Madrid na nakatagpo ni Rizal at pinaghandugan
nito ng tula.O-SEI-SAN (USUI-SEIKO) (Hapon):Isang Haponesa na nakatagpo ni Rizal sa bansang Hapon,
nang sya ay maanyayahan na magingkasapi ng pasuguan ng Kastila sa bansang iyon. Siya ay
pinaniniwalaang isa sa tatlong babainglabis na minahal ni Rizal, na nagparanas sa kanya ng
pinakaromantikong bahagi ng kanyang buhay.GERTRUDE BECKETT (Disyembre, 1888; Chalcott Crescent,
London):Dalagang taga-London na nagkaroon ng lihim na kaugnayan kay Rizal.NELLY BOUSTED (Hulyo,
1889; Paris):Sinasabing ang babaing may karakter na pinakamalapit sa karakter ni Rizal sa lahat
ngbabaing nagkaroon ng kaugnayan sa kanya. Ito ang babaing may lahing Anglo-Pilipino naminamahal
din ni Antonio Luna.JOSEPHINE BRACKEN (Dapitan):Ang babainglahing Irish namula sa Hongkong na
nagpunta ng Dapitan upang ipagamot ang mata ng kanyang ama-amahan. Siya ay inangking asawa ni
Rizal kahit walang pahintulot ng simbahan dahil na rin sa pagtanggi ng Obispo ng Cebu na sila ay
makasal. Ito ay tinawagniyang “dulce estranghera” sa kanyang hinabing tula ng pamamaalam.Sa buhay
ng pagka-bayani ni Rizal ay may dalawang babae na kapwa nagkaroon ng mahalagang bahagi, ito ay ang
kanyang ina at si Josephine Bracken. Si Donya Teodora Alonzo ay isang mapagmahal at mapag-kalingang
ina, na nagpakita ng mga katangian ng isang huwarang inang Pilipino. Isang parokyano ng Kristiyanismo,
para sa kanya ay isang pagtalikod o kasalanan sa paniniwala ang pag-aaral ng siyensya at pag-ibig kay
Josephine Bracken.
Elias - bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga
suliranin nito.
Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago - mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria
Clara.
Padre Damaso - isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal
na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria Clara.
Padre Salvi o Bernardo Salvi- kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay
Maria Clara.
Maria Clara - mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang
ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.
Sisa - Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.
Basilio at Crispin - magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San
Diego.
Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal na Hari ng Italya ng
San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal)
Donya Victorina de de Espadaña - babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang
kolorete sa mukha at maling pangangastila.
Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.
Don Tiburcio de Espadaña - isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng
magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para
mapangasawa ni Maria Clara.
Lucas - kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.
Tiya Isabel - hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia Alba - masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.
Inday, Sinang, Victoria, at Andeng - mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
Don Rafael Ibarra - ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung
kaya nataguriang erehen
Kapitan Basilio - ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin; ama ni
Sinang
Tinyente Guevarra - isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng
tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
Kapitana Maria - tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
Isinulat ni Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere upang maging isang mabisang paraan sa
paghihimagsik laban sa mga mananakop na Kastila.Nagkaroon ng inspirasyon ang 24 anyos na si Rizal na
isulat ang kaniyang unang nobela nang mabasa niya ang mga aklat na The Wandering Jew, Uncle Tom’s
Cabin, at ang Bibliya.raffic. We also share information about your use of our site with our social media,
advertising and analytics partners. Ang mga aklat na ito ang nagbigay ng lakas ng loob at ideya kay Rizal
na ipagtanggol ang mga Pilipinong labis na nakararamdam ng pang-aalipusta sa mga mananakop.Upang
labis na maging makatotohanan ang kaniyang nobela ay ninais niyang maisulat ang ilang kabanata nito
ng mga kapuwa Pilipino na nakaranas ng labis na kalupitan mula sa mga dayuhan.Ngunit hindi niya ito
naisakatuparan kaya naman siya na lamang ang nagsulat nito. Isinulat niya ang mga unang bahagi ng
aklat noong 1884 sa Madrid at natapos ang ibang bahagi sa Paris noong 1885. Naisakatuparan naman ni
Rizal ang nobela at tuluyang natapos noong 1887 sa Alemanya.Nang matapos ang nobela, ang pondo
naman sa paglilimbag ang naging suliranin ni Rizal. Pinahiram siya ng salapi ng kaniyang kaibigang si
Maximo Viola.Nang lumaganap sa bansa ang 2,000 kopya ng nobela, nakarating din ito sa mga Espanyol
na labis na nagalit sa mga isinulat ni Rizal.